Kabanata 5

1908 Words
Nagising ako na puting kisame ang bumungad sa akin. Alam ko na kaagad kung anong klaseng silid itong kinaroroonan ko. Talagang nadali ako. Ngayon lang ako minalas ng ganito. Ngayon lang nangyaring na aksidente ako habang tumatakas sa mga bodyguard na humahabol sa akin. Imbes na sa mansyon ako iuwi nila Lorence. Dito sa hospital ang bagsak ko. Kahit masakit ang katawan ay pinilit ko pa rin ang umupo. Kailangan kong mag-isip at gumawa ng paraan kung paano makaalis dito. Alam ko, anumang oras ay darating na ang mga magulang ko at siguradong ipipilit na naman nila ang gusto nila. Mag-isa lang ako rito sa loob, pero alam kong nasa labas lang ang mga bodyguard ko. Nagbabantay. Bumalik ako sa pagkakahiga nang makita ang paggalaw ng doorknob. Nagkunwari din akong tulog. Ayokong malaman ng kahit na sino na nagkamalay na ako. Lalo lang kasi akong mahihirapang tumakas. "Halika nga muna rito, Dorry!" Boses ni Hector ang narinig ko. Kasunod no'n ang pagsara ng pinto. "Bakit ba, Hector?" iritang tanong ni Dorry. "May gusto nga lang akong itanong!" May diin na tugon ni Hector. "Ano na naman ba 'yon? 'Tsaka ang dami namang ibang lugar na pwede tayong mag-usap. Dito ka pa talaga pumasok." Pabulong, ngunit may diin din na sabi ni Dorry. Pakiramdam ko nga, habang nagsasalita siya ay nasa akin nakatuktok ang paningin niya. "Kunwari ka pa, Dorry! Alam ko namang gusto mo siyang makita. Ayan, magsawa ka sa kakatitig sa kan'ya!" "Teka nga lang, Hector! Bakit ka ba nagkakaganyan? Kanina ka pa! Wala nga akong paki' ano man ang mangyari sa lalaking 'yan! Ikaw ang may gusto na sumunod dito. Tapos, aakto ka ng gan'yan!" Mahinang tawa ang narinig ko mula kay Hector. Tawang kakaiba. Tawang mapait.Tawang nagseselos. Dapat lang siyang makaramdam ng selos, dahil hindi ko lang naman naging kaibigan ang girlfriend niya. Natikman ko pa! "Talagang hindi mo alam kung bakit ako umaakto ng ganito, Dorry?" "Wala ka ngang dapat ikaselos, Hector! Ilang beses ko pa bang dapat sabihin sa'yo." Marahas na buntong-hininga ang kasunod na narinig ko. "Fine! Sorry... pero Dorry, hindi mo ako masisisi kung makaramdam man ako ng ganito. Girlfriend kita. Mahal kita Dorry." Utot mo Hector! Mahal... nagsitayuan ang mga balahibo ko ang katawan. Ang cringy, marinig ang salitang 'yon sa taong gaya n'ya! "Ihatid mo na nga lang ako, Hector—" "Mamaya... ihahatid kita. Hintayin ko lang ang mga magulang ng tarantadong 'yan." "Hintayin? Bakit pa? Ang sabi mo, wala ka namang paki' sa lalaking 'yan, dahil hindi naman kayo magkadugo." Bumakas ang pagtataka sa boses ni Dorry. "Hindi nga... pero gusto ko nga silang hintayin!" Tarantado talaga. Hindi magkadugo... loko-loko siya. Pati pala kay Dorry, hindi niya sinabi na pinsan niya ako. Bagay nga sila. Parehong sinungaling! "Ay naku, Hector! Kung ayaw mo pang umuwi, bahala ka—" "Okay, ihahatid na kita... sandali lang." Pigil niya kay Dorry. Sandaling katahimikan ang namayani sa buong silid. Sigurado akong mainit ang tingin sa akin ng tarantado kong pinsan. "Dorry... hindi ka naman siguro nagsisinungaling, hindi ba?" Muntik ko nang hindi mapigil ang tumawa. Talagang duda siya. "Walang ibang namagitan sa inyo ng lalaking 'yan?" pabulong, ngunit may diin na tanong ni Hector. "Ilang beses ko pa bang sabihin sa'yo, Hector. Magkaibigan nga lang kami dati sa isla," madiin na tugon ni Dorry. Sekreto akong napamura. Saksakan ng sinungaling. May ibang namagitan sa amin! Gusto kong isigaw sa pagmumukha ni Hector, na isang malaking sinungaling ang girlfriend niya. Na hindi lang kami dating magkaibigan, may nangyari amin. "Okay, wala na kung wala—" labas sa ilong na sabi ni Hector. "P'wede mo na ba akong ihatid pauwi?" iritang tanong ni Dorry. Bakas na rin ang pagod sa boses. Talagang nakakapagod magsinungaling. Kakainin ka rin ng mga kasinungalingan mo, Dorry! "Sigurado ka ba talaga na magkaibigan lang kayo dati?" Humirit pa talaga. "Ano ba, Hector! Paulit-ulit ka na lang—" "Kung makatili ka kasi kanina, parang alalang-alala ka!" Lalong bumakas sa boses ni Hector ang pagdududa, na ikinatuwa ko. Natutuwa ako habang nakikinig sa bangayan nila, kahit medyo na iinis ako sa mga pinagsasabi nila. Nangibabaw pa rin 'yong tuwa. Alam kong masama na ikakatuwa ang masamang nangyayari sa buhay ng ibang tao. Pero hindi ko mapigil. Talagang nakakaramdam ako ng saya habang nakikinig sa pagtatalo nila at ako ang dahilan. Sana nga ay maghiwalay na sila. Hindi kasi nila deserve na sumaya dahil pareho silang mga walang puso. Mga sinungaling! "Hector, kahit sino naman siguro, kapag nakakita ng ganoong aksidente ay talagang mapapatili," depensea ni Dorry. Hindi na tumugon si Hector, pero rinig ko ang mga yabag na papalapit sa akin. Rinig ko na ang mahina, ngunit mala demonyo niyang tawa. Kasunod ay naamoy ko ang bulok niyang bagang. Kasing bulok ng pagkatao niya. Muntik na nga akong maubo. Muntik na rin akong magtakip ng ilong. "Mamatay ka na sana Nelson, kasi wala nang puwang ang tulad mo sa mansyon ng mga De Vedra." Nagpanting ang tainga ko sa narinig. Gano'n ka tindi ang galit niya sa akin. Talagang umabot sa puntong gusto na niya akong mamatay. Malas siya, malakas nga ako kay Lord. 'Wag kang magkamaling bumalik sa mansyon, dahil oras na bumalik ka, gagawin kong empyerno ang buhay mo!" nanggagalaiti niyang sabi. Nakuyom ko ang kamao ko. Hindi ko alam kung ano ang pinanghuhugutan ng galit ni Hector sa akin. Wala naman akong naalala na ginawang masama sa kan'ya. Sila nga ang may ginawa sa akin. Pinagtutulungan nila akong apihin noon. "Ipagpatuloy mo lang ang pag-iwas at pagtakbo sa mga magulang mong mga plastic," dadag niya pa. K'unti na lang talaga. Sagad na ang pagtitimpi ko. "Wala ka na namang babalikan sa mansyon, dahil wala na ang nag-iisang tao na nagmamahal sa'yo. Wala nang magtatanggol sa'yo. Mag-isa ka na lang habambuhay, Nelson!" Alam kong si Lolo ang tinutukoy niya na nag-iisang tao na nagmamahal sa akin. Totoo, na ang lolo ko lang ang nagmamahal sa akin noon. Siya lang ang nagparamdam sa akin na pamilya nila ako. "Hector, tara na nga... para ka nang tanga, panay bulong mo sa taong walang malay. Anong silbi ng mga sinasabi mo kung hindi naman niya narinig." Mas bumakas ang inis sa boses ni Dorry. Mukhang inip na inip na. Gago kasi itong boyfriend niya. Ang tapang... pagbantaan ba ang tulog. Pero buti na lang at nagkunwari akong tulog, dahil nalaman ko, na hindi lang pala simpleng galit ang nararamdaman nitong si Hector sa akin. Ang tindi pala. Paano kaya kung malaman niya na may ibang namatigan sa amin ni Dorry? Siguradong sasabog siya sa galit. " 'Wag ka nang magising, Nelson. Maglaho ka na lang sa buhay naming lahat!" May bilin pang bulong. Tarando talaga! Muntik na akong hindi makapagpigil. Babasagin ko na sana ang pagmumukha niya. Pero narinig ko ang bukas ng pinto. "Good evening, Tito, Tita," Hector said gently. Mga magulang ko ang dumating. Gusto kong matawa sa inaasta ni Hector. Plastic daw ang mga magulang ko, pero mas plastic siya, tarantadong hayop. Panira din siya ng plano. Dahil sa kan'ya ay hindi ako nakaalis. Naabutan tuloy ako ng mga magulang ko. Sigurado akong sandamakmak na sermon na naman ng maririnig ko ngayon. "Good evening, sir, ma'am," rinig kong bati ni Dorry. "How is he?" Papa asked, nang makalapit sa akin. Hindi man lang niya tinugon ang bati ng dalawa. Talagang suplado din itong Papa ko. Kaya siya nasasabihang plastic. "S-sir Norman, bukod po sa mga pasa at kunting gasgas ay mabuti naman po ang lagay niya, Sir." Utal na boses ni Lorence ang narinig ko. "Mabuti? 