ANG lapad ng ngiti ni Cassidy ng makita niya ang pagdating ng mga kaibigan na sina Frankie at Zoe. "Hey, girls…" "Cassidy! Finally, nagka oras ka rin sa amin bruha ka," wika ni Frankie habang nakikipag beso sa kaibigan. Isa si Cassidy sa mga party friends nila ni Zoe. Mahilig din ito sa nightlife pero nitong mga nakaraang buwan ay tahimik ito at hindi nagpapakita sa kanila. "Oo nga. Saan ka ba nagpunta girl at ang hirap mong hagilapin?" tanong naman ni Zoe. "Sorry. Sobrang busy lang talaga sa school. Alam niyo namang lagot ako sa kuya ko kapag bumagsak ako,diba?" Minsan nang na kwento ni Cassidy kina Frankie at Zoe na ulilang lubos na daw ito at ang kapatid nito sa ina na isang negosyante ang nagpapaaral dito. Kaso masyado daw itong istrikto kaya naman patago ang paglabas labas

