KAGAT labi na tiningnan ni Frankie si Noah na nakatingin din pala sa kanya. Hindi niya talaga inaasahan na dito pala galing ang mga bulaklak. “I hate you!” naluluha niyang turan dito sa kawalan ng maisip na sasabihin. Muling lumapit si Noah at niyakap siya. “I know, and I deserve it. I’m sorry for making you cry… I was wrong and I didn’t mean it. Masyado akong natakot para sa safety mo at hindi ko naisip kung ano ang mararamdaman mo noong mga panahon na yun,” paliwanag ni Noah. “I hate you, I hate you, I hate you…” umiiyak na pinagpapalo ito ni Frankie sa dibdib. “I love you, Princess!” sagot ni Noah na hindi manlang ininda ang pananakit ni Frankie sa kanya. Alam niya kasi na kulang ang physical na sakit na nararamdaman niya ngayon kompara sa sakit na naramdaman nito ng dahil sa pagt

