MABILIS ang t***k ng puso ni Meera sa pinaghalong takot at kaba.
Natatakot siya sa maaring mangyari sa kaniya, sa sa kanila ni Jelome dahil sa padalos-dalos niyang desisyon. Natatakot siyang muling makasama ang isang bangungot na parte ng nakaraan. Natatakot siya sa mga bagay-bagay na hindi niya maamin o maipaliwanag sa sarili.
"Great! So I'll see you two tomorrow?" cheerfully, the director said, clapping his hands twice.
Matamis ngunit tipid na ngumiti ang ibinigay ni Meera ng salubungin niya ng mainit na yakap ang direktor. Ganoon din ang ginawa nina Weng at Bubay.
"Congratulations, Meera!"
"Thank you!" she flashed her sweetest smile, just like how Weng thought her whenever she's talking to someone higher than her. Lalo na kapag ang taong ito ay maaring maging susi upang mas makilala pa siya sa industriya. "I promise not to screw up during tapings. Hindi ko sasayangin ang tiwala na ibinigay niyo sa akin sa role na ito."
Tahimik lamang na pinapanood ang bawat galaw ni Meera. Sinusubukang alalahanin ang bawat detalye sa mukha niya. Sinusundan ang bawat galaw o pagbuka ng mga labi ng dalaga. At sa bawat pagbuka ay palaki nang palaki ang kagustuhan ng binata na sunggaban ito't halikan na tila walang bukas. Sa tuwing ngumingiti naman ito ay tila tumitigil ang mundo niya. Masyadong perpekto ang hugis ng kaniyang labi.
"Excited na akong makasama ka sa proyektong ito."
"Oh! I am excited as you are."
"Great!" Wika ng direktor bago lumipat ang pansin kay Armida.
Kasalukuyan itong naka-upo at buryong-buryong pinaglalaruan ang matutulis na kuko. Kulay pula iyon at halatang bagong gawa lang.
"Armida, Congratulations!"
"Yeah," she replied sarcastically. "I mean, thanks?" Padarag siyang tumayo at yumakap sa direktor. Binigyan niya ito ng isang tipid na tipid at pilit na ngiti.
"As much as I wanted to stay a little bit longer, I can't. Ang messed up ng schedule ko dahil sa mga sunod-sunod na offer at bookings," wika ni Armida matapos bumitaw sa yakap.
"I understand dear."
"Of course," she faked her laugh as she shifted her gaze towards Meera. "How about you, Meera?"
"What about me?" she aksed, raising her right brow.
"Can you relate? I mean 'di ba you're not that suki of contracts and something?"
Pasimple siyang siniko ng personal assistant na si Bubay. Tumikhim si Meera. "Actually full pack na rin ako this week. Maraming project ang na-cancel at naharang ng handler ko dahil sa sobrang tight ng schedule ko araw-araw." Mas masikip pa nga 'ata ang schedules ko kesa sa pechay mo, pabiro niyang dugtong sa isipan.
"Oh.." alanganin itong ngumiti at tila napahiya. "I didn't know that. By the way, Congratulations on your first lead role, Meera! Finally hindi ka na utusan o extra lang sa pelikula."
"Thank you, Armida!" Naiinis man ay sinubok pa rin ni Meera na kontrolin ang sarili dahil kung hindi ay baka masabunutan na niya ng tuluyan ang aktres.
"No worries. It's my pleasure to work with you again."
"Me either," she replied calmly.
Hindi na muling nasundan ang interaksyon sa pagitan ni Meera at Armida. Mabuti na lamang at tumigil na ito sa pang-aasar dahil kaunti na lang ay tila papatol na si Meera.
"I missed you, Jelome! It was my pleasure to work with you too again," aniya't halos idikit na ang katawan sa binata na halata namang nag-eenjoy sa ginagawa ni Armida. Kusang inilayo ni Jelome ang sarili kay Armida at saka pilit na hinuhuli ang mga mata ni Meera.
Sh*t! I don't want her to get the wrong idea. "Thanks," he replied shortly.
"You don't miss me," mapait niyang anas. Hindi iyon isang tanong kung 'di isang statement.
"Clearly," he fired back.
"Ouch! Uhm... but can we at least hang out at your unit just like the old times?"
Tila walang narinig ang binata dahil ang atensyon nito ay nakatuon lamang sa isang babae, kay Meera. Kasalukuyan itong nakikipagtawanan sa handler at sa direktor habang ang personal assistant ay inaayos ang kaniyang buhok. Kukunan siya ng litrato upang i-post sa kaniyang f*******: at i********: account, giving hints to people that she is part of the project.
Mamayang gabi ay eere sa balita ang mystery poster ng Touch the Skies at isang maikling panayam sa direktor. Kaunting portion lamang ng mukha nina Meera at Armida ang ipapakita sa poster. samantala, isang itim na figure lang ang kay Jelome upang mas magkaroon ng interest ang mga tao. Mas makukuryuso sila at aabangan nila kung sino ang cast na tinutukoy. Sa ganoong paraan ay tataas na ang ratings nila 'di pa man sla nagsisimula. Malaki rin ang posibilidad na pag-usapan sila at mag-trending nanaman sa twitter. At iyon ang isa sa goal ng network.
"Jelo, are you listening?" Armida asked with a hint of irritation plastered within her face.
"Excuse me, what is it again?"
"You're not listening. Ako ang kausap mo pero nasa ibang tao ang mata mo. Isn't it rude and disrespectful?"
"Armida, let me just remind you, you are not my girlfriend. So will you please stop acting like one?"
"W-What?" her voice broke. Ilang beses na siyang napapahiya sa araw na ito. "Je-"
"I am never yours, Armida," he cleared himself.
"I...I thought we had a thing?"
"We had. And that thing is nothing, not something. Stop assuming things."
"What are you talking about?" Nanginginig ang boses niya nang itanong iyon sa binata. Hindi ito ang inaasahan niyang trato sa kaniya ni Jelo sa muli nilang pagkikita. She expected something more than this. Frankly speaking, she did not expect this cold treatment of his.
"Jelome?" she calls his name again.
"I am never yours, Armida. You are not my girlfriend. Keep that in mind," harshly, he replied.
"Is she?" mapait na tanong ni Armida sa binata na ang dalawang mata ay nakatuon lamang kay Meera na ngayon ay paalis na.
He missed her. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na lapitan ito at yakapin ng mahigpit. Gusto niya itong lapitan ngayon at pigilan sa pag-alis ngunit tila napako ang dalawa niyang paa sa kinatatayuan. Lihim na natatakot sa kung ano man ang tumatakbo sa isipan ni Meera.
"Is she?" Armida asked again.
"N-No," mahina niyang tugon at saka unti-unting iniwas ang tingin palayo kay Meera.
"Then stop looking like her like that. Stop acting like his boyfriend because you are not."
"Not yet," he added. His lips quirked up a bit. "I'm not yet his boyfriend, Armida. Not yet."
"Yeah," her eyes rolled three hundred and sixty degrees. Ipinag-krus ang kamay sa ibabang parte ng dibdib. "Whatever. Hindi ka rin naman papansinin ni Meera dahil usap-usapan ngayon ang tungkol sa kanila ng non-showbiz boyfriend niya."
"Non-showbiz, what?" kunot-noo niyang tanong sa dalaga.
"Non-showbiz boyfriend."
Kung anu-ano pa ang pinagsasabi ni Armida ngunit ang atensyon ng binata ay nakatuon pa rin sa kulay puting pigura ng pinto kung saan lumabas si Meera ilang minuto na ang nakalipas. Gusto niya itong sundan upang kausapin at magpaliwanag maigi ngunit naduduwag siya. Sarado pa ang isipan ni Meera kaya't malabong pakinggan o maunawaan ng dalaga ang kung ano man ang sasabihin niya.
"You're not still paying attention!" muling reklamo ng aktres.
Tumikhim si Jelome. "Excuse me," he said politely. Doon lang siya tila nagkaroon ng lakas ng loob upang humakbang papalapit sa pinto.
"Wait. Where are you going?" Armida asked. Sinubukan niya itong habulin ngunit isang galaw pa lamang ay natapilok na siya sa taas at tulis ng takong na suot. Napa-aray siya ngunit agad ding sinubukann na itayo ang sarili, pinilit na ihakbang ito upang masundan ang binata.
"Hey! I said, where are you going?"
"I will chase my dream. Leave me alone, Armida."
"Fine!" Laglag ang dalawang balikat at iika-ikang naglakad pabalik ng conference room ang dalaga. Wala na siyang naabutan sa loob na siyang naging rason upang mas makaramdam siya ng labis na inis. Kung maari lamang niyang basahin ang mga babasaging pigura at display sa loob ay gagawin niya.
"I hate you, Meera! I hate you! Pagsisihan mo ang araw na 'to. Mali ka ng kinakalaban at isasampal ko sayo 'yon. I am Armida Dela Fuente, and she, Meera Posedio Grande is nothing but a piece of paper that belongs to the 3R container."
Sa kabilang banda, palinga-linga si Jelome habang binabaybay ang daan sa ika-apat na palapag. Kanina pa siya naglalakad ngunit hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matunton ang kinaroroonan ni Meera. Mabilis itong nawala sa paningin niya kanina at hindi nasundan kung saang sulok sumiksik.
"Where did you go, Meera?"
Tanging ang rooftop at basement na lamang ng building ang hindi niya napupunatahan. Saglit siyang tumigil sa paglalakad. Kinapa niya ang bulsa at saka inilabas ang cellphone upang bisitahin ang i********: account ni Meera dahil kung hindi siya nagkakamali ay narinig niya ang pag-uusap kanina patungkol sa photoshoot niya,
Agad na napadiretso ng tayo ng binata. "What the fvck?" Ganoon ng makitang naka-block na siya bigla sa Intagram at f*******: account ni Meera. Dati naman ay hindi. Doon niya masugid na minamanmanan ang bawat detalye at kilos ng dalaga. Sa inis ay pinili niyang itago na lamang ang cellphone dahil wala rin naman itong kwenta.
"Where the hell did you go?" Muli siyang nagpalinga-linga. Ilang hakbang ang nagawa niya patungo sa rooftop ng hrangin siya ni Direk. Lingid sa kaalaman ng binata, sinundan siya ng direktor.
"Cool down, Jelo. Keep your calm and patience."
Doon tuluyang lumingon ang binata sa direktor. Bumuntong-hininga ito at saka tipid na tumango.
"Where is she?"
"Patience. If you want her back, to win her heart back, keep it slowly but surely. Kakabalik mo pa lang sa industriya kaya kumalma ka muna. Marami ka pang oras, huwag kang magmadali, Huwag mong madaliin dahil malaki ang chance na maaksidente ka kung magpapadalos-dalos ka at bibilisan mo ang takbo."
"I...just want to see her. Kahit sa malayo ko lang siya makita just like the old times, ayos na ako doon."
"Kung bugso ng damdamin ang paiiralin mo mas lalo siyang mawawala sa 'yo. Sa tingin mo ba kapag nalaman niyang bumubuntot ka ay lalapitan ka? Hindi ba't mas lalo ka lang niyang lalayuan? May posibilidad din na mas taasan niya ang pader na itinayo ilang taon ang nakalipas upang harangan ka. Or worst ay bigla siyang mag back-out sa project. Do you want that to happen, Jelome?"
"Of course, I don't." He pulled too many strings just to be with her again. Iniwan niya ang ilang taon niyang igunugol sa pag-aaral ng medisina upang makasama si Meera. Ginamit niya ang mga koneksyon upang matuloy ang proyektong ito, at upang si Meera ang maging katambal niya sa pelikula. Masyado na siyang maraming pinaikot at ginalaw, oras na iginugol, at pagod upang maisakatuparan ang plano. Also, he promised himself not to screw up again this time.
"Then get yourself together. Kung gusto mong maging maayos ang daloy, ayusin mo ang sarili mo."
"I will. Thanks for reminding me. I'll go ahead."
"Great! Send my regards to your father."
"Okay," he replied with a nod and left the director silently.
Binilisan ni Meera ang hakbang papasok sa sasakyan nang makita ang buklto ng lalaki na iniiwasan niya. Inuluwa ito ng elavator sa basement. Natagpuan niya rin si Armida sa tabi ng binata. Nakalingkis ito na parang sawa sa braso ni Jelome. Ngiting-ngiti at pasimpleng ikinikiskis ang dibdib sa kaniya. Sabay silang lumabas. Iginaya ng binata si Armida papasok sa isang kulang itim na sasakyan.
Iyon lamang ang senaryong naabutan niya. Agad niyang iniiwas ang tingin sa dalawa bago pa man mandilim ang paningin niya. Ano naman ang pakialam ko kung sabay silang lumabas at sabay silang uuwi?
"Meera! Meera!"
Agaw pansin sa basement ang lakas ng hiyaw ni Bubay. Na-estatwa si Jelome sa kinaroroonan nang marinig ang pangalan ni Meera. Dali-dali itong lumingon sa pinanggalingan at doon natagpuan ang magandang imahe na nais niyang unang makita sa pagmulat ng mata at huling imahe na makikita bago ipikit ang mata. Lovely! he complimented.
"H-Ha?" Tila wala sa sarili niyang tanong nang lingunin ang personal assistant.
"Ito 'yung sasakyan natin. Ayos ka lang ba?"
"Uhm..." hindi alam ng dalaga kung saan ibabaling ang tingin. Sinikap niyang huwag alisin ang pokus ng mata kay Bubay. "Pasensya na hindi ko napansin," paumanhin niya.
Umayos ka, Meera!