Kabanata 7

1729 Words
ANG tambalang Meera at Jelome, o mas kilala na ngayon bilang Jera ay naging maingay at patok sa masa. Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang umera ang kontrobersyal na panayam mula sa mga aktres na bibida sa pelikula ngunit hanggang ngayon ay trending pa rin sila sa Twitter at kalat pa rin ang mga litrato sa f*******:.  Kumalat din sa internet ang mga lumang litrato nina Meera at Jelome noong sila ay nagsisimula pa lamang sa isang talent search. Tuluyan ng naungkat ang nakaraan sa pagitan ng aktor at aktres. Marami ang naintriga kung ano ang totoong nangyari at naging rason ng kanilang kahapon. Ngunit sinikap at napagkasunduan ng dalawa na huwag maglabas ng pahayag tungkol dito.  "Congratulations, Meera Posedio Grande!" Byron on the other line, greeting her cheerfully.  "Oh, yeah," mapakla niyang tugon sa binata.  "Oh, bakit ka nakabusangot?" Usisa nito. Umayos siya sa pagkakahiga at matiim na minasdan ang repleksyon ng aktres na ngayon ay tila hindi maipinta ang mukha. "May nangyari ba, Mee?" he asked. Mee ang tawag ni Byron sa aktres. Mee short for Meera at Bee naman ang tawag ni Meera kay Byron. Nauna pa ang call sign at maiinit na tagpo nilang dalawa bago ang label.  "Wala naman, Dee. Pagod lang siguro ako."  "Are you sure? Hindi ka mukhang ayos sa akin."  Bumuntong-hininga si Meera. "Yes. Let's not talk about this, please?"  "Okay. Look at me, Mee," he instructed. Agad naman itong sinunod ng aktres. Nag-angat siya nang mukha at direktang tiningan ang mga mata ni Byron sa screen.  "What now?" tanong niya na nasapawan ng isang hikab. Mukhang pagod na nga ito ngunit sinikap pa rin niyang makausap ang binata bago magpahinga. Panigurado ay hindi na sila makakapag-usap o kaya naman ay madalang na lang kapag nagsimula na ang lock in taping nila bukas.  "Can you smile for me, Mee?" he asked. "Please?"  Muling nagpakawala ng isang buntong hininga si Meera. "Fine," aniya't sinikap na igalaw ang labi upang ngumiti. Nagawa niya naman kaso kulang at hindi man lang ito umabot kahit sa dulo ng kaniyang mata.  "See? Ang ganda mo lalo kapag nakangiti ka!"  "Bolero," aniya't iiling-iling na natawa. Sa pagkakataong ito ay pansamantalang napuksa sa kaniyang isipan ang mga bagay-bagay na pilit gumugulo at bumabagabag sa kaniya.  "Meera," sambit ni Byron sa kaniyang pangalan.  "What again?"  "Ang ganda ganda mo." He is looking at her so deeply.  Na sa sobrang lalim ay apra na siyang nalulunod sa kaniyang mga mata.  "I...k-know," she replied stuttering.  "I love it when you smile, but I love it more when I'm the reason why."  Nabitin sa ere ang labi ng dalaga. Parang sirang plaka na paulit-ulit niyang naririnig sa kaniyang isipan ang mga salitang iyon na madalas sambitin ni Jelome sa kaniya noong sila ay nasa kolehiyo at  talent search pa lang.  "Hey. May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?" he asked, worriedly.  "Uhm. Wala naman, Dee. Bigla lang ako inantok."  "Oh. I was thinking of asking you to go out tonight," mahina at halos pabulong niyang tugon sa aktres.  "Excuse me. Ano 'yon? Pasensya na hindi ko gaano naintindihan."  "Sabi ko gusto sana kitang i-date ngayon. I cooked your favorite dish earlier. Akala ko kasi... sabi mo kahapon dadaan ka ngayon sa unit ko. But hey, no worries. Pwede naman ilagay sa refregirator. Iinit ko nalang bukas kapag pumunta ka." Kung pupunta ka pa, dagdag niya sa isipan.  Doon tila nahimasmasana si Meera. Nanlaki ang kaniyang dalawang mata. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi at saka itinaas ang kamay na naka-peace sign.  "Cute. Huwag kang mag-alala marami pa namang next time. Pagod ka rin at mapapagod ka ulit mamaya." "Pero nag-effort ka and I wasted it."  ""Silly," he replied laughing. "Hindi naman nasira kasi nabusog din naman ako," dagdag ni Byron.  "Baka hindi ako makapunta diyan bukas, Bee," nahihiyang pag-amin ni Meera.  "Edi sa susunod na bukas o kaya naman sa mga susunod na bukas. I know how busy you are. Hindi naman ako demanding sa oras at atensyon kaya ayos lang sa akin," sambit niya.  "Bee-" "At hindi mo rin naman ako boyfriend," halos pabulong niyang dugtong. Hindi iyon nakalusot sa pandinig ng aktres. Nangunot ang noo niya't hinarap ang binata.  "Napag-usapan naman na natin 'yan. 'di ba?"  "I know. Naiintindihan ko naman, Meera. Iniintindi ko.."  Hindi maiwasan ng dalaga na kagatin muli ang pang-ibabang labi. "So first name basis na ba tayo ngaon Byron?"  "I'm sorry. I was just...nothing. Magpahinga ka na. You must be tired from work. If you can't go here tomorrow ako na ang dadayo sa 'yo."  "Alas tres ng madaling araw ang alis namin bukas papunta sa location ng aming lock-in taping."  Saglit na natahimik ang binata. Tanging ang paghinga lamang nilang dalawa ang naririnig. Hinihintay ng dalaga na magsalita si Byron ngunit parang wala naman na itong plano. Halata ang pagkadismaya sa kaniyang mukha rason upang mas makaramdam siya ng matinding hiya at konsensya sa katawan. "Byron..."  "Hmm."  "Are you mad?" she asked bravely. "If you are, I am really sorry. I really do."  "Hindi naman. Nagtampo lang siguro ng mga 5%?"  "Okay," sagot niya habang humihikab. nakuhanan ito ng litrato ni Byron kaya siya natawa, na siya namang naging rason ng pagbusangot ng aktres.  "Burahin mo 'yan at baka kumalat. Ang pangit ko diyan!"  "Maganda ka sa lahat ng aspeto at anggulo. I love each and every inch of you, Meera. Take a rest now. Good night, Mee! Take care. I'll see you soon."  "Good night to you and your buddy, Bee!" Natawa si Byron sa uri ng pagbati ni Meera. "Do you wanna see him before you go to bed?"  "Do you want to see mine either?"  "Damn." Napadiretso si Byron ng upo. "Don't tease me, woman. Matulog ka na habang mabait pa ako at hindi pa nagbabago isip ko."  "Waka naman akonginagawa sa 'yo a," pagtatanggol ni Meera sa sarili.  "Sige na, Mee. Matulog ka na. Good night!" I love you! he wanted to add but he still can't.  "Okay. Good night, Byron! See you on my wet dreams." Humihikab na kumaway sa camera ang aktres. Matamis ang ngiti na kaniyang ibinigay kay Meera. Tatlong beses siyang humalik sa phone screen ng camera bago tuluyang ibaba ang tawag.  Matapos niyang tapusin ang kaniyang routine at linisan ang katawan ay hinayaan niya ang sariling katawan na bumagsak sa kaniyang malambot na kama. Masarap sana itong higaan at pahingahan kung mayroon siyang katabi maliban sa kaniyang mga unan.  Roba lamang ang suot niya. Walang kahit anong sapin panloob nang maisipan niyang kunan ng larawan ang katawan at ilang maselag bahagi nito upang ipadala kay Byron. Kung sakali man na kumalat ang mga imahe ay madali lang itong lusutan at sabihin na edited. Maari siyang umiyak at umarte na tila ba mayroong may gustong sumira sa kaniya. Mabilis niya lamang makukuha ang simpatya ng mga tao kaya't malakas ang loob niyang mag-send ng ganitong klase ng imahe sa binata.  Pasado ala una na ng madaling araw nang magising si Meera mula sa mahimbing na pagkakatulog. Inaantok pa siya ngunit kusa na lamang siyang nagising ng ganito kaaga. Higit sa tatlong oras lang 'ata siyang nakapagpahinga. Sinubukan niyang bumalik ulit sa pagtulog dahil may halos dalwang oras pa siya bago mag-alas tres, ang oras ng biyahe nila.  Halos kalahating oras din siyang nakahiga sa kama, mulat ang dalawang mata, at nakatitig lamang sa kisame. Pagod na siya at inaantok ngunit hindi naman naman magawang makatulog kahit mahapdi na ang mga mata.  'What's happening to me again?" she asked herself worriedly. "Inaatake nanaman ba ako ng anxiety attacks at depression ko?" dagdag niyang tanong.  Sa tanong na iyon ay unti-unting tumulo at nag-unahan sa pagbagsak ang mga maalat na likido mula sa kaiyang mata. Bumilis ang kaniyang paghinga at ramdamn niya na rin ang panginginig ng dalawang kamay.  "Welcome back my dearest attacks!" she uttered bitterly.  Ilang taon na mula nang huling magparamdam at umatake ang kaniyang sakit. Memories from her past keep on flashing into her mind. Maybe out of stress or maybe because something triggered her.  Someone triggered her, rather.  Mula nang mag-krus ang landas nila ni Jelome ay bumalik ang spark ng kuryente na nakakunektsa sa masalimuot niyang nakaraan.  Nasa sekondarya pa lamang siya nang malaman nilang mayroon siyang anxiety disorder ngunit imbis na sundin ang reseta at payo ng doktor, hindi ito pinansin ng mga magulang niya. Tandang-tanda niya pa at malinaw pa sa kaniyang memorya at isipin kung paano sabihin ng ama na ang nararamdaman niya ay wala lang at parte lang ng kaartehan.  Naiwan siyang mag-isa sa sang probinsya kasama ang matanda at may sakit na lola. Ang tatay at nanay siya ay hiwalay na at parehas na masaya sa kani-kaniya at bagong pamilya.  She's alone now.  Iniwan siya ng mga magulang na sa ganoong estado na nangungulila sa pagmamahal at pag-aaruga.  Walang naniwala sa kaniya. Walang may gustong maniwala maliban kay Jelome. He stayed during her darkest and lowest point in life. He was there for Meera when nobody else was. He was there to comfort her, talk to her, and listen to her rants, dramas, and problems. He was there when she needed someone to hold to, to hug during the time that she felt alone. He stayed despite her condition.  Nandoon siya lagi upang makinig sa bawat hikbi ni Meera at puansan ang mga luhang nagbabagsakan mula sa kaniyang mata. Hindi rin siya iniwan ni Jelome kahit na ilang beses na sumagi sa utak niya na wakasan na lamang ang sariling buhay upang matapos na ang lahat ng paghihirap.  He was there for her.  And he was there for him too.  But he left.  He left without saying his reasons why and without uttering a word or even a single goodbye. Umalis ito na tila ba walang saysay ang pinagsamahan nilang dalawa at ngayong maayos na ang lagay ni Meera ay babalik siya na parang walang nangyari.  "Ang kapal ng mukha mo Jelome!"  Usap-usapan ang naging konbersasyon sa pagitan ni Meera at Jelome na siyang nagpakilig at nagpawindang sa mga netizens. Hindi pa man nagsisimula ang pelikula ay marami na ang excited at nag-aabang na mapanood ito. Lalong lalo na iyong mga supporter ng loveteam nila.  Ito marahil ang isa sa naging dahilan ng kaniyang break down.  She was near the man he loved the most, who left her hanging alone in the middle of the darkness. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD