IT'S after 3 a.m by the time Frankie stumbles to the front of their house. Drunk. So drunk, she's almost see double and can barely feel her legs as she makes her way to their front door after waving goodbye to Zoe. Dahil pareho silang lasing ng kaibigan na si Zoe ay iniwan nalang nila ang kotse nila sa parking lot ng club at nagpasundo sa family driver nila Zoe.
"Holy s**t," she muttered when she tripped over something and caught herself in the branch of a bonsai Tamarind tree near the front door. It’s one of her father’s creations. Her father likes nature and one of his hobbies is to make potted miniature trees which are carefully styled to achieve an aesthetic effect using various techniques such as the trimming of roots and wiring are used to keep the trees small but in proportion. This achieves the effect of condensing the appearance of a natural tree or forest within the pot, leaving room for artistic imagination. Frankie bit her lips when she saw that the Bonsai branch was cut off. “Damn!” Siguradong lagot siya sa Daddy niya.
She leaned over, holding the door handle to stay as steady as possible, and pulled off her high heels before opening the door with her key. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob at sinusubukan na huwag lumikha ng ingay hangga’t maaari. Ngunit tamang naisasara niya pabalik ang pinto ng biglang magsalita ang Daddy niya kasabay ng pagbukas ng ilaw.
“Franchesca Melady Thomas, do you know what time is it?” Francis was standing next to the grand staircase, arms folded across his chest. Looking through his daughter with lightly shut lips, flared nose and eyes squinting slightly.
“Oh f**k!” bulalas niya sa sa gulat at napahawak sa tapat ng dibdib. Pakiramdam niya ay naglabasan yata ang lahat ng tutuli niya sa tainga sa lakas ng boses ng daddy niya. Napangiwi siya ng makita ang tinitimping galit sa mukha ng ama.
Frankie took a deep breath and pretended to be sober in front of her father. “H-Hey, Dad… You’re back from your business trip?” Lumapit siya dito at humalik sa pisngi nito.
“Where have you been at this hour? Kanina pa kita tinatawagan pero nakapatay ang cellphone mo.”
“Oh sorry. It ran out of battery,” she lied. Ang totoo ay sinadya niyang i-off ang cellphone niya noong tumawag si Ezekiel kanina.
“And where have you been at this hour?”
She gave him her sweetest smile, controlling her hiccup. “I was at the restaurant. It was Ezekiel's birthday---”
“Ezekiel called here earlier and was asking if you were home. So don’t give me that bullshit, Franchesca.”
She pressed her lips together. Hating the thought of Ezekiel pretending to care for her again. Bakit kailangan pa nitong guluhin ang ang puso niya gayong hindi naman nito kayang panindigan at suklian ang nararamdaman niya para dito?
“Did you gone clubbing again? How many times do I have to tell you that you shouldn’t go to those kinds of places? When will you learn to listen to me?” sunod-sunod na tanong ng daddy niya. Sa totoo lang, sa edad niyang bente kwatro ay para parin siyang teenager kung iturin ng ama. At pinaka ayaw nito sa lahat ay kapag nagpupunta siya sa club lalong lalo na kapag inuumaga siya ng uwi.
Frankie took a deep breath, feeling annoyed. “Dad, I’m not a teenager anymore so please stop treating me like a stupid sixteen year old.”
“But you’re still acting like one! When will you grow up?”
“Yah right. I forgot that whatever I do, I will never be good enough in your eyes,” wika niya at nag-umpisa nang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto niya.
“Where are you going? We’re not yet done talking.”
Frankie just waved her hand in dismissal while climbing up the stairs. “Let’s talk again later, Dad. It’s late and I’m dead tired. Goodnight,” pagtatapos niya at umakyat na sa kwarto niya.
---
FRANKIE woke up and it was already late in the afternoon. Her brain felt like it would swell beyond the capacity of her skull. She raised her heavy eyelids half way only for them to fall shut. She raised them again and swung her bare feet to the carpeted floor of her room and walked to the personal refrigerator on the other side of her room to get some water to drink. Her throat felt so dry but her thirst stays even after each slow drink of water. “s**t!” she exclaimed.
She stumbled to walk to her personal bathroom and splash cold water on her face just to feel something refreshing and instantly wish she could wash her brain free of the toxins too. The mirror shows her messy eyes, no longer the glamourous girl of last night. She took off her clothes and decided to take a shower.
Katatapos lang niyang maligo nang kumatok ang isa sa mga katulong sa kwarto niya. “Senyorita Frankie, pinapatawag ka po ng daddy mo sa study room,” imporma ng katulong nang pagbuksan niya ito ng pinto.
“Nandito si Daddy?” nagtataka niyang tanong. Karaniwan sa ganoong araw at oras ay nasa opisina pa ang daddy niya.
“Kadarating niya lang po senyorita. Agad niyang tinanong kung gising ka na at gusto ka nga daw po makausap.”
Malalim siyang napabuntong hininga. Parang may ideya na siya kung bakit siya nito gustong makausap.
“Can you bring me a cup of coffee? Make it strong, please!” utos niya sa katulong.
Tumalima naman ang katulong para ipagtimpla siya ng kape.
Matapos niyang makapagbihis at inumin ang tinimplang kape ng katulong ay pinuntahan na niya ang ama sa opisina nito sa mansyon.
“Hey Dad…” nakangiti niyang bati dito at naupo sa couch na nasa isang gilid ng kwarto. “What’s up? Gusto mo daw akong makausap?” medyo kabado niyang tanong ng maalala ang nangyari sa alagang bonsai ng daddy niya.
Walang salita na tumayo si Francis Thomas mula sa pagkakaupo sa swivel chair. Kinuha nito ang smartphone sa ibabaw ng mesa nito at pagkatapos ay lumapit sa anak at inilapag sa maliit na mesa sa harap ni Frankie. Napakagat labi si Frankie ng makita ang video na nagpiplay sa screen ng cellphone ng ama. Of course, hindi naman siya ang klase ng tao na nakakalimot kapag lasing lalo na at kagabi lang nangyari.
Nang sa wakas ay mapagud siya kagabi sa pagsasayaw at makaramdam ng uhaw ay sinundan niya sa VIP table nila ni Zoe. Sumunod naman sa kanya si Asher na mukhang nakalimutan na nito ang mga kasamahan at nakasunod nalang kay Frankie.
Ngunit may babae na bigla nalang sumulpot sa harap nila at galit na galit. She was claiming to be Asher’s girlfriend and accusing Frankie of being a flirt and calling her names.
“I know you’re known to be one big high society flirt but I won’t allow you to snatch my boyfriend, b***h!” nanlilisik ang mga mata nito sa kanya sa galit at selos.
Frankie gave her an insulting smirk. “Oh please, give me a break. I have no time for this useless thing. Go take your boyfriend with you,” she said waving her right hand in the air to shut the girl up. “Let’s go dance Zoe,” wika niya sa matalik na kaibigan at anyong tatalikuran niya ang babae ng hatakin siya nito sa braso.
“We are not done yet. Do you think you can dismiss me that easily after flirting with my boyfriend? You should apologize!”
“Excuse me? Why should I? Ang boyfriend mo ang lumapit sa akin at sunod ng sunod na parang asong naglalaway sa buto.”
Naningkit lalo ang mga mata ng babae sa kanya. “Dahil nilandi mo! And don’t try to deny it. I’ve seen it with my two eyes.”
“Tsk. You probably need an eye check then.” Tiningnan niya ang kamay nito na mahigpit na nakahawak sa braso niya. Nakaramdam siya ng hapdi dahil sa tatlong koko nito ang nakabaon sa balat niya. “Let go of me if you know what’s good for you,” babala niya dito.
“Do you think I’m afraid of you, b***h? Not at all!” turan ng babae na lalo pang binaon ang koko nito sa balat niya.
Imbes na magreklamo sa sakit ay tumawa lang ng hilaw si Frankie.
Si Zoe ay animo nanunuod lang ng pelikula sa telebisyon at pinagcross pa ang mga braso sa dibdib habang nakasanday sa mesa sa likod niya. She knows her best friend too well. Hindi ito mahilig maghanap ng gulo pero hindi rin ito marunong umatras at lalong kaya nito ang sarili sa kahit anumang sitwasyon. Napahagalpak siya ng tawa ng sa mabilis na kilos ng isang kamay ni Frankie ay naabot nito ang bagong refill na baso ng frozen margarita nito sa mesa nila at ibinuhos sa ulo ng babaeng may hawak sa braso nito.
“Masyadong mainit ang ulo mo. This might help you cool down a little,” saad ni Frankie habang nakangiti pa.
Napatili naman ang babae sa gulat at binitiwan nito si Frankie sabay hawak nang sariling ulo at mukha na basang basa sa malamig at malagkit na alak. “You b***h!”
“Exactly! Kaya sa susunod matuto kang kumilala kung sino ang kaharap mo,” balewalang turan ni Frankie at tinalikuran na ang babae.
Agad naman siyang sinundan ni Asher. “Franchesca, wait...”
Nilingon ito ni Frankie. “You’re kind of cute but sorry I’m not interested in you. And most especially I hate cheaters,” saad niya dito sabay talikod. Bumalik siya sa dance floor kasama si Zoe na parang walang nangyari.
“Alam mo bang viral sa social media ngayon ang ginawa mo kagabi with over two million views already over night, Franchesca?” bumalik ang isip niya sa kasalukuyan ng marinig ang boses ng ama. Mababakas dito ang pinipigil na galit.
“Wow. Am I that famous? I didn’t know that people are really into me,” animo balewala lang niyang turan. Hindi na siya nagulat sa views at shares ng video niya dahil sanay na siya na mukhang siya nalang palagi ang inaabangan ng mga tao, kung ano na naman ang gulo na mapapasukan ng isang troublemaker socialite princess.
“Of course they are. You’re my only daughter for christ sake!” wika ni Francis sa mas mataas nang tono. “You’re not a teenager to create this kind of scandal, Franchesca! You’re a grown up woman with a good education and etiquette! So will you please give me a favor and act like one?” turan ni Francis sa anak na halata ang kinokontrol na galit. Hiyang-hiya siya kanina ng ipakita sa kanya ng isa sa mga business associates niya ang video matapos ang business conference na pinuntahan niya.
“That b***h insulted me and even hurt my arm with her witch fingernails.” Bahagyang inangat ni Frankie ang isang braso kung saan may tatlong maliliit na bakas doon ng kuko ng bruha kagabi. “Did you expect me to stay still and accept all her insults? Of course not, right? Hindi mo ako naging anak para lang tumanggap ng pang iinsulto sa harap ng maraming tao lalo at wala naman akong ginagawang sa kanya. Sa pagkakaalala ko ay hindi mo ako ganun pinalaki, Dad. And it wasn’t my fault that I was born this gorgeous. Nagmana lang naman ako sayo at kay Mommy...” litanya ni Frankie.
Lumambot naman ang mukha ni Francis ng makita ang maliliit na bakas ng kuko sa braso ng anak. Istrikto at mahigpit si Francis sa anak ngunit ito rin ang klase ng ama na hindi papayag na may manakit sa nag-iisa nitong prinsesa. Kaya bata palang si Frankie ay magaling na ito sa iba't ibang klase ng self defense. Imbes na sa ballet o voice lessons ay sa karate at taekwondo class ito piniling i-enroll ng ama. Sa mundong ginagalawan nila hindi mawawala ang panganib dahil sa mga taong gustong mag take advantage sa katulad ni Frankie na anak mayaman. Kaya sinigurado ni Francis na kayang depensahan ni Frankie ang sarili sa anumang sitwasyon lalo na sa panganib. Ngunit hindi niya insahan na magiging badass ito at mapapasok sa kung anu-anong gulo at eskandalo.
“I have enough of this. Sa tingin ko ay hindi ka na magbabago sa katigasan ng ulo mo, Franchesca. Baka ikaw pa ang maging sanhi ng atake ko sa puso. It’s about time you get married...”
Hindi sinasadyang napahagalpak ng tawa si Frankie sa tinuran ng ama.
“I’m serious Franchesca,” may babala sa tono ng boses ng ama na nagpahinto sa kanya sa pagtawa.
“How can you ask me to get married when you know exactly that I don’t even have a boyfriend? Isn’t that a big joke?”
“Kung hindi mo kayang humanap ng matinong lalaki na makakasama mo sa buhay at puputol diyan sa sungay mo, pwes ako ang pipili ng mapapangasawa mo. I’ve already set you a date with Mr. Chua’s eldest son, Bernard these coming weekend,” seryoso ang mukha na wika ng daddy niya.
“What? Do you think we are in a K-drama or C-drama and you’re setting me up in a royal wedding?” she chuckled. “You’re joking, aren’t you?”
“Mukha ba akong nagbibiro, Franchesca?” seryoso na turan ni Francis. “Nasa tamang edad ka na rin para bumuo ng pamilya. Isa pa, hindi naman ako laging nandito para linisin ang mga kalat mo.”
“Dad, you're just in your early fifties. Bata ka pa at sigurado akong aabot ka sa edad na mahigit isang daan. Tsaka malakas ka pa sa kalabaw kaya matagal pa tayong magkakasama.”
“I’m serious, Franchesca!” seryoso nga ang mukha nito.
Nang makasiguradong seryoso nga ang ama ay wala sa sarili na biglang napatayo si Frankie sa inuupuan nito. “No, there’s no way I’m going to agree for an arranged marriage, Dad.”
“I already made up my mind, Franchesca. You will go on a date with Bernard this weekend and get to know each other. And that's an order!” pagtatapos ni Francis sa usapan sa tono na hindi mababali.
Walang nagawa si Frankie kundi ang lumabas sa opisina ng ama. Pakiramdam niya ay lalo yatang sumakit ang ulo niya dahil sa gustong mangyari ng ama. Jeez! Of all people bakit si Bernard pa na wala man lang kadating-dating sa kanya kahit na anak pa ito ng isang mayamang politiko? Ne minsan ay hindi manlang sumagi sa isip niya na magiging boyfriend niya ito lalo pa kaya ang maging asawa at makakatabi niya sa pagtulog sa kama. Isipin palang niyang hinahalikan siya nito ay kinikilabutan na siya sa pandidiri.
"You're f**k up now, Francheska!" inis niyang bulong sa sarili sabay martsa pabalik sa kwarto niya.