NAGISING si Noah ng maramdamang may kamay na nangingialam sa katawan niya at nilalaro ng daliri nito ang six pack abs niya at mga dunggot ng dibdib niya. Nang magmulat siya ng mga mata ay nakangiting mukha ni Frankie na namumungay ang mga mata sa kapilyahan ang bumungad sa kanya. “Fück, Franchesca... What are you doing?” bulalas niya sa pagkagulat at napahilamos ang isang kamay niya sa mga mata niya sabay sabunot ng sariling buhok ng marealize na hindi lang ito nasa panaginip niya kundi totoong nasa tabi niya nga pala ito at katabi niyang natulog. “Good morning, Babe. Napuyat ka ba kagabi?” nakakaloko namang bati ni Frankie na ngiting-ngiti habang nakatingin sa mukha ni Noah na hindi madrawing sa pinaghalong libög na nararamdaman at pagkapikon sa kanya. Oo, kahit bagong gising ito alam

