HINDI makatulog si Jelome. Paikot-ikot lamang siya sa kaniyang kama. Ang hinuha niya ay may surot sa ilalim ng kama niya, rason kung bakit siya nangangati at tila hindi mapakali sa pwesto. O 'di kaya naman ay nakatitig sa kulay puting kisame, naghihintay sa milagro.
"Damn. I can't take this anymore!"
Marahas niyang minura ang sarili. He is being impatient again. Nagiging impulsive nanaman siya sa kilos at desisyon sa buhay. He can't screw his chances now. If he did, tuluyan na talagang mawawala sa buhay niya si Meera.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Nagdadalawang isip man ay kinuha niya pa rin ang telepono at saka itinipa ang numero ng direktor. Tatlong beses niya itong tinatawagan ngunit panay lang ang ring nito. Marahil ay nasa isang malalim at mahimbing na pagpapahinga ang direktor.
Sa ika-limang beses niyang subok ay sa wakas, may sumagot din.
"Sorry to bother you this early," pauna agad ni Jelome.
"Yes, thank you for ruining my beauty rest," the director replied sarcastically. "What is it again this time?"
"I'm sorry for that. It wasn't my intention," he chuckled a bit.
"You sounded unsincere tho."
"Again, I'm sorry! I just want to ask for Meera's updated address?" Kumamot sa ulo ang aktor at nagpakasakali. Mayroon naman siyang address ni Meera dahil may pribadong imbestigador siyang kinuha upang subaybayan ang kilos nito.
"Hindi ba't binigay ko na sa 'yo last week?" Bumuntong-hininga ang direktor at saka kinapa sa side table and kaniyang salamin. Nang makapa iyon ay dali-dali niyang isinuot. Malabo na kasi ang mga mata niya; hindi na gaano makabasa ng letra kahit na hindi pa naman siya ganoon katanda.
"Really? I can't remember that you did," kunot noong tugon ng aktor.
"Binulabog mo ang snow white na beauty rest ko para lang hingiin ang address niya? Jelome, magkikita rin naman kayo mamaya at magkakasama ng mas matagal. Pinagbigyan nanaman nga kita sa request mo na ipagsama kayo sa isang van lang at dapat magkatabi."
He chuckled sexily and replied, "Well thanks for that. Makakarating kay daddy lahat ng tulong mo sa akin."
Nasapo ng direktor ang kaniyang noo. "Pasalamat ka at anak ka ng tatay mo."
"I do. I am still grateful that he is my father even if he disowned me," natatawa ngunit kay haploas ng pait niyang tugon.
"I'm sorry. I did not mean to bring it up. O siya, I will just text you her address."
"Asap, please?" He demanded.
"Demanding. Hindi ba pwedeng mamaya nalang sa set?"
"I can wait, but my heart and mind can't."
Pictures from the past flashed into his mind, which was why he is smiling so wildly, like crazy.
"Sent. Did you see my message already?" the director asked.
"Got it!" he replied cheerfully. "Thanks! And oh, another one."
"Ano pa ba, Jelome? Hindi ba pwedeng mamaya na 'yan at kailangan ko na magpahinga?"
"Sorry. Last na 'to, promise!"
"Oh siya, ano?"
"Please cancel the van thingy plan," he asked, smirking.
"Are you sure?" kunot noo at nagtatakang tanong ng direktor.
"Yes. I've got a better plan for us. Have a great nap, Jericho!" masigasig niyang saad at saka ibinaba ang telepono.
Jericho ang pangalan ng direktor. They call each other on a first-name basis since they're close. His dad and his were great friends. Naging malapit din sila sa isa't-isa dahil hindi naman nagkakalayo ang edad nila. Mabait si Jericho. Mayroon itong kasintahang babae noon kaso ay iniwan siya ng fiance sa mismong araw ng kasal. Hindi ito sumipot sa simbahan at sumama sa ibang lalaki.
Mula noon ay hindi na muling sumubok sa pag-ibig si Jericho. Isa siyang rehistradong arkitek noong mga panahon na iyon ngunit upang makalimot ay muli siyang bumalik sa pag-aaral sa kurong Fine Arts. Doon niya ipinursigi ang pangarap niyang maging isang direktor. Naging abala siya sa pag-aaral kaya't unti-unti rin nawala sa kaniyang isipan ang fiance. That ultimate heartbreak changed his life and turn his world upside down.
And the most unexpected plot twist in his life happened. He fell in love once again, but with the same gender as his. Yes, Jericho realized that She is gay. Doon niya nakilala ang love of his life niya na kapwa niya rin direktor. Mahirap ang naging daloy ng kanilang istorya dahil parehong hindi suportado ng pamilya nila ang kanilang estado.
Para sa tatay ni Jericho ay isang malaking kahihiyan sa industriya na ang anak na hindi sinipot sa kasal ay bading na. Same goes with Jerichos's boyfriend. Pastor ang tatay niya sa simbahankung kaya't hindi ito suportado sa napiling landas ng anak.
"What are you doing here?" she asked, raising her right brow. Ang kamay niya ay nakalagay sa dalawang beywang. Si Bubay na nakatayo sa kaniyang likuran ay tila hindi mapakali at kanina pa siya binubulungan ng panunukso.
"Good morning, Meera!" He greeted sweetly. Lumapit ito sa dalaga at saka dinampian ng halik ang dalawang pisngi. Tipid naman siyang tumango at ngumiti kay Bubay na nasa likod nito.
Walang nagawa ang dalaga dahil sa bilis ng pangyayari. Natagpuan na lamang niyang nakalapat sa kaniyang pisngi ang malambot na labi ni Jelome.
"Don't take advantage. Nasundan ka nanaman ba ng press at ganyan ka umasta?" Meera tried to calm herself. Pasimple niyang inayos ang sarili upang magmukhang presentable sa camera sa pag-aakalang palabas lamang ang lahat ng ito. "Sa susunod sabihan mo ako para ready ako."
"You're beautiful just the way you are, Meera," he complimented.
"I know," halos pabulong niyang sagot.
"Ay, bakit ako walang kiss? Ang daya naman papa Jelo may favoritism ka," pabirong tanong ni Bubay na siyang dahilan ng paglabas ng malalim na dimple ni Jelome.
"Sorry, ganda, naka-premium lang kasi 'to for Meera."
"Omg! Hala! Kebs na 'yon, tinawag mo naman akong ganda," halinghing niya. "Pasok ka. Kanina ka pa hinihintay ni Meera," dagdag anyaya niya.
"Really?" he asked. Amusement filled his eyes.
Siniko siya ni Meera ang kasama at pinanlakihan ng mata. Kung ano-ano nanaman kasi ang lumalabas sa bibig ni bubay. Muling pinandilatan ni Meera ng mata si Bubay ng hindi siya pansinin nito. At inanyayahan niya pang pumasok si Jelome sa bahay niya.
"Halika pogi, pasok ka. Huwag kang mahiya. Feel at home ka lang dapat," bilin ni Bubay habang ginagaya ng binata papasok sa tahanan.
Hindi pa man pumapayag si Meera ay nahila na ni Bubay papasok si Jelome. Kaya wala an ring nagawa ang binata kung hindi ang magpatangay at magahila sa kaniya.
Kunyari'y napipilitan ngunit nagugustuhan naman ni Jelome ang mga nangyayari. Pabor na pabor sa kaniya ang lahat. Mukhang swerte siya ngayon sa tadhana. Ito ang sinasabi niyang mas better na plano sa kanilang dalawa ni Meera.
Hating gabi pa lang ay nasa labas na ng bahay ni Meera ang sasakyan niya. Doon siya nag-stay sa loob at natulog. Ang plano niya ay abagan si Meera sa pag-alis at alukin na sa kaniya na lamang sumabay. Syempre, alam niyang hindi papayag ang dalaga kaya't naka-isip na agad siya ng paraan. He came prepared. May baon baon siyang plan a, plan b, plan c, at plan d. Kung hindi pa rin gagana ay hahatakin na niya ng saplititan si Meera.
"Upo ka pogi. Anong gusto mo, coffee, tea, or me?"
Jelome chuckled sexily. "D. Meera Posedio Grande," he answered smirking while looking directly into Meera's eyes.
Si Bubay naman ay parang kiti-kiti kung kumilos at humalinghing. Kualnhg na lamang ay itulak na niya si Jelome sa alaga. Mas gusto niya kasi ito kaysa kay Byron. At sa tingin niya rin ay mas bagay at mas may chemistry sila.
Her teeth gritted. "Fvck you!"
"Sure hon. Your place or mine?" he asked with a playful smirk plastered on his face. "Kidding," he added.
Umalis si Bubay upang ipagtimpla sila ng kape. Sasadyain niyang tagalan upang magkaroon sila ng moment na dalawa. Halata naman kasi sa kanilang mga mata ang pagkasabik sa isa't-isa.
Nang maiwan silang dalawa ay agad na sinakop ng binata ang natitirang espasyo sa pagitan nila. Tinabihan niya si Meera at binulungan, "I didn't know that your waiting for me. Kung alam ko lang sana mas inagahan ko pa."
"I'm not!" Dipensa ng dalaga at saka ito inirapan.
"Sabi ni Bubay."
"At naniwala ka naman?" buwelta niya.
"Of course. She knows you too well."
"I bet," she mocked. "May hinihintay ako pero hindi ikaw. I was disappointed when it was you I saw instead of my man."
My man. That hits different. Mukhang hindi nga nagbibiro si Armida sa kaniya nang sabihing mayroong kinikita si Meera na non-showbiz. Huli na ba talaga ang lahat para sa atin, Meera?
Akmang tatayo na siya upang iwanan ang binata ngunit agad siyang nahagip nito at pinigil.
"Let's talk, Meera. We need to talk."
Itinulak siya ng dalaga palayo. Nagpaubaya naman si Jelome at hindi umangal. Nasa magkabilaang dulo sila ng couch napapwesto. Hinarap niya ang binata at matapang na sinalubong ang nangungusap niyang mata.
Nakatitig lamang sila sa mata ng isa't-isa. Pinapakiramdaman at pilit binabasa ang mga matang nagniningning katulad ng mga bituwin sa langit. Nakakalunod ang uri ng tingin na ibinibigay ni Jelome sa aktres. Masyadong malalim kaya't hindi niya mabasa kung ano ba talaga ang nilalaman at kung gaano pa ba ito kalalim.
Meera took a deep breath.
"Let's talk, Meera. Please?"
"Wala naman tayong dapat pag-usapanpa, Jelome. We're actors. Propesyonal tayo sa harap ng camera. Kaya kung ang iniintindi mo ay ang career mo huwag kang mag-alala, I love and value my career more than you value yours."
"Let's talk about us, Meera. Us."
"There was never an us."
"Meera," sambit ng binata ng may halong pagsusumamo.
"Umalis ka na, Jelo. Please?"
"Meera, hear me out first."
"No! I said leave me alone! Hindi ka ba marunong umintindi?"
"I'm not leaving. None of us are leaving because we need to talk."
"Trespasser!"
"Trespassing your heart, yes."
"Leave. You don't belong here. You're not supposed to be here. What are you doing here, Jelome?"
"I'm here for you. Isn't it obvious?"
"Where are you when I needed you the most?"
"I'm sorry-"
"You left me when I needed you the most, don't you remember that?"
"Meera-" he tried to reach for her hand again but she didn't let him.
"No! Iniwan mo ako nung mga panahon na kailangan na kailangan kita. At ngayon na hindi na kita kailangan ay para ka nalang kabuti kung sumulpot. You're selfish, Jelome."
And with that, she walked away, wiping her tears on her own just like what she always does.