TUMANGO si Meera tanda ng pagpayag at pagpapaubaya. Kumikilos siya ng natural at naayon sa sitwasyon. Pansamantala niya munang iwinaksi sa isipan ang mga bagay na gumugulo rito. Isa siyang propesyunal na artista. Alam niya kung kailan at saan ilulugar ang sarili at kung kailan kailangang ihiwalay ang personal na isyu sa trabaho.
“What do you want to eat?” Luminga linga si Jelome sa bawat madadaanan. Kanina pa sila paikot-ikot ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring napipili.
“I don’t know,” tugon naman ng dalaga.
“Bakit hindi mo alam?” Nakalabing pag-uusisa niya.
“Hindi ko nga alam kasi hindi ko rin alam,” iritable niyang saad. Naiinis man ay sinikap pa rin ng aktres na panatilihin ang matamis niyang ngiti sabi. Nakangiti siyang nagsasalita kahit sa loob loob niya ay gusto na niyang tirisin ang katabi na ngayon ay hawak hawak ang kaniyang kamay.
“Pwede ba ‘yon?” Nakalabi niya ulit na saad.
Inikot niya ang ulo patagilid upang makita ang reaksyon ng aktres. Nanatili ang matamis niyang ngiti ngunit ramdam ni Jelome na gusto na ni Meera kumawala sa kaniya.
“Of course!” tila doon na tumaas ang tono ng boses niya.
“Shh. Relax, Meera,” paalala ng binata. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ng aktres.
Pasimple niyang hinaplos ang ibabaw ng kaniyang kamay. Muli ay hinarap niya ang aktres at nginitian.
Ganoon na lamang ang gulat niya nang unti-unting inilapit ni Jelome ang mukha sa kaniya. Walang pasabi itong humalik sa noo na tumagal lamang ng tatlong segundo.
Nanatiling nanlalaki ang dalawang mata ni Meera kahit hindi na nakalapat ang labi ng aktor. Kung hindi pa ‘ata siya inakbayan ni Jelome at inakay upang bumalik sa paglalakad ay hindi pa siya matatauhan.
“What was that for?” tanong niya nang makausad sa pagkakagulat.
“A sweet gesture for a lovely lady,” balewalang sagot niya.
Umusok ang dalawang butas ng ilong ng dalaga sa sagot niyang iyon.
He let out a soft chuckle. “Relax, Meera. Ngumiti ka naman kahit kaunti lang. Pakalat-kalat ang press, bahala ka riyan.”
Muntik na niyang makalimutan ang tungkol doon. Mabuti at napigil niya ang sarili na huwag padapuan ng palad si Jelome.
“You kissed me!”
“Sa noo lang ‘yon, Meera, huwag kang masyadong overacting. Saka ka na magreklamo ng ganiyan kung yung labi mo sa ibaba ang hinalikan ko.”
“Fvck you, Jelo! Ang bastos bastos talaga ng bunganga mo,” nakangiti niyang saad.
“Sure, sweetheart. Ngayon na ba o mamaya na lang sa sasakyan?” Pilyo niyang pagtatanong.
Pabiro siyang hinampas sa braso ng dalaga. Pasimple lang iyon at mukhang kinikilig, ngunit may katumbas na bigat ang kaniyang palad.
“Jelome!” Ang tinig niya’y may halong pagbabanta na. “Umayos ka, please lang!”
“Okay, okay, Pasensya na, sinasadya ko.”
“Next time inform mo ako kung hahalik ka. Hindi iyong bigla bigla ka nalang tumutuka. Hindi ka ba naturuan ng tamang manners sa medical school?” She breathed out softly. “Well, mukhang hindi nga. Mas better kung babalik ka sa elementary.”
“Kung magtatanong ba ako, papayag ka ba? Magpapahalik ka ba sa akin, Meera?”
“W-What?” she almost whispered. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Ang dalawang mata ay hindi makatingin ng diretso sa binata. Malikot ito at kung saan saan dumadapo.
“Eyes on me, sweetheart,” he commanded. “Good girl,” dagdag njya nang mapasunod niya ito na parang isang tuta.
“I want to kiss you. Can I kiss your lips, Meera?” he asked frankly, looking directly in her shining eyes.
Napipi ang aktres. Ilang beses na bumukas at sumara ang kaniyang labi ngunit wala namang salitang lumalabas doon.
His lips quirked up. “Nevermind,” he uttered smirking.
“Wala ka ba talagang gustong kainin o bilhin?” Muli niyang itinanong upang mabago ang usapan at mawala ang pagka-ilang na nararamdaman ni Meera.
“W-wala,” utal niyang sagot nang makabawi siya. “Tsaka teka lang ha. Bakit mo ba ako tinatanong kung anong gusto ko kainin?”
“Kasi hindi naman ako manghuhula-”
“E sa pagkakatanda ko ikaw itong nagsabi kanina na just follow my lead.”
“Sorry,” he chuckled a bit and pinch Meera’s nose.
Muli niyang ipinatong ang kamay sa balikat ng aktres. Umakbay sjya at muli itong inakay maglakad.
Sa tapat ng hotdog sandwich corner tumigil ang kanilang paa. Saglit na bumitaw si Jelome upang buksan iyon at ipaghanda si Meera.
“Which one?” he asked.
“Pardon?”
“Aling hotdog kako ang gusto mo, ‘yung kulay pula, kulay puti, o ‘yung sa akin?” Tatawa-tawa niyang tanong.
Namula ang buong mukha ni Meera. Tinawanan lamang ng aktor ang kaniyang naging reaksyon at saka ito ti-nap kaunti sa ulo.
“Kidding,” he added laughing. “I know you like chicken so you’ll surely pic the white one.”
He remembered. “I don’t,” pagsisinungaling niya.
“You don’t like chicken anymore? Dati lang suki ka ng unli wings ha. Alam ko na nga agad kung saan kita hahanapin sa tuwing hindi ka ma-contact o nawawala ka. Either nakapila ka sa Mang Inasal o sinusulit mo na ‘yung unli wings sa kanto,” nakangiti niyang salaysay.
Reminiscing their past makes him happy. Tila ang sarap balikan ng mga ala ala nilang iyon kung saan parehas pa silang masaya at in love sa isa’t isa. Mga panahon na kuntento sila sa payak at simple basta ang mahalaga ay magkasama sila, magkasama nilang hinaharap at nilalampasan ang lahat. Iyong tipong baliw na baliw sila sa isa’t isa. Sabay na nangangarap, sabay na bumubuo ng plano para sa magandang kinabukasan, at sabay na tumutupad sa mga iyon. Hanggang sa kaunting detalye tungkol sa pag iisang dibdib, o ang kanilang dream wedding.
“Dati. Sa bibig mo na rin mismo nanggaling na dati ‘yon. Okay?” Pinigil niya ang sarili na iikot ang mata.
“Ang sungit mo naman. So itong red na hotdog ang kukunin ko?” he asked sweetly.
Pinalabas niyang tila nanunuyo siya kahit sa loob looban ay parang binibiyak sa apat na piraso ang kaniyang mapagmahal na puso.
What happened to her? What happened to my sweetest, caring, and loving Meera? He can’t help but to ask and question himself. Iyong kaisipan na siya ang dahilan o nasa likod ng biglaang pagbabago ng dalaga ay nasasaktan siya. Pakiramdam niya ay bigo siya na magampanan ang tungkulin bilang nobyo, matalik na kaibigan, at kapatid ni Meera. Bigo rin siyang tuparin ang mga pangako at panindigan ang mga binitawang salita. I want my beloved Meera back, he added.
“Ayoko rin niyan,” tanggi ng aktres.
“Oh…” amusement filled his eyes. Maloko itong ngumisi sa dalaga at saka ito lumabi. “So ang ibig bang sabihin niyan ay hotdog ko ang gusto mo?” pilyo niyang bulong sa kanang tainga ni Meera.
May iilang hibla ng buhok ang nakaharang doon. Sumayaw ang mga iyon nang tumama ang kaunting hininga ni Jelome roon.
Ganoon na lamang ang gulat ng binata sa hindi inaasahang galaw na ginawa niya. Para itong napako sa kinatatayuan at muntik na rin mahulog sa sahig ang hotdog na nasa kanan niyang kamay, at ang hotdog niya sa ibabang bahagi ng katawan.
“Awe! Ang sweet naman ng babs ko,” matamis na wika ni Meera. Bigla itong humakbanh palapit sa kaniya nang walang pasabi o warning man lamang.
Masyadong malapit ang mukha nila sa isa’t-isa. Halos maduling na si Meera ngunit hindi niya iyon alintana. Hindi siya magpapatalo. Ipinanganak siyang palaban kaya’t hindi siya papayag na maungusan. Kung gusto ni Jelome ng laro, ibibigay niya.
He started this game, pero sisiguruhin ni Meera na siya ang tatapos sa laro. Siya ang mananalo at si Jelome ang uuwing talunan, laglag ang dalawang balikat at walang tigil sa pagbagsak ang mga likidong nag-uunahang kumawala mula sa kaniyang mata.
“Meera,” ang tinig niyang mahina ngunit buo at may halong pagbabanta.
Walang ideya si Jelome kung ano ang tumatakbo ngayon sa isipan ni Meera. Subalit, kung ano man iyon ay nasisihayan siya. Excited siya sa kung ano ano pa ang mga baon niyang paandar kahit na alam nitong naglalaro lang ang kapareha.
“You started it,” may diin niyang tugon nang nakangiti.
Gumapang ang daliri ni Meera paakyat sa mabuhok na dibdib ng binata na ngayon ay natatakpan lamang ng isang manipis na putting v-neck shirt.
“You’re the sweetest ever!” Idinampi ng aktres ang sariling labi sa tungki ng ilong ni Jelome. Matapos ang limang segundo ay bumuka ang kaniyang labi at saka kinagat at pinanggigilan ang ilong niya. Hindi na niya kailangang tumingkayad dahil halos magkasinglaki lang naman sila ni Jelome. Mas matangkad lang ang binata ng kaunti ngunit abot pa rin naman niya.
Fvck! “That was extremely hot!”
Namumula ang ilong niya matapos alisin ni Meera ang labi. Hindi na ito nakadampi ngunit ramdam na ramdam niya pa rin iyon at ang init sa pakiramdam. Ramdam din ng binata ang unti-unting nabubuhay at pumipintig na sundalo sa ibaba.
Akmang hahakbang na paatras si Meera nang walang pasabi siyang hapitin ni Jelome sa beywang.
"I want to kiss you right here and right now, Meera. Will you let me?" he asked, staring directly and genuinely in her eyes.
Ang mga mata niyang kumikinang katulad ng mga bituin sa kalangitan. Mata na kay sarap tingnan dahil sobrang ganda at payapa tulad ng dagat na banayad ang alon.
Hindi tumugon si Meera. Hindi bumuka ang kaniyang labi at wala rin siyang binitawan na kahit anong salita. Ngunit, unti-unting ipinikit ni Meera ang kaniyang dalawang mata ng mariin.
"I will not take that as a yes. I need words, Meera. I need your words." Hinalikan ng binata ang tungki ng ilong niya bilang ganti sa ginawa nito kanina. Mas lalo niyang hinapit ang dalaga at pinagdikit ang kanilang katawan.
He breathed out softly as he asked the lady again.
"Can I kiss you, Meera?"
"Yes," she almost whispered as she closed her eyes tightly.