IMBES na sa bahay ay mas pinili ni Frankie na sa bahay ng matalik na kaibigan niyang si Zoe magpahatid sa pinsan niya. Kailangan niya ang matalik niyang kaibigan--- Kailangan niya ng makakausap at karamay sa sakit ng damdamin na nararamdaman niya ngayon. Isa pa ayaw niya munang magpakita sa Daddy niya ngayon dahil siguradong sandamakmak na seromom ang aabutin niya. Kaya makikitulog nalang muna siya sa mansion nila Zoe total mag-isa lang naman ito doon at tanging mga katulong lang ang kasama. Katulad ng inaasahan niya ay nagulat si Zoe ng makita siya. “Frankie girl? Kailan ka pa dumating? Akala ko ba ay may isang Linggo ka pa sa Samaniego farm?” Malungkot na ngumiti si Frankie. “Something happened, I’ll tell you later… Can I stay here for a night?” “Yes, of course! Kahit nga dito k

