DAHIL sa pamimilit ng ama ay walang nagawa si Frankie kundi paunlakan ang kagustuhan nito na makipag blind date siya sa lalaking nagngangalan na Larry Miller.
Habang tinitingnan siya ni Zoe mula ulo hanggang paa ay hindi nito mapigilan ang matawa at mailing sa kanya. “Makikipag blind date ka talaga ng ganyan ang suot at ayos mo?”
Tiningnan naman ni Frankie ang itsura niya sa malaking salamin. “Mukha na akong babaeng patapon ang buhay?” nakatawa niyang sagot. Sinadya niyang maglagay ng itim na make up at lipstick. She is wearing a white crop top back zipper spaghetti strap, ripped jeans with matching white shoes. She did her hair messy half up and half down bun. “Wait there’s more…” aniya at may kinuka sa black leather mini backpack niya. “Here you go. This will make everything perfect,” wika niya habang binabalatan ang isang chewing gum at isinubo.
“Jeez. You’re really desperate to get dumped, are you?” wika ni Zoe.
“Hell yes. I mean having a husband I meet on a set up blind date is not really a perfect set up for me to tell my grandchildren in the future. Don’t you agree?”
“I understand what you mean. But what if he’s cute and nice?”
“He’s old,” said Frankie.
“What do you mean old? Like how old?”
“He is thirty eight.”
“Wow. Fourteen years.
“Sino ang lalaking matino ang aabot sa edad na thirty eight ng single sa panahon ngayon? Karamihan sa matitino lalo at successful sa buhay ang maagang nabibingwit. Kaya kapag ganoon edad na at single parin, isa lang ang ibig sabihin niyon. There must be something wrong about him.”
“Sabagay may point ka rin naman.”
Ilang sandali ay nasa restaurant sa isang five star hotel sa Makati si Frankie at nakilala na rin niya ang ka blind date niya. Magandang lalaki naman si Larry Miller kung ikukumpara kay Bernard Chua. Mestizo at matangkad dahil nga sa Amerikano ang tatay nito. Mukha rin itong kagalang-galang at taglay nito ang businessman vibe, iyong seryoso sa buhay. Kaya naman muntik na siyang humagalpak ng tawa ng lapitan niya ito kanina sa nakareserve na mesa para sa kanila at nagpakilala siyang siya si Franchesca Melady Thomas ang blind date nito. Makikita sa mukha ng lalaki ang pagkabigla ngunit agad din na nakabawi.
Naupo siya sa upuan sa tapat nito matapos niyang makipagkilala. Habang pumipili siya ng kakainin sa menu na inabot ng waiter ay ramdam niya ang titig sa kanya ni Larry Miller lalo at habang pumipili siya ng kakainin ay nilalaro at pinapalobo pa niya ang chewing gum sa bibig niya.
“I know you purposely dressed up like that to despise your father,” pag-uumpisa ni Larry noong umalis na ang waiter matapos makuha ang order nila.
“Busted. Matalinong unggoy,” Frankie thought. Kumuka siya ng paper towel at niluwa doon ang chewing gum na nginunguya niya. Nangalay na ang bibig niya sa kaka nguya doon kaya mabuti pang itapon nalang niya total ay nabuking narin naman siya nito.
“My mother is a filipina as you may have already heard about. She is a good woman, loving, caring, family oriented and has a soft heart. She’s also a dedicated mother and dedicated wife to my father. When she married my father she quit her job and focused our family,” may ngiti sa labi na pagkukwento ni Larry. “I have lived in the US more than half of my life and I come to this age still single because I haven’t found a woman like her there and now that I decided to live here in the Philippines, I’m hoping that I can find that woman I’m looking for here.”
Hindi nagsalita si Frankie at umayos ng upo. Hinayaan niyang magpatuloy sa pagsasalita si Larry. Gusto niyang malaman kung saan papunta ang sinasabi nito.
“I don’t like my woman to work. Having a career and family isn’t easy. So I wouldn't want my wife to suffer in order to make a bit of money. As you already know, I have money, a lot of it actually. I can provide everything and anything that she wants... Supporting her husband and taking care of the household and children wouldn't it be a happier life?”
“Tsk. I have money too. Did he forget whose daughter I am? Matanda na nga kaya ulyanin na… Tsaka bakit ba pag-aasawa na agad ang sinasabi niya? Anong akala niya na magbabago ang isip ko ngayong nakita ko siya?” sa isip-isip ni Frankie.
“I’m a very busy man. Because of my growing business I can’t always be in one place. I need a wife who can stay at home and support me from behind. A wife who will take care of our children and my parents on my behalf. I know that children need their parents to take care of them all the time but it would be hard on my side to do that so my wife has to fill in for me.”
“Jeez. I absolutely don’t want to give my future children a father like him. He is just one of those brettle ego cows I know. He looks down on women while acting as if he cares but in reality he’s selfish and full of himself,” muli niyang kausap sa sarili.
“What do you think, Miss Thomas?”
Ngumiti si Frankie ng ubod tamis. “You’re right. I agree with you,” tumatango-tango pa niyang sagot. “I also don’t want my husband to go out and work. I have money, a lot of it. I can provide him anything and everything that he needs. I’d rather he take care of household chores, raise our children well. Cook for me. Be home when I’m done at work. Help the kids to do their assignment. Play with them and be there when they need him.”
Nakita niya ang pagkabura ng ngiti ni Larry at animo tumiim ang tingin sa kanya.
“I really hate men who have lots of demands and think of themselves as God's gift to us that we women should serve them like a king,” pagpapatuloy niya sabay ngiti ulit ng matamis.
"Miss Thomas, I can see why your father is desperately looking for someone to marry you. No matter how pretty they are, women who talk back and try to beat men aren't appealing to any man. They usually grow old alone and sad."
Frankie gave him a devilish smile. "Mr. Miller, I can see why you're still single at your age. No woman in her right mind would want to marry a self centered man. And to tell you frankly--- there’s nothing special about you. You look ordinary to me..." ganting sagot naman ni Frankie. "You can stay and eat your dinner. I gotta go. I have no more appetite to eat with you," tumayo si Frankie mula sa pagkakaupo. "Goodluck to your future wife, send me an invitation when you finally found that stupid woman," pagtatapos niya at iniwan ito na pulang-pula sa pagkapahiya.
"What a brat!" bulalas ni Larry Miller at hindi inaasahan sasagot-sagotin siya ni Frankie ng ganun.
Tawang-tawa si Zoe noong nasa kotse na sila. Narinig kasi nito ang lahat ng pag-uusan nina Frankie at Larry Miller dahil naroon din ito at nakaupo sa katabing mesa na kinauupuan ng dalawa. Curious kasi siyang malaman kung ano ang mangyayari sa blind date ng kaibigan kaya agad din siyang nagpabook ng mesa sa parehong restaurant at alam iyon ni Frankie. Hindi naman siya nagsisi dahil hindi nasayang ang ginastos niya. Aliw na aliw siya habang pinakikinggan ang mga sinabi ni Frankie sa lalaki.
“Have you seen his face, girl? Para siyang bulkan na malapit nang sumabog,” turan ni Zoe sa pagitan ng pagtawa.
“He deserves it. Akala niya siguro ay mabibighani ako sa pagiging mistizo niya eh mukha naman siyang mistizong bangus na binabad sa suka. Sobrang taas ng tingin sa sarili na akala mo kung sino. Ngayon pa lang ay naawa na ako sa malas na babaeng mapapangasawa niya kung may papatol man sa kanya sa kabila ng mga demands niya na ganoon,” umiiling-iling na turan ni Frankie.
“Pero paano niyan. Anong sasabihin mo sa kay tito Francis? Lagot ka siguradong magsusumbong ‘yon,” tanong ni Zoe.
“Bahala siya sa buhay niya. Mas gugustuhin ko pang ma grounded ng isang taon kaysa makipagdate pa ulit espasol na yun.”
“Ano saan tayo?” tanong ni Zoe na nagprisenta pang maging driver ni Frankie kanina.
“Saan pa ba kundi party-party. Sayang naman ang gabi tsaka irampa natin ‘tong ayos ko. Pinaghirapan ko pa naman ‘to kanina,” tumatawang sagot ni Frankie.
“Alright!” tuwang-tuwa naman na wika ni Zoe at nakipag high five kay Frankie. “Alam ko na kung saan tayo. Kakatext lang ni Cassidy at nasa galaan din.” Si Cassidy ay isa sa mga barkada nila at madalas na kasama sa mga galaan.
“Eh di ano pang hinihintay mo? Let’s go!”