SA kubo ay hindi naman alam ni Frankie kung paanong kakamutin ang balikat at leeg niya na sobrang kati. Nagpapantal narin iyon at pulang-pula na ang balat niya. “Nako sabi ko naman sayo Miss Frankie na mag-iingat ka at baka mahigad ka. Ayan nahigad ka nga… Wala pa naman naman si Kuya Pepeto at tumulong sa paghatid ng mga naaning kape sa factory. Hindi tayo makakauwi dahil wala tayong sasakyan,” nag-aalalang turan ni Lorita at hindi alam ang gagawin para matulungan ang dalaga. Si Frankie ay hindi sumagot at patuloy lang sa pagkakamot ng leeg at balikat niya. Umaabot narin sa likod ang pangangati niya. “Si Boss Noah!” turan ni Lorita ng makita ang parating na si Noah sakay ng kabayo nito. Napakagat labi naman si Frankie. Noah looks dashingly hot on the back of his horse. He looks like

