Chapter 7

2011 Words
TULAD ng inaasahan ni Frankie ay nagsumbong nga si Larry Miller sa Daddy niya. Kaya galit na galit ang Daddy niya sa kanya dahil napahiya daw ito. Ang nangyari ay bumagsak ulit siya sa pakikipagdate kay Bernard Chihuahua I mean Chua. Para lang mabawasan ang galit ng Daddy niya sa kanya. Si Bernard ang naging date niya sa engagement party ng kaibigan nila ni Zoe na si Amanda. Isa rin kilala at galing sa promenenting pamilya at kabilang sa alta Sociedad na kinabibilangan nilang magkaibigan.  Dahil sa taglay na karisma at kagandahan ni Frankie ay madali siyang makakuha ng attention ng mga kabinataang panauhin din sa naturang okasyon. Ngunit sa tuwing may magtatangkang pomorma sa kanya ay agad iyong hinaharang ni Bernard at ipinapakilala ang sarili bilang kasintahan ng dalaga. Katulad nalang ngayon nalingat lang sandali si Bernard sa pagbabantay sa kanya ay may tatlo na kaagad na kabinataang lumapit sa kanya at kanya-kanya ng pagpapabida. Ngunit ng mapansin ni Bernard ay agad itong lumapit sa kanila. “Babe, nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap eh,” wika ni Bernard at kaagad pang inilingkis ang braso sa baywang ni Frankie. “Babe? Y-You have a boyfriend?” disappointed na turan noong nagpakilalang Mark Cortez habang nakatingin sa braso ni Bernard na nakahawak sa baywang ni. Hindi sumagot si Frankie at hinayaan niya lang si Bernard ang sumagot sa tanong ni mark. “Well yes I am her boyfriend. Bernard Chua by the way,” pagpapakilala ni Bernard at nag-abot ng kamay sa tatlong binata. “You’re one heck of a lucky man. Congratulations!” turan naman noong Ronald Reyes ang pangalan habang inaabot ang kamay ni Bernard. Baga man at disappointed din ito sa nalaman na may boyfriend na pala ang pinopormahang dalaga ay hindi naman masyadong nagpahalata. “I know right? But Franchesca is luckier. Sa dami ng babaeng nagtatangka na masungkit ang puso ko ay sa kanya talaga ito tumitibok.” Itinuro pa nito ang tapat ng puso. “May pataniman ba ito ng mais at sobrang corny kung bumanat? Tsaka ang lakas ng dalang hangin daig pa ang hanging habagat sa lakas.” sa isip-isip ni Frankie. “Kapag ako ang makatuluyan niya ay hinding hindi siya magsisisi. She’ll live as the queen of Chua Electronics.” Banggit nito sa kompanya ng pamilya nito. Napapalunok nalang si Frankie sa mga pinagsasabi ni Bernard. May life as queen pa daw nalalaman eh maski wala ito ay buhay reyna naman na talaga siya. At hindi niya kailangan ng lalaki na magbibigay niyon sa kanya dahil kaya niya iyon ibigay sa sarili niya. Ang restaurant na pag-aari nila ng business partner na si Ezekiel ay itinayo niya lang bilang hobby. At kahit wala ang pera ng daddy niya ay may mga milyones nang pumapasok sa bank account niya kada buwan. Gamit ang perang minana niya mula sa namayapang ina at marami siyang mga secret investments na malalaking halaga rin ang inaakyat na pera sa kanya. Isa rin siya sa shareholder ng isa sa malaking negosyo ng pinsan niyang si Lucas Thomas na kilala sa loob at labas ng bansa. Kaya baka nga mas mayaman pa siya kay Bernard Chua kung tutuusin. Ngunit hindi niya ugaling magyabang kaya pinapabayaan niya lang ito sa pagpapalabas nito ng mga hangin sa katawan. Buti nga at hindi kinakabag at nagiging utot. “Just remember. You can always call me if he ever he ditches you,” nagbibiro na wika noong Joey na may kasama pang kindat kay Frankie. Kung mayabang si Bernard ay mukhang hindi rin nalalayo ang ugali nito. Kaya ng ipakilala ni Bernard ang sarili bilang boyfriend niya ay hindi siya nag aksaya ng laway na itama ito dahil ang totoo kanina pa siya nag-iisip kung paano makakawala sa tatlong lalaki. Sa totoo lang ay nagsasawa na talaga siya mapaligiran ng mga ganitong klaseng manliligaw. Walang alam kundi ang magmayabang pero ang totoo ay wala namang ibubuga at puro hangin lang. She finds it really unattractive and immature. “That is something that will never happen. I only have my eyes for Franchesca. As long as she’ll keep it--- I have no reason to ditch her, right Babe?” Ngumiti si Frankie na kung kilala lang siya ng mga lalaking kaharap ay baka kinabahan na. Sa totoo lang ay kanina pa siya nagbibilang sa isip at sinusubukan pakalmahin ang sarili at baka bigla niyang mabalian ng braso si Bernard dahil sa ginagawa nitong paghaplos-haplos sa nakalantad na bahagi ng baywang niya, dahil sa tabas ng evening dress na suot niya ay malayang dumadampi ang palad ni Bernard doon at kinikilabutan siya sa pandidiri sa ginagawa nito. “Excuse me. I’ll just go talk to my friends,” pasimple niyang paalam sa mga ito bago pa maubos ang pasensya niya. Mabilis niya rin iniwan ang apat bago pa makasagot ang kahit sino sa mga ito. Agad siyang kumuha ng white wine sa isang nadaanang waiter na may dalang mga inumin. “Tsk. What a big joke!” bulong niya sa sarili matapos mapangalahati ang inumin. Naglakad siya papunta sa may bar counter at muling humingi ng inumin sa naroong bartender ng maubos ang laman ng wine glass niya. “So my dear friend here now has a boyfriend named Bernard Chua. How come you didn’t tell me?” said Zoe, teasing her best friend when she saw her next to the bar drinking alone. Frankie rolled her big and beautiful eyes. “Tsk. You know exactly that will never gonna happen. But anyway, let him dream on.” “I really can’t believe that you’re allowing him to get too far, Frankie girl. Introducing himself as your boyfriend on your first date? I would kick his balls if I were you,” naiiling na wika ni Zoe. “If I’ll do that and cause a scene and worse another viral video. Francis Thomas is really going to force me to marry that annoying thing Zoe, and I’m telling you. I rather hang myself in one of Dad’s bonsai tree than marrying that chihuahua.” “Kaya hahayaan mo nalang siya, ganoon? Where is the Frankie girl that I know? Iyong badass girl na kilala ng lahat. Babaeng palaban at gagawin ang kahit na anong maisipan at walang pakialam sa sasabihin ng mga tao sa paligid niya?” Tumawa lang si Frankie ng hilaw sa sinabi ng matalik na kaibigan. “I’m giving her a little rest for a while. Masyadong mainit ang mata sa akin ni Daddy. And I don’t want to make a scene. This is an important night for our friend Amanda. Siguradong magwawala at isusumpa ako ng bruhang iyon kapag sinira ko ang isa sa pinaka importanteng gabi ng buhay niya.” Nagkibit balikat si Zoe. “Well, it makes sense. By the way, nagkita na ba kayo ni Ezekiel?” “Kiel? What do you mean?” nakakunot ang noong tanong niya. “Well, he’s also here. Pinsan daw ng mapapangasawa ni Amanda ang girlfriend niya. Nakausap ko siya kanina noong pagdating nila.” “Really? What a small world,” komento niya tapos ay muling dinala ang baso ng alak sa bibig. “Have you met the girlfriend?” “Nope. Haven’t had a chance.” “Well, she looks fine but I don’t see anything special about her. Hindi ko nga maintindihan kung paanong--- I mean… Anyway, forget what I’ve said. You’re already in a bad mood to entertain some more s**t!” “It’s fine. I don’t mind talking about him,” wika ni Frankie. “You mean you moved on?” hindi makapaniwala na tanong ni Zoe. Frankie shook her shoulders. “Sort off.” “Wow. That’s my girl. I’m so proud of you Frankie girl! Let’s drink to that…” Natatawang nakipagcheers naman si Frankie sa matalik na kaibigan. “RIP sa mga lalaking paasa,” nakangising wika ni Zoe. “RIP sa mga lalaking paasa!” nakatawa rin na sang-ayon ni Frankie. “But seriously, Aren’t you jealous?” tanong ni Zoe maya-maya. “Ako magseselos? I’m not Franchesca Melady Thomas for nothing--- Aray bakit ka nangbabatok?” reklamo niya ng batokan siya ni Zoe ng mahina. “Hindi naman si Ezekiel ang tinutukoy ko,” sagot nito at nginuso ang kaibigan nilang si Amanda habang nagsasayaw kasama ang fiance nito. “Nakakainggit diba?” Sinundan naman ni Frankie ang tinitingnan ng matalik na kaibigan. Halata sa mga mata at kilos ng bagong engage ang umaapaw na pagmamahal para sa isa’t isa. Natutuwa siya para sa kaibigan nilang si Amanda ngunit tama si Zoe, nakakainggit! Ang sarap sigurong mainlove tapos mahal ka rin ng lalaking mahal mo. Kung sana ay siya ang napiling mahalin ni Ezekiel---- Mabilis siyang pumilig dahil sa naisip. She’s moving on! “The next engagement party that I will attend should be yours, Zoe!” wika niya sa matalik na kaibigan. “Hmm. Malabo. Mukhang ang dami kong kaagaw sa lalaking pangarap ko,” wika ni Zoe na pinalungkot pa ang tono ng boses. “Bakit sino ba ang maswerteng lalaking napupusuan mo ngayon?” lingon ni Frankie kay Zoe. Zoe smiled. “Brad Simon.” “Brad Simon who?” kunot noong tanong ni Frankie. Walang kaide-ideya kung sinong Brad Simon ang sinasabi ng matalik na kaibigan. Tumawa ng malakas si Zoe. “You don’t know who Brad Simon is? Gosh you’re so boring, Frankie girl. You don’t know what you are missing...” “Gaga ka ba? Itatanong ko ba sayo kung kilala ko,” wika ni Frankie na gumanti ng batok kay Zoe. “Well, he is the hottest and probably the most delicious and exciting man in the name of s*x. At ang armas girl--- Gosh! Isang alamat! Ang laki at ang haba! Iyong sagad sagaran talaga.Iyong humihimas palang parang lalabasan na agad ang hinihimas niya,” animo nangangarap pa na kwento ni Zoe at may pakagat-kagat pa ng labi na nalalaman. “Aray naman! Nakakadawa ka na ha...” hiyaw nito ng muli siyang batokan ni Frankie. “Tinatanong ko lang sayo kung sino si Brad Simon tapos kwenento mo na pati armas niya. Baka gusto mo narin mag kwento kung ano-anong posisyon ang ginawa niyo?” naiiling na wika ni Frankie. Lalo naman siyang tinawanan ni Zoe. “Anong nakakatawa?” “Masyado ka kasing inosente. Ang nag-iisang badass girl na kilala kong virgin. Sad life!” umiiling pa na wika ni Zoe. “Hayaan mo kapag nagka boyfriend ako gagawin kong breakfast, lunch dinner at midnight snack ang s*x na ‘yan hanggang magsawa ako. Susulitin ko ang mga panahon na tinikis ko ang sarili ko,” nakatawang pagbibiro ni Frankie. “That’s my girl. Palaban,” ani Zoe at nakipag high five pa. “Pero bago tayo magkalimutan. Ipakilala mo muna sa akin ang Brad Simon na ‘yan ng makilatis ko.” “Ayaw ko nga. Baka maging karibal pa kita noh.” Nakatawang ingos ni Zoe. “May ganoon? Sa akin mo pa talaga ipinagdamot ha!” kunway nagtatampo na wika ni Frankie. Kinuha naman ni Zoe ang Cellphone niya sa clutch bag na dala tapos ay hinanap ang video na sinave niya. “Dahil best friend tayo i-share ko siya sayo,” anito tapos pinindot ang play button sa video ng sikat na palabas na may pamagat na Sexlife. In scroll niya sa scene kung saan nasa shower ang sinasabi nitong Brad Simon. “WHAT A c**k!!!” nanlalaki ang mata na turan ni Frankie na ikinatawa nilang dalawa dahil nag lingunan ang mga tao na nasa hindi kalayuan sa kanila. “Diba? Panoorin mo ‘to girl. Sobrang sarap niya in action! Noong pinapanood ko iyan gusto ko nang pagsisihan kung bakit single ako ngayon,” nakatawa parin na wika ni Zoe ngunit sa mas mababang boses na. “Juice ko lord. Paano pa kaya kung tumigas pa yan. Baka ospital ang abotin ko kung ganyan ang makaka virgin sa akin.” “Hahaha,” sabay nilang tawa at nag high five pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD