NANLALAKI ang mata ni Zoe ng matapos magkwento si Frankie. Matapos kasing ihatid ang kapatid sa eskwelahan ay sa shop siya ni Zoe nagpunta. “Destiny gotta be kidding you, Frankie girl. Sinagot mo si Kiel at ngayon nga ay boyfriend mo na para may rason ka para tumanggi sa Daddy mo. Iyon naman pala, ang lalaking ilang linggo mo nang pinipilit kalimutan ay siya pa pala ang napili ng Daddy mong pakakasalan mo! Tapos ngayon ay magkasama nanaman kayo sa iisang bubong?” “He is driving me nuts, Zoe! He is determined to seduce me in every way…” wika ni Frankie na sobrang litong-lito na sa gagawin. “Eh baka naman kasi narealize niya na mahal ka pala niya.” “He said he loves me…” “Oh, my gulay! At ano ang sagot mo sa kanya?” “Nothing.” “Nothing? Sinabihan ka niya ng “I love you” tapos wa

