bc

Fated to be with you

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
tragedy
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa takot na mawala ang pagkakaibigan Ng dalawa ay mas pinili nilang ilihim ang nararamdaman Ng isa't- Isa.Is it too late when you find out that you love your friend when he is gone?

This story is about a person who is separated from his beloved, because of a sudden tragedy.

chap-preview
Free preview
The way you treated me
True love waits para sa taong minamahal. pero paano Kaya Kung malaman mo na wala na ang taong iyong inaasam- asam. hahangarin mo pa Kaya ang maghintay?. o pagsisisihan mo nalang dahil mas pinairal mo ang sasabihin Ng mga Tao kaysa sa sinasabi Ng puso mo. minsan sa buhay natin May mga taong dumarating na hindi natin inaasahan taong magbibigay ng saya at sa oras ng kalungkutan May matatakbuhan ka...Yong taong magpapatibo...... what I mean is magpapasakit ng ulo mo at magpapakulo ng dugo mo argh! what the!.sobrang nakakainis sya! alam kong gwapo sya pero hindi ako magkakagusto sa kanya noh!. by the way di pa ako nagpapakilala I'm Brianna Trixie Flores pero mas gusto kong tawagin ako sa pangalang trixie 17 years old at nag- aaral kasalukuyang senior high school student sa isang unibersidad. pangarap ko Lang Naman ang maging isang writer dahil doon ako Masaya. At ngayon nag lalaro ang aking isip kong paanu ko sisimulan ang gagawin kong story nang nagulat ako ng biglang May bumulong sa aking tenga kaya ako napasigaw...At sabay hampas!. " ano bah!". " imagination na naman". di ko alintana na nagtitinginan na samin Yong mga studyante saming dalawa. nakakahiya bawal kasi maingay sa library kaya naisip kong magmadaling iligpit ang aking mga gamit at lumabas na sa library habang nakayuko sabay sumunod naman si gago!. nasa labas na kami ng pinagsisigawan ko sya syempre nagalit ako dahil sa ginawa nya. " nakakainis ka talaga! ikaw! sumusubra kana! kahapon kapa !". " kasalanan ko ba na nerbyosa ka!". sagot Nya sakin. halos magsigawan Kami sa labas nasa likod Kami Ng library Kaya okay Lang Naman. pero tong lalaki na to walang konsensya Ka bwesssiiit. " aba! at sumasagot ka pa talaga!.May kasalanan kapa sakin at ngayon dadagdagan mo na naman". " anong kasalanan ba yon parang di ko matandaan he-he-he". " pa inosente kapa!. iwan!." " sandali lang iisipin ko hmmm" amber 's Pov nakakagigil talaga!.itsura palang at Yong attitude nya. " iwan! makaalis na nga!". di ko natuloy ang pag walk out ko dahil hinawakan nya ang kamay ko.kaya napa harap ako sa kanya at sabay na binitawan ang kamay nya sa pagkakahawak sakin. "sandali lang tika lang nagpunta kaba sa ?." pagtataka ng tanong nya sabay Naka cross arm pa. tingin Ng malalim sakin. problema nito?. tapos Di pa nakontento, inilapit pa nya nag mukha nya sakin. tinaasan ko lang sya ng kilay at nag-aabang ako sa kanyang apology pero di ko inaasahan na tatawa sya ng malakas. " ha! ha! ha! ha!". yong pagtawa nyang nakahawak pa sya sa tyan nya. " anong tinatawa-tawa mo dyan?. baliw kaba?". " sorry...pero di ko alam na pupunta ka pala sa park di ko alam na seseryosohin mo Yong ganung biro sayo". Amber's pov syempre nanggigil ako sa kanya kaya nasuntok ko sya ng malakas at iniwan na nakahandusay. hindi ko na sya inintindi at nagtungo nalang sa classroom namin ilang minuto pa ang dumaan nagaantay ako sa gagong lalaki na yon. nasa kalagitnaan na kami ng klase namin pero wala parin sya. medyo naglalaro na ang isip ko kung nasaan na sya gusto