'Yan ba ang sinasabi mo na mabuti ang lagay? That stubborn hasn't woken up!" Ito na nga ba ang sinasabi ko. "P-pasensya na po, Sir—" tugon ni Lorence. "Pasensya? My order is to bring that stubborn home. But, instead of being at home, nandito siya dahil katangahan ninyo. " dakdak ni Papa. I heard no response. No matter what explanation Lorence gave, it was useless. Dahil kung ano ang naiisip niya ay iyon na ang tingin niya na tama at hindi na mababago 'yon. Laging siya na lang ang tama. He feels like he knows everything, at kami walang ibang dapat gawin kun'di ang sumunod sa gusto niya. We have no right to complain. "Shut up, Norman." No matter what you say, there's nothing we can do. Nangyari na 'to. Ang importante ay maayos na ang lagay niya. We should be thankful," saway ni Mama sa Papa ko. 'Yon siya. 'Yon lang ang ginagawa niya. Taga saway sa mga sermon sa akin ni Papa. "Sinabi ko naman sa'yo, just leave him alone. If only you had listened, hindi sana nangyari 'to. This is entirely your fault, Norman. Hindi kasalanan ng mga tauhan mo!" "Don't blame me for his stubbornness, Emma. Sana kung sumunod lamang siya sa mga utos ko at hindi nagmamatigas, it wouldn't have ended this way." Gusto ko nang magkamot ng ulo. Sakit na nga sila sa tainga. Sakit pa sa ulo. Lalo lang din akong naiinis sa mga naririnig ko. Imbes na mag-alala sila sa nangyari sa akin. Nag-aaway pa! "Ang ingay n'yo! Natutulog nga 'yong tao," sabat ko na sa bangayan nila. "Kung gusto n'yo lang naman palang mag-away, sana hindi na kayo nagpunta. Sanay na naman kayo na hindi ako makita. Nagawa n'yo akong itakwil, hindi ba?" Hindi ko na napigil ang sarili na hindi sumabat. Ano ba ang pinunta nila rito?Iparinig sa akin ang pag-aaway nila. Kuta na ako sa mga naririnig ko. Sa mga sinabi pa lang ni Hector, sagad na ako. "Watch your mouth, Nelson!" sikmat ni Papa. Duro niya pa ako. "You know nothing! No matter what our reason is, you have no right to speak like that!" Papa's eyes is piercing. Mapakla akong tumawa. "Wala nga akong alam, dahil ayaw n'yo namang sabihin. Ginawa n'yo akong tanga. Ang gusto n'yo lang ay maging sunod-sunuran ako sa lahat ng gusto n'yo. Tingin niyo sa akin, manhid?!" "Stop it, Nelson!" Mama's words ended with a deep stare. Tingin na nagsasabing 'wag ko nang patulan si Papa. "You're coming home whether you like it or not!" Papa said forcefully, pointing his finger at me. Gusto ko pa sa sanang sumagot, pero pinigil na naman ako ng mga tingin ni Mama. "Ayaw nga umuwi, pinipilit pa—" pabulong na sabat ni Hector. "Pwede ba, Hector, 'wag kang makialam!" sikmat ni Papa. Napangisi ako. Paanong hindi siya makialam, isa nga siya mga taong ayaw na ayaw na bumalik ako sa mansyon. Takot yata 'tong masapawan o baka akala niya aangkinin ko lahat ng yaman nila. "Nelson, hindi ka ba talaga pwedeng umuwi na lang?" Aren't you worried that the next time you attempt to get away, hindi lang ito ang mangyayari sa'yo?" Mama said, calmly. "Para namang may paki' kayo!" madiin kong tugon. "Tita, nag-aaksaya lang kayo ng panahon sa tarantadong 'yan!" sabat na naman Hector. "Kanina ka pa, Hector! Ang hilig mong sumabat sa usapang wala ka namang kinalaman! Ang hilig mong sumawsaw." Duro ko siya. Kaagad namang humawak si Dorry sa braso niya at hinila ito. "Tara na, Hector," sabi niya, pero nasa akin ang tingin. Bakas sa kan'yang mukha na naguguluhan. Nagmatigas pa talaga si Hector. Ayaw pahila kay Dorry. "Umalis na kayo, Hector!" utos ni Papa. Matalim na titig ang pinukol niya sa pinsan ko. "Sige Hector, umalis na kayo at umuwi. Dahil gusto ko, sa pag-uwi ko ay nando'n ka para e-welcome ako!" mapang-asar kong sabi.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD