NANAIG ang katahimikan sa loob ng minamanehong sasakyan ni Jelome. Katabi niya sa front seat si Meera na ni minsan ay hindi man lang sumulyap sa kaniya. Tahimik lang ito sa upuan, may nakasuksok sa magkabilaan tainga, at nakatingin sa tanawin na nadadaanan nila. Nanatiling nakatuon sa daan ang mata ni Jelome ngunit paminsan-minsan ay nagnanakaw siya ng tingin sa katabi.
Ito ang plano na tinutukoy niya sa direktor kanina. Palalabasin niyang inutusan siya ng network na sunduin si Meera upang magsabay sila sa biyahe. He did hire a press again to make it more legit. Malaki ang tip na ibibigay niya kung sakali mang magustuhan ang mga larawan na makukuha. Lalo na kung papatok ang article nila sa netizens. Dahil kapag nangyari 'yon ay mas dadami ang sumusuporta sa kanilang dalawa, mas magkakalapit sila dahil magiging permanenteng on-cam partner na nila ang isa't-isa. Magkakaroon sila ng mas maraming hosting, shows, mall shows, fan events, meet and greet, proyekto, at higit sa lahat ay mas magkakaron sila ng mas maraming interaksyon at oras sa isa't isa. Mas madadalian si Jelome na kunin at muling sungkitin ang puso ni Meera. That was one of his goals.
Mabilis niyang napaniwala ang dalaga tungkol sa alibi nang makita ang kulay pulang sasakyan ng press sa labas. Umaayon ang lahat sa kaniyang plano dahil nag-trending agad at kumalat ang mga larawan nila. Umaga pa lang ngunit maingay at mainit na agad ang pangalang Jelome at Meera, o mas kilala bilang Jera. Nasa ikalawang pwesto sila sa twitter gamit ang hashtag na #TeamJera at #DocJelo.
Mabilis umingay ang pangalan ni Jelome ng um-ere ang interview at ng maungkat ang tungkol sa nakaraan nila ni Meera. Mas nadagdagan pa 'yon ng malamang isa siyang Doctor. Marami ang na-turn on sa kaniyang propesyon at pisikal na anyo. Mula n'on ay sinubaybayan na rin nila ang bawat kilos niya sa panliligaw kay Meera. Hanggang eventually ay naging official loveteam na sila.
Naalimpungatan si Meera ng maramdaman na tila hindi na gumagalaw ang sasakyan. Kinusot niya ang dalawang mata ngunit agad ding itinigil nang mapagtanto na maarig masira ang kaniyang maskara at kumalat ito sa ibaba ng kaniyang mga mata.
"Where are we?" Meera asked as she removed the earphones in her ears.
Isinuksok niya lamang iyon kanina sa tainga upang ipakita sa binata na ayaw niyang makipag-usap at hindi siya interesado. Ngunit sa katotohanan ay hindi naman siya nakikinig ng musika o ng kung ano man dahil hindi niya iyon nakasindi.
"Nandito na ba tayo sa set? Bakit hindi mo ako ginising agad?" iritado at aligaga niyang tanong kay Jelome. Pinanlisikan niya ng mata ang binata ng hindi ito sumagot at nanatili lamang sa pwesto habang minamasdan ang natatarantang si Meera.
Damn! Mura ng binata sa sarili. Put yourself back on your senses, Jelo! Habang pinapanood niya si Meera sa mahimbing na pagkakatulog kanina ay tila nawala ang lahat ng pagod niya. Ganito ang buhay na gusto at pinapangarap niya, ang magising at matulog na si Meera ang katabi. Na siya ang unang makikita sa pagmulat ng mga mata at huling imahe na makikita kung pagod at patiklop na ang mga talukap.
He can already imagine his future with her because Jelome can't imagine his life without Meera beside her. Imahe lang ng dalaga ang nakikita niya sa tuwing naiisip ang isang magandang babae na nakasuot ng isang kulay puting bistida at naglalakad palapit sa kaniya, at palapit sa altar. He wonders what it feels like to build their own family with her. Iyong tipong uuwi siya sa bahay ng pagod at puyat mula sa ilang oras na operasyn sa Ospital at sasalubungin siya ni Meera ng yakap at pauulanan ng halik ay matatanggal na agad ang pagod niya.
"May...dumi ba ako sa mukha?" kunot noong tanong ni Meera.
Umiling siya. Hindi kasi namalayan ni Jelome na masyado na palang nagtagal ang mata niya sa mukha ng dalaga.
"May muta ba ako o panis na laway?"
Muli, umiling ito at saglit na nag-iwas ng tingin ngunit agad din iyong ibinalik sa dalaga.
"Then what are you looking at?" irritatedly, she asked while raising a brow. "Hindi ka na rin ba marunong magsalita ngayon?" iritado niyang dagdag.
"Sorry-"
"Puro na lang din ba sorry ang lalabas sa bibig mo?" singhal ni Meera. "You don't look sincere tho. Do you want to know why?"
"Why?"
"Kasi ang sorry ay para lang sa mga bagay na hindi sinasadya, hindi para sa mga bagay na paulit-ulit ginagawa."
Tumikhim ang binata. Sinalubong niya ang nanlilisik na mata ni Meera at saka nagsalita , "Pasensya na. Para ka kasing sermon ni mama." Sinikap ng binata na pigilin ang pagkurba ng labi.
"Ha?" takang tanong naman ni Meera.
"Sabi ko para ka kasing sermon ni mama kasi you make me speechless."
Umiwas ng tingin ang aktres at hindi pinansin ang sinabi ni Jelome. But, he was too determined to catch her attention. Wala siyang pakialam kung magmukha man siyang papansin at nanlilimos, ang mahalaga ay sumubok siya.
Mariin na ikinuyom ng aktor ang dalawang kamao. Pinipigil niya ang sarili na hawiin ang buhok ni Meera na siyang humaharang sa maganda niyang mukha. He wanted to touch her hair again. Gusto na niya ulit itong suklayin gamit ang sariling kamay at saka mahimbing na matutulog ang dalaga sa kaniyang bisig.
Mayroong nag-uudyok sa kaniya na ilagay sa likod ng tainga ang iilang hibla ng buhok ni Meera. Napalunok si Jelome nang aksidenteng mapadpad ang mga mata sa mapulang labi ng dalaga. Para itong magnet na nanghihila sa kaniyang labi na dumampi. f**k!
"Hindi ka pala sermon, hanger ka pala.”
“O, bakit naman hanger?”
“Hanger kasi katulad ng hanger ni mama, you hit different.”
"Para ka rin hanger kasi ang sarap mo ihamapas." Umasim ang mukha ni Meera matapos marinig at masaksihan ang kakornihan ng binata. Kung kailan naman ito nagkaroon ng edad ay saka naman siya natuto.
"Sorry if I'm not good at pick up lines. Can I just pick you up instead?" he added with a wink.
“Hindi ako sumabay sayo para makinig sa pagiging konyo mo.”
"We're not yet at the set. Kakalabas lang natin sa exit ng expressway. Tumawag sa akin kanina si direk at ang bilin ay pumunta raw tayo sa 7/11 na 2km away lang sa exit."
"Okay," tipid niyang tugon.
Hindi umangal si Meera at mabilis lang naniwala sa pakulo ng binata. Wala naman talagang sinabi na ganoon ang direktor. He just wanted to spend mor etime with her, alone. Gusto niyang sulitin ang bawat oras at oportunidad na makikita niya upang makasama si Meera.
"Can you orient me on what will happen inside that convenience store? Para naman hindi ako clueless at nangangapa sa manguauaro."
"Maging natural lang tayo, Meera. Just like the good old days."
Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang aktres. Yumuko siya upang alisin ang seatbelt ngunit agad na umaksyon si Jelome. Mabilis niyang inalis ang sa kaniya at saka dumukwang palapit kay Meera upang tulungan ito.
Aksidenteng nagtama ang dulo ng kanilang tatlong daliri. Milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa sistema ni niya. Halos sabaysilang nag-angat ng tingin. Nanlaki ang mata ng dalaga at 'di malaman ang dapat gawin. She wanted to move and push him away, but her body was telling the opposite. Masyadong malapit ang mukha nila sa isa't-isa. Nagtama ang tungki na kanilang matatangos na ilong. Kaunting galaw lang ay paniguradong maglalapat na ang kanilang labi.
Ilang ulit itong lumunok at pinigil ang sarili na kabigin si Meera. But he don't think he still can. Kusang gumalaw ang kaniyang kamay paikot sa katawan ng dalaga. Sa ginwa niyang iyon ay mas lalong nagdikit ang kanilang katwan at mukha sa isa't isa.
Push him! Push him! Don't let him fool you again, hiayw niya sa kaniyang isipin ngunit nanatiling bato sa kinauupuan. Move, Meera! Push him! And if you don't, you will surely regret this and curse yourself to your whole damn life.
"Meera..."
Tila may sariling pag-iisip ang mata ng dalaga. Kusang gumalaw ang mga iyon at mariin na pumikit ng sambitin ni Jelome ang kaniyang pangalan sa matamis at may pag-iingat na boses.
Jelome gulped when he saw her closed her eyes tightly as if waiting for his next move. Like she was waiting for his lips to touch hers. It was a fvcking torture, not just for him but for his buddy down there. Kanina pa ito nagwalwala sa kinalalagyan at nais ng kumawala sa kulungan.
Minura ng binata ang sarili ng paulit-ulit. He closed his eyes tightly too and make his way to her. Ngunit imbis na sa labi tumama ang kaniyang labi, doon ito nag-landing sa gitna ng noo ni Meera. Tumagal ito ng higit sa sampung segundo.
Tumunog ang lock sa seatbelt ni Meera senyales na naalis na ito. Kasabay non ay ang kusang paghiwalay ng labi ni Jelome sa kaniyang noo. Hindi makatingin ng maayos at diretso ang dalaga.
Tumikhim si Jelome at inayos ang hibla ng buhok. "I want to kiss you but I will not do it without your permission. Hindi porket pumikit ka ay oo na 'yon. I need your words Meera." Ti-nap ng aktor ang kaniyang tuktok ng kaniyang ulo at saka bumalik sa dating pwesto.
"I think I am starting to feel something deeper than what I felt before, Meera." He took a very deep breath and continue what he was talking about. "You're making me feel uneasy and I don't know what to do with this level of attachment that I feel towards you. You don't even aware of my existence."
"Shut up. Wala kang alam sa mga pinagdaanan ko dahil iniwan mo akong mag-isa. Kaya huwag kang magsalita na parang ikaw ang nasasaktan."
"No. That's not true, Meera. I tried many times para gumawa ng way to communicate with you again, but it was you who ignored me. Hindi mo ako pinakinggan. Ayaw mong makinig sa akin."
Kitang-kita mismo ni Jelome sa kaniyang mga mata ang sakit. At sa tuwing nakikita niya and minamahal na nasasaktan ay parang binibiyak din ang kaniyang puso. Lalo na't ang sakit na ito ay mula sa kaniya mismo, siya ang puno't dulo , at ang rason kung bakit nasasaktan ang espesyal na babae sa kaniyang buhay.
Tangina ka, Jelome. Bakit mo hinayaan na maging ganyan 'yung espesyal na babae sa buhay mo?
"Ang sarap mo mahalin, Jelome. It's peaceful and so like home. Pero kung gaano ka kasarap mahalin ganoon din kasakit," she confessed.
"Hindi nagbago ang nararamdaman ko sa 'yo, Meera. I still love you and forever will."
Inihilig niya ang ulo sa direksyon ng aktres at saka hinuli ang kaniyang mga mata.
"Are we in the same page, Meera?"