ko sanang lumabas ng classroom namin at mag excuse ang kaso nahihiya lang ako. pinipilit kong baliwalain sya pero hirap talaga akong hindi ko sya isipin. " saan na kaya sya". di ko namalayan na napalakas pala ang pagbigkas ko kaya narinig ng bestfriend ko na katabi ko sa upuan at napatanong rin sya. " huh?!. sino? May sinasabi ka?". " ahh wala...wala lang ".sagot ko naman sa kanya. " akala ko kasi May sinasabi ka sakin.". pansin ko rin na palingon- lingon sya at May hinahanap. " tika lang bakit parang wala yata si third?". nabigla ako sa sinabi nyang yon at ibinaling ko nalang ang aking atensyon kay teacher at binaliwala sya. pero sa totoo lang iniisip ko kung napalakas ba Yong suntok ko sa kanya para hindi agad sya makabalik?. naglakas narin ako ng loob at bigla akong tumayo sa aking upuan at nagpaalam sa teacher namin na agad namang pumayag tumakbo ako para hanapin ang lokong yon una kong pinuntahan ay sa likod lang ng library kung saan ko sya nasuntok pero wala na sya dun at di ko na nadatnan kaya naisipan ko rin na baka nasa clinic na sya kaya agad akong nagtungo dun. hingal na hingal akong nakarating sa clinic at hindi ako nagkakamali May nakahiga sa kama at agad ko itong binuksan ang kurtina. pero nagkamali ako dahil hindi pala si third ang nandoon kundi ibang bata lang pala. agad Naman akong lumabas at halos mabaliw na sa kahahanap sa lalaking yon dahil sa sobrang Pagud nagpahinga muna ako sa bench. gusto ko man syang tawagin pero nakalimutan ko ang gamit ko kailangan ko na ring bumalik sa klase dahil ang paalam ko lang sa teacher ko ay iihi lang ako. hinang- Hina na ako pero kailangan ko nang makabalik sa klase at nung papatayo na ako saktong nakita ko si third na nasa likod ko lang at nakikipag harutan pa sa ibang girl. ramdam ko ang pag- iinit ng aking ulo at maging selos ay ramdam ko at inaamin ko yon kaya nagawa ko silang batuhin ng upuan at nagulat naman sila nagkatinginan kami ni third at binigyan ko sya ng matalim na tingin at sabay ko silang iniwan rinig ko rin na nagalit rin yong girl . nagmumura ako dahil sa galit habang naglalakad ng di ko namalayan na sumunod rin pala sya sakin at humihingi ng tawad. " mali Yong nakita mo Amber" " anong mali?. di ako bulag at di ako tanga para sabihin mong mali Yong nakita ko!. nakikipagharutan ka sa mga babae" " anung nakikipag harutan? nagkwentuhan lang kami ganun lang ginawa namin". " mag explain ka sa dahon !". " amber ano ba". isang buong araw rin syang nangulit sakin na patawarin ko sya pero hindi ko pa sya pinapatawad buong araw rin nya akong sinusuyo kahit May lesson si ma'am hanggang sa nag- uwian na kami. sumapit na ang hapon at palubog na ang araw di parin napagud si third sa kasusuyo sakin pa hard to get pa talaga ako at tinatarayan ko lamang sya. " nagseselos ka kaya galit na galit ka sakin". bigla akong natigilan dun. nasa likuran ko lang si third at lumingon sa kanya pansin ko na Pagud na Pagud na sya at haggard na unti unti akong lumapit sa kanya at binigyan ng ngiti. " ayan humarap ka rin sakin sa wakas, papatawarin mo na ako diba?". " luh! asa ka!". " aray, aaray ang sakit!". napasigaw sya sa sakit dahil pinihit ko ang kanyang tenga. ganun ako ka maldita sa kanya sa totoo lang lagi ko syang nasasaktan sa tuwing naiinis ako sa kanya pero hindi sya lumalaban o gumaganti sya Yong tipong tao na madaling pakisamahan, friendly at masayahin childhood friend ko sya simula nung nasa elementarya pa kami pero bago ko sya naging kaibigan naging kaaway ko muna sya 8 years ago nung elementary dahil nadatnan ko syang nilagyan nya ng mga bato ang bag ko kaya nagalit ako sa kanya hindi pa natapos at nasundan na naman yon. nakita ko rin syang May hawak na mahabang stick ni ma'am at naka point sa suot kong palda na saktong nakataas na at nakikita na Yong panty ko nun hiyang hiya ako dahil marami ang nakatingin na kasing edad lang namin at namula ako sa galit sa kanya nag explain sya sakin pero hindi ko sya pinapakinggan kaya nabugbog ko sya. hanggang sa dumating ang araw na kailangan na naming lumipat ng lugar, nasa country side na kami maganda at tahimik ang lugar maging ang mga tanawin ay maganda rin medyo May kalayuan ngalang Yong school ko naging panatag na ako dahil hindi ko na sya makikita pa at lilipat ako ng bagong school pero di ko inaasahan na magkikita pa kami at magiging magkapitbahay pa. di ko rin alam na mag bestfriends pala mga magulang namin.actually kasama lang nya ang mama nya at wala syang papa di ko mapigilan na di kami magkita dahil lagi akong sinasama ng mama ko patungo sa bahay nila. kung minSan dun na kami kumakain at lagi akong napapagalitan ng mommy ko dahil lagi kong sinasamaan si third ng tingin at inaaway. gusto ng mommy ko na makipag kaibigan sa kanya pero ang tingin ko talaga sa kanya nun m******s hanggang sa dumating ang panahon na ikinagulat ko. kagagaling lang namin ni third sa school at sabay pa kami.nasa unahan nya ako at hindi ko sya pinapansin pero sya naman panay ang pagpapapansin sakin, nagmadali na ako sa paglalakad para lamang hindi nya ako masabayan. lumingon ako sa kanya ng malaman kong hindi na sya nakasunod sakin nagtaka rin ako ng makita ko syang May tinitingnan sa mga damuhan at kinuha nya yon na curious rin ako kaya imbes na iwanan sya nilapitan ko pa sya para malaman kung ano yong kinuha nya para kasing tuwang-tuwa sya habang papalapit ako sa kanya nakita kong tinikom nya ang mga palad nya para hindi makatakas Yong kung ano man ang hinuli nya. " a- ano yan?"( pagtatakang tanong ko sa kanya). " ahh ito gagamba lang sya ang cute ng itsura nya"( sabay ngiti sakin.) " a- ano ba yong gagamba?". "di mo alam yon?. ito makikita mo na sya masdan mong mabuti huh". " o sige".( excited akong malaman kung ano ang itsura ng gagamba kaya nilapit ko pa ang mukha ko para makita lang kung ano ang hawak hawak nyang yon. dahan dahan nyang binuksan ang palad nya at nandiri ako sa nakita ko yong itsura ng gagamba tapos biglang tumalon pa papunta sakin kaya napasigaw ako ng malakas at napatalon tumakbo na rin ako. di ko rin alam kung saan na ako pupunta basta nagpapanic na ako sa kalagitnaan ng aking pagpanic di ko na rin alam na napunta na ako sa masukal na kagubatan at hindi ko pa familiar ang lugar dahil bagong lipat palang kami mas lalong umiyak ako dahil wala akong kasama at magtatakip- silim na. nakaupo ako habang umiiyak na sa sobrang takot nagulat rin ako ng May tumapik saking balikat at sa aking paglingon si third lang pala na hingal na hingal rin at pawis na pawis. " di ko alam na sobrang bilis mo pala di kita mahabol". " i- ikaw kasi ka- kasalanan mo kaya napatakbo ako". " sorry di ko kasi alam na matatakutin ka pala sa mga gaanon hayaan mo hindi na mauulit." " hindi parin tayo bati". pagsusulapda ko sa kanya " umuwi na tayo magdidilim na." " hindi parin tayo bati". " uwi na tayo okay lang kung di tayo magkabati basta umuwi na tayo." " ayokong kasabay ka naiinis parin ako". " o sige mauuna na ako sayo basta sumunod ka huh". nauna na syang lumakad pero magsisimula palang ako ng hakbang ng biglang umatake ang sakit ko sa tuhod kaya nahirapan akong makalakad napaupo ulit ako sa nakatumbang Puno at dinadamdam ang sakit. napansin rin nya ako agad at binalikan nya ako. " anong ginagawa mo? alis na tayo". tanong nya sakin pagkalapit nya. " ma- masakit Yong tuhod ko di ako makalakad". " May sugat ka?". " hindi...basta wag nang masyadong tanong umalis ka nalang at iwan mo na ako." nakatayo lang sya sa harapan ko at biglang upo na nakatalikod sakin nainis ako lalo sa kanya dahil ginaya pa nya ako. " ano ba kasi ang ginagawa mo!. gusto mo talaga na mainis ako sayo ". natigilan ako ng tinuturo nya ang likod nya. " sakay ka sa likod ko" ( sabay ngiti) wala akong choice kundi ang mag backride di rin ako makalakad at wala kaming cellphone na dala para makontak mga magulang namin at lalong lalo na takot akong iwan na mag isa habang nasa daan kami nakonsensya ako sa kanya kaya kinausap ko na rin sya. " hindi ka ba napapagod?". "hindi...ganito rin kasi ginagawa sakin ni mama kapag tinatamad na akong maglakad at isa pa masaya kapag nakasakay sa likuran". " so tinutukoy mo na tinatamad na ako maglakad ganun ba?. " " parang oo" " ibaba mo nalang kaya ako" " biro lang he-he-he alam ko naman na masakit Yong Paa mo " "tuhod po excuse me". pagtatama ko sa Kanya. " hindi ka ba napapagod magtaray?. kasi para sakin bibigat lang Yong pakiramdam mo kapag lagi kang May galit sabi rin sakin ni mama masama ang magalit sa kapwa." medyo natigilan ako nun at May puntos sya. " ba- bat ikaw hindi ka ba napapagod na humingi ng tawad?.panay ang hingi mo sakin ng tawad pero hindi kita pinapansin para sakin nagiging masaya ako kapag tinatarayan kita." " ah talaga ako kasi ayoko ng tao na May galit sakin gusto ko lahat kaibigan ko kahit pa na wala akong kasalanan sayo humihingi parin ako ng tawad para maging kaibigan kita. una Yong sa bag mo nakita kong nilalagyan ng mga classmates natin ng bato ang bag mo kaya naisipan kong tanggalin ang mga iyon na nagkataong ako ang nakita mo kaya ako ang nasisi tapos nasundan ulit napagtripan ka ng mga bully nating kaklase ng di mo namamalayan pinigilan ko sila dahil sa masama nilang ginagawa pero sa huli ako ang naging masama sa mga paningin mo. pero hindi nag iba ang pagtingin ko sayo gusto parin kitang maging kaibigan. nagpababa na ako sa kanya dahil malapit na ang bahay namin tahimik lang ako at walang reaksyon samantalang sya nakangiti pa habang ako'y paika- ikang lumalakad papasok ng bahay pero Yong mga ngiti nyang yon ang nagpagaan sakin . nakarating ako ng bahay at pinahilot ko agad ang aking tuhod si papa lang kasi ang May alam kung panu hilutin ang tuhod ko. naisip ko rin na makipag kaibigan na sa kanya dahil mabait naman sya at dun na nagsimula ang pagkakaibigan naming dalawa sa ngayon nandito kami sa park kung saan lagi kaming naglalaro simula bata pa katabi lang kasi nito ang dating school namin sa totoo lang lagi kaming magka- klase same school, same grade at walang Lamangan pati rin favorite foods lalo na sa birthday pareho rin naisip rin naming dalawa na baka magkambal kami at pinaglayo kami ng tadhana pero para kaming tanga ng tinanong namin sa mga magulang namin kung magkapatid kami nabigyan tuloy kami ng malalakas na tawa na walang tigil tapos lagi lang nilang sinasabi na hindi kayo pinaglayo ng tadhana kundi tinadhana. "hayy naisip ko tuloy kung magiging kami ahy asa pa ayoko nga" (di ko namalayan na nasa likod ko na pala sya kababalik lang dahil bumili ng ice cream ) " anong sinasabi mo?".