NANG matapos mailuto ang tanghalian ay nag presenta si Frankie na sumama kay Lorita sa paghahatid ng mga pagkain sa mga tauhan ng farm. “Nako sigurado ka bang gusto mong sumama? Sobrang maputik ngayon sa bukid at siguradong madudumihan ka doon,” tanong sa kanya ni Lorita at mababakas ang pag-aalala sa mukha nito. “Nako ate Lori, huwag kang mag-alala sa akin at hindi po ako takot madumihan,” siguradong sagot niya dito. Tiningnan siya ni Lorita mula ulo hanggang paa. "Alam mo ang bukid ay ibang-iba sa mall na pinapasyalan mo. Sa mall ay naka aircon at walang kahit langaw na nakakapasok. Pero sa bukid ay napakaraming insekto. Isa pa uubusin ng lamok ang makinis mong balat, Diyos ko po. Ako ang nanghihinayang sa mala porselana mong balat kung lamok lang ang makikinabang." "Ate Lori, sig

