NAKAMASID lamang sa kawalan si Meera sa buong biyahe. Katabi niya si Weng, ang kaniyang hard working handler. Kasalukuyan itong abala sa pag-aayos ng mga schedule at bookings niya. Sunod-sunod kasi ang mga proyektong dumarating at hindi niya kayang tanggapin lahat lalo na't magsisimula na ang lock-in taping nila sa El Paraiso na halos limang oras ang layo mula sa siyudad.
Ang driver s***h sweet lover ni Weng ang kasalukuyang nagmamaheho ng sasakyan. Mahinahon at banayand lamang ang takbo, hindi ito kaskasero katulad ni Bubay. Nasa likod ito at mahimbing na natutulog. Kung puyat ang aktres ay mas puyat naman ang kaniyang personal na alalay.
"After lunch pa 'yung next schedule mo," panimula ni weng. Isinara niya ang iPod at saglit na ibinaling kay Meera ang tingin ngunit agad ding binawi at ibinalik sa iPod. Unboxing lang 'yon ng mga product na ipapalada ng NB Cosmetics.
"Ang huli mo ay 'yung dinner meeting kasama ang CEO ng isang mineral water mamaya. Kokontratahin ka 'ata para sa isang commercial. Galingan mo, Meera."
"Solo commercial ba?" paniniguro niya dahil palagi nalang siyang sinusundan at ginagambala ni Armida.
"I don't know the details yet pero ang alam ko ay hindi. Basta't makinig ka nalang mamaya at huwag mong aalisin ang ngiti sa labi mo. Okay?"
"Sige," tipid niyang sagot. Kumunot ang noo ni Weng. Bumuka ng tatlong beses ang bibig ngunit wala namang lumabas na salita mula roon kaya hinayaan niya nalang.
Isinandal niya ang ulo at hinayaan ang isip na magtalo. Hindi niya rin naman mapipigilan ang mga bagay-bagay na tumatakbo at naglalaro sa isipan niya kaya imbis na bawalan ay sasabayan niya nalang.
Hanggang ngayon ay mayroon pa rin siyang pag-aalinlangan sa desisyon kanina. Naiipit siya sa sitwasyon kaya't naging padalos-dalos siya sa pagbibitiw ng salita dulot na rin ng emosyon.
May parte sa kaniya na nais nalang ipaubaya na lamang kay Armida ang pwesto bilang leading lady ng proyekto upang maiwasan ang pangungulit ni Jelome, o maiwasan na magkaroon silang dalawa ng interaksyon sa isa't-isa. Upang maiwasan ang mga posibilidad na ikinababahala niya kung sila ay magsasama ng matagal lalo na at lock in ang taping nila.
Subalit, sa kabilang parte ay ayaw niyang ipaubaya ang role kay Armida. Bihira lang ang pagkakataon na katulad nito, na mabigyan siya ng isang oportunidad na masungkit niya ang puso ng direktor upang mapili siyang gumanap bilang bida, at na maungusan ang pangalan ng aktres dahil marami itong kapit, mas malaki ang bilang ng supporters, at mas matagal na sa larangan ng industriya. Ayaw niya itong ipaubaya dahil nais niyang ipamukha kay Armida na hindi lang siya basta-basta artista lang.
"Meera, nakikinig ka ba?"
"Sorry, Weng, I am spacing out again." Bumuntong-hininga siya. Itinagilid sa gawing kanan ang ulo at sinikap na bigyan ng apologetic smile ang handler na sa wari niya'y kanina pa naiinis. Baka bulyawan nanaman siya nito at hindi tigilan. Delikado ito bumaril ng sermon dahil tuloy-tuloy at hindi nauubusan ng bala.
"Ano nga ulit 'yon? Pasensya na talaga."
"Hindi ka kasi nakikinig sa akin. Lumilipad nanaman ang utak mo," sumbat ni Weng.
"Pasensya ka na talaga Weng."
"Napansin kong kanina ka pa wala sa sarili. May problema ka ba?"
Gumawa ng daan ang kaniyang labi upang ngumiti ng matamis. "Ayos lang ako Weng. Pagod at puyat lang siguro ito kaya huwag kang mag-alala," paniniguro niya bago muling ibalik ang tingin sa itaas ng sasakyan.
"Hindi mo ako maloloko. Ilang taon na tayong magkasama sa trabaho at kilala ko kung kailan ka ayos at kailan ka hindi ayos. Kanina pa kita minamata simula noong nasa loob tayo ng conference room. Hindi ka mapakali, para kang natatae, at pinaglalaruan mo ang mga daliri mo katulad ng ginagawa mo ngayon."
Napalunok ang dalaga at dali-daling itinigil ang pagkilos ng mga daliri. Bumuntong-hininga siya at nanatiling tahimik.
Am I not okay? she asked herself. Tanong na hindi niya masagot-sagot. Dinaig pa ang isang one hundred items na calculus equations sa sobrang hirap. Hindi pwede 'to. Unang iteraksyon pa lang namin pero ganito na ako. Ayusin mo ang sarili mo Meera. Isipin mo lahat ng dinanas mong hirap makatungtong lang sa kung nasaan ka ngayon. Isipin mo ang career mo, si Byron. Muli nanaman siyang nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.
Oo, tama. Si Byron dapat ang iniisip ko at hindi si Jelome. He's nothing and definitely not worth thinking of, she reminded herself.
"Katulad niyan, hindi ko na mabilang kung ilang beses kang nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Hindi ka okay, Meera. Tell me what's on your mind, what's bothering you right now. You can trust me."
"Huwag kang mag-alala sa akin Weng, wala lang 'to."
"Come on, Meera. Hindi ka okay at hindi ka pwedeng humarap sa camera na ganiyan. Maapektuhan ang performance mo. Gusto mo ba 'yon?"
Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niya. Yumuko siya at saka muling pinaglaruan ang mga daliri.
"Hindi ko alam Weng. Maging ako ay hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko sa mga oras na ito. Okay naman ako e. Wala naman akong problema. Hindi ba dapat ay masaya ako kasi sa akin ibinigay ang role at hindi kay Armida? Pero...pero bakit ganito? Bakit hindi ko maramdaman na masaya ako? bakit ang bigat bigat sa dibdib?"
"Meera, something is wrong with you. Lahat ng bagay ay may rason. Hindi mo nararamdaman 'yan dahil wala lang. Valid ang nararamdaman mo. May rason kung bakit mo 'yan nararamdaman, kung bakit ka nalulungkot ngayon. Alam mo 'yon sa sarili mo pero in denial ka lang kasi it's either hindi mo maamin sa sarili mo o ayaw mo talagang aminin sa sarili mo na 'yon nga ang rason." Ngumiti si Weng at inabot ang kanan niyang kamay. Pinisil niya kaunti ang kamay ng aktres at saka nginitian. "At habang sinasabi ko sa 'yo ang mga bagay na ito, tumatakbo na sa isipan mo ang rason na tinutukoy ko. Tama ba, Meera?"
Damn! Hindi ako nakailag. "Sort of."
"Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang mayroon sa inyong dalawa ni Jelome."
"W-What?" Nauutal niyang tanong kay Weng. "Nothing. We're nothing," she added.
Kung umiinom lang siguro siya ng tubig o may kinakain ay paniguradong naibuga niya na ito.
"There's a thing between you too, Meera. Don't spill sweet lies because I can clearly see it in your eyes."
"Yes, there's a thing between us. And that thing is nothing, not something."
"Hindi ka nagsasabi ng totoo, Meera. Iba ang nakita ko kanina sa inyong dalawa sa loob ng conference room at sa basement. Iba ang sinasabi ng ibinubuka ng bibig mo sa reaksyon ng katawan mo."
"He's..." she paused for a while and took a very deep breath before facing her handler, who's currently waiting for her answer patiently. "We've known each other before entering this industry. He was my...schoolmate in secondary and tertiary level."
"And?" Weng asked, raising a brow.
"That's it."
"May hindi ka sinasabi sa akin, Meera." Isang mapagdudang tingin ang ibinigay sa kaniya. Umiwas lang siya ng tingin at sinikap na ituon ang pansin sa binta, sa senaryong nadadaanan sa labas.
"Oo nga. 'Di ba nakama niyo siya ni Armida noon sa talent search?" sabat ni Bubay habang kinukusot-kusot ang mata. Lihim pala itong nakikinig sa usapan.
"Oh! Really? He was? I... I can't recall it," palusot niya.
Iiling-iling si weng habang si Bubay naman ay binigyan siya ng isang malaks at sunod-sunod na palakpak. Mula sa pagkakahiga ay umupo siya ng maayos.
"Artista ka nga, bhie. Congratiolations! Ang galing mong umarte," aniya't impit na natawa. "Hindi mo nga ba talaga maalala o ayaw mong maalala?"
"Ano bang pinagsasabi mo diyan, Bubay? Antok lang 'yan. Itulog mo nalang ulit," ani Meera.
"Huwag ako bhie. Huwag ako."
"Jelome and I used to be friends in High School. Malayo ang department namin sa isa't-isa noong kolehiyo dahil nasa School of Natural Science siya samantalang ako ay nasa school or Teaching Liberal Arts. we never spoke to each other right after our High School Graduation. Hindi ko matandan na nakasama ko siya sa talent show dahil matagal na rin 'yon, ilang taon na rin ang nakalipas."
"Hindi talaga e," pangongontra pa rin ni Bubay. "Imposibleng hindi mo siya maalala dahil sa pagkakatanda ko ay siya ang unang naipares sa 'yo sa showbiz. Na-issue kayo kaso um-epal si Armida. Hindi rin nagtagal ay na-eliminate si Jelome at bigla nalang siyang nawala sa camera. Walang balita tungkol sakanya at ngayon ay bigla nalang bumalik out of nowhere."
What is he up to? Bakit bigla na lang siyang sumulpot na parang kabuti?
"Meera?" Weng asked her again.
"Excuse me but I opted not to share my personal life with you too."
Akmang kukulitin pa siya ni Bubay pero agad na itong pinigilan ni Weng. Sumenyas ito na manahimik ana at hayaan na lamang si Meera. Mukha rin naman kasing wala siyang balak magsabi ng totoo o magkwento sa kanila.
Ilang minuto ng katahimikan ang lumipas bago tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang restaurant kung saan ay ekslusibo lamang para sa mga artista, kilalang personalidad, o mga nasa politika. Dito ay nagagawa nila ang gusto dahil sa mataas na seguridad sa labas at buong paligid ng area. Hindi nakakapasok o nakakalusot ang media at mga makukulit na reporter dito. Kaya naman malayang nagagawa ng mga artista ang gusto. Komportable rin ang oras sa pagkain dahil wala silang iniisip na baka ma-stolen shot at mag-trending sa internet, gawing meme, or whatsoever.
"I'm sorry about earlier," pagpapa-umanhin ni Meera bago bumaba sa sasakyan.
"May isa at kalahating oras pa tayong libre. 'Yung 45 minutes ay para sa pagkain, ang 20 minutes ay para sa biyahe papunta sa building ng NB Cosmetics, at ang natitirang minuto ay ilalaan nating allowance sa biyahe dahil baka matindi nanaman ang trapiko sa Balintawak," paalala ni Weng at hindi pinansin ang apology ng aktres.
"Got in mareng Weng," masiglang anas ni Bubay. "Na-contact ko na rin kanina 'yung botique para sa fittings ni Meera. Kaunti nalang ang unused outfit niya. Kailangan niya ng mga bagong set lalo na sa lock in taping at mga interview."
"Okay. Thank you, Bubay! How about the dinner meeting tonight, may sinabi na bang location para mamaya?"
"Meron na po. Ipapasa ko nalang sa 'yo 'yung text message nila sa akin."
"Great!"
Matapos kumain ay diretso biyahe agad sila. Dadaan sila sa NB cosmetics upang personal na kunin ang package nila para sa unboxing niya na to be uploaded din mamayang gabi sa you tube channel niya, ang teaser naman ay out na daoat before dinner sa kaniyang i********: strory, f*******: account, at f*******: page.
Dalawang box ang binigay ng NB Cosmetics. Bago umalis ang dalaga ay kinunan muna ng isang mirror shot, isang stolen shot, isang selfie kasama ang manager, at isang solo picture sa labas ng building nila. Gagamitin nila ito para sa appreciation post nila sa aktres sa pagtangkilik ng proyekto.
Paalis na sila nang makatanggap sila ng mensahe mula sa direktor.
"Anong sabi ni Direk?" kinakabahang tanong ni Meera. "Nagbago na ba isip? Hindi na ba ako 'yung bida?"
"Pinapapunta niya tayo sa cafe malapit sa network," tipid na sagot ng handler.
"Okay."
Sa sasakyan na siya inayusan ni Bubay at doon na rin siya nagpalit ngoufit. Isang white long sleeve na off-shoulder ang suot niya sa pang-itaas na umabot lamang hanggang sa laylayan ng kaniyang pusod. Pinaresan niya ito ng old-fashioned jeans at kulay itim na takong.
"Smile, Meera. Huwag mong hahayaan na mas nangingibabaw ang emosyon mo kesa sa sarili mo."
Tumango siya at taas noong naglakad papasok sa loob. Iginaya sila ng staff papasok sa loob. At doon niya natagpuan ang rason na tinutukoy ni Weng kanina.
"Hey!" he greeted with a sweet smile plastered within his lovely face. "You look stunning, Meera!"
Nanlaki ang dalawang mata ni Meera nang bigla nalang humakbang palapit sakanya si Jelome at mahigpit siyang niyakap na walang pasabi.
"I miss being this close to you."