PAGKATAPOS mabasa ni Frankie ang hawak na resume ay lumipat ang tingin niya sa magandang babae sa harap niya na nag-aapply bilang manager ng T&C De Culinaire at kanang kamay niya na rin sa pamamalakad ng restaurant. Baga man at hindi sa mamahaling eskwelahan ito nakapagtapos at nagmasteral ng business management ay impressive naman ang mga school record at achievements nito.
“Madison Homerez, you have a nice name just like you,” nakangiting pag-uumpisa ni Frankie at inilapag ang hawak na resume sa mesa.
“Thank you po, Ma’am Frankie,” kyeming wika ni ng dalaga.
“Anyway, you’re highly recommended to me by a dear friend and I can see why. Your resume says it all... A consistent honor student and Comlaude of your batch. Impressive,” humahangang wika niya ulit dito. “Mayroon lang akong ilang tanong.”
“Sige po Ma’am.”
“Your resume says that you have two years experience managing a restaurant, is that right?”
“Yes Ma’am. I managed my uncle's restaurant back in Cebu,” nakangiti naman na sagot ni Madison.
“May I know what made you resign from your recent job and move here?”
“Family problem, Ma’am,” bakas ang lungkot sa boses na sagot nito. “Kinailangan naming lumipat dito kasama ang Mommy at mga kapatid ko at iwan ang trabaho ko sa Cebu.”
“I’m sorry to hear that.” Nakakaintindi na tumango siya Frankie. “I understand,” Tumayo si Frankie at nakangiting inabot ang kamay kay Madison. “Welcome to the team, Miss Madison…”
“Tanggap na po ako?” gulat na tanong ni Madison at tinanggap ang kamay ni Frankie.
Nakangiting tumango si Frankie. “Ano pa ba naman ang hahanapin ko? It looks like I already found the best for this position. Congratulations, Miss Madison… or can I call you Madi?”
“Yes, of course. Madi is fine with me, Ma’am Frankie,” tuwang-tuwa na turan ng dalaga.
“Huwag mo na akong e-Ma’am. Lakas maka tita eh… Halos magka-edad lang naman tayo kaya Miss Frankie nalang.”
“O-Okay po, M-Miss Frankie.”
“Bakit naman may po pa?” natatawang reklamo ni Frankie dito.
“Ay pasensiya na po---I-I mean---” nahihiyang napayuko ito.
“It’s okay. Masasanay ka rin.” Aliw na wika ni Frankie, hindi maitago ang aliw niya sa kaharap. Walang duda sa sarili na madali niya itong makakasundo at baka nga maging kaibigan pa. “Anyway, can you start working tomorrow?”
“B-Bukas po? I-I mean bukas?”
Tumango si Frankie. “Iyon ay kung okay lang sayo.”
“O-Of course.”
Nag-uusap sila ng ilang mga detalye sa magiging trabaho ni Madison ng kumatok si Ezekiel sa pinto ng opisina ni Frankie.
“Come in,” pagpapatuloy ni Frankie dito.
Agad naman na pinihit ni Ezekiel ang doorknob ng pinto at pumasok. “Nakakaistorbo ba ako?” tanong ni Ezekiel ng makitang may kausap si Frankie.
“No, no… Come in. Tamang-tama para makilala mo na rin si Madison, our new manager. Madi, this is chef Ezekiel Chavez… my business partner and your other boss.” Pagpapakilala ni Frankie sa dalawa.
“Madison Homerez po Sir---” abot ni Madison ng kamay sa binata ngunit tiningnan lang nito iyon.
“M-Manager? What do you mean? Naghire ka ng manager ng hindi sinasabi sa akin?” nakakunot ang noo na tanong ni Ezekiel.
Tiningnan ni Frankie si Madison. “Madi, you may go now. We’ll just see each other tomorrow.”
“O-Okay po,” kyeming turan ni Madison. Hindi maintindihan kung bakit parang walang ideya ang binatang amo tungkol sa paghire sa kanya ni Frankie bilang manager ng restaurant. Matapos makapagpaalam at tanguan si Ezekiel ay lumabas na ito ng opisina ni Frankie.
“Anong ibig sabihin nito, Frankie?” agad na tanong ni Ezekiel pagkalabas na pagkalabas ni Madison ng pinto.
Kampanting naupo si Frankie pabalik ng swivel chair niya. “Diba’t napag-usapan na natin noon na kukuha tayo ng manager para siyang mamahala dito kapag wala ako? Medyo natagalan lang dahil wala akong mahanap na qualify sa posisyon,” mahinahon na paliwanag ni Frankie sa binata. Ang totoo ay sinadya niya talaga na huwag kumuha ng manager noon at siya ang personal na mamahala sa restaurant ng sa ganoon ay mas marami siyang oras na makasama ito. Ngunit iba na ang sitwasyon nila ngayon kaya bakit niya papahirapan ang sarili kung pwede namang hindi.
“Bakit biglaan?”
“Anong ibig mong sabihin na biglaan? Matagal na tayong naghahanap ng qualify sa posisyon bilang manager, Kiel.”
“Is this because of what happened the other night?” mahinang tanong ng binata. Mula ng gabing iyon sa party kung saan nagkasagutan sina Frankie at ang kasintahang si Gesille ay ngayon lang ulit sila nakapag-usap. Baga man at hindi siya iniiwasan ni Frankie ay naging malamig naman ang pakitungo nito sa kanya.
“I’m a busy person, Kiel. Alam mo naman na maliban sa restaurant na ito ay may mga iba rin akong negosyo na kailangan ng attention at matagal ko nang naisasantabi dahitl dito sa restaurant,” mahinahon na wika ni Frankie na para bang walang sigalot na namagitan sa pagitan nila.
“Liar," mahinang turan ni Ezekiel.
"What did you say?" marahas na lingon ni Frankie dito.
Hinarap naman siya ni Ezekiel. "You're lying, Frankie. Ganun ba kahirap sayo ibaba ang pride mo at aminin sa akin ang totoong nararamdaman mo? Kung galit ka sa akin, sabihin mo. Don’t avoid it and treat me with a cold shoulder."
Nag-init naman ang tainga ni Frankie sa sinabi ni Ezekiel at marakas na tumayo at humarap sa binata. "Bakit Kiel, ano ba ang gusto mong sabihin ko sayo?"
"Iyong totoo. Sabihin mo sa akin kung ano talaga ang laman ng puso mo at nararamdaman mo, hindi iyong iiwas ka na parang walang nangyari gayong alam ko naman na galit ka sa akin kaya mo ginagawa ito," turan ni Ezekiel sa may kataasang boses.
"Gusto mong malaman kung ano talaga ang nararamdaman ko? Fine. I hate you, Ezekiel Chavez! You get it? I hate you that I cannot even stand looking at you anymore. And I hate myself too. Despite the fact that you told me we cannot be more than friends I still stupidly fell in love with a jerk like you. Pero huwag kang mag-alala. Ako lang naman 'to eh. Ako lang naman ang tanga na umasa na may kahulugan ang mga ipinakita at pag-aalaga mo sa akin noon. But it's all over now, Kiel. I cannot afford to waste and invest my time and feelings for someone who cannot appreciate me. So I'm cutting this feeling I have for you no matter what. I won't let you and your girlfriend look down on my feelings ever again." Hindi man gusto ni Frankie ay hindi niya napigilan ang pagkawala ng mga luha niya sa harap ni Ezekiel. Tumalikod siya dito at pinahid ang mga luha ng likod ng kamay niya. "Please get out of my office, Kiel. Kung may halaga sayo ang halos apat na taong minahal kita, iwanan mo muna ako bago ko pa pagsisihan na nakilala kita," bakas sa boses na pakiusap niya diko.
"Mahal din kita, Frankie," mahinang turan ni Ezekiel na halos bulong lang.
Marahas naman itong nilingon ni Frankie. "What did you say?"
"Mahal kita. Sobra!" mahina ang boses na ulit nito na ngayon ay nakatingin na ng diretso sa mga mata ni Frankie. "I love you, Frankie, more than you can imagine. I know it’s hard to believe after I hurt you but it’s the truth. I like you the moment I laid my eyes on you and It’s killing me every time I push you away--- because the truth is I want you, I want you so much that it hurts!” puno ng emosyon nitong turan bago tumalikod papunta sa pinto.
Mabilis naman itong nahabol ni Frankie at hinawakan sa braso. "Then why, Kiel? Kung mahal mo ako, bakit… bakit mo ako piniling saktan?"
Umiling si Ezekiel. “The moment I meet you, I know for sure that you’re someone I cannot have and should not even think of having. Whatever I’ll do and however I make you happy--- you will for sure still hate me in the end if I let my feelings take over me. You will hate the real me, Frankie! The real Ezekiel Chavez behind my name. And I don’t know if I can then handle losing you.” He gave her a bitter smile. “So I decided to put my feelings for you to an end by making Gissele my girlfriend. Which ends me up in a more miserable situation. I’m using an innocent girl to hurt the woman I love. This feeling sucks!” litanya nito na animo pasan nito ang daigdig.
Sa haba ng paliwanag ni Ezekiel ay animo walang kahit isang salita na maintindihan si Frankie. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang saktan nito kung mahal din naman pala siya nito? Lalong hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa nitong gumamit ng inosenteng babae para lang itaboy siya sa buhay nito. Isa pa, bakit hindi pwedeng maging sila kung pareho naman pala sila ng nararamdaman para sa isa’t isa?
“I don’t f*****g understand what you’re talking about, Kiel! Why the hell would I hate you? Do you have a secret you've been hiding from me? If so, why don’t you tell me so I can at least understand all this drama?” gulong-gulo at sunod-sunod na tanong ni Frankie dito.
Tinitigan siya nito. Animo nagtatalo ang sariling damdamin sa kung anuman ang bagay na itinatago nito kay Frankie. “No. I can’t, even if I want to...” umiiling nitong saad. Umatras ito at tumalikod sa kanya sabay sabunot sa sariling buhok. “I’m sorry! I love you so much, Frankie. I’d rather keep all the pain to myself rather than to see you hurt. It’s all in the past and not worth remembering,” turan ni Ezekiel ngunit hindi makatingin ng diretso kay Frankie.
“I don’t know what it is you’re hiding from me, Kiel. And I’m not interested to know anymore--- Like what you said--- it’s all in the past. That even if you tell it to me now it won’t change anything because I’m not gonna jump to you now only because you said you love me. I don’t want to hurt another woman’s heart. I’m not that selfish. And for your information, I won’t take any man who slaps my feelings into my face and chooses to hurt me instead of having the balls to face me and tell me the truth so we could face the problem together. No, I’m not taking that s**t! You had more than three years of chance to fix whatever it is that you can’t tell me, Kiel. But you just wasted it.”
“I know I still have space in your heart, Frankie. Can’t you give me another chance to fix all this?” may pagmamakaawa sa mga mata at boses nito at hindi manhid si Frankie para hindi maramdaman ang sincerity nito ngunit imbes na matuwa ay lalo lang siyang nasasaktan.
“Yes, I still have feelings for you. I admit it. It’s not that quick to forget you--- but I’m sure I’ll get over you. SOON!” Kinuha niya ang handbag niya at iniwan ang binata.
Kung sa tingin nito ay ganun siya ka tanga na pagkatapos nitong itrato na parang basura ang damdamin niya ay tatanggapin niya pa ito ulit na parang walang nangyari, pwes nagkakamali ito. She is Franchesca Melady Thomas, she doesn’t settle to be just somebody’s option because she herself has tons of choices and even more. Ezekiel for her now is just a bittersweet past, friend and business partner, that’s all! She already started to walk one step forward from him. She will not turn back and get hurt again in the end.