ALIGAGA ang lahat sa loob ng isang makipot na silid, sa likod ng entablado. Bawat isa ay abala at may kan'ya-kan'yang ginagawa. Mayroong nag-aayos sa buhok, naglalagay ng mga kolorete sa mukha upang mas lalong tumingkad at makita ang tinatagong ganda ng isang mukha, mayroon din nakatayo sa sulot inaayos ang mga magagara at magagandang kasuotan.
Si Meera ay kasalukuyang naka-upo sa harap ng salamin. Tahimik niyang minamasdan ang sariling repleksyon. Malinaw niyang nakikita ang bawat detalye ng kaniyang mukha na mas na-highlight pa dahil sa simpleng kolorete na inilagay ni Bubay kanina. Mahaba, diretsong-diretso, at may kinang ang kaniyang itim na itim na buhok. Nagpasya ang aktres kanina na huwag itong galawin at panatilihan ang natural na ganda.
"Meera, tapakan mo ako," pagbibiro ni Bubay na ngayon ay kasalukuyang sinusuklay ang kaniyang mahabang buhok.
"Ako lang 'to," pabirong tugon naman ng aktres. Halos maiyak-iyak na ngumiti si Bubay sa salamin habang minamasdan ang alaga. Kapag kuwa'y ipinatong niya ang dalawang kamay sa magkabilaang balikat ni Meera. Kinagat niya ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili na ngayon ay nagiging emosyonal na. Saksi si Bubay kung sa mga hirap at pinagdaanan ng aktres na si Meera. Kung paano ito namukadkad bilang isang maganda at kaaya-ayang rosas.
"Ang ganda ganda mo talaga nakshie! Ang effortless mo masyado magmaganda at napakanatural. Kahit nga 'ata hindi ka mag-ayos maganda ka pa rin sa camera."
"Well, all thanks to you!" Meera clapped her two hands slightly.
"Ako lang 'to," panggagaya ni Bubay sa sinabi ng aktres kanina. "Really, I want to thank you, mighty Bubay," she smirked. "And of course to your talented hands. You are my fairy godmother. You're so gifted and passionate about what you are doing. Look at me, you managed to turn this mess into beauty."
"Aw! Ang sweet sweet naman ng alaga ko. Buti nalang hindi katutulad sa alaga nung isa diyan," pagpaparinig niya at saka palihim na sumulyap sa pwesto ng aktres na si Armida at ng kaniyang make up artist.
Nang marinig iyon ay agad na umasim ang mukha nilang dalawa. Bigo si Meera na itago ang kaniyang pigil na pigil na tawa. Kaunting kilos lamang kasi ng labi ay kusang lumilitaw ang dalawa niyang malalalim na dimple, sa magkabilaan niyang pisngi.
"Shut up, Meera! Nakuha mo lang ang role pero hindi ibig sabihin non ay magmamaganda ka na," ani Armida.
Hindi naman nagpatalo si Meera. Humarap ito sa sariling salamin, minasdan ang repleksyon, ngumisi ng medyo nakakainsulto, at saka nagsalita, "Hindi ko kailangang magmaganda, Armida, dahil maganda talaga ako."
Umaktong nasusuka ang make up artist ni Armida. Mortal din itong kaaway ni Bubay dahil sila ay napaglaruan ng tadhana. Dati silang malapit sa isa't-isa at halos tandem sa mga raket. Nagkasira lamang sila dahil parehas na tumibok ang pusong mamon nila sa iisang tao lang. At ang taong iyon ay namatay sa isang aksidente. Dead on arrival ito nang dumating sa Ospital. Namatay ang binata na hindi man lang nasasabi kung sino nga ba talaga ang tinitibok ng kaniyang puso. Doon tila nagkaroon ng linya sa pagitan ni Bubay at Tekla. Bumuo ng isang imahenaryong kumpetisyon; inuungasan ang isa't-isa kung may pagkakataon.
"Alaga ko yan!" Marami ang humahanga sa natural niyang kagandahan na tila ba siya talaga ay ihinulma para rito. Matangkad siya. Iyon ang isa sa naging rason kung bakit nahirapan siyang magkaroon ng permanenteng kapareha dahil hindi match ang height nila.
"Mas maganda naman itong alaga ko," pagtatanggol naman ni Tekla.
"Absolutely! 'Di hamak naman talaga na mas maganda ako kumpara kay Meera."
"Ay, pak! Bet ko 'yang spirit mo nakshie ha?" Napapalakpak sa tuwa si Tekla at dahil hawak-hawak niya ang make up bursh ay napagpag ang mga powder nito sa pagpalakpak niyang 'yon. Doon ay napaubo si Armida na agad niya rin namang dinaluhan. Kasabay non ay ang agaran niyang paghingi ng paumanhin. Bakas sa mukha ng aktres ang pagkadisgusto at inis ngunit nanatili lamang itong tahimik, walang halong pangbubulyaw.Sa kabilang banda naman ay nagkatinginan si Meera at Bubay, kagat-kagat ang pang-ibabang labi at tila nag-uusap ang mga mata.
"Shut up, Meera!" iritadong suway ng aktres.
"Why? I'm not even doing anything to you."
"Huwag ka nang mag-maang mangan pa. Itigil tigil mo na nga 'yang pagbabait-baitan mo, hindi mo bagay."
Umiling-iling si Meera. "Naprapraning ka na."
"Hindi praning ang alaga ko 'no." resbak ni Tekla. "Nagsasabi lang siya ng totoo. Mas maganda at angat naman talaga siya kumpara sayo. Sa boobies pa nga lang niya e shut up ka na agad."
"Awit. Hindi naman ako na-inform na nasa dede na pala ang mukha," bwelta naman ni Bubay.
Akmang aarangkada pa si Bubay nang biglang pumasok ang personal na alalay ng direktor.
"Attention! We will start in 10 minutes. May kulang pa ba?"
Armida raised her right hand. Todo taas na tila nagpapabibo sa guro para sagutin ang recitation.
"Jelome's not yet here. But he's on his way na raw naman according to him-"
"Am I late?"
Napalingon ang lahat sa kararating lang na si Jelome. Humahangos ito, mabilis ang paghinga, at napaliliguan ng dugo ang kulay puting pantaas. Nanlaki ang mata ng lahat, lalong-lalo na si Meera. Tumingin siya sa ibang direksyon at sikapin na masdan nalang ang binata mula sa gilid ng kaniyang mata o 'di kaya naman ay sulyapan na lang ang kaniyang maskuladong repleksyon sa salamin.
"Did I missed something? Pasensya na at nagakroon ng emergency sa daan."
Nanatiling tahimik ang lahat, pabalik-balik ang tingin sa kaniyang mukha at sa kulay pulang mantsa sa damit. Saka lamang natauhan ang mga ito nang maarte at histerekal na tili ni Armida. Suot ang roba ay dali-dali itong tumayo at saka nilapitan ang aktor.
"Oh my gosh! Are you okay, Jelome?" she asked worriedly. "What happened to you?"
"I'm fine," tipid niyang sagot.
"Are you sure you're okay? Do you want me to call a doctor?"
"Doctor ako, Armida," pagpapaalala niya.
"Oh..."
Nagunlantang at napalingon ang lahat sa matinis na hiyaw ng direktor.
"Bakit kayo nakatulala diyan? Kailangan ba lagi ko kayong diktahan para kumilos? Ayusan niyo na si Jelome," aniya't saka hinarap ang binata. "At ikaw naman, san ka ba nagsusuot? Ilang minuto nalang tatawagin na kayo sa labas. Ganyan mo ba plano humarap?" Umiling-uling siya't napahilot sa sintido.
"Sorry. May trauma patient akong nadaanan kanina kaya tinigilan ko. I did some things to stabilised him hanggang sa dumating ang emergency team."
Tumaas ang kaniyang kanang kilay. That explains why, wika ni Meera sa sarili. Para itong nabunutan ng tinik at nakahinga nang maluwag sa narinig.
"At kayong dalawa naman, kanina ko pa naririnig ang bangayan niyo. Hindi niyo ba kayang ayusin ang issue niyo sa isa't isa habang nasa set ko? Ayaw ko ng magulong cast!"
"She started it," agarang sagot ni Armida.
Muli niyang hinilot ang sintido bago magsalita, "Marami kayong oras para magbangayan pero wala kayong oras para isuot ang damit niyo?" Umiling-iling ang direktor. "Madaling mamumuti ang buhok ko sa inyong tatlo. Press conference palang, hindi pa nagsisimula ang lock in taping natin pero sumasakit na agad ang ulo ko sainyo!"
Sponsored ang mga damit, sapatos, at accesories na ginagamit nila sa tuwing haharap sa camera at lumilitaw sa telebisyon. Ang fashion designer ang nagdedesisyon kung alin ang bagay sa kanila at ano ang susuotin sa araw na 'yon. Sa tuwing ipapadala ang mga gagamitin ay naglalagay na ito ng label o pangalan sa bawat item.
"That's her dress?" Armida asked.
"Yes, Armida. Do you have any problem with that?" the director questioned her back.
"I do. Gusto ko sana siyang kausapin at hinga ng pabor na baka pwedeng swap nalang kami?"
Sabay na umikot ang dalawang mata ni Meera. Inggeterang frog talaga, aniya sa isipan.
"That's her dress. Hindi mo ba kasya o kasukat ang damit mo?"
"I like her dress. Mas bagay sa akin dahil mas revealing. Bakit siya nagsusuot ng revealing e wala namang mare-reveal sa kaniya?" balewala niyang panglalait sa kapwa aktres, sa mismong harap pa ng direktor at team. Ganiyan katalas ang kaniyang dila.
"Hey, watch your words," paalala ni Jelome.
Hindi pinansin ng aktres ang sinabi ng binata. Humarap ito sa direktor at pursigidong inilaban ang sa tingin niya ay tama. "Can we?"
"Armida-"
"At isa pa Direct mas bagay sa akin ang kulay dilaw, mas lalo akong puputi. Nakakaitim sa balat itong kulay berde kaya bagay sa shade niya," dagdag paliwanag ng aktres.
"Can we swap?" she asked.
"Armida!" Hindi na alam ng direktong ang sususnod na kilos at sasabihin. Masyado nang sumusobra si Armida. Kung hindi lang niya malapit na kaibigan ang tatay nito ay hindi na sana niya kinuha sa role ang aktres.
"Ayos lang sa akin, Direk. She can have my dress because unlike her, I can slay in any dress and in any color that I will wear," she fired back.
"That's my girl," he said with a wide grin plastered on his face.
Pagpatak ng alas dos ng hapon ay isa-isa silang ipinakilala at lumabas na sila sa entablado. Maraming grupo ng press mula sa iba't-ibang estasyon ang dumalo. Mayroon din mga fans na nag-aabang sa labas ng venue.
Unang nagsalita ang direktor ng pelikula. Maiyak-iyak at naging emosyonal ito nang isalaysay ang paghihirap na nadanas habang binubuo ang proyekto. Sunod ay inabot ang kani-kaniyang kontrata sa mga artista. Pinirmahan nila ito nang sabay-sabay habang naka-ere at kinukunan ng litrato sa iba't -ibang angulo.
Matapos ang pirmahan at picture taking ay nagkaroon ng limang minutong break. Bumalik silang lahat sa back stage at nire-touch ng kani-kaniyang make up artist. Si Meera ay kuntento na sa ayos at hindi na nagpadagdag kay Bubay.
"Water?" Jelome offered to her. Napalingon siya sa binata at kusang umarko paitaas ang kilay.
"Hindi ako nauuhaw. But thanks for the offer tho."
"Hanggangngayon hindi a pa rin palainom ng tubig. Drink this," inabot ng binata ang kamay niya at iniwan doon ang bottled water na hawak. "Stay hydrated," paalala niya bago tuluyang talikuran ang aktres.
Naubos ang oras ni Meera kakatitig sa bote. Bago pa man niya mabawasan ang laman ay muli na silang ipinatawag sa entablado. Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili. Sanay na siya sa tao at sa public speaking pero bitbit niya pa rin lagi sa loob ang kaba.
Pag-akyat ay nagkaroon ng kaunting chikahan sa pagitan nilang tatlo: Armida, Meera, at Jelome.
"Nayanig ang Pilipinas sa biglaang pagbabalik mo, Jelome. Marami ang nagtatanong kung ano raw ang nagpabago sa isipan mo na bumalik sa industriya gayong maganda naman na ang career mo bilang isang Doctor."
His lips wuirked up a bit. "May naiwan kasi ako dito na kailangan kong balikan at kunin."
"Ano, o sino rather," panunukso ng host.
Unti-unting naramdaman ni Meera ang pagtambol ng kaniyang dibdib nang lumipad sa kaniyang direksyon ang mga mata ng aktor.
"Her," diretso niyang sagot at saka itinuro ang aktres. "Meera and I dated before I left showbiz as I decided to finish my education and pursue my dream as a doctor. I am successful, yes. But despite that, I feel something strange deep inside me."
"Oh... so you two are dating again?"
Palihim itong ngumisi at sumulyap kay Meera. "Kung papayag siya," sagot niya. "Meera, sana ngayong pwede na, pwede pa."
"Meera?"
"No words can describe what I am feeling right now." Tumingin sa itaas ang dalaga at kunyari'y nagpipigil ng luha ngunit sa katotohanan ay nag-iisip lang ito ng isasagot. "I...I want to-"
Naputol ang kaniyang sinasabi nang sumingit si Jelome. "No pressure. You don't have to answer right now, but Can I at least ask you a question?"
She nodded.
"Do you have a spotify?"
"Uh, yes."
"I think something must be wrong with my Spotify because I didn't see you on the last week's hottest single."
Witty.