NAPANGIWI si Cassidy. She knows exactly what Zoe means. Sa dami ng nagkakagusto kay Rob ay baka dumugin siya na parang mga bubuyog ng mga ito. Daig pa yata ng isang yun ang artista sa dami nga TANGA HANGA eh. “Huwag mo ngang tinatakot si Cassidy. Baka mamaya niyan makipagbreak na ‘yan kay Doc Rob,” panunudyo ni Frankie at nakipag high five pa kay Zoe. Agad naman na nagblush si Cassidy. “Uy walang kami. Kapatid lang ang turing niyon sa akin.” “Nako madali lang ang solusyon diyan… Magpaturo ka dito kay Frankie kung paano mang gayuma. Expert ‘yan. Kita mo naman pati ang kuya Noah mong nanahimik sa bundok napasunod dito sa syudad,” pagbibiro ni Zoe. “Aba’t nanglalaglag ka bigla ah! Huwag kang maniwala diyan… Sa sobrang pagkatigang niyan ay kung anu-ano na ang pumapasok sa isip,” bulong

