KATATAPOS lang magbihis ni Frankie para sa dadaluhang pagtitipon para sa labing walong kaarawan ng anak ni Lorita. Pinili niyang isuot ang isang simpleng puting bulaklakin na bestida na hindi umabot sa tuhod ang haba at pinarisan niya ng puting flat sandals. Hindi rin siya naglagay ng kahit anong kolorete sa mukha maliban sa pulbos at at light pink chanel lipstick. “Manang Dolores, nagsabi po ba sa inyo kung anong oras uuwi si Noah?” tanong niya sa katulong habang sumusilip sa labas ng bahay kung saan posible niyang makita kapag dumating na si Noah. “Kuh, sumabay ka nalang sa amin at tiyak mamaya pa ang uwi niyon. Sabado ngayon kaya siguradong dinalaw pa niyon si Stella sa puntod nito. Pero siguradong pupunta ‘yon sa pagtitipon lalo at alam niyang wala kang kasama pauwi mamaya dito sa

