NANG maiwan si Frankie mag-isa sa kwarto ni Noah ay hindi na muna siya lumabas doon bagkus ay animo wala siyang pakialam na muling nahiga. Nang tumingin siya sa bintana ay halos madilim pa sa labas kaya naman sobrang antok pa talaga siya at gusto niya pang matulog. Eh ano naman ngayon kung nasa kwarto siya ni Noah? Pareho lang naman iyon kung sa kwarto sina nito magpapatuloy matulog o lilipat siya sa kabilang kwarto dahil magdamag narin naman pala niya itong katabi sa iisang kama. Isa pa parang may kung anong hatid na kaginhawaan sa pakiramdam niya ang naiwang amoy sa kumot at unan nito. “In all fairness, mabango siya,” wika niya habang niyayakap ang unan na gamit ni Noah. Ilang sandali ay hindi na niya namalayan na nakatulog na pala ulit siya. Si Noah na katatapos lang tumulong sa pa

