NANATILING nakatayo at tulala sa harapan ng refrigerator si Meera.
Ilang minuto na siya sa ganoong posisyon. Tila bigla na lamang siyang naestatwa sa kinalalagyan at kinatatayuan ng hindi niya namamalayan. Ang mga ice cubes na kinuha at inilabas kanina ay natunaw na at ngayon ay naging isang malamig na likod na lamang.
"Damn it!" she cursed.
Itinapon niya ang malamig na tubig mula sa nalusaw niyang ice cubes. Sapo niya ang noo nang ibalik ito sa loob at upang kumuha ng panibagong ice cubes. Kumuha na rin siya ng kaunting dairy products. Mariin niyang kinagat ang pang-ibabang labi. Halos magdugo na iyon sa riin ng kaniyang pagkakakagat.
Tahimik siyang pumwesto at umupo sa dining area. Nilagyan niya ang dalawang palad ng tig-isang ice cubes at hahayaan niya itong malusaw mismo sa kamay.
"Feels great," she said and faked her laugh. "Ang sarap naman atakihin ulit. Just wow!"
Hindi makapaniwala si Meera na muli nanaman aatake ang sakit niya. Hindi siya lubos makapaniwala na muli nanaman niyang mararamdaman ang ganitong pangungulila, pagkalito, at pagkaubos.
Bakit ngayon pa? kwesyon ng dalaga sa sarili. Ilang oras na lamang ay magsisimula na ang lock in taping nila kung saan mas makakasama niya ng matagal ang naging sanhi upang ma-trigger at lumabas nanaman ang kaniyang karamdaman.
Paniguradong magkakaroon sila ng mas maraming interaksyon ni Jelome sa set. At kahit gawin niya ang lahat ng makakaya upang iwasan ito ay mabibigo lamang siya at mapapagod. Knowing him, hinding-hindi iyon titigil sa pangungunit hanggang hindi makuha ang gusto.
"Selfish son of b***h," mapakla niyang saad.
Kung bakit ba kasi hindi na lamang siya manatili sa napiling propesyon?
"s**t!" Nataranta si Meera nang mapansin na basang-basa na ang kamay. Natunaw na pala ang mga yelo nang hindi niya namamalayan. Tumutulo na ito sa salamin na nasa ibabaw ng lamesa. Dali-dali siyang kumilos upang abutin ang tissue. Nilinis niya ito at tinuyo rin dalawang palad.
Napakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Muli siyang kumuha ng panibagong ice cubes at inilagay ulit iyon sa palad. Tinitigan niya ito. Binantayan at hinintay na maging likido.
It was her alternative medication for pain and suicide during her anxiety attacks. Itong mga yelo na ito ang nagligtas sa kaniyang buhay na muntik niyang ng waksan sa labis na sakit at pighati na dinaanan. Sa tuwing inaatake siya ay tinutunanw niya lang ang yelo, kumakalma na siya't nalilibang. Namamanhid din kasi ang kamay niya sa lamig kaya't hindi na kailangan ng blade o kutsilyo para maglaslas.
"Tunaw na pala. Ang bilis naman," aniya sa sarili kasabay ng isang buntong-hininga. Kumuha siya ng tissue upang tuyuin ang palad at ang sarili. Naramdaman niya ang panginginig ng telepono sa bulsa. Kinapa niya iyon at inilabas.
It was a text message from Byron. And the content was, "Can't sleep. Good morning, Mee!"
Hindi na nagdalawang isip pa si Meera na tumugon sa mensahe. "Me either." Dalawang minuto matapos niyang mag-reply ay bigla na lamang nag-send ng isang video si Byron. It was him, holding his guitar, strumming it while singing a song for her. Sweet!
Walang pag-aalinlangan niya itong pinindot upang pakinggan. Nagbabaksakali na ito na ang susi upang bumalik na siya sa dating sigla at makalimutan panandalian ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa kaniyang isipan. Sana.
Ngumiti muna ang binata at kumindat habang ang mga daliri ay abala sa pagbutingting sa mga string ng gitara. "This is what I'm feeling right now, Mee. Hope you like this song," he chuckled a bit, so sexily. "Pasensya na sa boses ko at bangag ako ngayon. But anyways, I wanna sing for you."
Parang tangang kausap ang tala at buwan
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman
Walang nag-iba
Talo na naman tayo
Ganun talaga
Nadala na lang sa puro pangako
Baka pwede lang kahit isang saglit
Masabi lang na merong konting pagtingin
Baka pwede lang kahit pa pasaring
Sa sarili ko'y magsisinungaling
Parang tangang kausap ang tala at buwan
Hindi pa man tapos ang kanta ay nag-type si Meera ng sagot, "Why so drama? Jk."
Naghihintay ng meron sa gitna ng kawalan
Natutong lumipad kahit pagod at sugatan
Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman
Hindi ko lang masabi
Ayoko na sa'yo
Tao lang, napapagod din
Kaso 'di ko magawang lumayo
Baka pwede lang kahit isang saglit
Masabi lang na merong konting pagtingin
Baka pwede lang kahit pa pasaring
Sa sarili ko'y magsisinungaling
"I'm not. Nakatitig lang kasi ako sa kawalan kaya kinanta ko. Wait, I'll drop another one for you. Do you have any song request?"
"Uhm. Kahit ano na," she typed.
"Sino kumanta ng kahit ano? Try ko aralin sa ginata."
"Ewan ko sa 'yo. Pilosopo ka masyado."
"Kidding, Mee. Wait, I'm gonna record another one for you."
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try baby, you don't have to worry
'Cause there ain't no need to hurry
No one ever said that there's an easy way
When they're closing all their doors
They don't want you anymore
This sounds funny but I'll say it anyway
For a moment, her heart stops from beating.
Girl, I'll stay through the bad times
Even if I have to fetch you everyday
We'll get by with a smile
You can never be too happy in this life cause in a world where everybody
Hates a happy ending story
It's a wonder love can make the world go 'round
But don't let it bring you down
And turn your face into a frown
You'll get along with a little prayer and a song
Meera's heart stopped beating but not for him. It's for someone who used to sing that song for her in a sweet and caring voice. For someone who gave her a genuine kind of love, but also her greatest nightmare and download.
It's Jelome.
Hindi na itinuloy ni Meera ang panonood at pakikinig sa binata. Bagkus ay natagpuan na lamang niya ang sarili na tinitipa ang numero ni Jelome.
"Sana ay hindi pa siya nagpapalit," lihim niyang panalangin. Pinagdiskitahan niya ang kuko habang hinihintay ang binata na sagutin ang kaniyang tawag.
Wait. Why am I calling him? Doon siya tila natauhan at ibaba na ang tawag ngunit bigla naman siyang nakarinig ng kaluskos mula sa kabilang linya.
Napadiretso ng upo ang aktres.
"Meera," sambit niya sa pangalan ng dalaga habang humihikab pa.
Nanlaki ng husto ang mata ng dalaga. Ilang beses na siyang nagpalit ng numero kaya imposibleng malaman ni Jelome na siya itong tumatawag. How come? she aksed herself.
"Meera, ikaw ba 'to? May nangyari ba?"
Mariin siyang pumikit at saka ibinuka ang bibig, "Sorry, you don't have enough balance to make this call. Mag-reload at mag-register sa promos para tuloy-tuloy ang kwentuhan." And with that, she ended the call.
What was that?
Ilang segundo makalipas niyang ibaba ang tawag ay mayroong unknown number na lumitaw. Jelome's phone number did not match on that unknown number, but she's sure as hell that it was him. Kaunti lamang ang nakakalam ng personal na impormasyon tungkol kay Meera. Kaya kataka-takang alam ng binata na siya iyong tumawag gayong hindi naman siya nagsalita.
"Ay, nakshie, anong ginagawa mo?" Histerikal na tanong ni Bubay.
Agad niyang tinawid ang distansiya sa pagitan nilang dalawa at kinuha lahat ng mga tsokolate na nakalatag sa harapan ni Meera. Aad niya itong ibinalik sa ref bago harapin ang alaga.
"Mabuti nalang at ako ang nakakita sa 'yo kung hindi ay unlimited na talak nanaman ang makukuha mo kay Weng."
"Hindi ko pa naman nabuksan," pangangatwiran niya.
"Hindi pa," mariing pahayag naman ni Bubay. Pinanood niya ang alaga na isubsob ang sariling mukha sa lamesa. "Baka nga kung hindi ako dumating ay nilalantakan mo na 'yon ngayon. Alam mo naman na pinagbabawalan ka muna ni Weng sa matatamis. At isa pa, taping mo bukas. Papayag ka ba naman na malamanagan sa awra ni Armida?"
"Bubay, hindi naman ako tataba agad sa isang kagat lang. Hindi na ako pinapatulog ng mga cravings ko."
"Bebe girl, tingin ka sa akin."
Unti-unting nag-angat ng ulo si Meera. Buryo niyang inilipat ang atensyon sa mukha ni Bubay na ngayon ay punong-puno ng pimple. Inabot ni Bubay ang kaniyang kanang kamay at saka iyon marahang pinisil.
"Hindi ka makatulog kasi may problema ka. Hindi ka makatulog kasi may bumabagabag sa isipan mo. Kung ano man 'yon, positibo akong makakayanan at malalampasan mo. You're Meera Posedio Grande, stronger, fiercer, and bolder."
"Thank you, mamshie!" Mangiyak-ngiyak ang aktres ng marinig ang mga iyon kay Bubay.
Ito ang kailangan niya. Someone who'll knock into her senses. Someone na bubuhusan siya ng malamig na tubig sa tuwing nawawala sa sarili upang matauhan.
"Hindi kita isusumbong kay Weng. Umayos ka na diyan at kanina pa bumubusina sa labas ang sasakyan ng Prince Charming mo."
"Byron's here?" she asked with her eyes widened.
"Knight in Shining Armor mo 'yan. 'Yung Prince Charming ang tinutukoy ko."
"You're kidding...right?"
"Tingnan mo sa labas kung ayaw mong maniwala sa akin."
Tumayo si Meera at agad na nag-martsa patungo sa silid. Sinundad siya ni Bubay na ngayon ay tila kiti-kiti kung kiligin sa kaniyang likod. Tiningnan niya ng masama si Bubay at saka niya marahas na binuksan ang bintana.
Laglag ang kaniyang panga ng makita ang isang hindi oamilyar na sasakyan na nakaparada sa harapan ng kaniyang bahay. At doon ay prenteng nakasandal si Jelome.