( sabay abot sakin ng ice cream) " wala...!".( sabay taray) " ito na naman tayo...oh ito ice cream". " ano yan peace offering? akala mo ba madadala mo ako dyan". " ayaw mo?. o sige sakin nalang toh.". " ahh ahh akin nah!!!". kaagad ko Namang inagaw Ito sa kanya " akala ko kasi ayaw mo eh". " anong flavor ba to?". " strawberry yan". " strawberry?!. bibili bili ka alam mo naman na hindi ko gusto ang lasa ng strawberry!". " relax vanilla yan kaw naman di ka mabiro ".( sabay upo sa swing sa tabi ko lang) alam mo masyado kang highblood bata ka palang napuputukan Kana ng ugat nyan". " kung magbiro ka akala mo okay na tayo!. akala mo ba mapapatawad kita sa pag injan mo sakin !". " May nilakad lang ako kahapon kaya hindi ako nakapunta dito para magkita tayo dami ko kasing inasikaso". " so bakit Moko pinaghintay ng matagal? May Messenger naman diba para pwede ka mag chat sakin!". " he-he-he naiwan ko kasi yong cellphone ko kaya sorry na,sorry na please..." " pinapatawad na kita pero...Yong babae na ba yon ang sinasabi mong gusto mong ligawan?" " huh?! sino? ahh Yong kanina Yong pinagselosan mo". " anong selos?!. tigil ka nga!.kapal mo din noh, pero ang totoo sya na ba yon?." pansin kong natigilan sya at nagkatitigan lang kami nahinto lang nang inubo sya.(kaya lumayo ng kunti.) " Asus...sayang pala magkakaroon ka na sana ng girlfriend ang kaso sinira ko ( pabirong sabi ko sa kanya na May halong pagseselos)" " ang totoo hindi sya yon....yong babaeng gusto ko May mata sya kaso di makakita". " huh? bulag sya?." " o sige magbugtungan tayo. try to answer my riddle kapag nasagutan mo ang bugtong ko sasabihin ko sayo pero kapag hindi mo agad nasagutan bago maubos ang ice cream ko it's over". " ang daya siguradong matatalo ako kasi uubusin mo agad yan. hmmm o sige payag ako pero anong kondisyon kong masagot ko?". " hmmm syempre ililibre kita kahit saan " " wow huh mapera sya oh hanggang ice cream lang naman libre mo sakin kaya panu mo ko malilibre kahit saan?." " wag nalang dami mong reklamo" " ahahaha biro lang o sige game na pwede bang May clue?" " kaya nga na tinawag na bugtong tapos hihingi kapa ng clue dyan." " alam ko na kung sino sya". " sino?." " si maya! tama si maya ang gusto mo!. tama ako tama diba?. pansin ko kasing iba ang titig mo sa kanya. naku libre mo na ako". " mali!". " anong mali?". " hindi sya Yong tinutukoy ko" " sinungaling takot kalang yata manglibre" " sabing mali nga " " bakit mali?. eh kung mali bakit ang lagkit ng tingin mo sa kanya huh!". " anong malagkit!. kaya lang naman ako nakatitig dun dahil May deal kami ng mga classmates natin kailangan ko syang titigan ng mabuti at basahin ang ugali nya at isa pa di ako magkakagusto dun napakalayo nya para sa isang babae na gusto ko". " eh sino?". " hulaan mo" " babae ba sya?". " malamang" " baka si Anika Yong gusto mo". " hindi rin". "baka ako".( bigla syang tumigil sa pagkain nya ng ice cream at nagkatitigan kami pero binawi ko rin ang sinabi ko)ahaha joke lang.hmm eh baka si Amira Yong sinasabi mo!." bigla syang naubo "si- si Amira?! naku! hindi ako papatol dun kalog yon eh at isa pa gusto sya ni Clyde". " huh?! si si Clyde? May gusto kay Amira?! kailan pa?!". " matagal na". " bestfriend sila diba?" " oo tulad natin". " nagkaroon pala ng gusto si Clyde kay amira. si Amira kaya May gusto rin sa kanya?. "( marahang tanong ko sa kanya nasa malayo ang tingin ko di ko naisip na May nangyayari palang ganun...para sakin mahalaga sakin si third di ko kayang malayo sa kanya pero ang totoo di ko rin maintindihan kung May gusto ba ako sa kanya o wala baka rin kasi na hanggang kaibigan lang talaga ang tingin ko kay third " ang totoo nyan amber may....may sasabihin sana akong importante sayo". binaliwala ko ang sasabihin sana ni third kaya naisip kong ibahin ang topic, di ko alam kung bakit pero takot lang siguro akong malaman ang katotohanan ,takot lang siguro ako na malaman kung sino yong espesyal na babaeng nagugustuhan nya. " si Clyde ano daw ang nagustuhan nya kay Amira?. pero kung sabagay lahat ng lalaki magkakagusto sa kanya. ( nakita ko rin na game over na at alam kong talo na ako kaya binaliwala ko na ang laro namin mabilis na natunaw ang ice cream na hawak ni third). "third, natatandaan mo pa nung promise natin noon?. nung nasa elementary palang tayo.yong inaasar tayo ng mga classmates natin dahil sa sobrang close natin sinasabihan tayo young couple, mag jowa, sweet hearts kaya prinangka na kita kung gusto mo ako ". " oo nasa grade 6 pa yata tayo nun". " tanda mo pa?!. diba sinabihan kita na walang magkakagusto sating dalawa walang talo- talo dahil ayokong...." " ayaw mong magkatotoo ang sinasabi nila tungkol sating dalawa oo tanda ko pa yon tapos nag promise tayo na kung magkagusto ako sayo lalayuan mo ako at mawawala na ang pagkakaibigan natin hanggang sa magkalimutan na tayo..." " buti naman at natatandaan mo pa akala ko kasi....." " hayyyy..." tumayo sya sa swing at inunat Yong dalawa nyang kamay. " ang drama mo" sabay tap sa ulo ko at ginulo ang buhok ko. "ano bahhh!!!" ( sa inis ko tinanggal ko ang kamay nya sa ulo ko at inayos ang buhok ko). " uwi na tayo baka hanapin na nila tayo". ilang minuto ang inaabot namin pagsakay sa bus at bago pa marating namin ang bahay namin maglalakad pa kami simula highway hanggang sa bahay sa ngayon nasa likuran ako ni third at pansin ko sa kanya na tahimik sya di rin ako sanay na ganun sya kaya naisip kong mag backride sa kanya at gulat na gulat sya. " tika ano ba ang bigat.... bumababa ka kaya". medyo irritable sya sa ginagawa ko at nagpupumilit parin ako na sumakay sa likod nya. " miss ko na kasi tong likod mo". " hindi ako kalabaw para sakyan mo!". " tika sasakay ngalang ako Pagud na kasi ako eh". " hindi naman tuhod mo ang masakit kaya hindi ka dapat sumakay".( pilit nya akong binababa) " ma- Masakit Yong tuhod ko oh aray - aray ko huhuhu". nagpanggap lang ako para makasakay sa kanya. sa daan nagbibiruan kami at inaasar sya pilit kong tinatakpan ang ilong nya at inis na sya . di ko akalain na gaganti sya. bigla syang nangulangot at gusto nyang ipunas sakin syempre sa sobrang dire ko napababa nya ako sa likuran nya at napatakbo ng mabilis dahil malapit na ang bahay namin. diretso rin sya sa bahay namin. " kadiri mo sumunod kapa talaga dito para makaganti ka lang ". " o ito na". " yayks kadire tigilan mo yan" " hindi ako titigil hangga't di ako nakakaganti". naghaharutan kami ng biglang lumabas rin ng bahay ang papa ko at nadatnan kami. " naghaharutan pa talaga kayo dyan sa labas pumasok na kayo dito baka ano pa ang sabihin ng mga kapitbahay natin sa inyo". " go- good evening po tito". " oh third dito Kana kumain wala pala yong mama mo dyan sa inyo". " po?! bakit po? saan po sya nagpunta?". " kaaalis lang nya kanina at nagbilin sya na dito ka muna sa bahay dahil May lalakarin daw syang importante. pasok na kayo". " hindi po ba sya nagbilin kung saan sya pupunta?". " parang walang sinabi".saad ng aking ama nasa hapag kainan na kami tahimik kaming kumakain di ko namalayan na naubos ko na pala ang ulam ko at saktong May iisa na lang na natitira kaagad iniabot ko na ang aking gamit na tinidor para kunin na ang nag- iisang ulam ng biglang...mabilis rin na tinisok ni third ang ulam gamit ang kanyang tinidor. nag aagawan kami sa iisang ulam at binigyan ko sya ng masamang tingin para bitawan nya pero mukhang gusto rin nya ang ulam at sinamaan rin nya ako ng tingin. " bitaw". " ikaw ang bumitaw" " ako ang nauna" " mas ako ang nauna". sabay irap sakin ni third at nag smirk pa. inunahan ko na sya sa meat balls pero nakaabang parin yong tinidor nya kaya kung saang direksyon na napupunta ang meat balls sa inis ko nagawa kong tadyakan ang Paa nya kaya napa aray sya sa sakit at nabitawan narin.nagawa kong agawin ang ulam sa kanya isusubo ko na sana ng biglang hinugot nya ang kamay ko ng mabilis at nagawa pa nyang agawin sakin pero lumaban ako sa kanya at nagpapaunahan na kami .na parang nagbubunuang braso na kami. wala kaming ibang inisip kundi Yong atensiyon namin nasa ulam lang at wala kaming pakialam kay mama at papa. at pansin kong umalis saking tabi si mama. " alam nyo hindi dapat kayo ganyan sa harap ng hapag kainan". at dahan-dahang kinuha ni papa ang meat balls sa king tinidor at kinain nya.dalawa kaming nakatingin kay papa at sinamaan namin sya ng tingin. gusto kong magsalita sa sobrang galit ko. " hon! damihan mo huh". sigaw ni papa dahil nasa kusina na si mama. " oo na mabilis lang to". binigyan ko ng masamang tingin si papa at nagtaka pa sya. " oh anung?. tingin yan?". " papa!!!". " nag aaway na kasi kayo kaya para fair ako nalang kumain magluluto pa naman mama mo. kayong kabataan talaga masyado nyong pinapalala ang sitwasyon.". ilang minuto na rin ang lumipas matapos kaming kumain biglang sumakit ang aking tuhod kaya nagpahilot ako saking ama. " ano ba kasi ang ginawa mo ngayon at sumakit na naman yan". " dahil po dyan sa lalaking yan!." sabay irap kay third na Takang taka naman " ako?!. bakit ako?". sumakit nga likod ko dahil pinasan pa kita sa likod ko!. Akala mo Naman magaan, dambuhala Naman". " Anong Sabi mo?!". pero sa totoo lang normal na samin ang ganito na laging nagbabangayan. kapatid na ang turing ko kay third at parang anak na rin ang turing nila papa kay third kung minsan nagseselos ako kay third dahil mas priority nila si third dahil pag birthday kung ano meron ako ganun rin sa kanya pero sabagay pareho lang talaga kami ng birthday kaya dapat e consider ko na yon. kung minsan pag wala si tita Lia samin na rin sya natutulog at nasa iisang kwarto lang kami nakasanayan na rin namin simula nung maliit palang kami at walang malisya samin yon. sa ngayon nasa kwarto na ako nag aaral matapos kung magpahilot kay papa.habang nag se- cellphone biglang pumasok si third sa kwarto na May dalang isang basong gatas na tig isa kami. " akala ko ba mag aaral ka". " nag aaral nga ako nag search lang ako kasi hindi ko maintindihan, ikaw nga dyan di pa gumagawa ng assignment". " tapos na". sabay higa sa kama. " sinungaling. hindi kita nakita na gumawa ng assignment". " kanina ko pa ginawa nasa school palang tayo hindi naman mahirap sagutin kaya nasa school palang tayo ginawa ko na." pansin kong malayo ang iniisip ni third at parang malungkot sya ngayon. di ko alam kung ano na naman ang iniisip nya siguro baka dahil sa mama nya. " ahm ka chat ko pala si tita kanina, sabi nya baka next week pa ang uwi nya". " ganun naman sya lagi.laging ganyan ang reason nya. ( sabay talikod sakin at inayos ang higa nya". " bakit ka ganyan mag isip? alam naman nating laging busy si tita". di pa ako tapos magsalita tumayo na agad sya sa higaan at nagtungo sa balcony ng kwarto ko. dinedma ko muna sya at hindi sinundan at binaling ang atensyon ko sa ginagawa ko pero hindi ko napigilan kaya sumunod rin ako sa kanya para tingnan kung ano ang ginagawa nya bahagya kung sinilip sya pero wala sya dun lumabas ako at nagtungo sa balcony kaya naisip kong nasa rooftop sya kaya umakyat ako sa hagdanan nasa bubong na ako at hinanap ko pa rin sya at saktong nakita ko na nasa favorite spot namin sya nakapwesto pansin kong malayo ang iniisip nya pero hindi ako sanay na ganun ang itsura nya parang hindi bagay mas sanay kasi ako na lagi syang nakangiti at masayahin. " alam mo hindi bagay na lagi kang nakasimangot ngumiti ka naman". " May iniisip lang ako" " anong iniisip mo?." " wala". " sige na sabihin mo na sakin". " kailangan bang sabihin ko rin sayo?". " aba! oo naman kaibigan mo ako noh sabay na tayong lumaki, at nagkaisip at isa pa nangako tayo Sa isa't isa na walang sekretohan in good times in bad times i'll be by your side forevermore that's what friends are for.'. (kinanta ko na yong lagi nyang kinakanta sakin at napangiti naman sya). " kaya lang naman ako malungkot dahil Kay mommy". " kay tita?.akala ko ba sanay ka na?. at isa pa bumabawi naman sya sayo kapag nagbabakasyon sya. Kasi para sakin iba Ang reason nya. Nabanggit ko na ba sayo na kamukha ko Ang daddy ko at ayaw nang mommy ko sa kanya nakikita ng mommy ko Ang daddy ko sakin at sobra Ang galit nya dito lahat ng clues at puzzle na assemble ko na at yon nga talaga Ang dahilan from the first place laging malayo ang loob nya sakin at yon siguro Ang dahilan kaya mas gugustuhin nya ang magtrabaho ng malayo sakin. Gets mo?.in short nakikita Lang nya sakin Yong kinaiinisan nya. Kaya nga siguro ganun Kasi ayaw nya akong makita. Sana nalang di nalang nya ako binuhay pa Kung mangyayari Ang ganito" " Tumigil ka nga!. Kamukha mo mommy mo!. At Hindi mo kamukha Yong sinasabi mong daddy!. Bumaba ka na at matulog na Tayo!."( Sa inis ko sa sinabi nya nakapag walk ako at iniwan ko na sya iwan ko ba di ko napigilan Basta tumaas Lang bigla Ang Ang dugo ko at nang init ako... Sa ngayon nandito na ako sa kwarto ko nahiga at nagkumot na rin na konsensya Rin ako sa ginawa ko ilang saglit Lang bumaba na si third galing sa bubong tapos nahiga na Rin sya sa lapag nagkatinginan pa kami tapos tinalikuran ko pa sya nagsisi ako na yon Ang nasabi ko sa kanya imbes na pakalmahin o damagan sya mas pinalala ko pa Ang sitwasyon haist... " Totoo ba ang sinabi mo na kamukha ko si mommy?. Amber". Bigla akong nagulat sa tanong na agad ko Naman sinagot " Oo kamukha kayo".ba bakit?". " Wala Lang natutuwa Lang ako at least gumaan yong pakiramdam ko." Labis akong nagtaka kaya humarap ako sa kanya napansin ko Rin Ang mga kislap sa mga Mata nya na kahit madilim Ang kwarto at may unting sinag ng ilaw na galing sa bintana ng kwarto naaanig ko pa Rin Ang mga Mata nya iwan ko pero ang cute nyang tinggnan Ang sarap Lang nyang titigan. " Matulog na Tayo. " " Oo sige matulog na Tayo" " At wag mo nang isipin Ang mommy mo nagtratrabaho Lang sya para sayo kailangan nyang mag work para sayo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.0K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook