Chapter 3

2520 Words
HINDI mapigilan ni Zoe ang tumawa ng marinig niya ang tinuran ng matalik na kaibigan. Pinuntahan niya ito para kamustahin matapos niyang malaman ang nag viral na video nito noong nakaraang gabi sa club.  “What? You’re grounded? Ano ka, bata? Buti hindi ka pina face the wall ni tito Francis,” tumatawang turan ni Zoe sa pagitan ng pagtawa.  “Exactly! This is really completely crazy. And guess what?”  “What?”  “Dad, set me up on a date with Bernard Chua this coming weekend.” “Hahaha. Why I’m not surprised if he will set you up for an arranged marriage too.” Nanlaki ang mata ni Frankie sa tinuran ng matalik na kaibigan. “Oh, he's already considering it!”  wika ni Frankie na parang batang nagpapadyak sa ibabaw ng kama niya.  “Oh Em Ghee! Really? Of all people? Sa bansot at mayabang na si Bernard Chua pa talaga na yun? Diba't pinupormahan ka niyon dati at binasted mo agad?"  "Exactly! Ghad. Hindi naman sa panglalait pero para namang sobrang desperada ko nang mag-asawa kung sa Bernard na 'yon ako mapupunta, diba?" wika ni Frankie na hindi maipinta ang mukha.  "Tsk. Mukhang disperado na talaga ang daddy mo na ipamigay ka, Frankie girl. Ano na ang plano mo ngayon?” nakikisimpatya na tanong ni Zoe. Umiling si Frankie. “Wala. Ang alam ko lang ay wala akong balak sipotin ang date na iyon at lalong wala akong balak magpakasal sa isang arranged marriage at lalong lalo nang hindi sa mayabang na Bernard pa na iyon? No way. Over my sexy  dead body!” “I agree. That’s insane!” wika ni Zoe. Nasa ganoon silang pag-uusap ni Zoe ng tumunog ang cellphone niya. Nang tingnan niya ang pangalan ng caller ay napakagat labi siya ng makita ang pangalan ng pinsan na si Kristen, isa ito sa tatlong anak  ng nakatatandang kapatid ng daddy niya na si Armand Thomas. Siguro ay napanood narin nito ang viral video niya kaya ito tumawag.  “Who?” tanong ni Zoe na, walang boses.  “Kristen,” napapakagat labi niyang sagot. Huminga muna siya ng malalim bago sinagot ang tawag mula sa pinsan. “Hey pretty. What’s up?”  “I’m sorry to disturbed you but I really need your help.”  Parang nabunutan ng tinik si Frankie dahil mukhang hindi alam ng pinsan niya ang tungkol sa viral video niya. Tiyak na tatalakan na naman siya nito na para bang nanay niya gayong ilang buwan lang naman ang tanda nito sa kanya.  “Help? What kind of help?” she asked.  "Do you know any coffee bean suppliers? I desperately need one. Please, Frankie help me naman oh. I really need a supplier ASAP."  Napaisip si Frankie kung may kilala ba siyang posibleng makatulong sa problema ng pinsan. "Hmm. Wait," aniya dito tapos ay humarap sa matalik na kaibigan. “Zoe, do you happen to know a coffee bean supplier? Kristen desperately needs one.”  “Coffee beans?” sandaling nag-isip si Zoe tapos ay tumango. “Samaniego farm, they supply fresh goods including coffee beans.”  “Samaniego farm?” ulit ni Frankie sa tinuran ng matalik na kaibigan.  “Remember the billionaire cowboy, Noah Samaniego? Minsan na siyang na picture sa isang mamahalin at sikat na magazine. Pag-aari niya ang isa sa pinakamalawak na farm sa Calabarzon region,” pagbibigay impormasyon ni Zoe.  Biglang naalala ni Frankie ang nabasang article sa magazine.  “I think I know who you mean,” wika niya kay Zoe tapos ay muling binalikan ang pinsan sa cellphone. "I know one, but they're only taking big orders," wika niya dito. Noon kasing naghahanap sila ng posible supplier ng mga fresh products ng restaurant ay sumagi narin sa isip nila ang Samaniego farm. Kaya nagreseach siya tungkol doon ngunit hindi natuloy dahil nalaman nila na malakihan na lang ang mga orders na tinatanggap ng farm tulad ng mga kilalang grocery stores sa bansa. Isa pa nagkataon din na may nahanap nang supplier si Ezekiel.  "Like how big?" tanong ni Kristen sa kabilang linya. Sinabi niya dito ang mga dambuhalang coffee shops at kompanya na kilala sa loob at labas ng bansa na napag-alaman niya noon na sinusuplayan ng Samaniego farm ng kape at sa mga restaurant chains naman  ay fresh goods..  "That big? Eh parang tuldok lang ang coffee shop ko kumpara sa mga yun eh." nanlulumo na wika ni Kristen sa kabilang linya. Hindi niya ito masisisi. Masyadong in demand ngayon ang coffee beans dahil sa napakarami na rin ang nagsulputan mga coffee shops na para bang kape nalang ang pwedeng itinda at gawing negosyo ng nakararami. Syempre dahil doon ay pahirapan na ang makakuha ng supplier ng magandang klase ng coffee beans.  "If you get to convince them to supply your coffee shop, you will never have the same problem like you have now, even if your business becomes bigger later on.  If I heard it right. Samaniego Farm is the biggest coffee farm in the country. They are also known to have the best quality coffee beans in Asia," dagdag ni Frankie.  "I want to try my luck. How will I get to contact Samaniego Farm?" wika ni Kristen, mababakas ang desperation sa boses. Syempre kape ang isa sa main product ng negosyo nito. Kung hindi ito makakahanap ng supplier ay siguradong malaking problema iyon para sa coffee shop nito.  "That's the big problem, my dear cousin. I also don't know how to contact them. What I heard is, all their deals have to be approved personally by the owner. At balita ko suplado at sobrang sungit daw noong Noah Samaniego. Hahaha. Baka nahawa na sa pait ng mga tanim niyang kape ang ugali," nakatawang pagbibiro ni Frankie. "Noah Samaniego?" sambit ni Kristen sa pangalan na sinabi  ng pinsan. "Do I know him? The name sounds familiar." "Of course you know him. He's a member of 'The Billionaire's Club’. Everybody knows him in the business industry and elite society," paliwanag niya dito. Pero ang totoo ay hindi niya pa ito nakikilala ng personal. Ang balita niya para itong wild animal. Mailap sa mga tao lalo na sa medea. Nang mapabalita ang pagpanaw daw ng kasintahan nito na nailathala rin sa mga dyaryo at pahayagan ay mas lalo pang naging mailap ito sa mga tao at hindi na ito makita sa mga high society events and parties. "And?" untag niya sa pinsan ng matahimik ito sa kabilang linya.  "Wait. I'm thinking which one of them is Noah," sagot ni Kristen. "Gosh naman, Kris. Anong pinaggagawa mo sa buhay mo? Don't you know the billionaire cowboy?"  "Oh, I think remember now," wika ni kristen ng maalala ang tinutukoy ng pinsan. Ilang sandali ay narinig niya ang tili ng pinsan sa kabilang linya. "Kris, is there something wrong?" nag-aalala niyang tanong sa pinsan.  "No, nothing. Nagulat lang ako. Thanks! I'll call you again later may aswang kasing biglang sumulpot." At nawala na ito sa linya.   Matapos makipag-usap sa pinsan at ibaba ang cellphone, tumingin siya sa matalik na kaibigan at napakunot ang noo niya nang makita ang kakaibang tingin nito sa kanya.  “Why are you looking at me like that?”  “Do you know Noah Samaniego?” Zoe asked her.  “Hmm. Not personally. I haven’t even seen him in person,” sagot niya at patihayang nahiga sa kama.   “Lol. You sounded like you knew him.”  Frankie grinned. “Tsk, I was just trying to sound cool to my cousin. Pero hindi ko talaga kilala ang Noah na ‘yon. Nabasa ko lang siya minsa sa isang pahina ng high society pages,” wika niya at pabagsak na nahiga sa kama.   Lumapit si Zoe at naupos sa kabilang side ng kama. “Are you sure? Kasi parang hindi naman ganoon ang nakita ko noong isang gabi.”  “Huh? I don't get it. Wala akong maalala na may Noah Samaniego tayong nakilala noong isang gabi.”  “Luh. Hindi mo talaga maalala?” pag-uulit ni Zoe.  “What the hell are you talking about? May iba pa bang lalaki tayong nakilala noong isang gabi maliban doon sa Asher na may lunatic na girlfriend?”  Nakakalokong ngumisi si Zoe. “Naaalala mo yong lalaking nakaupo sa kabilang VIP table na masama ang tingin sayo? I’m sure you do. Kasi kung hindi ako nagkakamali ay sumayaw ka pa na parang iniinis mo siya.”  Nag-isip si Frankie tapos ay napakunot ang noo ng maalala ang lalaking sinasabi ni Zoe. “What about him?”  Tumawa si Zoe ng malakas na lalong ikina kunot ng noo ni Frankie. “Tumigil ka nga. Para kang baliw diyan. Wala namang nakakatawa.”  Zoe controlled her laughter. “That guy was Noah Samnaiego himself, Frankie girl. The super hot bachelor billionaire cowboy and the same person you were talking about with Kristen.”  Napabalikwas ng bangon si Frankie. “What? That illiterate bastard was Noah Samaniego?”  “The one and only, my friend.”  “Tsk. No wonder he looks so out of place. Kung makatingin parang first time lang makakita ng totoong tao. Siguro sanay siyang baka at kabayo lang ang nakikitaan niya ng balat.”  “Pero aminin... ang hot niya, diba?” turan ni Zoe na may kasama pang kilig.  “Maybe. I was quite far to see what he really looked like,” turan niya na ayaw amin na kahit papano ay naintriga siya dito. Na bagaman at napapalibutan sila ng mga tao sa disco ay parang may magnet ang lalaki at napapatingin siya dito ng hindi niya sadya. “But one thing is for sure. He’s definitely not my type,” dagdag niya na  ikinatawa ulit ng malakas ni Zoe.  Marahan itong tinadyakan ni Frankie sa tagiliran. “Ano na naman ang nakakatawa?”  “It’s just so funny that your feelings are mutual.”  “What do you mean by that?” she asked. “Habang sumasayaw ka ay narinig kong sinabi niya sa kapatid niyang si Dr. Robert Samaniego na hindi ka niya type,” kwento dito ni Zoe.  "Rob, was also at the disco last night?" nanlalaki ang mata niyang tanong. Si Robert Samaniego ay matalik na kaibigan ng pinsan niyang si Lucas Thomas, nakatatandang kapatid ni Kristen. Tiyak na masasabon na naman siya ng pinsan na akala mo ay tatay niya sa pagka over protective kapag nagsumbong si Rob dito sa mga pinaggagawa niya noong gabing iyon.  "Yes he was there too. Pero hindi nagtagal. Napansin ko na umalis din siya agad pagkaalis noong kuya niya."  “I didn’t notice him,” wika ni Frankie na animo nakahinga ng maluwag. Mukhang hindi na nakita ni Rob ang nangyari dahil kung nakita nito iyon siguradong nag-aapoy na ang cellphone niya sa tawag mula sa pinsang si Lucas.  “Paano mong mapapansin eh nasa kuya niya lang ang attention mo tsaka nakapwesto siya patalikod sa dance floor kaya hindi mo siya nakita.”  “Anyway, what exactly did Noah say?” curious niyang tanong maya-maya. Sa totoo lang ay ito ang kauna-unahang pagkakataon may marinig siyang lalaki na nagsabi sa kanya na hindi siya type.  Sandaling inalala ni Zoe sa isip ang  eksaktong sinabi ni Noah habang nakatingin ito kay Frankie kagabi. “That's the kind of woman I will never even in my wildest dream think of making myself a wife. That’s the exact words I heard,” wika ni Zoe.   Biglang nag-init ang tainga ni Frankie sa nalaman. “Abay gago yun ah! Ano bang ginawa ko sa kanya? Masama bang sumayaw eh nasa discohan naman tayo? Tsaka kung makapagsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ako ah.”  “Tsk. Forget what he said. Hindi mo rin naman siya type, diba? So it doesn’t matter what he says and thinks about you,” wika ni Zoe.  “Well you’re absolutely right,” wika niya kahit sa totoo lang ay nakaramdam siya ng pagkulo ng dugo para kay Noah Samaniego. Seriously? Like why does people easily judge her without even knowing her? And why does she even seem affected? Who cares kung hindi siya ang type nitong babae. Hindi siya nagdadagdag ng TANGA-hanga.  “By the way, nagkausap na ba kayo ni Ezekiel?” pag-iiba ni Zoe sa usapan.  Lalong umasim ang mukha ni Frankie. “I’m going to the restaurant later to do some paper works.” “Will you be fine to see him again after that night?” may pag-aalalang tanong ni Zoe.  “Bakit naman hindi? Kahit naman ayaw ko siyang makita ay wala akong magagawa. He is my business partner and we have a business to run. And I’m professional enough to handle my private life.”  “Are you sure? I mean really sure?” naninigurado ni Zoe. “The truth?” Zoe nooded.  Frankie let out a deep sigh. “I actually hate myself. Why the hell did I walk out? I don’t even have a right to do that because we’re just friends. And that was so embarrassing!”  “Don’t be too hard on yourself, Frankie girl. I don’t think someone even noticed what you did so it’s fine.”  “Still. Maski ako ay nahiya sa sarili ko sa ginawa ko,” she sigh.  “But life must go on. I have to face the reality that we are not meant to be. Like hell I mean it! Why would I waste my feeling to someone who doesn’t even deserve it, right?”  “Right! Isa pa lalo lang lalaki ang ulo ng isang iyon kapag nakita niyang apektado ka sa kanya. Dapat ipakita mo sa kanya na hindi lang siya ang nag-iisang lalaki sa mundo. Ang haba kaya ng pila ng mga manliligaw mo--- invisible ngalang,” pagbibiro ni Zoe.  Kunway tiningnan ito ni Frankie ng masama. “Ito ang tatandaan mo, my friend. Bukas makalawa ay who you sa akin ang Ezekiel Chavez na yan. Kayang-kaya ko siyang palitan ng kahit bente pa na mas gwapo at magandang lalaki pa sa kanya,” pangako niya dito.  “Okay na ang isa my friend basta totoo at hindi invisible boyfriend,” nanunukso na wika ni Zoe sabay peace sign nang kunwa'y ambahan ito ni Frankie ng suntok. “You know that I can easily have a boyfriend if I want to. Kaso hindi ko kasi talaga kayang makipagrelasyon sa isang lalaki kung hindi ko naman mahal. My time is too precious to waste on the wrong guy,” wika ni Frankie.  “Well, you just did. You wasted almost four years loving Ezekiel Chavez my dear…”  Frankie smirked. “I know and that will never happen again. I swear!”  “Okay sinabi mo eh. I will just remind you of your words next time you commit the same mistake my dear friend,” nakatawa naman na wika ni Zoe. Dahil parang nakakasigurado na siya na hindi malayong magpakatanga ulit ang matalik na kaibigan sa isang lalaki. Malalim kasi ito magmahal. Ito ang klase ng babae na kapag nagmahal ay asahan mong tapat at totoo. Masyado rin itong vocal sa nararamdaman niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD