PAGLABAS ni Frankie ng kwarto ay nakasalubong niya si Manang Dolores. Abot tenga ang ngiti na binate niya ito. “Magandang umaga, Manang Dolores. Bumabata po yata kayo ah...” “Nako, ang batang ire. Umagang-umaga ang pang bobola,” nakangiti na turan ni Manang Dolores at napahawak sa sariling pisngi. “Mukhang maganda ang gising mo ah...” Muling ngumiti si Frankie dito. “Ang ganda po kasi ng sikat ng araw Manang kaya maganda rin po ang gising ko. Sige po kukuha lang po ako ng kape sa kusina.” Si Manang Dolores ay naiwan habang nakatingin sa labas. Kanina pa makulimlim ang langit at mukhang walang balak magpakita ang araw. Napangiti nalang ito habang sinusundan ng tingin si Frankie papasok ng kusina kung saan naroon din si Noah at mukhang kay ganda rin ng gising at may pasipol-sipol pa.

