Chapter 10

2087 Words
SA shop ng matalik na kaibigan na si Zoe dinala ng mga paa niya si Frankie matapos niyang magwalk out kay Ezekiel.  May-ari kasi si Zoe ng shop kung saan mabibili ang mga signature bags at sapatos na kilala sa buong mundo. Ang shop nito ay matatagpuan sa Paradise Valley mall. Mayroon din itong Vlog kung saan ginagamit nito sa pagbebenta online at pagbili ng mga preloved authentic bag and shoes.  “Ano? Sinabi ni Kiel na mahal ka rin niya?” hindi makapaniwalang tanong ni Zoe matapos makwento ni Frankie dito ang napag-usapan nila ni Ezekiel kanina at pagtatapat nito ng nararamdaman para sa kanya.  Marahan na tango lang ang isinagot ni Frankie dito. Nang sabihin sa kanya ni Ezekiel kanina na mahal din siya nito ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman at iisipin. Kahit anong pilit niya na maintindihan ang gusto nitong sabihin at paliwanag sa kanya ay hindi niya talaga ma gets. Kung mahal siya nito bakit kailangan siya nitong saktan? Diba’t kapag mahal mo ang isang tao ay hindi mo naman sasaktan?  “Eh gago rin talaga ang isang ‘yon eh noh? Matapos niyang balewalain ang nararamdaman mo para sa kanya at mag syota ng isang asal kalye ay sasabihin niya ngayon sayo na mahal ka rin niya? Eh ano ba ang tingin niya sa sarili niya?” inis na wika ni Zoe. Oo at gusto niya noon si Ezekiel para sa matalik na kaibigan ngunit nagbago ang opinyon niya dito ng piliin nitong saktan si Frankie.  “Hindi ko siya maintindihan, Zoe. Bakit niya ba pinaglalaruan ang puso ko?” malungkot na turan ni Frankie. “Bakit ang gulo niyang kausap? Pikon na pikon na talaga ako sa kanya sa totoo lang. Kapag ako napuno sa kanya babayagan ko siya.”  “Frankie girl, huwag mong sabihin na patatawarin mo ang lalaking iyon at umaasa kapang may kayo? Alalahanin mo may syota na siya na mas pinili niya kaysa sayo. Kaya tama lang na kalimutan mo na siya. He doesn't deserve you! Naiintindihan mo ba ako?”  “Relax. I know that. Hindi naman ako tanga noh. Napapaisip lang ako kung ano ang bagay na tinatago niya sa akin. Bakit parang hirap na hirap siyang sabihin sa akin kung anuman ‘yon? May ideya ka ba?”  Zoe smirked. “Kung ano man iyon ay hindi mo na problema ‘yon. Tsaka for sure gumagawa lang ‘yon ng excuse sa katangahan niya dahil ngayon narealize na niyang mali napinakawalan niya ang isang katulad mo para sa isang basura na katulad ng syota niya ngayon. What a jerk!” “You think so? Kanina habang sinasabi niya sa akin na mahal niya ako ay ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo na iyon talaga ang nararamdaman niya para sa akin.”  “Don’t confuse your feelings on believing in something that isn’t true, Frankie girl. And so what kung totoong mahal ka nga niya? Ang point doon ay binasura niya parin ang nararamdaman mo para sa kanya at pinili ang Giselle na ‘yon ng mukhang landingan ng eroplano ang noo sa lapad.”  “Ang sama mo. Kailan ka pa naging pintasira?” natatawa nang wika ni Frankie. Paano ay kung makapagreact ang matalik na kaibigan ay parang ito ang na brokenhearted kay Ezekiel at hindi siya.  “Ay nako, huwag na nga natin pag-usapan ang lalaking iyon. Nakakasira lang ng araw natin. At huwag mo na rin siyang isipin. Kalimutan mo na siya. He’s not worth it!  Magkwento ka nalang tuloy tungkol doon sa new hired manager niyo. Sabi ni Amanda ay matalino daw ‘yon…” Ang kaibigan nilang si Amanda ang nag rekomenda kay Madison sa kanya.  Naisip ni Frankie na hindi na mahalagang isipin pa niya si Ezekiel at ang damdamin niya dito. Wala na rin naman patutunguhan pa kahit na totoo man na mahal nga siya nito dahil amonam ang rason nito sinaktan parin siya nito.  “Well, she has an impressive record not to mention she’s also young and beautiful,” pagkukwento ni Frankie.   “Nasabi nga din sa akin ni Amanda. So ngayong may manager ka na, ano nang balak mong gawin?”  “I like to travel.”  “Travel?”  Tumango si Frankie. “Hello, almost four years din akong puro sa restaurant nalang umiikot ang buhay ko. Kaya panahon na para makapaglakwatsa ulit.  “Tama ‘yan. Malay mo mahanap mo na rin ang lalaking talagang nakalaan para sayo. Tapos mamalayan ko nalang ikaw naman ang ikakasal at susunod kay Amanda.” Kumindat pa si Zoe sa kaibigan.  “Ay nako. Wala akong balak mainlove ulit ngayon. Pagpapahingahin ko lang muna ang puso ko.”  “Alam mo ang pinakamabisang gamot daw sa sugatang puso ay pag-ibig parin. Mas madaling makamove on kapag tumitibok na ulit ang puso mo para sa iba, alam mo ba yun?”  “Whatever! Wala parin akong plano. Kung may darating fine kung wala ay okay lang din. Hindi naman ako nagmamadali na magkalove life. Ang ganda ko kaya,” may halong pagbibiro na sagot ni Frankie.  “Ohhhsss. Hindi mo ba iniisip kung ano ang pakiramdam ng may romoromansa sayo? Iyong may perfect ten inches pang bonus,” turan ni Zoe na mukhang hindi na nakamove on doon sa Brad Simon na napanood nito.  “Ikaw tigil tigilan mo iyang kakapanood mo ng porn at baka mabuntis ka na ng sarili mong mga kamay niyan,” ganting biro ni Frankie.  “Gaga. Hindi ako nagsasarili noh! Hindi pa ako ganun ka manyak. Tsaka gusto ko iyong real thing, iyon bang  perfect ten para sulit at sagad-sagad,” turan nito sabay tawa.  “At hindi ka pa manyak sa lagay na ‘yan ha pero perfect ten na ang hanap mo. Burahin mo na ‘yang mga porn diyan sa cellphone mo at baka mabaliw ka na sa kakahanap ng perfect ten na ‘yan. Bihira lang daw ang lalaking may perfect ten na armas,” tumatawa rin na turan ni Frankie.  “Huwag. Sila na ngalang ang nagpapaligaya sa akin ngayon eh…”  “Gaga ka talaga eh noh?”  “Don’t worry it’s a tie. Alam ko din naman kasing takam na takam ka na rin matikman ang langit eh.”  “Slight,” sagot ni Frankie sabay nakipag high five kay Zoe. Ang kaninang gulong-gulo nitong isip at puso ay animo nakalimutan niya dahil sa mga biroan nila ni Zoe.    “Maiba nga tayo at kalimutan na muna natin iyang perfect ten na ‘yan at natatakam lang ako,” wika ni Zoe sabay tawa.  “Mabuti pa nga at baka mahawa pa ako sayo,” sang-ayon naman ni Frankie.  “Paano nga pala ang daddy mo at iyong mga dates na siniset niya para sayo kung balak mong magtravel?”  “Iyon na nga din ang dahilan kaya gusto kong magpakalayo-layo nalang muna. Para makaiwas sa mga niririto ni Daddy sa akin. Alam mo bang may gusto na naman ipadate sa akin?” naiiling na wika ni Frankie.  “Ano? Eh paano iyong Bernard?”  “Kasi sinabi ko sa kanya na hindi ko talaga gusto si Bernard kaya ngayon ay may iba na naman gustong ipakilala sa akin. Anak daw ng isa sa business associates niya.”  “Sino naman? Mukhang uubusin yata ng Daddy mo ang mga anak ng mga business associates niya para lang mahanap ang perfect one para sayo,” curious na tanong ni Zoe.  “Malay. Hindi ko tinanong…” may inis na sagot ni Frankie. Malapit na talaga siyang mapikon sa Daddy niya. Parang kulang nalang ipamigay na siya nito.  “Sana tinanong mo. Malay mo naman gwapo…”  “Baka kamo kwago katulad noong Larry Miller. Tsaka, hello… hindi naman ako desperado magka boyfriend noh  lalo na ngayon…”  “Bakit hindi mo subukan ulit. Hindi naman siguro lahat ng anak ng business associates ng Daddy mo ay may saltik at hangin sa ulo eh.”  “No. Ayaw ko. Aasa lang si daddy kapag pinagbigyan ko na naman ang gusto niyang makipagdate ako.”  Nasa ganoon silang pag-uusap ng tawagan siya ng pinsang si Kristen.  “Hello my beautiful cousin. What’s up? Bakit napatawag ka?”  “I got Noah Samaniego farm’s address,” pagbabalita ni Kristen sa kabilang linya.  “You do? That’s good! Sana ay makombinsi mo siyang magsupply sa coffee shop mo.”  “Yes, hopefully. Pupuntahan ko nga siya eh.”  “Ano? Pupuntahan mo si Noah Samaniego sa farm niya, alone?” may pag-aalala na tanong ni Frankie.  “Yes, alone. Madali lang naman hanapin ‘yon at tsaka sanay naman ako magdrive na malayuan. Diba nga dati nagdrive na din tayo papuntang Baguio pa yon ha pero nakaya ko magdrive mag-isa,” confident na sagot ni Kristen.  “Sabagay.” Sa sinabi ng pinsan ay may biglang naisip si Frankie. “Can I come with you?”  “What? Are you sure you want to come?” tanong ni kristen.  “Yes. Malay mo baka pwede rin siyang maging supplier sa restaurant ko lalo at balak din namin mag-expand,” pagdadahilan ni Frankie pero ang totoo ay gusto niya munang lumayo sandali para makaiwas sa sitwasyon nila ngayon ng business partner na si Ezekiel. “If you really want to, sure. Para may kakwentohan din ako sa byahe,” natutuwa namang pagpayag ni Kristen.  Matapos mapag-usapan ang araw at oras ng alis nila ay nagpaalam na si Kristen sa kabilang linya.  Si Zoe na kanina ay nakikinig lang sa usapan ng magpinsan ay hindi maiwasang magtanong. “Pupunta kayo ni Tin sa Samaniego farm?”  Nakangiting tumango si Frankie. “Perfect diba? A day road trip might help me freshen my mind.”  “Remember Tin is going there to meet Noah Samaniego.”  “So?”  “You don’t like each other,” paalala ni Zoe.  “Eh hindi naman ako pupunta doon para alokin siyang magustuhan ako at gawin akong girlfriend. Pupunta kami doon para sa business. Isa pa I need some fresh air. Nasosofocate na ako dito sa syudad.”  “Sabagay. Tama ka rin naman,” sang-ayon ni Zoe.  “And come to think of it. Malay mo kapag nakita niya ako ng malapitan ay magbago ang opinyon niya sa akin, diba? Baka nga ma-inlove pa ‘yon sa akin eh,” may pagbibiro niyang sagot sa kaibigan na may kasama pang kindat.  “O baka naman ikaw ang mainlove sa kanya!”  “No. I don’t think so.” “Ipapaalala ko lang saya, Noah Samaniego is one heck of a hunk, Frankie girl. Sabi pa nga ng mga babaeng nakakakilala sa kanya ay mukha daw siyang s*x goddess sa lakas ng s*x appeal. Baka kainin mo ang mga salita mo.”  “You know me, girl. I don’t fall in love that easily kahit na gwapo pa siya,” siguradong sagot ni Frankie.  “Hmm, kahit perfect ten ang kargada?”  “Hindi naman ako kagaya mo na kargada ang tinitingnan noh. Baka nga maospital pa ako kapag perfect ten agad-agad ang tumira sa pempem ko,” tumatawa na turan ni Frankie.   “Basta sinasabi ko sayo ingatan mo ang pempem mo doon---I mean ang puso mo pala. Baka pagbalik mo dito ay hindi na si Ezekiel ang iniiyakan mo kundi si Noah Samaniego na,” nakatawang panunukso ni Zoe.  “Hindi ko iniyakan si Kiel noh!” she denied.  “Sure?”  “Whatever! But anyway I know for sure that I’m not going to fall in love with Noah Samaniego. Parang nakikinita ko na isa lang din siya sa mga brittle ego cow na mga  lalaking  masyadong bilib sa sarili,” siguradong wika ni Frankie.  “I’m not so sure. Balita ko ay iba daw siya sa mga miyembro ng billionaire’s club. Top 1 nga daw si Noah sa one woman man category. Sayang ngalang at namatay ang maswerteng babae na nagmamay-ari ng puso nito,” kwento ni Zoe.   “Yah I heard about it. Parang nabasa ko pa nga yata sa high society colum,” wika naman ni Frankie.  “Malay mo kayo pala ang nakatadhana. Sa hinaba-haba ng prusisyon ay sa beauty mo lang pala siya babagsak.”  “Baliw. Kung saan-saan na ang inaabot ng imagination mo. Isang araw lang po kami doon. Uuwi din kami agad. Tsaka  makiki road trip lang ako kay Tin. Hindi maghahanap ng s*x adventure, gaga!”  “Okay. Sabi mo eh.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD