Kabanata 2

2321 Words
RUMARAGASANG kalabog sa pinto at matinis na hiyaw ni Weng ang gumising kay Meera sa reyalidad. Ilang beses na kumurap-kurap ang nanlalaki niyang mata. Wala na ang bulto ng binata sa harap niya. Nakaalis na pala ito ng hindi man lang niya namamalayan. What was that? That kiss was mind-blowing to the point that she almost forgot to breathe properly! Mukhang may problema ‘ata ang respiratory at circulatory system ko. Doctor ang kailangan niya. Oh, crap—isang malakas na sapak sa mukha at untog sa sarili lang ang kailangan niya. Nothing more, nothing less. Mariin siyang kumapit sa lababo upang suportahan ang katawan niyang nanginginig at nanlalambot. Mukhang kailangan niyang kumain ng sandamakmak na balot para sa tuhod niya. Damn! Really, why did I kissed him back? Bumuntong-hininga siya. Unti-unti niyang ginalaw ang ulo Paragas upang masdan ang imahe sa salamin. Hindi niya alam kung ano ang malabo, mata ba niya o ang salamin. Hindi imahe ng isang Meera Posedio Grande ang nakikita niya, kun ‘di imahe ng isang babae na kaawa-awa, at hinusgahan. Hinaplos niya ang imahe sa salamin. Kagat-kagat niya ang pang-ibabang labi at dali-daling binitawan ito. “Will you please calm down? Gumising ka sa kahibangan at katangahan mo, Mee! Ito na ‘yon o. Sikat ka na, stable na ang buhay mo, nadidiligan naman ng regular ang halaman mo, masaya ka naman...’ata.” Masaya nga ba ako?  Mariin siyang pumikit at bumuga ng hangin. Hinugasan niya ang mukha, kamay, lalong-lalo na ang labi niya. Kinuskos niya ito ng todo. She took out her small makeup and started to fix her messy face. But this time, red lipstick ang ginamit niya. It suits her well. She looks fiercer, bolder, and stronger. “Meera!” Hiyaw ni Weng. Kanina pa ito kumakatok sa labas. “What are you doing? Kanina pa ako katok nang katok. Kapag nasira ko ang pinto, ilalagay ko sa pangalan mo ang damage.” “Oo na, oo na!” Mabilis niiang ipinasok sa make up kit ang mga gamit. Shoot lang siya nang shoot. “Ang tagal tagal mo, Meera! Pinapak na kami ni Bubay ng lamok dito kakahintay sa ‘yo.” “Hindi ba dapat magpasalamat ka pa sa lamok kasi pinapak ka niya? Ano, masarap ba?” Nagpapapadyak ito. Kulang na lang ay pingutin na niya ang tainga ng artista. “Bakit ba kasi ang tagal mo sa loob? Ano ba ang ginagaw—oh, my! Huwag mong sabihin sa akin na nagsarili ka sa cubicle?” Umakto itong nasusuka. Iniabot niya kay Bubay ang make up kit na hawak. “Inayos ko lang make up ko para naman ma-impress mamaya iyong si Direk.” Plano niya itong akitin gamit ang charm niya para bigyan siya ng magandang role sa teleserye. Popular si Direk Boyet. Bata pa lamang siya, iniidolo na niya lahat ng pelikula at teleserye nito. Isa siya sa dahilan kung bakit siya na-inspire mag-artista. “Speaking of him. Nasa loob na siya, and guess what?” “What?” “Kasama niyang dumating si Armida!” “We? ‘Di nga?” Ramdam niya ang usok na ibinubuga ng ilong niya. “Oo. Sabay pa nga silang umakyat. Maganda ang tawanan at kwentuhan nila kanina. Naku, Meera! Kabahan ka na,” pambabanta nito. “Bakit naman ako kakabahan? I am Meera Posedio Grande, the next drama queen.” “Ay, ewan! Basta’t masama ang pakiramdam ko diyan,” aniya. “Ako rin, Miss Meera,” singit ni Bubay. Nauna siyang pumasok sa elevator. She wasn’t affected at all. Sanay na siyang kung nasaan siya, naroon din si Armida. Minsan nga ay naiisip niyang sinusundan siya nito. Hindi naman pwedeng puro co-insident ang nangyayari. Armida loves to tease her, ganoon din naman siya. Sa mata ko, isa siyang garapata na masarap tirisin! “Si Armida lang ‘yon,” pag-aalo niya sa mga kasama. Tapos na ang pagiging pangalawa niya. Oras na para putulin ang sungay ng demonyitang iyon. “I won’t let her pass this time.” “Naku, Meera, siguraduhin mo lang. Do your very very best. Malaking proyekto ang teleserye na ‘to. Halos mga batikang artista ang cast kaya kailangan mong makakuha ng mataas na role. Mas lalong uugong ang pangalan mo kapag umere na ang drama sa telebisyon.” “I know, Weng.” She took a deep breath. Kailangan niya munang alisin sa sistema niya si Jelome. Hindi ito makakabuti para sa kanya. Ilang saglit lamang ay nasa conference room na rin sila. Prenteng naka-upo si Direk Boyet, kausap si Armida na halos lumuwa na ang dibdib. Hindi na lang sana siya nagdamit, padarag niyang anas sa sarili. “Oh, she’s here na pala Direk,” maarte niyang saad. May pa-hampas hampas pa ang bruha. “Good morning, Direk!” Matamis siyang ngumiti habang naglalakad na tila Miss Universe. Nang makalapit, bumeso siya rito. “Pasensya na Direk kung natagalan. Katatapos lang kasi ng guesting ko sa Isang morning show,” magalang siyang saad. Sa kabilang upuan, naroon ang manager ni Meera at Armida. Parehas lang sila ng manager at agency kaya’t madalas talaga silang maging magka-trabaho, or stall I say mag-plastikan. “It’s okay, anak. I understand your situation. In fact, I am beyond thankful, naisingit mo pa ako sa schedule mo. Tunay ngang pinagpala ka sa ganda. Hindi kataka-taka na mabilis umugong ang pangalan mo sa industriya at pinag-aagawan ka ng iba’t-ibang mga proyekto.” “Aw. Hearing those words from you, the person I used to idolize since my childhood makes my heart flutter,” masuyo niyang saad. “Don’t say that. Pakiramdam ko tuloy ay ang tanda-tanda ko na,” sinamahan niya iyon ng halakhak. Nakitawa rin siya. “Wait—How old are you again? Twenteen?” Armida’s eyes turned 360 degrees, pero agad din iyong umayos nang balingan siya ng direktor. Iginaya niya itong umupo sa tabi ni Armida. Bakit sa tabi pa niya? “Plastic,” bulong niya. Mahina lang iyon pero loud enough for her to hear. “What?” She slightly raised a brow. Nanatili ang plastik at nakaka-irita niyang ngiti. Deserve nga niyang maging artista, magaling kasi siyang siyang umakto. “Ano ‘yung sine-say mo?” “Wala. Ang sabi ko, para kang strow.” “Whatever. Looser!” “Alam mo kung bakit? Kasi plastic ka na nga, sipsip ka pa.” Isang teleserye pala na isinulat niya mismo ang proyekto. Drama ito at tuwing gabi raw eere sa telebisyon. “It was my pleasure to work with you,” ani ng sipsip na si Armida. Kanina pa nagtitimpi si Meera na huwag itong sabunutan. Ang bagay sa kanya, ilampaso sa sahig, o ‘di kaya naman ay ilublob sa bowl ng kubeta tutal mukha naman siyang tae. Nagalak ang direktor sa narinig. “Did you read the scripts?” “Hindi na po kailangan, Direk. Basta’t akda mo ay paniguradong maganda.” “Kanina niyo pa ako pinapakilig, ladies.” Natawa ito pero hindi naman umabot sa mata. Ay, pati si Direk, plastic na rin? “Seriously, you need to read it first. Sabihin niyo sa akin kung gusto niyo ba ang role o kung kaya niyo ba.” Sabay nilang binuklat ang folder. Teaser pa lang ay namula na ang mukha niya. Bigla siyang nag-init at naalala ang si Byron, at ang eksena kanina sa comfort room. Fuck! Bakit pati ‘yon? Pwede namang si Byron lang, ha? Kagat-labi niyang inilipat nang mabilis ang pahina. Kaunti pa lang ang nababasa niya mula sa unang kabanata pero heto’t may kumento na si Armida. “Pasikat talaga. Akala ko naman maganda, maputi lang naman siya,” bulong niya sa sarili. “At dibdib at pera ng ama lang naman ang puhunan.” “Sa tingin ko naman po Direk, I can portray Laureta’s role ng maayos.” Tumikhim ang direktor. Alanganin siyang ngumiti bago tuluyang nagsalita, “Sa totoo lang ay isang mahirap na desisyon para sa akin kung sino sa inyo ang nararapat sa pusisyon. Parehas kayong maganda at may potential—” “It’s okay, Direk,” putol ni Armida. Sumulyap muna siya kay Meera bago ngumisi ng nakaka-insulto. “I think naman Meera can understand na ako ang leading lady mo. She’s sanay naman na to be second option and extra.” Direk took a deep breath. “Actually, she will be going to play Laureta’s role.” Wait—what?  “P-po?” Napa-singhap ang handler niya. Si Bubay naman ay pumalakpak pero walang tunog. Ghost clap lang dahil baka pagalitan siya. Ang manager nila ay walang kibo, prente lang itong nakikinig. Wala naman kasi mawawala sa kanya dahil parehas niya itong talent. Kahit sino ang mapili sa dalawa ay parehas lang din ang kalalabasan at makukuha niya. “You will play Laureta’s role, ija.” Galak na ulit ng direktor."Congratiolations!"  Laglag ang panga ni Armida. Matalim ang tingin niya ngayon kay Jeng at tila pinapatay na sa isipan. Ganyan nga, Armida. Mainggit ka! Jeng shrugged and give her a teasing smile para mas lalo pa itong maasar. “Why siya? Why not me, Direk? ‘Di hamak naman na mas maganda ang mukha at katawan ko sa kan’ya!” “Armida, darling, parehas kayong maganda. Don’t say that—” “You made a wrong choice, Direk!” Tumaas ang tinig ng dalaga pero sinusubukan niyang maging magalang sa harap ng Direktor. “How can you say so?” “Dahil may daring and intimate scenes ka sa pelikula. You need someone like me na may hot and Coca Cola body. Paano naman mag-eenjoy ang viewers mo kung flat ang bida mo? I mean, no offense Meera, ha? Pero daig pa ng dose-anyos ang size ng boobs mo.” Ouch! Hindi siya makapalag dahil totoo iyon. Maliit talaga ang dibdib niya kumpara sa sukat ng kilalang modelo at artista. Mapakla siyang ngumiti. Ilang piga pa ba ni Byron ang kailangan para lumaki ka? usap niya sa dibdib. “Kahit ‘ata mag-push up bra siya Direk ay maliit pa rin an—” Natigil ito sa paghihimutok dahil sa Adan na pumasok. “Flat is hot,” wika nito habang nakangisi na tila baliw. “Hi Direk!” Masigla itong kumaway-kaway. His eyes never left Meera’s, and it sent shivers to her spine. Oh, lupa, lamunin mo ako! “Jelo, my dear! Masaya ako dahil sa wakas, nasa industriya ka na.” N-Nasa industriya? Ano ang ibig nitong sabihin?  The last time she checked his **, nag-aaral ito ng medisina. Hindi naman siya stalker. Aksidente niya lang napindot ang pangalan nito dahil may isa silang common friend na nag-post ng picture at naka-tag ang binata. That’s it. Huwag kayong judgemental at ma-issue. “It’s my pleasure to work with you, too. Matagal ka na naming idolo at nais maka-trabaho ni Meera!” Teka, bakit ako? Kailangan ba talaga niyang i-broadcast ‘yon? Kaloka. “Oh, you know each other? That’s great! Hindi na ako mahihirapan sa inyong dalawa.” “Yes/No!” Halos sabay nilang anas. “Really?” it was him while raising a brow. Nag-init ang pisngi niya nang maalala ang nangyari kanina sa comfort room. Agad niyang iniwas ang tingin sa binata. “Naging kaklase ko siya noong kolehiyo, Direk, pero hindi kami close.” “Liar,” wika naman ni Jelome. “Hi! Mida, right?” Namula ang dalaga. Mistisa kasi ito kaya’t mabilis lang makita ang pamumula. “Right. Armida Dela Fuento. Masaya ako that you still remember me,” she said in a flirty tone. Nasa talent search pa lang sila noon ay hayag na ang pagka-gusto niya kay Jelome. Minsan pa nga silang na-issue sa isang love triangle. Noong panahon na ‘yon, may namamagitan na sa kanila ni Jelome. Walang label pero gusto nila ang isa’t-isa. Siya ang nauna at original, pero si Armida ang pinaburan ng madlang people. “Okay. Enough with the flashbacks. Masaya ako na may background na pala kayo sa isa’t-isa, hindi na tayo mahihirapan sa shoot. Lalo na ikaw Jelome at Meera, you’ll play the main role as Huge and Laureta.” “W-What?” Gulat niyang anas. May sira na ‘ata pandinig ko. “Great!” Aliw na aliw na wika ni Jelome. “But, how about me, Direk?” “You’ll play as Carla, Laureta’s best friend. Huwag kang mag-alala dahil mabenta rin naman sa viewers ang mga second lead lalo na’t gusto nila sa martyr at mabait—” “Bakit hindi nalang si Meera doon? With all due respect, Direk, but Laureta’s role perfectly fits on me.” “Ms. Dela Fuente, if you don’t want the role, you’re free to leave this room now. Marami pa akong kilala na may potential at handang akuin ang role mo.” Padarag siyang bumalik sa upuan at walang ibang ginawa kung ‘di ang irapan si Jeng. Serves you right, b***h! “So, Jelome and Meera, okay na ba tayo sa terms and conditions? I’ll process the contract right away. Bukas na bukas din ay live press conference at contract signing tayo.” Halatang excited na ‘to. “I’m in.” Walang pag-aalinlangan na sagot ni Meera. Hindi man lang ito nag-isip at parang cool na cool pa sa desisyon. “Hindi ko lang alam kay Meera. Baka crush pa rin niya ako hanggang ngayon, Dire—” Matapang niyang sinalubong ang mata ni Jelome. “Expect me tomorrow at the press conference, Direk.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD