Chapter 4

2226 Words
MAKALIPAS ang dalawang araw matapos ang kaarawan ni Ezekiel ay saka palang nagkaroon si Frankie ng lakas ng loob na pumasok sa restaurant na pag-aari nila ni Ezekiel. Bilang isa sa may ari ay siya rin ang responsable sa operation ng restaurant.  Pagbaba niya mula sa kanyang blue SUV ay agad na iginala ni Frankie ang paningin sa private parking lot ng T&C De Culinaire. As expected ay nakita niya ang Wrangler Jeep ni Ezekiel doon. She sighed. "Don't be a coward Frankie girl. Eh ano naman kung nareject ka? Normal lang ang magkagusto sa isang tao at hindi masuklian ang damdamin na nararamdaman mo para sa kanya. It’s what makes you a normal human being. Not everything always goes the way you want it. Face him with your head ups, Frankie girl," paalala niya sa sarili bago naglakad papunta sa main entrance ng restaurant. "Good afternoon, kuya Danny," nakangiti niyang bati sa security guard na hindi agad napansin ang pagdating niya dahil abala ito sa kung anumang sinusulat sa logbook.  Agad naman na ngumiti ang security guard ng mag-angat ito ng tingin at makita siya. "Ay nako maganda ka pa po sa hapon,  Miss Frankie," ganting bati nito.  "Iyan ang gusto ko sayo kuya Danny e. Palagi mo nalang pinapataba ang puso ko."  "Nako, Miss Frankie. Nagsasabi lang po ako ng totoo. Walang sinabi ang mga artistang customers natin sa ganda mo," dagdag pa ng security guard.  Ang T&C De Culinaire ay isa sa pinakasikat na restaurant sa Makati. Karaniwang mga customers nila dito ay nabibilang sa alta sociedad at mga tinitingala na mga tao sa lipunan. Kaya naman karaniwan nalang sa security guard na si Danny ang makakita ng mga artista o kaya ay mga kilalang modelo sa lugar.  "Dahil diyan ito ang para sayo." Kinuha ni Frankie ang karton ng mamahalin na tsokolate sa dalang paper bag at ibinigay sa naging ka close na rin niyang security guard. Galing iyon kay Bernard Chua kasama ng pinadala nitong bulaklak at card na nagsasabing excited na ito sa date nila sa Sabado. Noong una ay naisip niyang itapon sa basurahan kaso nanghinayang naman siya at inisip na ipamigay nalang. At least may makikinabang pa. Katulad nalang ng security guard na si Danny na namimilog ang mata sa katuwaan.  "Hala Miss Frankie maraming salamat po dito. Tiyak na matutuwa nito ang mga anak ko pag-uwi ko mamaya sa bahay. Tiyak na masarap 'to. Mukhang imported eh. First time nila makakatikim ng ganito ka mahal na tsokolate. Hanggang flat tops at cloud 9 lang kasi sila,” abot tainga nitong ngiti at litanya.  Frankie smiled. Kahit papaano ay natutuwa na rin siya at may napasaya siyang tao. Naisip niya na minsan talaga ang unfair ng buhay. May mga bagay na binabalewala lang ng iba ngunit sa ibang tao ay napakalaking bagay na. Isa iyan sa dahilan kung bakit hindi siya mahilig magtapon o magsayang lalo na kung pagkain. Mas gusto niyang ipamigay nalang para mapakinabangan ng iba.  “Siguraduhin mo lang, kuya Danny. Baka sa chicks mo ‘yan ibigay ha!” may halong pagbibiro niyang saad dito.  “Ay nako Miss Frankie hindi po. Ang ipangchichicks ko ay ipapakain ko nalang sa pamilya ko. Lalo na ngayon malapit na mag kolehiyo ang panganay ko. Kailangan maghigpit ng sinturon para sa pang tuition fee,” excited na may bahid ng lungkot na wika ni Danny. Masaya ito dahil ilang buwan nalang at graduate na sa high school ang panganay nito ngunit may lungkot naman dahil hanggang ngayon ay hindi pa nila alam mag-asawa kung saan kukuha ng ipangtutustos sa pang kolehiyo nito. Ang kinikita kasi nito bilang security guard ay sapat lang sa pang araw-araw nilang gastosin at baon ng tatlong mga anak sa eskwela. Ang asawa naman niya ay tumatanggap lang ng mga tahiin para magkaroon sila ng extra ng panggastos.  Nakita ni Frankie ang pag-aalala sa mukha ni Danny. “Puntahan mo ako mamaya sa opisina ko bago ka umuwi kuya Danny. Bibigyan kita ng form para sa scholarship program ni Daddy.”  Agad na namilog sa tuwa ang mga mata ni Danny sa sinabi ni Frankie. “Talaga po Miss Frankie? Napakabait at matulungin mo talaga lalo na sa mga kapus palad na tulad ko. Ngayon pa lang ay sobra-sobra na akong nagpapasalamat sayo. Tiyak na matutuwa ang asawa at panganay ko nito sa magandang balita.”  Nginitian ito ni Frankie. “Huwag mong kakalimutan dumaan sa opisina ko,” muli niyang paalala dito bago muling humakbang para pumasok na sa restaurant.  Tumango naman si Danny at mabilis na kumilos para ipagbukas ito ng pinto. “Sige po, Miss Frankie. Maraming salamat po ulit dito sa tsokolate.”  “Walang anuman kuya Danny,” sagot niya at tuluyan nang humakbang papasok ng restaurant.   “Who was the unlucky guy this time?” narinig niyang tanong ng boses na kilalang kilala niya. Of course it was no other than chef Ezekiel Chavez. Mukhang nakita nito ang pagbibigay niya ng tsokolate kay Danny. At dahil kilala na siya nito ay nahulaan na nito na galing iyon sa isa sa mga manliligaw niya.  Huminto siya sa paglalakad at nilingon ito. Ezekiel is wearing his white double-breasted chef uniform, pants in a black-and-white houndstooth pattern, minus the apron and chef’s hat. She really finds him the most attractive in those uniforms. Frankie reminded  herself not to go often in the restaurant’s kitchen premises to avoid seeing Ezekiel in chef’s uniform from today on.  Frankie felt her heart catch in her throat, filling with the familiar, bittersweet ache remembering that Ezekiel is now taken and she should forget whatever feelings she has for him now. She swallowed the lump in her throat as she tried to keep her face steady and emotionless when she looked at Ezekiel’s direction. “Kiel,” she muttered.  Mataman siya nitong tinitigan. “Can we talk?”  Inikot ni Frankie ang paningin sa sa loob ng restaurant. Dahil maaga pa para sa dinner ay wala pang masyadong tao sa restaurant kaya may oras pa silang makapag-usap na dalawa.  Marahan niya itong tinanguan. “Sure. We can talk in my office,” wika niya at  nagpatuloy na sa paglalakad papunta sa opisina niya. Pagkapasok sa maliit niyang opisina sa restaurant ay inilapag niya ang dalang signature bag sa mesa at naupo sa gilid niyon paharap sa binata. “I’m sorry about the other night. I should have not reacted like that. That was so childish of me...” Marahan na tumango si Ezekiel bilang tugon. “No it was my fault. I was so inconsiderate of what you might feel. I’m sorry.”  “There’s nothing to consider. Let’s just forget it. Promise, I’m really okay. Ako pa ba? Parang hindi mo naman ako kilala…” wika niya sa pinasiglang tono. Tinitigan siya ni Ezekiel na para bang may kung anong gustong sabihin ngunit nagbago ang isip at tumango nalang. “ By the way, I saw the video…” pag-iiba nito ng usapan na ang tinutukoy ay ang viral video ni Frankie sa discohan na kumakalat ngayon sa social media. “Are you okay?” bakas sa boses ang concern nitong tanong.   “Ah, that... It’s nothing, not a big deal to me at all. It’s not as if it’s the first time anyway, right?” balewala niyang sagot dito. Ang totoo ay sanay na siyang mabalandra sa social media ang mukha niya. Iyon ngang mga nauna niyang scandal na kinasangkutan ay malala pa. Katulad nalang noong tatlong taon na ang nakaraan. Nasa isang party siya noon at may lalaki na manyakis at hinipuan siya habang sumasayaw. Noong una ay pinagpasensyahan niya pa at baka hindi sadya ang pagkakapisil nito sa pang upo niya kahit sobrang obvious naman.  Ngunit noong harangin siya nito at i-corner sa isang pader noong paglabas niya galing sa comfort room tapos pilit na gustong halikan ay binayagan na niya ito. Ayon muntik nang nabasag ang kaligayahan nong lalaking manyak. Ngunit kinabukasan ay viral siya sa social media na may hashtag pang ‘Tirador ng balot ni Oscar” dahil Oscar pala ang pangalan noong manyakis na lalaki at sa lakas ng pagtuhod niya sa bayag nito ay muntik nang nabasag. More than six months ago ay may babae naman na inakusahan siyang kabit at  tinangka siyang sabunutan dahil parang asong ulol ang asawa nito sa kakasunod sa kanya sa isa ding party na dinaluhan niya. Ayon bago pa lumapat ang kamay ng babae sa buhok niya ay napilipit niya na iyon at muntikan nang nabalian ng braso ang bruha. Kinabukasan ay pinagkalat nito sa social media na  isa daw siyang kabit ng bayan at pumapatol sa asawa ng may asawa. Pinagtawanan lang niya ito lalo’t alam naman niya na ang mga taong talagang nakakakilala sa kanya ay hindi maniniwala sa mga sinasabi nito. Sa itsura ba naman ng asawa nitong mukhang adik na kambing ay malayong patulan niya. Ang mga nasabing scandal na kinasangkotan niya ay walang-wala pa kung ikukumpara sa mga scandal na kinasangkutan niya habang nag-aaral sa Amerika. Hindi ngalang kumalat sa social media dahil hindi naman siya kilala ng mga tao doon.  Nagsalubong ang makapal na mga kilay ni Ezekiel. Halatang hindi natutuwa sa kinasangkutan na namang scandal ni Frankie. “Tsk. When will you learn to control your temper, Frankie? When will you learn how to act like a real lady?” Frankie’s face expression darkened. Hindi niya nagustuhan ang huling sinabi ni Ezekiel. ”I am a lady, Kiel. It’s just that your definition of being a lady is a picture of a Maria Clara. Iyong tipong hindi makabasag pinggan sa pagkamahinahon at mahinhin. Jeez. How boring."  Lalong umasim ang mukha ng binata sa sinabi niya. "Paano kung sa susunod ay makahanap ka ng katapat mo at mapahamak ka? Isa pa, hindi ka dapat nagpupunta sa mga ganoong klaseng lugar. Napaka delikado ng mga club na 'yan lalo na sa isang magandang babae na katulad mo."  Frankie chuckled. Alam niyang isa sa pinakaayaw ni Ezekiel ang tumatambay at pumupunta siya sa mga discohan at mga club. Kaya naman iniiwasan niyang pumunta doon noon para paluguran ito. Isa sa pinaka ayaw niya sa lahat ay ang lalaki na animo gustong baguhin kung sino talaga siya. Ngunit ng makilala niya si Kiel ay maraming pagkakataon na nakakalimutan niya ang gusto niya at ginagawa niya kung ano ang sa tingin niya ay magpapasaya dito. Oo at wala silang realasyon ngunit hindi nawala sa kanya ang umasa lalo na nga  at ramdam naman niya na iba ang trato nito sa kanya kaysa sa ibang mga kaibigan nitong babae. Ngunit akala lang pala niya iyon.  "You sound like a worried and protective boyfriend, Kiel." She shook her head with a teasing smile. "Tsk, tsk… Too bad, you already missed your chance, my friend," pagbibiro niya na ang intention ay pagaanin ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa. Ngunit sa sinabi niya ay mas lalo lang naging seryoso ang mukha ni Ezekiel. "When are you going to take me seriously, Frankie?" seryosong tanong ng binata.  Nawala ang ngiti ni Frankie sa mga labi at biglang sumeryoso. Seryoso ba talaga ito sa tanong nito sa kanya? "I'm always damn serious with you Kiel but it seems that between us two--- you're the one who's not taking me  seriously. You took my feelings for you for granted but you confused me with your actions. Don't toy with my feelings---If you want us to be strictly business partners and friends so be it. But you should learn to know your limitations and boundaries--- dahil sa totoo lang nakakapikon ka na at hindi na ako natutuwa," deretso niyang turan dito. How dare him reject her feelings and now acting like he has a say about her life and what she does?”  Natameme si Ezekiel sa kinatatayuan nito. Malamang ay nagulat ito sa hindi inaasahang mga salitang binitawan ni Frankie.  "Frankie, I-I---"  Tumuwid ng tayo si Frankie at tiningnan niya ang oras sa rolex watch niyang suot. Ilang minuto nalang at mag-uumpisa nang magdatingan ang mga customers nila para maghapunan. "Let's end this conversation here Kiel---- Or much better let’s close this topic now. You’re right, we should not complicate things between us by trying to cross the lines of being business partners to lovers. I’m sorry, It took me too long to finally realize it.” Her mouth curled in a cynical smile. “Let’s have dinner with your girlfriend soon. I’d like to meet her...” pagtatapos niya sa usapan at naglakad papunta sa swivel chair niya at ini on ang laptop niya bilang hudyat na tinatapos na niya ang pag-uusap nila.  Sandaling titig na titig lang sa kanya si Ezekiel na para bang may gustong sabihin ngunit piniling itikom ang bibig at tinanguan nito si Frankie bago lumabas ng opisina ni Frankie.  Frankie took a deep breath once Ezekiel was out of her sight. Of course she’s hurting but she promised to herself that she’ll be over him even though she still doesn't know how she'll do it. Masyadong matagal niyang inalagaan sa puso niya si Ezekiel kaya nasanay na siyang naroon ito at inaalagaan niya. Ngunit ngayon ay kailangan na talaga niyang kalimutan ang kabaliwan ng puso niya para dito. Ayaw na niyang magpatuloy na magpakatanga at umasa sa isang bagay na may lamat na at malabo nang mangayari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD