NANATILING tikom ang bibig ni Meera sa itinuran ng binata. Hindi magawang bumuka ng kaniyang bibig at tila hindi niya rin mahanap ang dapat o nararapat na salita.
Ang mga mata ni Jelome ay nanatili kay Meera. Sa kaniya lang nakatuon ang pansin ng binata na tila kinakabisado ang bawat detalye sa mukha ng iniirog. Halos hindi na siya kumurap mamasdan lang magandang view na nakalatag sa harapan.
She is indeed the real definition of beauty. Ang effortless nito. Kanina pa tumatambol ng mabilis at nagwawala ang kaniyang sistema. Ang emosyong ilang taon ng itinago ay nais ng kumawala. He is longing for her love and affection. He is craving for her attention, for her tender loving care, and her presence. Bawat simpleng galaw niya ay may korespondeng epekto sa kaniya. Kahit nga ‘ata kumurap lang siya o walang gawin ay matindi pa rin ang epekto kay Jelome. Kaya ni Meera na patalbugin ng todo ang puso ng binata na walang ka-effort effort.
“I…I honestly don’t know what to say,” she confessed as she breathed out softly.
Pinakiramdaman ni Jelome ang sarili. Napalunok siya ng ilang beses nang muling bumaba ang mata sa labi ni Meera na tila nag-iimbita sa tuwing bumubuka at tumitiklop ngunit wala namang salita ang lumalabas.
Gustong-gusto na niyang kabigin ito at ipagdampi ang labi. Ngunit natatakot siyang baka lalong lumala ang lahat, na baka maging rason ito upang mas magalit at iwasan siya ni Meera. Also, he respects her. Kailangan niya lagi ng consent mula sa bibig niya mismo.
“Shh. It’s okay, sweetheart. You don’t have to answer it now. I will give you more time to think about it, to refresh your minds, and to assess your thoughts. Hindi naman ako nagmamadali. Hindi kita minamadali, Meera.”
“Okay,” she replied with a decent smile plastered in her lips. Nahalikan ka lang sa noo tumiklop ka na? Protesta ng dalaga sa isipan.
“Hindi kita mamadaliin pero may ipapakiusap sana ako sayo,” dagdag ng binata.
“Uhm. Ano ‘yon?”
“Huwag mo na ulit akong ipagtabuyan. Hayaan mo lang ako na manatili sa tabi mo. Hayaan mo akong ipursigi ka ulit, at hayaan mo ako na patunayan ang sarili ko.”
“Hindi ko alam, Jelome. Hindi ko alam dahil sa tuwing nakikita kita ay nasasaktan ako. Ni anino mo nga ay hindi ko kayang masulyapan. Kapag pakalat-kalat ka sa paligid, pakiramdam ko ay lagi akong hinahabol ng mga multo ko sa nakaraan.”
Natahimik ang binata. Hindi na niya alam kung ano ang dapat sabihin upang depensahan ang sarili. O kung ano ang dapat gawin upang mapagaan man lang kahit kaunti ang pighating nararamdaman ni Meera.
“Pasensya na kung hindi kita kayang pagbigyan sa gusto mo. Hindi na ako aalis ulit, wala na akong plano. Bigyan mo lang ako ng isa pang pagkakataon. Let me be your pencil because I will erase the past and draw our future.”
Hindi na muling nakaimik pa si Meera. Gulong gulo ang kaniyang isipan sa mga nagaganap. Nabibilisan siya’t natataranta. Hindi siya maaring magpadalos dalos sa salitang bibigkasin at desisyon na gagawin. Ang mga ganitong bagay ay kailangan pag-isipan ng maigi dahil sarili niya ang nilalagay niya sa peligro, pati ang kinabukasan niya.
Sweet lies. Mahirap paniwalaan ang mga salitang sinasambit ng aktor. Masyado itong matamis at nakakapagduda. Minsan na siyang napaikot at naniwala sa matatamis niyang salita. Sa mga pangako niyang hindi natupad at napako lang, dahil pinangakuan siya ng taong hanggang pangako lang.
“Sa tingin ko handa na ang media at nasa pwesto na,” pag-iiba ni Jelome sa usapan ng mapansin ang matagalang pananahimik ng aktres at ang pagkabalisa nito sa kinauupuan.
“What are we gonna do?” she asked.
“Fix yourself. You look like a mess. Ayaw ko na lumabas kang ganyan dahil baka isipin nila ay may milagro tayong ginawa sa loob ng sasakyan na ‘to.”
Nanlaki ang mata ni Meera. Just the thought of him owning the piece of her inside this car excites him. Wait…what? Agad niyang iwinaksi sa isipan ang hindi dapat isipin.
“Kaya mo ba mag ayos ng mabilisan lang?”
“Of course,”she replied. Umikot ang dalawa niyang mata at kasabay non ay inilabas niya ang mini pouch upang ayusin ang sarili.
Sinuklay niya lang ang buhok na nagulo at inipit lahat ng pasaway at pakalat-kalat na hibla sa likod ng kaniyang tainga. Nais niyang manatili at mangibabaw ang kaniyang natural na gandang morena kaya’t hindi niya ito pinatungan ng kung ano mang pulbos. Tanginang tints lang ang kinuha niya upang pakapalin ang kulay sa labi. Nilagyan niya rin kaunti ang pisngi at saka ito blinend gamit ang kamay.
“Okay.” She took a deep breathe and fix her stuffs. Ibinalik niya iyon ng maayos sa dating pwesto.
“I’m done. May cue na ba na pwede na tayong lumabas?” Raising a brow, she asked.
“Yes. But we need to wear a disguise to look a bit mysterious. Mas maganda kung ang makukuha sa camera at mailalabas ng press ay palihim tayong nagkikita at lumalabas na dalawa. At para na rin sa safety natin. Maiinit ang pangalan nating dalawa ngayon kaya hindi malabong dagsain o pagkaguluhan tayo kung sakaling mamukhaan agad. You’re getting my point right? ”
“Oo,” buryo niyang sagot.
“Great! Dinala mo ba ‘yung jacket at salamin mo?”
Umiling-iling si Meera. “I only brought my shades. Iyong iba kong gamit ay nasa sasakyan nila Bubay.”
“Ohh…” Lihim na pumalakpak ang dalawang tainga ng binata dahil tila pinapaburan siya at ang kaniyang mga plano ng tadhana ngayon.
“You should have told me earlier,” iritadong dagdag ng aktres.
“It’s okay, sweetheart. I bought a couple jacket for us. Sa set ko pa dapat ito balak ibigay sa ‘yo para mas gawan tayo ng issue pero mukhang mapapa-aga ang gamit natin sakanya.”
Damn! Kinakabahan siya dahil matalino si Meera at mabilis makaramdam. Baka maisip nitong lahat ng ginagawa ay pakulo niya lang. Baka makahalata na ito sa mga nangyayari!
Kinuha niya ang paper bag sa loob ng sasakyan at saka ito iniabot sa dalaga. Isang black at pink jacket iyon mula sa oxygen. Mayroong naka-imprinta na araw sa jacket ni Meera at buwan naman kay Jelome.
“Babayaran ko nalang sa ‘yo mamaya,” aniya habang inaalis ang tag ng jacket.
Hindi alam ng aktres kung nakalimutan ba itong alisin ni Jelome o sinadya niyang iwan upang ipakita sa kaniya ang halagang nagastos.
“You don’t have to. Ibibigay ko naman talaga ‘yan sayo dahil para naman talaga sa ‘yo ‘yan, Meera.”
“Hindi gusto ng bituka ko na tumanggap ng libre galing sa ‘yo dahil pakiramdam ko ay nagkakaroon ako ng utang na loob sa ‘yo.”
“Come on, Meera. It’s just a jacket and-”
“Sige,” putol niya sa binata. Ayaw na niyang makipagtalo pa dahil hindi rin naman ito magpapaawat at pumayag na matalo sa argumento. Pagod na siya at gusto na niyang matapos ito.
Habang sinusuot ni Meera ang jacket ay pasimple siyang kinuhanan ng litrado ng binata. Nag-iwan din siya ng mensahe sa kakontsabang media na maghanda na dahil palabas na sila. Binilinan niya rin ito na gandahan ang mga kuha at anggulo sa larawan dahil kukuha siya ng kopya.
“Tara na,” anyaya ni Meera ng matapos na sa paghahanda.
“Okay. Keep your calm and stay cute, Meera.”
Si Jelome ang unang bumaba sa sasakyan. Mabilis ang kaniyang hakbang ng umikot siya upang ipagbukas ng pinto si Meera.
“Thank you!” Matamis na ngumiti si Meera nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Bumungad sa kaniya si Jelome na ngayon ay matamis na sinusuklian ang ngiti niya. It seems so real, she said in her mind.
“You’re stunning,” he complimented.
“As always,” aniya naman at saka sila sabay na tumawa.
Jelome offered his hand to her. Ginawa niya ito upang maalalayan sa pagbaba ang dalaga at upang maka-chansing na rin ng simple at kaunti.
“There you go,” he uttered. Pabagsak niyang isinara ang pinto ng sasakyan bago muling harapin ang dalaga.
“I will kiss your forehead again,” pag-iimporma niya sa dalaga.
Her eyes turned three hundred degrees. “Make it fast,” tugon niya.
Tiningnan muna siya ni Jelome direkta sa dalawang nagniningning na mga mata. Unti-unti at nabuo ang ngiti sa kaniyang labi. And when Meera already closed her eyes, it was his cue.
Limang segundo lamang ang itinagal ng labi niya sa noo ng dalaga.
“We’re doing great so far, Meera.”
“We should be.
“Let’s go.” He offered his hand again.
Hawak kamay silang naglalakad ngayon o iyong tinatawag ng karamihan na HHWW na ang ibig sabihin ay ‘holding hands while walking’.
Ipinagbukas niya ng pinto ang aktres. “Ladies first,” aniya’t iminuwestra ang kamay papasok. Binati sila ng counter na nasa bungad at kanang bahagi ng shop.
Nanlaki ang dalawang mata ng babae nang mamukhaan kung sino ang pumasok. Nasenyasan na ito ni Jelome na huwag maingay kaya’t naudlot sa hangin ang gagawin dapat na pagtili. Muntik na rin mahulog ang gatorade na hawak hawak niya sa isang kamay.
Hawak kamay lumapit ang dalawa sa counter. Binilinan ito na huwag maingay, huwag kukuha ng litrato, at huwag ipagsabi ang impormasyon tungkol sa kanila.
Agad naman itong pumayag ngunit humirit na kung maari raw ba siyang magpa-picture. Hindi naman umangal ang dalawa at agad na pumwesto sa pagitan ng babae.
“Salamat po,” histerikal at kinikilig na turan ng babae. “Ang ganda at ang gwapo niyo pala lalo sa personal. Tama nga sila, bagay na bagay kayo!”
Nagpasalamat sila sa babae at sinabihan itong maari siyang mag-post ng litrato mamaya, isang oras after nila lumabas sa pinto ng shop. Sumang-ayon naman ito at muli nang bumalik sa trabaho.
“So what are we gonna do next?”
Humigpit lalo ang hawak ni Jelome sa kamay ni Meera.
“Nothing,” he replied shortly. Inikot niya sa paligid ang kaniyang mata upang suriin ang paligid. Mabuti na lamang at masyado pang maaga kaya kaunti pa lang ang costumer sa loob.
“Follow my lead, sweetheart!”