NANG matapos maihain ang mga pagkain na dala nila ay nagsimula nang maglapitan sa hapagkainan ang mahigit singkwenta kataong mga tauhan sa farm na nakatuka sa pag-aani ng kape. May mga babae pero mas lamang ang mga barakong tauhan. Mapabinata man o may edad na ay halos nakay Frankie ang humahangang mga mata ng mga ito. Si Frankie ay hindi naman iyon pansin dahil ang attention niya ay nasa laman ng sariling pinggan na hindi niya alam kung paano kakaiinin ng walang tinidor at kutsara. “Ate Lori, paanong kakain ang mga tao kung nakalimutan natin magdala ng mga tinidor at kutsara?” tanong niya kay Lorita habang tinitingnan ang mga sandok na dala nila. Nagtawanan naman ang mga nakarinig sa tanong niya gayon din si Lorita. “Miss Frankie, kahit naman may dala tayong kutsara at tinidor ay hind

