HINDI alam ni Margaret na nakakalat at pasimpleng nagmamatyag na rin ang mga tauhan nina Noah at Chase para mahuli ang tatlong kalalakihan. May isa kasing tauhan ng Samaniego farm ang nakakita sa buong pangyayari ng pagtangkaan ng mga ito na dukutin si Frankie at nakilala nito na mga taong labas ang tatlo at mga tauhan ni Mayor Sabedra na ama ni Margaret. Hindi pa man nakakalayo ang tatlo mula sa isa sa mga warehouse na pag-aari ng mga Sabedra ay nadampot na agad ito ng mga tauhan nila Noah at dinala sa isang safe house sa labas ng bayan. “Boss,” bati ng isang tauhan na sumalubong kay Noah pagdating niya sa safe house. “Where are they?” agad na tanong ni Noah. “Nasa loob boss at kausap na ni Boss Chase at ng NBI. Pero matigas boss, ayaw magsi kanta.” Tumango si Noah at nakakuyom an

