NAGISING si Frankie na sobrang sakit ng ulo niya at parang minamartilyo. Malala pa ‘to kaysa noong huli siyang may hang over. Iinot-inot siyang naupo sa kama at iginala ang tingin sa paligid. Nagtaka pa siya kung bakit nasa kwarto siya ni Noah at sa kama siya nito natulog. Nang yukuin niya ang sarili ay suot niya ang t-shirt nito at jogging pants na sa laki ay para siyang nasa loob ng sako. “s**t, Frankie. Ano na naman ba ang ginawa mo kagabi?” tanong niya sa sarili habang pinipilit alalahanin kung ano ang mga nangyari. Ang huli niyang naalala ay sumasayaw at kumakanta siya kasama sila Lorita at mga kapitbahay nito nang dumating si Noah. “Lagot!” kagat niya sa kamay niya ng maalala ang paglulumpasay niya na parang bata at ang pagbuhat nito sa kanya pauwi tapos ay ang pagsusuka niya. Naal

