Chapter 11

2112 Words
AGAD na sumakay si Frankie sa kotse ng pinsan nitong si Kristen pagkapara nito sa tapat ng bahay nila.  "Hey," nakangiting bati ni Kristen.  "Hello dear beautiful cousin," ganting bati ni Frankie sa pinsan sabay beso dito. "Parang mas gumaganda ka yata ngayon… In love ka noh? May boyfriend ka na ba?" she teased.  "Boyfriend ka diyan… Wala noh," deny ni Kristen ngunit hindi makatingin ng diretso sa pinsan.  "Hmm. Okay sabi mo eh. Anyway, sure kang itong kotse mo talaga ang gagamitin natin? I mean no offense ha… Baka itirik tayo nito sa daan eh."  Ang kotse ni Kristen ay ilang taon na rin dahil regalo pa iyon sa kanya ng parents niya noong 18th birthday niya at hindi pa niya napapalitan dahil mas inuuna niya ang pagpapalago ng negosyo. Isa pa hindi kasi talaga ito maluho lalo at wala naman siyang nakikitang dahilan para palitan na ang kotse niya hindi siya katulad ni Frankie na halos taon-taon magpalit ng bagong sasakyan.  "Relax ka lang diyan. Okay pa naman 'to eh. Isa pa, farm ang pupuntahan natin. Nakakahiyan naman sa magara mong kotse kung magagasgasan, diba?"  "Okay lang naman yun. Balak ko na rin naman palitan yun next month."  "Nanaman? Diba kakabili mo lang doon?"  Kibit balikat lang ang isinagot ni Frankie dito. "Pero okay na rin na itong kotse mo ang gamit natin para hindi mo ako gawing driver. I don't drive old cars, noh..." pang-iinis ni Frankie sa pinsan.  "Ang arte. Eh kung pababain kaya kita diyan," banta ni Kristen.  Agad naman na nag peace sign si Frankie. "Joke lang. Hindi ka naman mabiro. Tsaka  okay nga itong kotse mo eh… antique. Hehehe."  "Sige lang libre lait," wika ni Kristen na hindi naman napipikon sa pang-iinis dito ng pinsan. Alam naman kasi niyang nagbibiro lang ito. “Tayka hindi ba tayo magpapaalam kay tito Francis?” “Wala dito si Daddy. May out of town business. Kaya tara na at baka abutan na tayo ng traffic.”  “Ganoon ba? Sayang naman… Matagal ko narin kasing hindi nakikita si tito.”  “Huwag ka nang magtaka, my pretty cousin. Akong nga na anak niya at nakatira sa parehong bahay ay minsan lang din siyang makita ikaw pa kaya,” wika ni Frankie.  Kung noon ay malaki ang hinampo niya sa ama sa kakulangan nito ng oras para sa kanya dahil sa mga negosyong inaasikaso nito, ngayon ay balewala na iyon sa kanya. Nakasanayan nalang niya iyon habang lumalaki siya. Mas nagugustuhan na nga niyang busy ang ama niya sa negosyo nito dahil sa ganoon ay nababawasan din and oras nito sa pagpuna sa mga ginagawa niya na kadalasan ay mali sa paningin nito.  “I’m sorry…” nagsisimpatyang turan ni Kristen.  “It’s fine. I’m a big girl now. I don’t need too much attention from Dad anymore, right?” Hinawakan ni Kristen ang kamay ni Frankie at marahang pinisil. “You have me. Always remember that, okay?”  “I know,” thankful na nginitian niya ang pinsan tapos ay ikinabit na ang sariling seatbelt. “Let’s go? Bago pa tayo magdrama dito. Hindi bagay sa mga beauty natin...”  Natawa naman si Kristen sa tinuran ng pinsan. “Let’s go then…” At pinaandar na nito ang sasakyan.  “So, paano mo nga pala nakuha ang address ng Samaniego farm?” tanong ni Frankie maya-maya noong nasa daan na sila.  “A friend of mine gave it to me.”  “Someone one I know?” asked Frankie.  “Maybe. He's my new neighbor actually,” sagot ni Kristen habang nasa daan ang tingin.  “He? Hmm… So this new neighbor is a man?”    “He nga diba? Eh di natural lalaki,” nakangiting sagot ni Kristen.  “Hmm. Let me guess… This neighbor is the reason why you’re glowing, Am I right?” she  teased.  “No. Don’t get the wrong idea. It’s not the way you think it is.” “Oh really? And why is it hard for me to believe? The glow in your face says something different.”  “Cut the crap, gorgeous cousin. It’s nothing like that--- Not with Kevin Carlos Madrigal...” nadulas na saad ni Kristen.  “Woahh wait! Kevin Carlos Madrigal? As in the devil-may-care casanova, is this new neighbor who gave you Noah Samaniego’s address?”  Tumango si Kristen. “The one and only.”  “So you’re dating him?”  Napakamot sa sariling ulo si Kristen. Gustong pagsisihan kung bakit niya pa nabanggit ang pangalan ni Kevin Carlos dito. Kaya ngayon sigurado siyang hindi siya tatantanan ng pinsan hanggat hindi niya sinasagot ang mga gusto nitong malaman.  “Hey, don’t pretend you did not hear me.” “Ha? May sinasabi ka? Ano nga ulit ang tanong mo?” pagkukunwari ni Kristen na hindi niya narinig ang tanong kanina ng pinsan.   “I’m asking you if you’re dating the devil-may-care casanova?” ulit naman ni Frankie sa tanong.  “Gorgeous cousin, everybody knows that he’s not making commitments. So, the answer is no. We are just what people call good neighbors. That’s all.”  Frankie smirked. Halatang ayaw maniwala sa sinabi ng pinsan. “But you like him. Don’t try to deny it. It’s written all over your face, my dear pretty cousin. Banggitin palang ang pangalan niya ay kakaiba na ang ning-ning sa mga mata mo eh,” nasa boses ni Frankie ang panunukso.  Natahimik si Kristen. Animo bigla itong nalungkot “Oh em ge! Am I right? You like him… You like the devil-may-care casanova! What now? Are you two lovers?” nanlalaki ang mga mata ni Frankie at hindi makapaniwala sa posibilidad na tama ito. “No. You’re mistaken… You know me. I won’t settle to be just someone’s bed warmer. Kaya relax ka lang diyan,” pagpapakalma ni Kristen sa pinsan.  Kung ibang babae lang siguro ang pinsan niyang ito ay baka hindi maniwala si Frankie. Kevin Carlos Madrigal is one heck of a hot hunk. Napakaraming babae ang nababaliw dito kahit alam naman nilang hindi ito marunong magseryoso at ayaw nito ng relasyon. Puro tikim-tikim lang ang ginagawa nito sa mga babae. Kung sa pagkain ay para itong nasa isang buffet. Tinitikman ang mga putaheng sa tingin nito ay masarap tapos kapag nagustuhan ay babalikan ng isa o dalawang beses hanggang sa mabusog at magsawa. Ganoon lang. Pero naniniwala si Frankie na hindi kapareho ng pinsan niya ang mga babaeng mabilis na naikakama ni Kevin Carlos. Pinalaki si Kristen ng conservative na mga magulang. Kaya nga hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagkaka boyfriend. Masyado kasi itong seryuso sa buhay at ang gusto nito ay kung sino man ang unang mamahalin at magiging boyfriend nito ay iyon narin ang mapapangasawa at makakasama nito hanggang sa pagtanda.  “But be honest to me, pretty cousin. You’re attracted to him, Am I right? I mean like hello, we are talking about Kevin Carlos Madrigal. One of the hottest young billionaires in the country.”  Bahagyang nilingon ni Kristen si Frankie sa passenger’s seat. “What if I do?” seryosong sagot nito at napagdesisyonang ipagtapat sa pinsan ang totoong damdamin para sa gwapong kapitbahay niya.  Sandaling hindi alam ni Frankie ang isasagot sa pahayag na iyon ng pinsan. “Wait, hindi naman ‘to love noh? I mean it’s understandable to be attracted to a hot neighbor like him but love is a different story. Everybody knows that Kevin Carlos Madrigal is a player. He doesn’t even do girlfriend things. How much more a deeper commitment? Kaya nga siya binansagan na devil-may-care casanova dahil ginagawa niya lang na laruan ang mga babae. No commitment! Just good f**k. Actually very good f**k then goodbye. That’s what my friend told me. Kevin Carlos bed her once and will be willing to have more if given a chance...”  Malalim na bumuntong hininga si Kristen. “I don’t like what I feel for him, Frankie. Kaso sabi nga nila, mahirap macontrol ang nararamdaman ng puso. Kapag  pinipigil ay lalong naggigigil…”  “So in love ka nga?”  Marahan na tumango si Kristen. “But don’t worry, If I cannot guard and stop my heart  falling in love with the wrong guy. I’ll make sure I will hold on to my underwear tight so it won’t fall on him too,” may pagbibiro na turan ni Kristen na ikinatawa rin ni Frankie.  “Tin, I just want you to remember that you’re special,” maya-maya ang muling nagseryoso si Frankie. “Any guy would be lucky to be loved by someone like you---  But Kevin Carlos Madrigal is just someone out of your league. Yes, he’s handsome, charming, irresistibly hot--- He’s everything any woman could dream for. But he only makes women cry… And I don’t want to see you cry because of a broken heart.”  “Of course I know that. I know what might be the consequences from falling in love with a player,” seryoso rin na sagot ni Kristen.   “Sabagay. Kahit naman hindi kita paalalahanan ay alam ko namang kaya mo ang sarili mo eh. Ikaw pa ba? Idol nga kita e pagdating sa calmness and self control paano ay pareho kasing ipinagkait iyon sa akin,” nagbibiro din na saad ni Frankie.   “Tsk. I saw you went viral again,” naiiling na wika ni Kristen.  “You saw?” kagat labing tanong ni Frankie.  “Chantal sent it to me. The other day. Are you okay?” napalitan ng pag-aalala ang boses ni Kristen.  “Of course I am okay. Ako pa ba? Eh minor lang naman ‘yan kompara doon sa mga nauna eh,” balewala lang na wika ni Frankie.  “Sabagay. But who was the guy by the way?”  “Nothing. I don’t even remember his name to be honest… Just someone I met in the bar that night.”  “Eh anong sabi ni tito Francis?”  Hilaw na ngumiti si Frankie. “Ano pa ba sa tingin mo. Eh di nasermonan nanaman ako. Eh may oras lang naman talaga siya para sa akin kapag may nagagawa akong mali, diba? And guess what?”  “What?”  “He set me up on dates. At balak pa nga akong i-set ng arranged marriage eh.”  “What? Seryoso ba?”  “I also thought he was kidding at first but he is not… Seryoso talaga siyang ipamigay ako! Ang malala pa ay may mga hangin sa utak iyong dalawang ipinadate niya sa akin. Mga anak ng business associates niya. Iyong Larry Miller mukha hindi asawa ang hanap kundi yaya at display sa bahay. Tapos naalala mo si Bernard Chua? Iyong dati nang pomoporma sa akin pero basted agad-adad? Grabi maliban sa mukha parin Chibuahua ay hangin habagat parin ang dala sa katawan muntik na nga akong liparin eh,” salaysay ni Frankie. Tawa naman ng tawa si Kristen sa kanya. “Grabe naman yong Chihuahua…”  “Eh di ba magkamukha naman talaga sila?” tumatawa din na sagot ni Frankie. “Ito pa ha. May ipapadate na naman daw sa akin. Mabuti nga ay medyo nabusy sa business trip na pinuntahan niya at nalayo muna sa akin ang attention niya eh.”  “Hala lagot ka. Talagang gusto ka nang pag-asawahin ni tito Francis. Baka sabik na sa apo. Ano nang plano mo ngayon?” “Nothing.” Kibit balikat ni Frankie.  “Diba pala in love ka doon sa business partner mo? Kamusta na pala kayo? Any progress?” dahil nga close silang mag-pinsan ay nasabi na rin niya rito ang pagtingin na nararamdaman niya para kay Ezekiel.  Frankie smirked. "I don't wanna talk about him."  "Hmm. I smell something fishy… Lover's quarrel ba 'yan?" may panunudyo na tanong ni Kristen.  "Anong lover's quarrel? Hindi ko siya lover noh…"  "So tama nga akong may tampuhan kayo kaya nagprisinta kang sumama sa akin, ganun?"  "He has a girlfriend now."  "Ano? Nabasted ka?" animo gulat na gulat na turan ni Kristen.  "Lakas ng energy ah. Parang gusto mong ipagsigawan at ng marinig ng mga tao sa kalsada. Tsaka grabe naman ang nabasted eh hindi naman ako nanligaw para mabasted noh…"  "Okay fine I'll rephrase it… Hindi ka nabasted--- na reject lang…."  “Ang sakit nito magsalit. Pareho lang naman tayong walang jowa dahil parehong na-inlove sa maling lalaki eh…”  Kristen smirked. “Hayyy pag-ibig. Ang sakit mo sa bangs…” turan nito na mas para sa sarili.  “I agree!” sang-ayon ni Frankie. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD