Chapter 8

1647 Words
NASA ganoon silang pagbibiroan magkaibigan ng lapitan sila ni Ezekiel. “Having fun, ladies?”  Mabilis na itinago ni Frankie ang cellphone ni Zoe sa paningin ng bagong dating na binata. “H-Hi!” bati niya sa binata at nakipag beso rito. “Hey, handsome,” bati rin ni Zoe sa binata at hindi na bumeso dahil nagkita na nga sila nito kanina at nakapagbeso na. “What are you two watching? Seems interesting seeing the way you two smile,” curious na tanong ni Ezekiel. “Nothing. I’m just showing my best friend here the basic standard asset of a man she should look for future boyfriend reference,” sagot ni ni Zoe habang kinukuha ang cellphone niya sa kamay ni Frankie. “Standard? You call that standard? I wonder how would the premium look like,” tumatawang pabulong na sagot dito ni Frankie. Si Ezekiel ay nakakunot ang noo at halatang hindi maintindihan ang biroan ng magkaibigan. “Girls, care to enlighten me?” “It’s nothing. I just found out how naughty my best friend is. But anyway, where’s your girlfriend?” tanong dito ni Frankie. “Giselle is with her friends. How about you? Who are you with tonight? Do you have someone to drive you home?” sunod-sunod na tanong nito habang nakatingin sa hawak ni Frankie na baso ng alak. Kibit balikat lang ang isinagot dito ni Frankie. Ang totoo ay wala na siyang balak sumabay pa kay Bernard pauwi. Naaalibadbaran kasi talaga siya sa kayabangan nito. “Will your driver pick you up?” he asked again. “Nope. But I can always call a taxi.” “Hindi ka dapat sumasakay ng taxi lalo kung nakainom ka at gabi pa. Alam mo naman na mahirap nang magtiwala sa mga taong hindi mo kilala sa panahon ngayon.” “Tsk. Subukan lang nila. May kalalagyan sila sa akin,” balewalang sagot ni Frankie. “Alam kong magaling ka ng mga self defence pero anong laban mo sa mga gagong taxi driver kung lasing ka?” “Oh, come on. You nag more than my father, Kiel. I can take care of myself and you know that,” napipikon na pangangatwiran ni Frankie. “Tsk. I’m starting to love this drama. This is going to be exciting,” bulong ni Zoe sa sarili ng makitang palapit sa kanila si Gessille.  “Don’t worry about Frankie, Kiel. She has a so-called boyfriend that will drive her home later. You should take care of your girlfriend instead,” wika nito sabay nguso sa kasintahan ni Ezekiel.   “Boyfriend who?” tanong ni Ezekiel kay Frankie at hindi pinansin ang parating na kasintahan. “Nothing. It’s a long story,” patamad na sagot dito ni Frankie. Si Giselle na masama ang tingin kaninang makita kung sino ang kausap ng kasintahan ay kaagad na ngumiti ng tuluyang makalapit sa grupo. “Hey love, I was looking for you. Nandito ka lang pala…” turan ni Giselle na kaagad lumambitin sa braso ng kasintahan na para bang aagawan ito. “Giselle met my business partner, Franchesca Thomas and her friend Zoe Davis. If I’m not mistaken you two already met earlier,” pagpapakilala ni Ezekiel. “Yes we did,” tugon ni Giselle at tinanguan si Zoe tapos ay nag-abot ng kamay kay Frankie. “Hi, I’m Giselle Ramos, Kiel’s girlfriend.” Tinanggap naman ni Frankie ang pakikipagkamay nito. “We finally met.” “I was actually at Kiel’s birthday party but I saw you left early before we even had a chance to get introduced.” “I’m sorry about that. I had a sudden emergency to attend to that night and just dropped by to greet Kiel personally,” pagpapalusot ni Frankie. “Right,” tumatango-tangong sagot ni Giselle. “I saw your viral video that happened that night. How are you and Asher? I heard he broke up with his girlfriend, who happened to be my best friend by the way.” “No wonder they both alike. Low class pathetic bitch...” pabulong na komento ni Zoe sa may likod ni Frankie tapos ay dinala ang baso ng alak sa sariling bibig. “Well, what could I say? Congratulations to him--- What’s his name again?” Konway lingon ni Frankie sa matalik na kaibigan. “Asher she said,” sagot naman ni Zoe. “Ahh, Asher. Thank’s,” pasalamat niya sa matalik na kaibigan tapos ay muling humarap pabalik kay Giselle. “Congratulation to Asher. He finally got the balls to get out of his toxic relationship,” balewalang turan ni Frankie at nakipag high five pa kay Zoe. Tumalim naman ang tingin ni Giselle sa magkaibigan at halatang hindi nagustuhan ang sagot ni Frankie sa kanya. “I can’t believe you’re saying that after you broke a relationship, Miss Thomas. Wala ka bang konsensya? Alam mo bang ilang araw nang iniiyakan ng kaibigan ko ang break up nila ni Asher at ang kahihiyan na naranasan niya dahil sa ginawa mo?” “Well, sorry for not being sorry. Your best friend is an attention seeker. Gustong magpasikat. Bida-bidahan ang peg... Pinagbigyan ko lang ang gusto niyang mangyari. Eh di ngayon sikat na siya… Thank’s to me, right?” pang-iinis na wika ni Frankie. Wala naman sana siyang problema kay Giselle kung hindi lang matalas ang dila nito at presko. Animo napikon naman si Giselle sa sinabi niya. “Ang sama pala talaga ng ugali mo noh?” humakbang pa ito palapit kay Frankie ngunit agad itong naawat ni Ezekiel. “Giselle tama na. Ano ka ba! Huwag kang gumawa ng gulo,” pananaway ng kasintahan dito. “Bakit ako? Bakit parang ako ang mali gayong ang kaibigan mo ang nang-agaw at nanira ng relasyon ng kaibigan ko. Huwag mong sabihin na ipinagtatanggol mo pa ang kalandian niya? Kaya umaabuso ‘yan dahil akala siguro niya ay sasambahin siya ng lahat. Pwes nakahanap siya ng katapat dahil hindi ko siya aatrasan,” inis na harap ni Giselle sa kasintahan. “Are you drunk? At pwede ba. Wala akong kinakampihan sa inyo. Ayaw ko lang na mag-away kayo dito at gumawa ng eksena. Nakakahiya!” rason ni Ezekiel. “At bakit ako mahihiya? Siya dapat ang mahiya dahil sa paninira niya ng relasyon ng iba!” Si Frankie ay cool na cool lang sa kinatatayuan at nginitian pa ng hilaw si Giselle. “Tsk, tsk. Pa famous din pala itong girlfriend mo Kiel. Mukhang gustong sumunod sa yapak ng kaibigan niya.” Marahas na humarap si Giselle sa kanya. “Bakit bubuhusan mo rin ako ng iniinom mo? O baka naman balak mo rin agawin sa akin ang boyfriend ko. Balita ko ay matagal ka nang patay na patay sa boyfriend ko eh. Kaso hindi niya pinatulan ang pang-aakit mo sa kanya. Kawawa ka naman. Kahit ipinagduduldulan mo na ang sarili mo ay hindi ka parin pinatulan. Akala mo siguro ay makukuha mo lahat ng gusto mo noh? Well sorry ka nalang dahil hindi ka niya type. Sino ngaba ang gugustuhin ang isang katulad mo na ginawang pulutan na ng bayan at kung sino-sino nalang ang pinapatolan,” pang-iinsulto ni Giselle sa kanya na sinadya pang lakasan ang boses para marinig ng iba pang mga bisita. Nawala naman ang ngiti sa mukha ni Frankie. “You know what? Hindi ako naninira ng relasyon ng may relasyon pero magaling akong sumira ng mukha kapag nagdidilim ang paningin ko. Gusto mong subukan?” nakakuyom ang kamao na wika ni Frankie. Kaagad naman siyang hinarap at inawat ni Ezekiel. “Frankie, I’m so sorry! I think she has a lot to drink…” Tinitigan ni Frankie si Ezekiel. “You told her, did you?” naiiling na tanong ni Frankie kay Ezekiel. May naramdaman siyang kirot sa puso niya sa kaalaman na sinabi ni Ezekiel sa iba ang nabigo niyang damdamin para dito. Nag-iwas ng tingin si Ezekiel. “Yes, but---” Disappointed na napailing si Frankie. “I see,” turan niya at naglakad para umalis bago pa may magawang hindi maganda dito. “Frankie, wait. Please let me explain.” Pigil ni Ezekiel sa braso niya. “Oh really? Explain?” matabang na turan ni Frankie. “Like how? Na hindi totoong ipinagyayabang mo sa girlfriend mo kung paanong may isang katulad ko na patay na patay sayo, ganoon?” “It was not the way you think it is. It was… It was---” “You know what, Kiel? You’re a jerk! Bagay nga kayong magsama ng girlfriend mo.” “What’s going on here?” tanong ng bagong dating na si Bernard habang nakatingin sa kamay ni Ezekiel na nakahawak parin sa braso ni Frankie. Tinabig ni Frankie ang pagkakahawak sa kanya ni Ezekiel at nilingon si Bernard. “Take me out of here.” “Sure,” agad naman na sagot ni Bernard kahit hindi maintindihan kung ano ang nangyayari. “Frankie, wait…” pigil sa kanya ng kaibigang si Amanda na nakalapit narin sa kanila ng makita ang kaguluhang kinasasangkutan ng kaibigan. “Are you leaving?” “I’m sorry pero wala na ako sa mood. Anyway, congratulations again.” “I understand. I’ll call you tomorrow,” may lungkot na turan ni Amanda. Hindi man niya gustong umalis ang kaibigan ngunit kilala niya ito. Nagtataka nga siya at nakapagtimpi ito ng ganoon at isinaalang-alang ang mahalagang gabi ng buhay niya. Kung sa ibang pagkakataon lang siguro ay baka nga nakuha ni Gesille ang hinihingi nito. Marahan na tinanguan ni Frankie si Amanda tapos ay binato ng masamang tingin si Ezekiel bago naglakad na paalis kasama si Bernard. “Tsk, tsk, tsk. I really can’t believe that you wasted a good woman like Frankie just for a low class b***h,” pagpaparinig naman ni Zoe kay Ezekiel bago ito sumunod sa matalik na kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD