bc

The Outcast Billionaire (Nelson De Vedra)

book_age18+
78
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
opposites attract
dominant
heir/heiress
bxg
kicking
like
intro-logo
Blurb

Namulat sa karangyaan pero itinakwil ng basta na lang. Bumaliktad ang mundo ni Nelson nang itinakwil ng mga magulang. Ang masakit, hindi niya alam ang tunay na dahilan. Ngunit sa isang iglap, hinahatak na naman siya sa mundo ng pamilyang nagtakwil sa kaniya, na hindi pa rin alam ang dahilan.

Babalik pa kaya siya sa buhay ng mga taaong nagtakwil sa kaniya o tuluyan niya na itong tatalikuran?

Paano kung sa muling pagbaliktad ng mundo niya ay siyang pag-cross ng landas nila ng babaeng dating minahal?

Malalaman pa kaya niya ang mga kasagutan sa likod ng pagtakwil ng pamilya sa kaniya?

May pag-asa pa ba kaya sila ng babaeng minahal o muli lamang mawawasak ang puso niya?

chap-preview
Free preview
Simula
I received a series of messages after not answering a call from an unregistered number. It's been a month since I decided to walk away from the people I considered family, which they are not. Ginago nila akong lahat. Pinagmukha nila akong tanga. Gusto ko na ngang bugbugin ang sarili ko, matauhan lang ako. Binigyan lang ako noon ng papel na may sulat na pangalan. Akala ko, sila na ang tunay kong mga magulang. Pero kahit sino naman siguro, iyon ang iisipin. Matapos ka ba namang itakwil. Syempre lahat ng posibilidad ay paniniwalaan. Pero kahit niloko nila ako at ginago. Thankful pa rin naman ako dahil hindi nila ako tinuring na iba. Sa apat na taon na pamamalagi ko sa isla, kasama sila ay hindi ko naisip na hindi ko sila kadugo dahil mas naging pamilya pa ang turing nila sa akin, kay sa mga taong nakasama ko sa loob ng dalawampung-taon na walang pag-aatubili na itakwil ako. Wala man lang kahit isa na umawat. Ang saya pa nga nila na makitang ipinagtatabuyan ako ng magulang ko. Mali, hindi ko nga pala sila mga magulang. Tinakwil nga nila ako. Dahil sa ginawa nila, ang kaisa-isang tao na dapat ay naging karamay ko ay nawala. Kung hindi sana nila ako pinagtabuyan ng gabing iyon ay hindi sana nawala ang matalik kong kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang mali, hindi alam kung ano ang dahilan kung bakit nila ako ginaganito. Walang paliwanag, basta ang gulo. Ngayon, pinababalik nila ako sa buhay nila, pero ayaw naman sabihin sa akin ang dahilan. Nakakagago sila. Mga peste sila. Pinaglalaruan nila ako. Ano ba ang akala nila, hindi ako nasasaktan sa ginawa nila? At anong akala nila, magkakandarapa akong bumalik sa poder nila? Hindi ko hangad ang yaman nila dahil nagawa ko ngang hindi gamitin ang perang binigay nila sa akin noong gabing pinalayas nila ako. Ngayon pa na sanay na ako sa simpleng buhay. Nagamit ko lang pala ang perang iyon dahil kailangan ng kaibigan ko. Kailangan ni Diego. Paliwanag ang gusto kong ibigay nila, hindi ang yaman nila. Mas gusto ko na ang simpleng buhay tahimik at masaya. Hindi sa pag-iinarte, pero ayoko na talagang bumalik sa poder nila. "Sir Nelson," biglang sulpot ni Jac, may apat pa siyang kasama. "Bakit kayo nandito? Pwede ba, umalis na kayo. Sabihin ninyo sa amo niyo na hindi na ako babalik sa buhay nila," utos ko at nagbuhos na ng tubig. Naliligo nga ako, biglang sulpot sila. Nasa pampublikong poso kasi ako naliligo. Mahirap nga akong tao, hindi ko afford ang magbayad ng bahay na may gripo. "Sir Nelson, pasensya na po, napag-utusan lang kami," tugon ni Jac at nagsenyas sa mga kasama. "Subukan ninyong lumapit!" Tinutok ko sa kanila ang hawak na tabo. Umiling si Jac. "Sir Nelson, sumama na po kayo ng maayos," paki-usap nito. "Kanino ba kayo kampi?" tanong ko habang nakatutok pa rin ang tabo. "Akala ko ba magkaibigan tayo, ha?" Palipat-lipat ang tingin ko sa kanila na naghahanda nang dakpin ako. "Syempre sa inyo kami kampi, Sir Nelson, kaya lang, kami naman ang malilintikan kung hindi ka namin madala," paliwang ni Lorence na gahigante sa laki. Walang silbi itong tabong hawak ko sa laki ng katawan niya. "Ano ba kasi ang kailangan nila sa akin? Ayoko na ngang bumalik sa sa pesteng poder nila," singhal ko. "Bakit ba kasi ayaw pa nila akong pabayaan?" "Sir Nelson, mabuti pa ay sumama ka na lang sa amin at ikaw na mismo ang magtanong sa kanila. Mga tauhan niyo lamang kami at wala kaming karapatan na manghimasok sa buhay ninyo," paliwanag ni Jac na animo galit. "Galit ka?" tanong ko. Nakatutok pa rin ang tabo. Kasabay ang dahan-dahang pag-atras. "Hindi po, ako galit, nagpapaliwanag lang. Tara na Sir, huwag na kayong tumakas at huwag na kayong magtangkang lumaban. Baka mabalian pa kayo at saka pinapahirap niyo lang lalo ang sitwasyon." Mahabang litanya ni Jac, pero sekretong sumenyas sa mga kasama na hulihin na ako. Hindi pa man sila nakalapit ay sinabuyan ko na sila ng tubig. Para silang mga trosong nagtumbahan nang madulas. "Pasensya na," sigaw ko at kumaripas na ng takbo. Nagmukha akong baliw na tumatakbo na brief lang ang suot at may dalang tabo. Pinagtitinginan at pinagtatawanan ako ng mga tao sa hitsura ko. Paki nila. Hinahabol nga ako. Ang galing naman kasi ng timing nila. Tinaon pa talaga na naliligo ako. "Sakay!" sigaw ng lalaki mula sa pumaradang ford mustang. Kaagad akong sumakay nang makilala ang driver nito. Kaisa-isang De Vedra na kasundo ko. Pinsan ko. Anak ng nakababatang kapatid ng Papa ko. Papa... dapat ko pa bang tawagin na Papa at Mama ang mga magulang kong nagtakwil sa akin? Hindi ko nga alam kong tunay ko ba talaga silang mga magulang o hindi. Ang gulo nila. Kung sana sinabi lang nila ang dahilan kung bakit nila ako tinakwil, sana hindi umabot sa puntong tatakasan ko sila na naka-brief lang. "Ang angas mo, kuya!" Tawang-tawa na sabi nito. "Angas ka diyan, Xid!" sikmat ko. "Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko, kasabay ang pagpunas ng tissue sa katawan. "Paanong hindi ko malaman, ikaw ang laging bukam-bibig ng mga tao sa mansyon. Nakakarindi na ang sigawan nila," maktol nito. "Sumigaw ka rin sana, para marindi rin sila." "Hindi ka pa rin talaga nagbago. Sira-ulo ka pa rin." Iiling-iling na sabi nito. "Sabi mo astig? Ngayon sira-ulo na! Teka, saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko, nang mapansin na napapalayo na kami at bundok na ang nakikita ko sa unahan. Kabilaang bangin naman ang nakikita ko sa gilid ng malaking kalsada. "Xid, ihinto mo!" singhal ko. "Pasensya na kuya, napag-utusan lang," ngising tugon nito. "Peste ka! Dinaan mo ako sa kwento. Kakampi ka rin pala nila." Imbes na ihinto, pinahaharot pa lalo niya ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa Hacienda De Vedra. "Xid! Ihinto mo sabi." Utos ko. "Kuya, walang mangyayari kung iiwas ka na lang palagi. Kausapin mo sila. Itanong mo kung anong dahilan." "Akala mo, hindi ako nagtanong? Ilang beses akong nagtanong, Xid! Pero wala akong sagot na nakuha. Masaya na ako sa buhay ko, kuntento sa anong mayro'n ako. Ayoko nang bumalik sa buhay ninyo." Halos tumilapon ako sa biglaang pag-apak niya sa brake. "Buhay namin? Katulad ka rin pala ng mga magulang mo. Galit ka sa kanila dahil sa pagtakwil nila sa'yo, pero iyon din ang ginagawa mo. Tinatakwil mo rin ako. Sa lahat ng pinsan ko, ikaw ang pinakamalapit at gusto ko dahil akala ko iba ka sa kanila. Hindi pala." Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sumagot dahil kaagad na siyang lumabas ng kotse at pabalibag na sinara ang pinto. Nanatili ako sa loob ng kotse habang tanaw si Xid na nagpabalik-balik sa paglalakad sa harap ng malaking gate ng hacienda. Matapos marinig ang sinabi ni Xid, parang may pumisil sa puso ko. Katulad din ba ako ng mga magulang ko na walang awang nagtakwil sa akin? Hindi naman ako magiging ganito kung kinausap nila ako ng maayos. Kung nagpaliwang sana sila, sana naintindihan ko. Sana hindi kami humantong sa ganito. Pati ang kaisa-isang pinsan na malapit sa akin ay nasaktan ko. Napisil ko ang noo ko. Kung anong sakit ang nararamdaman niya ngayon, mas doble ang sakit na nararamdaman ko. "Sorry, Xid, hindi ka dapat nadamay." Humugot ako ng malalim na hininga sa tiniim ang mga mata. "Ayaw mo ba talagang kausapin sila?" Biglang tanong nito nang magbukas ang pinto. Umiling lamang ako bilang tugon. Pumasok na rin siya at sandaling tumahimik. "Anong gusto mo, habang buhay na takasan sila?" kalmadong tanong niya. "Kung sasabihin nila ang totoong dahilan kung bakit nila ako tinakwil ay susubukan kong intindihin. Pipilitin kong unawain. Hindi ganito na nagmumukha akong tanga at hindi alam kung saan lulugar." Isa pang buntong-hininga ang pinakawalan ko. "Hindi lang buhay ko ang nabago at nasira noong gabing 'yon, Xid. Naisip ko nga, ako na lang sana ang nawala noong gabing iyon at hindi si Jancen. Hindi ang bestfriend ko. Kung hindi nila ako pinauwi, hindi sana nabugbog ng gano'n si Jancen. Sana buhay pa siya ngayon." Nasapo ko ang mukha ko. "Hanggang ngayon pa rin ba, sinisisi mo pa ang sarili sa nangyari sa kaniya?" Napabuga ako ng hangin. "Suot niya ang jacket at sombrero ko, Xid. Alam ko, na ako ang pakay ng mga taong iyon. Ako ang dahilan kung bakit siya nawala." Tinapik nito ang balikat ko. Maya maya ay hinubad ang jacket at sombrero niya at binigay sa akin. Tiningnan ko lang iyon at hindi tinanggap. Loko din itong pinsan ko. Usapan namin ang jacket at sombrero ko na suot ni Jancen. Tapos bilang iaabot sa akin ang jacket at sombrero niya. "Tanggapin mo. Nakaka-distuct na iyang tattoo mo!" Palibag niyang binigay sa aking ang jacket. Napapasulyap pa ulit sa tattoo kong tinakpan ko kaagad ng palad. "Nakakawala ng kaastigan iyang isda mo sa dibdib. Tanda mo na, ang hilig mo pa rin sa cartoons. Okay lang sana kung anime ang nakahiligan mo. Si Dory pa talaga!" Napalunok ako. Ang linaw pala ng mata nitong pinsan ko. Kahit medyo madilim na ay kitang-kita pa rin ang isda ko. Kasabay ng pananahimik niya ang pag-andar ng kotse. Akala ko, papasok siya ng hacienda pero hindi. Bumaba kami ng bundok at bumalik sa syudad. Ngumiti na lamang ako. Lihim na nagpapasalamat dahil sa kabila ng pagtakwil sa akin ng mga magulang ko ay may isang tao na kakampi ko pa rin. Lahat kasi ng mga pinsan ko ay galit rin sa akin. Mapababae man o lalaki. Lahat sila, pati ang mga magulang nila ay tinuring ako na outcast sa angkan ng mga De Vedra.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook