Kabanata 1

2859 Words
PADABOG na isinara ni Meera ang pinto ng kulay puting van. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga dahil nagsimula na siyang talakan ng handler. Hinubad niya ang itim na leather jacket, cap sa ulo, at wayfarers na salamin. Kahit sino man ang makakita sa kanya, iisipin nilang isa siyang serial killer o stalker.  Sa NB Cosmetics pa lang kaninang umaga ay mainit na ang ulo niya. Si Armida na kinaiinisan niya ay co-model niya pala kanina sa shoot. Walang ideya si Meera na ambassador din pala ang lukaret sa Natural Beauty Cosmetics.  Dapat hindi siya kasama dahil hindi naman natural ang ganda niya. Subukan niya humarap sa camera na walang kolorete, tingnan natin kung hindi ma-turn off ang mga fans niya kuno, mapait niyang anas sa sarili.  Walang oras na hindi siya nairita kay Armida. Nature na siguro nilang pareho na magbangayan kung walang camera.  At least, the feeling is mutual!   Kasabayan niya si Armida sa talent search ng Mutya Network. Doon pa lang, madalas na talaga silang magka-initan at magparinigan.  Tanda niya pa noong unang beses niyang sumalang sa pag-arte, extra lang pala siya sa show at si Armida ang bida. Naunang sumikat at nakagawa ng pangalan sa industriya ang dalaga dahil ang ama ay isang politician. Money talks, ika nga nila. Kaya kahit mas may potential si Meera ay mas nag-shine pa rin si Armida.  “Meera, are you listening?” tumaas ang tono ng boses nito. Hinilot niya ang sintido saka binalingan ang dalaga. “For once, makinig ka naman sa akin. Artista ka, Meera! At hindi lang basta-bastang artitsa, isang sikat na artista. You can’t just roam around and f**k who the hell you want to f**k. Understood?” Dumagdag pa sa iritasyon na nararandaman niya ang kaniyang  handler. Kung hindi sana um-epal sa eksena si Weng, hindi sana siya na-traffic sa biyahe patungo sa langit. Nakasakay siya sa kahabaan ni Khalil, ang FU-BU niyang freelance model sa kabilang network. She can’t blame Weng, her handler. Nakahanay siya ngayon sa mga batikan na aktres sa bansa at maingay din ang pangalan niya sa larangan ng showbiz. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang dating Meera Posedio Grande na rising star lang noon, sinasabuyan lang ng tubig sa shoot, palakad-lakad lang sa eksena ay malaking isda na ngayon sa indusriya. ‘The next drama queen’ ang bansag sa kanya ng netizens. May ibang side comments din na maari siyang pambato ng bansa sa nalalapit na Binibining Pilipinas.  “Makinig kang mabuti sa sasabihin ko, Meera.” Weng took a deep breath. “Kung ayaw mong mawala lahat ng pinaghirapan mo, mag-ingat ka sa mga kilos mo. Ang camera bigla-biglang sumusulpot ‘ya-” “Alam ko, alam ko. Huwag mo na akong sermunan. Please, let me take some rest. I’m tired asf, Weng.” “Pagod saan?” Umarko ang kilay nito. Sa sobrang taas ay hindi malayong maabot niya na ang mga bituin sa langit.  “Ngumiti at makipagplastikan kay Armida." “Ah, akala ko umungol sa kama,” sarkastiko niyang sumbat.  “Hindi mo ako masisisi. Masyado siyang masarap at magaling.” Bukod sa pagiging handler, ito rin ay tumayong guardian niya at kaibigan. Silang dalawa ni Bubay. Malalim na ang samahan nila kaya’t balewala na ang ganitong usapin, o kung maging bulgar man ang mga salita. "He can satisfy my s****l needs," she added.  “Umamin ka nga sa akin, Meera! Naka-ilang round ba kayo, ha?” Pabiro niyang kinurot ang dalaga sa balakang.  "Secret," she answered, smirking.   “Wait, did you guys even use protection?” Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Meera. “Sayang lang condom, laging napupunit kapag sinusuot niya.” He was that big and fat! Dinaig pa nito ang size ng mga porn star na napapanood niya.  “Oh, gosh!” Napahilamos ito sa mukha. “Mabilis ‘ata akong tatanda sa tigas ng ulo mo Meera Posedio!” “I’m on pills. Huwag kang mag-alala, hindi ako ganoon katanga para magpabuntis kung iyon ang iniisip mo.” Weng took a deep breath.“Concern lang ako sa ‘yo kaya kita pinagsasabihin. Saksi ako sa mga dinanas mo para marating kung nasaan ka ngayon. Maatim mo ba naman na masira ang career mo tapos balik extra talent ka ulit?” “No,” she replied pouting. “Good. Now, call that man and break up with him. Hindi siya healthy sa career mo.” “W-what?” Alanganin siyang ngumiwi. “Hindi pwede, Weng. Pasenysa.” “At bakit, aber?” “Kasi hindi ko naman siya boyfriend?” patanong niyang tugon. Label and commitment is not her thing. She likes Byron but not in a romantic way. "Paano kami maghihiwalay kung sa simula pa lang ay hindi naman naging kami?"  “Then stop seeing him.” “H-Ha? Paano ‘yung a- His eyes turned 360 degrees. “I will buy you a dozen of vibrators! Makuntento ka muna ngayon sa mga battery boyfriend na nabibili. Tsaka, masarap din naman iyon at abot langit din.” Nanlaki ang bilugan niyang mata. Pakiramdam niya tuloy ay nanunuyo ang lalamunan niya. Si Bubay na driver niya at personal na alalay ay napa-preno rin ng ‘di oras dahil sa gulat. “Bubay, ano ba!” singhal ni Weng. Kanina pa kapansin-pansin sa set na wala siya sa mood, kaya siguro ito talak nang talak sa dalaga. Literal na mainit ang ulo niya. “P-Pasensya na po. Bigla kasing may pusa na dumaan,” palusot nito. Sa tuwing may pagkakataon, sumusulyap-sulyap siya kay Meera. “Sa susunod mag-ingat ka. Sa kalsada mo lang kasi ituon ang mata mo, kung saan-saan napapadpad-” Blah! Blah! Blah! Blah! Wala nang maintindihan si Meera sa mga sinasabi nito. Nanatili siyang walang imik sa buong biyahe at hanggang makarating sa bahay. “Hayaan mo na si mamshie,” bulong sa kanya ni Bubay. Ang personal assistant niyang si Bubay at stay-in. Tiga probinsya pa kasi ang dalagita. Masipag ito at talagang makikita mo ang dedikasyon sa trabaho, kaya madalas siyang makakuha ng tip kay Meera.  “I’m not affected at all,” she replied. “Iba ang ibinibuka ng bibig mo sa ikinikilos ng katawan mo, ‘te!” Dalawa’t kalahating taon lang ang agwat nila sa isa’t-isa. “Uminom ka muna ng gatas bago ka matulog. Huwag mo na isipin ang mga sinabi ni mamsh sa ‘yo, panigurado limot niya na ‘yon bukas.” “I doubt that,” she replied as her eyes turned 180 degrees. “Alam mo naman na mainit talaga ang ulo niya kay Byron sa simula pa lang.” “Bitter lang ‘yun ‘te!” Luminga-linga siya sa paligid. “Ang chika sa akin ng kumare ko, nag-break daw sila ng boylet niya. Ayon, galit na galit si mamsh. Ito palang si boy may anak at asawa na! Hinuthutan lang pala si mamsh para may pambili ng gatas sa junakis.” Padarag niyang inilapag sa lababo ang baso. Laglag panga niyang binalingan si Bubay. “We? Seryoso raw ba ‘yan? Baka naman fake news ang nasagap mo, Bubay.” “Hindi, hindi. Balak nga sana idemanda ni mamsh, halos lahat kasi ng utang ni boy ipinangalan kay Mikel. Kaso Good Samaritan si mamsh. Nang makita niya ang kalagayan ng bata, naawa siya.” “Teka, ‘di ba noong isang araw lang nilabasan niya ng motor ‘yon?” Nagkibit-balikat si Bubay. “Hindi ko na alam ‘te. Hanggang diyan lang ang nasakop ng tainga ko. Kaya ikaw, mag-ingat ka sa mga lalaki m—” “Uy, foul! Grabe ka naman makasabi ng mga lalaki, si Byron lang naman ang kinikita ko.” Marami kasing na-issue na lalaki kay Meera. Sa ngayon, wala pa siyang ka-love team na permanente. “Paano si Byron lang naman kasi ang naka-tiyaga sa ugali mo,” tugon niyang ikinatahimik naman ni Meera. No. Mayroon ding espesyal na tao sa buhay ni Meera ang umintindi at sumuporta sa kan’ya noon, iniwan nga lang siya ng walang pasabi. “Akyat na ako Bubay. Ikaw na ang bahala...” Humikab siya. “diyan. Inaantok na talaga ako.” She did her thing and skincare routine before throwing herself down to the bed. Pinag-iisipan niyang maigi ang mga sinabi ni Weng. Nakatulala siya sa puting kisame nang mag-ring ang cellphone niya. It was Byron, her long-time partner in bed. Friends with benefits ang estado nila. Nakasama niya ito sa isang commercial shoot noon. They became great friends, and bed warmer of each other. “Hey,” he said over the phone. “Hmm.” Iyon lang ang nasabi ng dalaga. Kaya ko ba siyang iwanan sa ere? She doubt that. Kaibigan niya rin kasi si Byron at isa sa mga nasasandalan. Hindi ito clingy, at demanding sa oras, kaya sila umabot ng ilang taon sa ganoong estado. Kaya niyang makuntento sa kung ano sila. “I’m sorry about earlier. Napagalitan ka ba?” “Lagi naman,” tamad niyang sagot. “Uhm, you left your underwear inside my room." “Oh, really?” Napa-ayos siya ng higa at saka ngumisi. “Yes,” he groaned. “Hindi ko alam kung naiwan mo o sinadya mong iwanan. Pilya ka talaga.” “Well, consider that as my apology gift for bringing trouble.”  “This is torture, cutie! Mas lalo lang sumakit ang puson ko sa ginawa mo.” He let out a sweet chuckle. “How about s*x on phone?” Suhistiyon ng dalaga. “Tempting, but no thanks.” “What?! Why?” Disappointment rose into her system. Tumanggi siya sa grasya! “Tumawag lang ako para siguruhin na ligtas kang naka-uwi. Your offer was very tempting but I will just jerk off myself. Ikaw, matulog ka na dahil alam kong pagod ka.” “Okay.” She can’t help to purse her lips. He was so sweet and caring. “Goodnight! I’ll see you tomorrow.” Kinabukasan, alas kwatro pa lang ng madaling araw ay gising na si Meera. Tapos na rin siyang maligo at kumain ng oat meal. Nasa kalagitnaan siya ng pagblo-blow dry ng buhok nang katukin siya ni Bubay. “Miss Meera, nasa labas na si mamsh. Pinapasabi niya na bilisan mo raw at lumabas ka na.” Bumuntong-hininga siya. “Give me a couple of minutes. Mauna ka na sa van. Alam mo na ang mga gagawin mo at dadalhin.” “Roger, ma’am!” Ayon lang at umalis na rin ito. Hinayan niyang lumaglag sa likod ang natural na kulot at mukhang pancit canton niyang buhok. Inaantok pa siya. Ilang araw na siyang walang matino at sapat na oras para sa sarili. Kaunti na lang ay baka ma-over fatigue na siya. Ganito pala ang buhay ng artista kapag sikat at mabenta, aniya sa sarili. Naka-roba lang siya nang mag-martsa palabas. Tinalakan tuloy siya ng handler. Hindi pa man sumisikat ang araw, baluktot na ang noo niya. “Jesus! Meera, sa Magandang Araw ang shoot mo, hindi sa pornhub!” “ Doon na ako sa station magbibihis. I want my hair and face done before wearing my outfit,” maarte niyang anas. Parang maliit na bahay ang set up ng van nila. Sa likod, may tila dressing room siya doon at vanity mirror. Sa kanan ay comfy couch-liked bed kung saan siyang natutulog kapag inaabot ng gabi ang taping. May kusina rin sa harap at telebisyon. “Gusto ka raw maka-usap ni Direk Boyet mamaya. Didiretso tayo sa conference room ng network after ng morning show mo,” paalala ni Weng. “Bubay, may iba pa bang schedule si Meera mamaya?” Personal driver ni Weng ang nagmamaneho dahil kailangan ni Meera si Bubay sa tabi niya. “May dinner date siya mamaya sa CEO ng mineral water. Bukod doon mamsh ay wala na.” Balak siyang kunin sa advertisement video ng isang mineral water. Light make up lang ang ginawa niya sa sarili. Morena siya, pinanatili niya ang ganoon na kulay. Ayaw na ayaw niyang tinatabunan ng foundation na puting-puti ang mukha. Hindi naman ako clown. Nilagyan niya lang ng highlight ang mga dapat mapansin. “Meera, i-contour mo rin ng collarbone mo para mas kapansin-pansin sa camera. Please, put some lip shiners too. Masyadong malamya ang bibig mo,” kumento ni Weng. Limang minuto bago mag-alas sais nang marating nila ang destinasyon. Isang high waist button wide-leg pants, a cami crop top paired with blazers, at light pink pointed heels ang suot niya. “Okay. Rolling na tayo in 5...4...3...2...1!” Na-imbitahan siya upang maging news anchor sa morning news show ng estasyon. Bago maging artista si Meera, tinapos niya muna ang kurso na Mass Communication. Bata pa lamang siya, malaki na ang pagnanais niyang maging artista. She loves camera, spotlights, and recognition. Mass Communication ang pinili niya para kung sakali man na hindi siya palarin sa mga audition, sa harap pa rin ng camera ang trabaho niya. Madalas kasi mangyari ang money talks na tinatawag, kaya mabilis sumikat iyong mga anak mayaman kahit wala namang potential sa pag-arte. Extra role lang ang kayang ibigay sa ‘yo kung wala kang pansuhol. Maliban na lang kung bet na bet no Direk ang performance mo, o kaya naman ay nanalo ka sa isang talent search na ini-ere. “Again, this has been your anchor, Meera Posedio Grande .” “And this is Matthew Austria...” “Voice of people, the voice of the nation!” Sabay nilang anas at ngumiti ng matamis sa camera. Ito namang si Mat, ang co-anchor niya ay kanina pa ayos nang ayos sa salamin. Nalalaglag kasi dahil walang makapitan na ilong. “Cut! Great performance!” Mat was a real gentleman, on or off camera. Katulad ngayon, inalalayan siyang tumayo at buhatin ang gamit. “Thank you, Matthew. Your new cut suits you, by the way.” “Thanks,” he shyly replied while fixing his eye glass. Natawa na lamang siya sa reaksyon nito. Bakit kaya siya kumuha ng kurso na ganoon kung mahiyain naman siya ay hindi gaano komportable sa harap ng camera? Pogi niya sana kung nag-abogasya na lang siya. Didiretso na sila sa conference room ng network right after umere ng morning show. Free time niya ang lunch hanggang alas dos ng hapon. Bago alas tres, kailangan niyang mag-unboxing ng products mula sa NB Cosmetics upang i-promote ito sa kanyang social media accounts. Nasa kalagitnaan siya nang pag-aayos ng kilay nang bumukas ang pinto. Nalaglag ang hawak niyang eyebrow pencil dahil sa isang maka-Greek God na bulto. Wait. Female comfort room ito, ha. Bakit siya nandito? “Uhm, sa left side ang comfort room for male,” kaswal niyang saad. “I know.” Malamig at malalim ang boses niya. Sa bawat galaw ng bibig ay lumilitaw ang dalawa niyang malalim na dimples. Mabilis ang pangyayari. Natagpuan na lamang ni Meera ang sarili sa bisig ng binata. “Jelome, ano ba?” protesta ng dalaga. “Shh, they might hear us, baby.” He was so quick that Meera didn’t even notice it coming. He pulled her closer and started kissing her sensually. She found herself responding to his. It was clearly pleasure who made her kiss him back. f**k it! Binuhay niya ang maharot na si sistema ng dalaga. Isang parte na hindi nagawa ng iba, kahit na si Byron. “You still tasted like strawberry,” he said as he claims her lips again. The way he moves his lips, makes her feel the craving as if he longed to taste her again. Ayaw makisama ng utak at katawan niya. I hate myself for returning his kisses! She hated this feeling, on how she missed him. She hated how she feels comfortable with him inside the comfort room despite the years they had gone apart. Naramdaman niya ang daliri nito na unti-unting umaangat, hinahaplos ang bawat parte ng mukha niyang madadaanan nito. Hindi alam ni Meera kung ilang minuto ang itinagal ng mainit nilang halikan. Tila tumigil ang oras at para siyang dinala sa impyerno sa sobrang init. The door wasn’t fully close! Kaya nang marinig niya ang mga tunog ng takong sa tiles, malakas niyang itinulak palayo si Jelome. He chuckled a bit. “You still love me, don’t you?” panunudyo niya. “Funny!” she faked her laugh and roll her eyes. “You kissed me back, baby.” “That’s normal. Returning a kiss to a man is a normal response for me—I mean sa katulad kong malandi.” Kumuyom ang kamao niya nang maalala ang nakaraan. “I’m sorry but I won’t buy your reasons." "Leave, Jelo. Umalis ka na tutal doon ka naman magaling 'di ba?" "I'll make sure that you’ll end up being so in love with me again,” he whispered like it was meant to be a warning. Okay. So what was that?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD