NAG-AALALANG nilapitan ni Ezekiel si Frankie. Nakaupo ito sa isang sulok ng T&C De Culinaire habang nagkakape. Malayo ang tingin at halatang mabigat na naman ang dinadala sa dibdib. Inilapag niya ang isang pinggan na may Lasagna sa harap nito. “I notice that you haven't eaten yet.” Tiningala ito ni Frankie. “Thank you, pero wala akong gana.” “Frankie, anuman ang pinagdadaanan mo ay hindi mo pwedeng pabayaan ang kalusugan mo! Come-on, eat this. If you want something else to eat, just tell me and I will cook it for you.” Seryusong tinitigan ni Frankie si Ezekiel. Nag-alangan siya sandali kung itutuloy ba ang iniisip niyang gawin. Ngunit ito lang ang paraan na alam niya para pigilan ang gustong mangyari ng Daddy niya. “May problema na naman ba?” kinuha ni Ezekiel ang kamay ni Franki

