ABOT hanggang tainga ang ngiti ni Frankie ng makita niya ang parating na sasakyan ni Noah. Ilang oras niya lang itong hindi nakita at nakasama ngunit sobrang miss na miss niya na ito. Kaya pagbaba palang ni Noah ng kotse ay kaagad na niya itong sinalubong. “Hey, babe… Kamusta ang lakad mo?” tanong niya dito at kumapit sa braso nito. “Okay lang,” maikling sagot ni Noah tapos ay pasimpleng pinalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa braso nito. “Manong Pipito pakipasok nalang po ng mga dala natin sa loob,” utos nito sa driver at naglakad na papasok ng Villa. Si Frankie ay agad namang sumunod dito ngunit ipinagtataka niya ang malamig na trato sa kanya ni Noah. “Nagugutom ka na ba? Tamang-tama nakapagluto na kami ng hapunan. Sabi ni Manang Dolores ay paborito mo daw ang sisig na

