GABI at dahil wala nga ang mga katulong sa Farm Villa ay nagpresenta si Frankie na siya nalang ang maluluto ng hapunan nila ni Noah. “Marunong kang magluto?” duda na tanong ni Noah. Iniisip niya kasi na bilang nag-iisa itong anak ng business tycoon at bilyonaryo na si Francis Thomas at lumaki na parang isang prinsesa sa malaking palasyo ay sanay lang ito na pinagsisilbihan ng mga katulong at walang alam sa mga gawaing bahay maski ang magluto at simpleng pagprito ng itlog. “Hanggang ngayon parin ba ay duda ka parin sa mga kaya kong gawin? I’m not that kind of princess you think I am, Mr. Noah Samaniego.” “Bakit may sinabi ba ako? Nagtatanong lang naman ako ah.. Gusto ko lang naman siguraduhin na marunong ka talagang magluto dahil ayaw kong matulog ng gutom,” rason naman ni Noah. Fra

