HINDI maiwasan ni Ellery, nakababatang kapatid ni Ezekiel ang makaramdam ng awa sa nakatatandang kapatid. Alam kasi nito kung gaano kahirap at sakit ang pinagdadaanan ng kuya niya ngayon. Isang bagay na tanging siya lang ang lubos na nakakaintindi dahil siya lang din ang nakakaalam kung paano nito nilabanan ang sariling damdamin para kay Frankie para sa ikabubuti ng lahat. “Ang aga niyan kuya ah,” bati ni Ellery sa kapatid na tinutukoy ang hawak nitong alak sa kamay. “Elle, nandito ka na pala,” wika ni Ezekiel na malalim ang iniisip kaya’t hindi napansin ang pagdating ng kapatid. “How’s work?” tanong niya dito. “Okay naman. Pagod pero enjoy naman kahit makukulit ang mga bata,” sagot ni Ellery. Isa itong preschool teacher sa isang private na eskwelahan. “That’s good at least nag-ee

