HABANG tinitingnan niya ito ay may imahe ng isang binata na nasa early twenties ang naalala niya. Ang binatang nagligtas sa kanya noon nang muntikan na siyang masagasaan at mismong lalaking pinag-uusapan nila ng matalik na si Zoe noong gabing pumanaw ang Mommy niya. Sa dami ng mga nangyari sa buhay niya noon ay nakalimutan na niya itong puntahan sa pinagtatrabahuhan nitong coffee shop noon at ngayon niya nalang ulit naalala. “You look familiar to me--- Have we met before? I mean, bago pa pa sa disco,” tanong niya kay Noah. Si Noah ay natahimik at muling inalala kung saan niya talaga unang nakita si Frankie. Kakatapos lang ng part time niya noon sa isang coffee shop hindi kalayuan sa eskwelahan na pinapasukan niya noon. Pagtapat niya sa isang fast-food restaurant ay tama naman palabas a

