Chapter 12

3100 Words
PAGKATAPOS ng halos isang oras nilang biyahe ay nagreklamo si Frankie na nagugutom na ito.  “Pambihira. Gutom ka na agad?” natatawang iling ni Kristen. “Nakakapagod maging passenger noh?” Kristen teased.  “Nakaka stress ka kayang panoorin magdrive. Grabe sobrang bagal mo… Inantok na nga ako eh. Daig pa natin ang usad pagong sa bagal kahit wala namang trafic.”  “Nag-iingat lang ako noh,” rason naman ni Kristen. “Palibhasa kaskasero ka kase magmaneho.” “Yah, right. Whatever! Pero kumain muna tayo at nagugutom na ang mga alaga ko sa tiyan.”  Pinagbigyan naman ito ni Kristen at ng may makitang sikat na fast food restaurant ay nagdrive through sila. Ngunit matapos makakain at mabusog ni Frankie ay iba naman ang pinoproblema nito ngayon.  “Pambihira, bakit hindi ka pa nag cr kaninang magdrive through tayo?” Napapakamot sa ulo na reklamo ni Kristen. Parang gusto na niyang pagsisihan na isinama niya ito. Wala naman itong silbi sa kanya at pinipintasan at pinagtatawanan pa nga tuloy ang bagal niya sa pagmamaneho.  “Eh hindi ko naman kailangan magbanyo kanina. Kaso ngayong nabusog ako eh gusto naman lumabas. Sige na ipark mo na muna,” wika ni Frankie habang palinga-linga sa dinadaanan nila kung saan siya pwedeng makigamit ng cr. Noong ihihinto na sana ni Kristen ang kotse sa isang hindi kalakihang restaurant sa tabi ng daan ay pinigilan ito ni Frankie. “Huwag diyan. Doon oh. Doon tayo... Mukhang sosyal ang restaurant na yun.” Turo ni Frankie sa isang restaurant hindi kalayuan sa kanila.  “Tsk. Magbabawas ka lang namimili ka pa? Iba ka rin talaga eh noh?” Nginitian naman ito ni Frankie. Syempre. Uurong ang pwet ko kapag hindi malinis ang banyo na uupuan ko noh.”  “Siya..siya eh doon kung doon,” turan nalang ni Kristen at nagdrive papunta doon sa restaurant na tinuro ni Frankie.  “Hindi ka bababa?” Lingon ni Frankie sa pinsan noong nakapark na sila sa parking lot ng restaurant at pababa na siya ng kotse.  “Hindi na dito nalang ako. Tsaka, makikigamit ka lang naman ng cr eh.”  “Eh nakakahiya naman kung papasok lang ako para mag cr. Ayaw mong order muna tayo ng drinks sa loob?”  “Hayaan mo na. Hindi ka naman nila kilala eh. Tsaka nagmamadali tayo ano ka ba… Baka gabihin na tayo sa daan niyan eh.”  “Okay fine,” wika ni Frankie at bumaba na ng kotse at naglakad papasok ng restaurant.  Tulad ng inaasahan niya ay malinis naman ang banyo ng napasukang restaurant. Sosyal din ang ambiance ng lugar at mukhang may mga kaya sa buhay ang mga customers. Dahil sa pagmamadali ni Frankie makabalik sa naghihintay na pinsan sa parking lot ay hindi niya napansin ang waitress na may dalang tray ng mga pinagkain ng customers. Sa pagsubok ng waitress na iwasang mabangga nito si Frankie ay hindi naman nito napansin ang isa pang customer na nagkataong tumayo sa kinauupuan nito at nabuhusan ng mga tirang pagkain na nasa tray ng waitress.  “Oh my God!” maarteng hiyaw ng customer na nabuhusan habang tinitingnan ang sarili na puno ng red sauce ng kung anumang tirang pagkain ang mamahaling bestida nito.  Sa bilis ng pagyayari ay kagat labi namang napahawak nalang si Frankie sa sariling bibig dahil sa pagkagulat. Samantalang ang waitress ay hindi magkandaugaga kung ano ang uunahing gawin habang paulit-ulit na humihingi ng paumanhin sa customer na natapunan nito.  “I’m so sorry po, Ma’am. Hindi ko po sinasadya,” paumanhin ng waitress habang tinutulungan ang customer na pahiran ang bestida nito ng paper towel na nakuha nito sa malapit na mesa.  “STUPID!” sigaw ng babaeng customer kasabay ng pagsampal nito sa mukha ng waitress.  Agad namang hinawakan ng waitress ang nasaktang mukha at animo maluha-luha sa sakit at pagkapahiya.  “Gaga ka. Ang tanga-tanga mo! Alam mo ba kung magkano ‘tong damit na suot ko tapos dinumihan mo lang?” galit na galit na turan ng babae.  “Sorry po talaga, Ma’am Margaret. Hindi ko po talaga sinasadya,” maluha-luha parin na paghingi ng tawad ng waitress.  Ngunit mukhang naka beast mood ang mayamang customer dahil hindi pa ito nakuntento sa pananampal sa waitress at sinabunotan niya pa ito.  Nanlaki ang mga mata ni Frankie sa bilis ng mga pangyayari sa harap niya. Awang-awa  siya sa waitress. Oo at medyo may kasalanan din naman ang waitress at hindi ito tumitingin sa dinadaanan ngunit hindi sapat na dahilan iyon para saktan ito ng ganun ng customer. Ayaw man niyang sumali sa gulo ay hindi niya napigilan ang sarili dahil sa awa niya sa waitress na umiiyak na sa pagmamakaawa dahil sa pananakit dito ng babae.  “Tayka lang… Tayka lang naman sandali. Bakit ka bigla namang nananakit?” wika niya habang ginagaya niya ang pagkakahawak ng babaeng customer sa buhok ng waitress.  “Ouch! It hurts! Bitiwan mo ako, ano ba!” tili ng babae na agad binitiwan ang buhok ng waitress tapos ay mabilis na hinawakan ang sariling buhok na hawak parin ni Frankie habang inilalayo ito sa waitress.  “Oppsss!” kunwari ay nagulat pa si Frankie kung bakit hawak niya ang buhok ng  maarteng babae.   “Sino ka bang babae ka at bakit ka nakikisali dito?” galit na harap ng babae kay Frankie.  “Ako?” Turo ni Frankie sa sarili. “Nakikibanyo lang ako dito,” kunway inosenteng sagot ni Frankie.  “How dare you grab my hair. Hindi mo ba ako kilala?” nanlilisik ang mata na turan ng babae.   “Bakit kailangan ba muna kitang kilalanin bago ako pumasok sa banyo kanina at magbawas? Oppsss, hindi pa naman ako nakapaghugas ng kamay, wala kasing tubig sa gripo,” pagsisinungaling niya habang nakaangat ang kamay na may hawak sa buhok ng babae kanina. Gusto niya lang itong lalong inisin.  Lalo naman nanggigil sa galit ang babae sa sinabi ni Frankie.  “I’m Margaret Sabedra, anak ako ng mayor sa bayang ito!” pagpapakilala ng babae na bakas ang pagyayabang sa tono ng boses.  “So? Ano naman ngayon kung anak ka ng kung sino mang Poncio Pilato? Ibig bang sabihin niyon ay may karapatang ka nang manakit ng kapwa? Tsaka kung totoo mang anak ka ng kung sino mang mayor eh dapat nga maging mabait ka dahil isang public servant ang magulang mo. Hindi iyong umaasta ka na para bang ikaw lang ang anak ng Diyos,” hindi manlang natinag na wika ni Frankie dito. Pinaka ayaw pa naman niya sa lahat ay ang taong matapobre na akala mo ay hindi sumasayad sa lupa ang mga paa.  “Abay sumasagot ka pa eh noh?” Anyong sasampalin sana siya ng babae ngunit mabilis na nahawakan ni Frankie ang kamay nito at mahigpit na hinawakan sa pulso. “Ikaw nakapagpakilala na pero ako hindi pa,” seryosong turan ni Frankie.   “Bakit, sino ka ba?” nanlilisik ang mata na tanong ng babae. “Frankie Thomas, ang nag-iisang anak ng tatay ko,” mapang-inis na pagpapakilala ni Frankie na ikinatawa ng iilang mga customers  na nanonood sa kanila.  “Anong nangyayari dito?” tanong ng isang may edad nang lalaki at mukhang manager ng restaurant.  “Mr. Garcia, tingnan mo ang ginawa sa akin ng empleyado niyo,” pagsusumbong noong babaeng nagpakilalang Margaret sabay wiksi ng kamay ni Frankie.  “I’m so sorry, Miss Sabedra. Ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng empleyado namin,” nakayukong paghingi ng paumanhin ng manager na animo takot kay Margaret.  “I want you to fire her and make her pay for my dress that she ruined,” wika ni Margaret habang tinuturo ang kawawang waitress na halata ang takot sa babae.  “Ma’am huwag naman po. Kailangan ko po ang trabahong ito. May sakit po ang tatay ko at ako lang ang inaasahan ngayon ng pamilya ko,” umiiyak na pagmamakaawa ng waitress at lumapit pa kay Margaret ngunit galit itong itinulak at napasobsob sa kalapit na mesa.  “Ang mga taong katulad mo na walang utak ay dapat namamatay sa gutom ng hindi na kayo dumami. Mga salot at pabigat sa lipunan!” Mapang-aalipusta na turan ni Margaret.  “Miss Sabedra baka naman po pwede nating pag-usapan ng maayos ito. Mabait po at masipag na empleyado si Ellie. Ngayon lang siya nakagawa ng ganitong pagkakamali sa loob ng dalawang taon niyang pagtatrabaho dito,” pakiusap ng manager.  “Gawin mo nalang ang sinabi ko kundi ay makakarating ito sa Daddy ko at sinisigurado ko sayong hindi mo magugustuhan ang pwedeng mangyari!” banta ni Margaret sa manager.  “O-Opo. Gagawin ko po--- H-Huwag mo nang sabihin ang nangyaring ito kay mayor,” agad naman na tiklop ng manager.  “Sir, huwag naman po… Babayaran ko nalang po ang damit ni Miss Sabedra. Huwag niyo lang po akong tanggalin sa trabaho. Maawa po kayo sa akin,” umiiyak na pakiusap ng waitress.  Hinarap naman ito ni Margaret. “Really? Do you have any idea how much my dress cost? Probably not. You stupid illiterate!” gadgad na pang iinsulto pa ni Margaret sa waitress.  Hindi naman makapagsalita ang waitress. Bigla nitong naisip ang posibilidad na presyo ng damit na suot ni Margaret Sabedra.  Hindi na nakatiis si Frankie at muling sumabat. “I’m willing to pay double of what your dress may cost, Miss Sabedra.”  Nalipat ang tingin ni Margaret sa kanya tapos ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa na para bang kinikilatis nito kung kaya nga ba niyang bayaran ng doble ang presyo ng suot na damit nito. Isang simpleng above the knee skirt at spaghetti strap na pang taas at puting sapatos ang suot ni Frankie. Kung titingnan ay mukha lang siyang simpleng tao katulad din ng iba. Sinasadya talaga niya kapag mga ganoong biyahe na huwag magsuot ng mga designers na kasuotan dahil agaw pansin at baka ma kidnap for ransom siya ng wala sa oras. Si Margaret ay tumaas ang kilay na may kasamang nakakainsultong ngiti dahil sa ayos ni Frankie ay wala sa itsura nito ang kayang magbayad ng doble sa presyo ng suot niyang bestida.  “I am wearing a limited edition Ysabel Kings creation. Do you have any idea how much my dress cost?”  “I know,” sagot ni Frankie tapos ay naglabas ng calling card mula sa shoulder bag na dala at inabot kay Margaret. “I will shoulder all the damages including your dress.”  Ang kaibigang babae na kasama ni Margaret maglunch at nanonood lang kanina ay kinuha ang calling card sa kamay ni Frankie noong tingnan lang iyon ni Margaret. Nanlaki ang mga mata nito at nagpalipat-lipat ang tingin sa calling card at kay Frankie. “You're Franchesca Melady Thomas, the socialite princess?” hindi makapaniwala nitong.  “What?” Inis na pahablot na kinuha ni Margaret ang calling card sa kamay ng kasama nito. At makikita ang pamumula ng mukha sa pinagsamang pagkapahiya at galit ng mabasa ang nakasulat na pangalan sa calling card. “As I said, I will pay for all the damages. Ngunit paano naman ang ginawa mo sa waitress na si Ellie, Miss Sabedra?” wika ni Frankie na iginala pa ang tingin sa paligid kung saan may iilan sa mga customers ang kumukuha ng video sa kanila. “Kaya bang bayaran ng pera ang physical at emotional na ginawa mo sa kanya? Kung tama ako ay kilala mo ako at alam mo rin na bukas na bukas din ay mas lalo ka pang sisikat,” makahulugan niyang wika dito.  Tiningnan ni Margaret ang paligid at mga taong nanonood sa kanila. Kahit saang angulo tingnan ay siguradong talo siya lalo na at malapit na ang election at muling tatakbo ang ama sa parehong posisyon. Nilamukos nito ang calling card ni Frankie tapos ay kinuha ang shoulder bag. “Tabi!” singhal nito sa mga tao. “Let’s go, Janet!” wika nito sa kasama. Nang mapatapat ito sa harap ni Frankie ay huminto ito sandali. “May araw ka sa akin, tandaan mo ‘yan!” may pagbabanta sa boses nitong turan sabay walk out. Mabilis naman na sumunod dito ang kasama nito.  “Tsk. Akala niya siguro ikinaganda niya ang sama ng ugali niya,” umiiling-iling na turan ni Frankie.  Kinausap naman ni Frankie ang manager para siguraduhin nito na hindi lalabas ang video na kuha ng mga customers sa social media at sinagot ang mga bills ng lahat ng naroon para lang pumayag na madelete ang video na kuha ng mga ito. Sinigurado din niya na hindi mawawalan ng trabaho ang waitress at binigyan pa ng pera para sa may sakit nitong ama.  Laking pasasalamat naman ng waitress na si Ellie sa hindi inaasahang tulong mula pa sa taong ngayon lang nito nakilala.  “Maraming maraming salamat po. Napakabait niyo po! Napakalaking tulong po nito para sa papa ko,” mangiyak-ngiyak sa kaligayahan na turan ng waitress na si  Ellie.   “Walang anuman. Sana gumaling na ang Papa mo. At kung sakaling magawi ka sa Maynila at kailanganin mo ng trabaho, tawagan mo ako,” wika niya dito at inabot ang calling card niya. Hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya sa waitress siguro ay naawa lang talaga siya dito dahil sa ginawa dito noong Margaret.  Matapos maayos ang gusot na kinasangkutan ay binalikan na ni Frankie si Kristen sa parking lot.  “Grabe naman Frankie. Tumae ka ba ng sinulid at inabot ka ng ganito ka tagal sa cr?”  “Sorry, sorry… sumakit kasi ang tiyan ko eh. Tsaka ang haba ng pila sa cr ang daming customers dahil lunch time na,” pagdadahilan niya dito. Hindi na niya sinabi sa pinsan ang nangyari sa loob ng restaurant dahil baka masermonan lang siya nito. Mukha pa namang mahaba-haba pa ang byahe nila at ayaw niyang sumabog ang eardrum niya sa sermon nito.  Matapos ang nangyari sa restaurant ay nakatulog si Frankie sa biyahe. Pakiramdam nito  ay naubos ang lakas niya sa kasamaan ng ugali noong babae na anak daw ng mayor. Si Kristen ay hinayaan naman ang pinsan sa pag-aakalang masama nga ang pakiramdam nito.  Nasa daan na sila kung saan walang hanggan na na tobohan ang makikita sa kanang bahagi ng daan at manggahan naman sa kaliwa ng magising si Frankie.  Naghikab ito at nag-inat ng mga braso. "Malapit na ba tayo? Ang sakit na ng pwet ko sa kakaupo eh."  "Wow nahiya naman ako sayo eh noh. Nakuha mo pa talagang magreklamo pagkatapos mo akong tulugan?"  "Hehe. Sorry… Hindi ko napansin na nakatulog na pala ako." Tinanaw ni Frankie ang tinatahak nilang daan. "Nasaan na ba tayo? Malapit na ba tayo sa Samaniego farm?"  "Hindi ko nga alam eh."  "Ano? Paanong hindi mo alam?" Biglang napaderetso ng opo si Frankie sa tinuran ng pinsan.  "Bigla kasing nagloko na naman ang navigator nitong kotse ko. Kaya hindi ko sigurado kung nasaan na tayo. Pero sa tingin ko ay malapit na tayo."  "Sa tingin mo lang at hindi ka sigurado?"  “I’m sure malapit na tayo. Relax ka lang diyan at ako ang bahala sayo,” sagot naman ni Kristen. “Relax? Paano akong magrirelax kung hindi ko alam kung nasaan na tayo? Tsaka tingnan mo nga eh puro tubo at puno ng mangga lang ang nakikita natin at wala manlang tayo kahit isang bahay na nadadaanan. Sigurado ka bang nasa Pilipinas pa tayo?” “Over reacting ka naman diyan. Oh ayon nakita mo ang karatula?” Turo ni Kristen sa arko na gawa sa kahoy kung saan may karatulang nakasabit at nakasulat ang “Welcome to Samaniego Farm” nasa kaliwang bahagi iyon ng daan kung nasaan ang parang walang hanggan at malawak na manggahan .  “Hay salamat. Akala ko nawawala na tayo eh,” wika ni Frankie na nakahinga ng maluwag. Ngunit sandali lang iyon dahil ilang minuto na nilang tinatahak ang malubak at makipot na daan ngunit wala parin silang kahit maliit manlang na kubo na natatanaw sa dinadaanan nila. "I shouldn't have come with you here... My God! It's so scary here! I don't want to die!!! I don't want to die virgin, hindi ako tatanggapin sa langin. If I only know this would happen to us, I should have at least give my virginity to any of my suitors para naman natikman ko manlang ang sinasabi nilang luto ng Diyos bago tayo kunin ni Lord," over acting na litanya ni Frankie. Natawa naman si Kristen sa mga pinagsasabi ng pinsan. "Can you just relax and help me instead? Lalo lang tayong maliligaw diyan sa kakatili mo e," reklamo ni Kristen. Paano naman ay parang maglalabasan na ang tutuli niya sa tainga sa kakatili ni Frankie.  "I'm really scared. Let's just go back, please!" amin ni Frankie sa nararamdaman. Sa buong buhay niya ay wala siyang kinakatakutan ngunit ngayong nasa gitna sila ng daan at animo walang hanggan na maggahan at hindi alam kung nasaan na sila ay nakaramdam siya ng takot. Kung tao lang kaya niyang makipaglaban kahit tatlo o apat na lalaki pa ay baka nga mapabagsak niya pa sa kaalaman niya sa karati. Ngunit paano kung may mga wild animals pala dito? Paano nila ipagtatanggol ang mga sarili nila?  "Paano naman tayong babalik, hindi nga natin alam kung nasaan na tayo eh," wika ni Kristen. Ilang liko-likong daan din kasi ang pinasok nila kaya hindi na siya sigurado kung alin sa mga iyon ang daan kung babalik sila. Gusto niyang maniwala sa kasabihan na habang may daan ibig sabihin ay may patutunguhan.  Kaya inisip niya na tahakin nalang nila ang daan at baka sa dulo niyon ay naroon ang hinahanap nila.  "Try to call someone to rescue us here. Call daddy! For sure ipapahaloghog niyon ang buong Pilipinas kapag nalaman na nawawala ang prinsesa niya," muling wika ni Frankie.   "Wala ngang signal. Try mo kaya."  "I also don't have a signal. Natatakot na ako, Tin! It's getting late. Gagabihin na talaga tayo sa daan. I don't want to sleep here. Baka may multo! Wild animals o baka may kung sinong magtangka sa atin ng masama kapag nakita nila kung gaano tayo kaganda at sexy at hot... We really need to ge--- Whahhhttttt was that?!!!" "Jesussss!!!" sigaw din ni Kristen na parang mas nagulat pa sa tili ni Frankie kaysa sa putok ng gulong ng kotse nila. Mabuti nalang at hindi sila bumangga sa puno ng Mangga dahil sa biglang paggiwang ng kotse. "No! Please, not now!" taimtim na dasal ni Kristen.  "Huhuhu. It's really our end!" tili naman ni Frankie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD