Kabanata 5

1204 Words
NAPASINGHAP si Meera.  Hindi na niya napigilan ang sarili na mapasinghap ng tuluyan siyang masakop ng bisig ni Jelome. Nag-init ang kaniyang pisngi at maging ang buong katawan. Parehas man silang may suot na saplot sa katawan ay tila nararamdaman pa rin ni Meera ang init ng kanilang katawan.  Hanggang ngayon ay nasa bisig pa rin siya ng binata. Laglag ang kaniyang panga at sa wari niya ay napako siya sa kinatatayuan. Pigil na pigil din ang kaniyang hininga, nanlalaki ang dalawang hugis almond na mata, at paulit-ulit na ikinukurap ang pilik mata.  Maging ang handler at personal na assistant ay hindi na rin naka-imik pa. Nanatiling tikom ang kanilang bibig ngunit nagsisikuhan habang inaabangan ang mga susunod na mangyari.  Mas lalong hinigpitan ng binata ang pagkakayapos sa aktres. Sa pagkakataong ito ay sinikip ni Meera na pigilan ang sarili na muling suminghap. Nanatili sa ganoong posisyon si Jelome at Meera ng ilang segundo.  Natauhan lamang siya nang tumikhim ang binata at nagsalita.  "Hug me back," pabulong niyang utos sa dalaga.  Tila doon pa lamang nag-sink in sa utak niya ang mga pangyayari. Sinubukan niyang kumawala mula sa pagkakayapos at itulak ito palayo ngunit hindi siya hinayaan ni Jelome. Bagkus, mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayapos.  "Stay still. Don't be too stubborn. Now, pretend that you are happy to see me and hug me back," muli siyang bumulong.  "Jelo...." nahihirapan niyang bigkas sa pangalan ng binata. "What are you doing, and why are you doing this?"  "Artista ka ba talaga?"  Kumurba paitaas ang kaliwang kilay ni Meera bago sumagot, " At sino ka para kwestyunin ang pagiging artista ko?"  "Dahil anong klase kang artista kung hindi mo alam kung kailan mayroon at walang camera sa paligid mo?"  Nanlaki ang dalawang mata ni Meera at dali-daling niyakap pabalik si Jelome. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Doon tila nakaramdam ng hiya sa katawan ang dalaga. Parang gusto nalang niyang magpalamon sa lupa o 'di kaya naman ay i-untog ang ulo sa pader nang paulit-ulit. Bakit nga ba sumagi sa kukote niyang yayakapin siya ng aktor na walang rason? Boba ka talaga, Meera. Emosyon mo nanaman ang pinapagana mo at hindi ang utak. Maging wais ka, aniya sa utak.  "Uhm... may camera pa ba?" pabulong na tanong ng dalaga.  He took a deep breath. "Yeah. Hindi pa rin sila umaalis?"  Kumunot and noo ni Meera. "Where are they?" kuryuson niyang tanong.  "Right part of the wing. The one who's holding a magazine."  "Okay."  "Tighter, love," bulong ng binata.  "Whatever," she replied with her rolling eyes. "Wala naman 'atang camera at gusto mo lang akong tiyansingan e." "Luh. Ano ka, chix?" Pagbibiro ng binata. But the truth is, he missed this. He missed her. He missed everything about her.  "Hindi ka pa rin pala nagbabago. Ang kapal pa rin ng mukha mo," she fired back.  "Nothing changed that much, love. 'Yung pangalan ko lang kasi nadagdagan ng MD., sa dulo."  Nang maalis si Jelome sa talent search ay itinuloy niya ang pag-aaral. Doon niya ibinuhos at itinuon ang oras habang tahimik na pinapanood at sinusuportahan si Meera mula sa malayo. Leap year program ang kinuha niya kaya't hindi siya gaanong natagalan upang masungkit ang MD., sa dulo ng pangalan, at syempre sa tulong na rin ng mga koneksyon na mayroon ang kaniyang tatay. Si Meera na ang una at nagkusang bumitaw sa yakap. Hindi naman umangal ang binata at hinayaan na rin itong makawala mula sa kaniyang bisig.  Tumikhim si Meera. "Sa tingin ko ay ayos naman na 'yon at nakuhanan na tayo siguro ng uhm...magandang anggulo."  "Kahit saang anggulo naman ay maganda ka, Meera, kaya huwag kang mag-alala."  "I know right," mayabang niyang anas at saka nag-flip ng buhok. "Ikaw ang inaalala ko dahil nakakahiya naman kung ang ganda ganda ko roon tapos iakw ay mukhang tukmol," pagbibiro niya.  Ngiting tagumpay niyang hinarap si Weng at Bubaby na ngayon ay nananatiling tikom ang bibig at tahimik silang minamasdan. She faked his clap. Dahilan upang mapatalon si gulat s Bubay at mapakurap naman si Weng.  "The show is over mga mamshie!" masigla niyang wika. "Anong sabi ni Direk?"  "I'll try to call him agaim again. But for the mean time humanap muna kayo ng spot natin habang naghihintay."  Iginaya sila ng isang babae papunta sa dulo upang hindi maging agaw pansin ang presensya ng mga aktres. Baka kasi dagsain sila at magkagulo sa loob.  "Ngayon ko lang na-realize 'to bhie," bulong ni Bubay habang sila ay naglalakad.  "Ano nanamna 'yan, Bubay?"  "May chemistry kayong dalawa. Ang cute niyo pala talagang magkasama. Sa telebisyon ko lang kasi kayo dati nakikita."  "Wala kaming chemistry, Bubay. Guni-guni mo lang 'yan."  "Sus! In denial kunyari pero sa loob loob nagdidiwang na ang kipay--este puso."  Nang makarating sa pwesto ay agad na nagpasalamat si Meera sa trabahador. Hindi naman kasi porke't artista siya ay hindi na niya igagalang ang kapwa tao. That is what the greatest person in her life thought her, her mom who passed away years ago due to lung failure.  "Thank you po," magaling niyang anas. Ganoon din ang ginawa ni Bubay. Samantala isang tipid na ngiti lang ang ibinigay ni Jelome dito.  Nang makaalis ay dali-daling kumilos ang aktor upang ipaghila ng upuan si Meera.  Umarko pataas ang kilay niya't nagtanong, "Nasa atin pa rin ba ang focus ng camera?" taka niyang tanong. Plastik siyang ngumiti sa binata at saka tinanggan din ang upuan.  "No. Walang camera, love," mahinahon niyang tugon.  "Then you don't need to do it. I want, and I insist to keep our boundaries kung wala namang camera sa paligid."  "I know love,  but I insist. I miss doing it to you just like the old times."  "Hindi mo na kailangan gawin 'yon sa susunod, Jelome. At isa pa kung pwede lang ay tigil-tigilan mo na ang kakatawag sa akin ng love. May pangalan ako, it's Meera Posedio Grande not love."  "Sorry, love, bad." Tatawa-tawa niyang anas. "I mean Meera. Ang haba naman kasi ng pangalan mo. Can't I just call you like how I used to call you before?" "Never gonna happen," she fired back.  "Kidding, love!" Mas lalo siyang sinamaan ng tingin ni Meera nang magsimula itong tumawa. Kung dati ay para itong musika sa kaniya pandinig ngayon ay kasalungat na at tunog nang-iinsulto.  "Nice top, by the way. I love it," he complimented.  "Brought it earlier at Cha's Apparel."  "My cousin is the owner of that apparel, love."  "Oh my gosh! Tell me you're kidding," hindi makapaniwalang saad ni Meera.  Cha's Apparel nagmumula ang mga outfit ni Meera mula nang makagawa ng pangalan sa industriya. Ang shop na 'yon ay nagmistulang walk-in closet niya for the past years. Ito rin madalas ang nag-sponsor sa mga libreng tops niya, tulad ng suot niya ngayon.  "I'm not. Charlene's my cousin. You can call her and ask directly to verify that I am not lying."  "Maybe some other time. Thanks for the compliment tho."  "No worries. It really suits you well and I love it." "Manok ko 'yan," pasimpleng bulong ni Bubay sa aktres at saka humagikgik.  "I love your top, but I’m gonna love it more when I’m on your top," he added.  And with that, her jaw dropped. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD