LATER that night. Naging abala na si Frankie sa mga paper works at pag encode sa computer ng mga VIP reservations para sa susunod na mga araw. Sa sobrang pagkaabala niya ay panandalian niya munang nakalimutan ang naging pag-uusap nila ni Ezekiel kanina. Hindi niya rin namalayan ang oras at kung hindi pa siya kinatok ng isa sa mga waiter na may dalang pagkain ay hindi niya pa maalala na hindi pa nga pala siya naghahapunan.
"Ma'am Frankie, kumain ka daw po muna sabi ni chef Kiel," anang nakangiting waiter.
"Huh? Anong oras na ba?" tanong niya na mas para sa sarili. Tiningnan niya ang oras sa wristwatch niyang suot. Quarter past eight pm na pala.
"Saan ko po ito ilalagay Ma'am?" tanong ng waiter na sinulyapan ang ibabaw ng mesa niya na puno ng mga papeles.
"Oh wait," aniya at inimis muna ang mga papeles at nilagay sa isang side ng mesa. "Dito mo nalang ipatong Josh. Thank you!"
Agad naman na sumunod ang waiter na si Josh at inilapag sa harap niya ang pinggan na may umuusok pang rib-eye steak with mashed potatoes and roasted asparagus as side dish in excellent plating together with a glass of avocado shake, Frankie’s favorite.
"And a love letter for you, Ma'am," may panunudyo at nakangiting abot ni Josh sa isang sulat na kinuha nito mula sa bulsa ng white polo uniform nito. Kahit alam ng mga empleyado nila na wala silang relasyon ay madalas parin silang tuksuhin ng mga ito. Bagay na bagay daw kasi sila. Hindi lang parehong gwapo at maganda kundi pareho rin daw mabait at maayos makitungo sa mga tao at sa mga empleyado.
"Thanks again Josh!" pasalamat niya sa waiter ng abutin niya ang sulat. “But it’s not a love letter. It’s just a note…” nakangiti niyang pagtatama dito.
"Okay. Enjoy your dinner, Ma'am Frankie," wika ng nakangiting waiter bago ito lumabas na ng opisina ni Frankie.
Binuksan naman ni Frankie and sulat na sigurado siyang galing sa business partner niyang si Ezekiel.
"I know you're pissed at me but I'm hoping that this food will melt it away and we're cool again."
Kiel
Malalim na napa buntong hininga si Frankie. This is what she’s talking about! Anong gusto nitong isipin niya? Huwag nalang isama ang pagkain pero bakit kailangan may heart pa sa note? Heart means love, right? Tsaka kung makapag-asikaso at makapag alala ito sa kanya ay iba sa sinasabi ng bibig. Ang mga ganitong bagay ay hindi ginagawa ng taong hindi naman ikaw ang piniling maging kasintahan.
Nilipat niya ang tingin sa pagkain na sigurado siyang si Ezekiel din mismo ang nagluto para sa kanya. Paano ngabang hindi siya maiinlove dito eh sabi nga ng isang kasabihan "The best way to a woman's heart is through her stomach". Siya ang klase ng tao na kapag nag-umpisang magtrabaho ay madalas niyang nakakalimutan ang oras ng pagkain at sa tuwina ay naroon si Ezekiel na kung hindi man sila magkasama para ito mismo ang magluto para sa kanya ay sigurado namang tatawagan siya nito or magtitext ito na huwag kalimutan ang kumain. Maliit na bagay kung iisipin ngunit ang pagpapakita nito ng concern sa kanya ang naging daan para mahulog ang puso niya dito. Ang masakit lang ay hindi naman pala ito handang saluhin ang puso niya.
"Letche! Isa kang malaking paasa, Ezekiel Chavez! Ang sarap mo minsan sakalin," Inis niyang nilamukos ang sulat at tinapon sa basurahan. Nang muling sulyapan ang pagkain ay bigla niyang naramdaman ang pagkalam ng tiyan at pagkatakam sa masarap na mga pagkain at inumin. "If he wants just to be friends then be it. Maganda ako noh! Hindi lang siya ang nag-iisang lalaki dito sa mundo," bulong niya sa sarili tapos ay kinuha ang ang tinidor at steak knife at nag-umpisa nang kumain. Wala naman kasalanan ang mga pagkain na nasa harap niya sa kanya. Kaya, bakit niya idadamay? Tsaka masama ang nagsasayang ng pagkain.
“Hm-mmm. This is really good,” she groaned from the heavenly taste of her steak. “If I can’t enjoy the chef the way I want to, I will at least enjoy his food. And if he can’t make my heart full at least he does it to my stomach. Not bad, right?”
Frankie knows it isn’t easy to move on with what she feels for Ezekiel the last more than three years of her life but she slowly accepts it in her heart that they should be better as friends and business partners. If crossing the line between friends to lovers didn’t happen before--- why would it now, right? Although she likes Ezekiel in all forms, it isn’t an excuse for her to settle herself as just a second choice. She is a woman with ego and dignity. She knows her worth as a woman and as a person. She absolutely deserves to be loved and treated better.
Lumipas ang mga araw. Naging maayos naman ang lahat sa pagitan nina Frankie at Ezekiel. Balik ulit sila sa dati na para bang walang nangyari at nabago. Siguro dahil unti-unti nang natatanggap ni Frankie na hanggang kaibigan lang talaga silang dalawa. Hindi na rin niya masyadong pinagtutuunan ng pansin ang nararamdaman ng puso niya dahil may mas malaking bagay siyang pinoproblema. Pinipilit parin siya ng daddy niya na makipag date kay Bernard Chua.
“Daddy, please can’t you understand that I can’t even stand the sight of that guy? Masyado siyang presko at mayabang. Naaalibadbaran ako sa pagmumukha niya,” pangangatwiran niya sa ama matapos niyang hindi sipotin ang date nila ni Bernard Chua.
“Oh come on, Franchesca. You haven’t given the poor guy a chance! Get to know him first before you judge the person. Have at least ten dates with him.”
“What? Ten dates? You gotta be kidding me, Daddy!” bulalas ni Frankie na napatayo mula sa kinauupuan nitong sofa sa library ng ama.
“I’m serious, Franchesca. I want you to get to know Bernard. He is good for you and he is good for my business which of course will be all yours in the near future.”
“So, I’m just a business to you now. Is that it? You’re forcing me to date someone because he is good for your business,” nasa boses ang tampo niyang turan sa ama.
“Absolutely not! That is not what I mean. You’re my only daughter and I only want what's best for you. That's the reason I want to see you settle down with a person who's good for you.”
“And you believe that’s Bernard?”
“Could be. That's why I ask you to at least get to know him before you say no,” pagpipilit ng daddy niya.
“And do you think that ten dates would change my mind?” she asked, annoyed.
“Maybe no but maybe yes… You’ll never know unless you even try, right?”
“But I don’t need ten dates with him to know that what you hope and wish will never happen, Dad. I don’t even feel a tiny bit of spark with that guy.”
“Because you don’t even try!”
“Arggggg. Can we please stop this conversation? I don’t like Bernard Chua. PERIOD. Eh mas cute pa nga sa kanya ang chihuahua na aso eh. Tsaka mabuti pa nga ang aso baka matuwa pa akong halikan at laruin pero maisip ko palang ang posibilidad na ang Bernard Chua na iyon ang makakatabi ko sa pagtulog sa iisang kama ay kinikilabutan na ako. Malamang sa bangongot din ako mamatay,” litanya ni Frankie.
“Don’t be ridiculous. He’s not that bad…”
“But he’s also not that good, Dad. Actually ang pagiging bansot niya ay hindi naman importante sa akin. Kaso ayaw ko sa mayabang niyang ugali na akala mo regalo siya ng Diyos sa mga anak ni Eva.”
“Fine, fine… I will cancel your date with Bernard,” sumusuko na turan ng ama na ikahihinga na sana ni Frankie ng maluwag ngunit agad nitong dinugtungan ang sinasabi. “But you will go on a blind date with Mr. Miller’s son.”
“What? Now you’re even setting me up on a date with a stranger? This is unbelievable, really!”
“Larry Miller is not a stranger to me. I worked with him a few times before when he was still based in the US and he’s a good and responsible man. Very professional as well,” sagot naman ni Francis.
“You’re not really going to give up Dad, are you?” naiiling na tanong ni Frankie.
“I’m serious Franchesca. I believe it’s really about time for you to settle down. And I mean it!”
Malalim na napabuntong hininga si Frankie. “Fine. I’ll do it but I don’t promise you that this blind date will turn out the way you want it.”
Nakita ni Frankie ang pagliwanag ng mukha ng ama sa sinabi niyang iyon. “Really? You’re really going to do it?”
Tumango si Frankie at tumayo na sa kinauupuan. “As I said, don't hope too much, Dad.” Wika niya dito. At least hindi na kay Bernard Chua na mukhang chihuahua siya makikipag date. Tsaka alam naman niya na kahit kailan aay hindi siya mananalo dito kahit abutin pa siya ng maghapon sa pangangatwiran dito. Kaya pumayag nalang siya para matapos na. Lumapit siya dito at humalik sa pisngi nito. “Have a good day, Dad.” At iniwan na niya ito.