Chapter 16 Nagising ako. I am thankful to God for that and I saw the ceiling of a familiar room. This just mean I am now lying in my room here in the mansion. Hinihingal akong napabangon. Alam kong hindi isang bangungot at panaginip, kun'di nangyayari talaga iyon kahapon kung hindi ako nagkakamali. Masakit pa rin itong aking tiyan at napagtanto kong sinuntok ako ni Jeric. Ito ang naging dahilan kung bakit ako nahimatay. Kung may tao man akong gustong sampalin sa mukha, iyon ay si Jeric, Wrum at ang sarili ko. Kung pinasama pa sana ako ni Wrum sa hospital para dalawin si Wim, malamang hindi iyon mangyayari, kung hindi rin sana ako curious na bumaba doon sa underground floor, hindi mangyayari ang lahat. Kung tutuusin, kasalanan ko ang lahat. Maybe yes, maybe that is not my fault at all

