LUMABAS ng kotse si Kristen para tingnan kung anong nangyari. Nanlumo ito ng makitang putok nga ang unahan na gulong sa passenger side ng sasakyan nito.
"What are we going to do now?" nanlulumo na tanong ni Kristen kay Frankie ng bumaba narin ito ng sasakyan at nakisilip kung anong nangyari sa gulong nila.
Nang makita ni Frankie ang nangyari sa gulong ng kotse ni Kristen ay bigla nalang itong naglulupasay sa damuhan. "How will we get out of here now? We cannot even drive this car anymore. Daddy! Hindi na kita mabibigyan ng apo."
Nilapitan ni Kristen ang pinsan. "I'm so sorry! Nadamay ka pa sa kagagahan ko," pag-aalo nito habang pinipigilan ang sarili na huwag umiyak dahil kung pati ito ay magbreakdown sa sitwasyon nila ngayon. Ano na ang mangyayari sa kanila?
Nang medyo maging okay na si Frankie ay nagtutulungan silang magpalit ng gulong.
"Do you even know what to do?" asked Frankie.
Kristen shook her head. "Never in my life have I tried to do this before."
"What??? Akala ko pa naman alam mo ang ginagawa mo!"
"No, but we should try, right? Walang ibang makakatulong sa atin dito kundi mga sarili lang natin."
"But how should we do that?"
"Nakikita ko si Manong Alan kapag nagpapalit siya ng gulong ng kotse, kaya kahit paano may idea ako kung anong gagawin," wika ni Kristen na ang tinutukoy ay ang family driver nila.
"I'm so hungry!" daing ni Frankie ng maramdaman ang pagkalam ng sikmura.
Ginagawa nila ang lahat para mapalitan ang gulong na pumutok ngunit hindi talaga nila kaya dahil hindi naman nila alam kung ano ang gagawin. Napuno lang tuloy sila ng dumi at grasa.
Sabay silang naupo sa may puno ng mangga sa may gilid ng daan dahil sa pagod.
Si Frankie ay naghahalo na ang sipon at luha dahil sa takot na nararamdaman. People see her as a strong woman and only few people know this side of her at isa na doon si Kristen kaya hindi siya nahihiya ipakita dito ang totoong siya.
Ilang sandali palang silang nagpapahinga sa ilalim ng puno ng mangga at nag-iisip ng plano kung paano sila makakaalis sa lugar na iyon ng may nakita sing malaking ahas na papunta sa kinauupuan nilang dalawa. Mga kasing laki siguro ng braso nila at mahigit isang dipa ang haba. Pareho silang hini nakagalaw sa kinauupuan nila dahil sa takot.
"T-Tin, oh my God! Do...d-do you see what I s-see?" nagpapanic na tanong ni Frankie sa pinsan.
"Y-Ye-yes..." sagot ni Kristen tapos ay bigla silang nagyakap. Parehong nanginginig sa takot at hindi makuhang tumakbo.
Ipinikit ni Frankie ang mga mata at taimtim na nagdasal na sana ay matakot sa kanila ang ahas ay lumiko nalang ito ng daan. Ngunit bigla nalang silang nagulat ng may marinig silang malakas na putok ng baril. Si Frankie ay sobrang lakas ng tili na bumasag yata sa eardrums ni Kristen.
"Oh my God!" hindik na bulalas ni Kristen ng makita ang wala nang buhay na ahas mahigit isang dipa nalang mula sa kanilang dalawa.
"It's dead!!!" tili naman ni Frankie pagkatapos ay inangat niya ang tingin sa kung sino mang bumaril sa hayop. A handsome and macho cowboy looking guy holding a ripple which killed the snake is coming in their direction.
He tipped his cowboy hot to them. "Are you two okay?" he asked with his baritone voice.
Si Frankie na nakabawi na sa pagkabigla at takot na nararamdaman ay galit na tumayo at hinarap ang pinakagwapong cowboy yatang nakita niya sa buong buhay niya. Animo nakita niya si Brad Pitt noong gumanap ito bilang si Tristan Ludlow sa 1994 historical western drama na “Legends of the fall”. Ngunit gaano man ito ka gwapo sa paningin niya ay hindi parin niya palalampasin ang ginawa nito.
"What the hell were you thinking shooting guns like that?"
"Shouldn't you be thankful, I shoot the snake before it attacks you two?" medyo nabigla ang hitsura na sagot ng gwapong cowboy kay Frankie. Hindi kasi nito inaasahan na imbes magpasalamat sa pagkakaligtas niya dito sa posibleng kapahamakan ay haharapin tuloy siya nito ng galit na galit.
"Paano kung pumalpak ka at kami ang tinamaan mo? Can you bring back our lives?"
Si Kristen ay nanghihina parin sa takot na nakatingin lang sa pinsan habang nakikipag sagutan sa gwapong cowboy. Animo naubos na ang lakas nitos sa iba’t ibang klase ng emosyon simula ng pumutok ang gulong nila at hindi alam kung paano pa sila makakaalis sa lugar na iyon gayong sira ang sasakyan nila.
"I can't believe it. Kayo na nga ang iniligtas ko, ako pa ang masama? Maybe I should have waited for the snake to bite you first before I shot it. E di sana hindi nababasag ang eardrum ko ngayon sa ingay ng bibig mo." Napipikon nang wika ng gwapong cowboy.
"What's happening?" malakas na sigaw ng isa pang lalaki. Tulad ng suot ng lalaking nauna ay nakasuot din ito ng leather boots, tight jeans at polo na nakatupi sa bandang braso habang bukas ang ilang butones sa dibdib. Minus the cowboy hot na suot ng naunang lalaki. Sa likod nito ay may dalawa pang lalaki na sakay din ng tig-isang kabayo habang nakasunod dito.
Mabilis itong tumalon mula sa kabayo at nilapitan si Kristen. "Are you okay?" tanong nito habang sinusuri kung nasaktan ba si Kristen. Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-aalala. "You got me scared, sweetheart! Akala ko kung ano nang nangyari sayo."
"I-I'm f-fine," utal na sagot ni Kristen.
"Are you sure?" muling tanong ng lalaki habang sinisigurado hindi talaga nasaktan si Kristen. "Thank God you're fine."
Pinakawalan naman ni Kristen ang mga luhang kanina pa nito pinipigil. "Thank you for coming!" she said in between her tears.
"What happened? I heard a gunshot..." maya-maya ay tanong ng lalaki.
"Next time you must know how to control your woman, Madrigal. Paano nalang kung na late ako ng dating?" turan ng gwapong cowboy sabay turo sa walang buhay na ahas.
"Oh, s**t!" bulalas naman ng lalaking tinawag nitong Madrigal. "That's exactly the reason why I told you not to come here without me! What were you two thinking?" galit ang boses nitong turan.
"I-I did not know we would be lost..." Kristen explained between sobs.
"Ang tigas naman kasi ng ulo mo e. When will you learn how to listen to me?"
Hindi sumagot si Kristen at tahimik lang na pinahid ang mga luha.
"Wait, wait... who are you people?" nagugulohan na malakas na tanong ni Frankie. "Tin, who is he?" harap nito kay Kristen at hindi nakilala si Kevin Carlos dahil sa ayow nito. "And you, who are you?" harap naman nito sa gwapong cowboy.
"So you two came here without even knowing who you're looking for?" nagsasalubong ang makapal na kilay ng hottie cowboy.
"Are you stupid? Of course we know... We are looking for Noah Samaniego," sagot ni Frankie.
Tumaas ang kilay ng lalaki. Pero hindi ito nagsalita.
"Noah Samaniego is right in front of you lady..." sabat ni Kevin Carlos.
Parehong nabigla sina Frankie at Kristen sa sinabing iyon ni Kevin Carlos. Paano naman ay ang Noah Samaniego na nakita nila sa picture na nahanap nila sa internet ay malayo sa lalaking kaharap nila ngayon. Mas bata ito sa picture o dahil maiksi ang buhok nito doon at walang balbas. Samantalang ang Noah na nasa harap nila ngayon ay balbas sarado at mahaba hanggang lampas balikat ang medyo kulot nitong buhok.
"What??? Are you kidding me? He's not the one we saw in the photo." Nasa mukha ni Frankie ang pagkabigla.
"Now who's stupid?" may paghahamon sa boses na tanong ni Noah.
"Malay ko bang nagtatransforn ka pala. Sa picture mukha kang mabango sa personal mukha ka palang sanggano," Frankie said it with a smirked.
Sumama naman ang mukha ni Noah pero hindi na nito pinatulan pa ang sinabi ni Frankie.
"It's getting dark. We should go," turan ni Noah na kay Kevin Carlos nakatingin.
"Okay," Kevin Carlos answered. "Iaangkas kita sa kabayo, kaya mo ba?" tanong nito kay Kristen.
"Y-Yes," sagot ni Kristen habang inaalalayan ni Kevin Carlos. "How about my cousin?"
Kevin Carlos looked at Noah. "Dude, can you take her?" tukoy nito kay Frankie.
"What? No way! Baka ihulog ako niyan," kaagad na tanggi ni Frankie na hindi maintindihan kung bakit siya nagagalit kay Noah gayong tama ito at niligtas nito ang mga buhay nila mula sa posibleng pagkakagat ng malaking ahas. Siguro dahil sa baril nitong hawak. Pinaka ayaw niya sa lahat ay tunog ng baril. May masamang karanasan kasi siyang naaalala sa tuwing makakarinig siya ng putok ng baril.
"Then stay here lady... Magbilang ka ng mga ahas na lalapit at aataki sayo sa buong magdamag. Not to mention the other wild animals," turan ni Noah at nag-anyong aalis na.
"I will not go without my Frankie," kausap ni Kristen kay Kevin Carlos at niyogyog ito sa balikat habang nakasakay na sila sa kabayo nito.
"Come-on, dude. You have to help me with this," kausap naman ni Kevin Carlos kay Noah.
"What can I do if she doesn't want a ride?" sagot naman ni Noah dito.
"Can't you guys fix the car instead and I will drive," wika naman ni Frankie.
"We don't have time to do that now. It's getting late and it will rain anytime now. We should hurry up and get out of here," Noah answered. "But if you insist you can wait here and I will send someone to help you."
Bigla naman nakaramdam ng takot si Frankie na maiwan mag-isa. "Fine! I'll go with you," napipilitan na sagot ni Frankie at padabog na lumapit kay Noah. “Wait paano akong sasakay diyan eh nakapalda ako?”
“Eh ano ba naman kasi ang naisip mo? Alam mong sa farm ka pupunta tapos naka palda ka ng ganyan?” yamot na tanong ni Noah. Kanina nang makita niya mula sa malayo si Frankie ay akala niya dinadaya lang siya ng paningin niya. Akala niya ay nag-iimagine na naman siya ng kung anu-ano katulad ng kung paano siya nililigalig nito sa mga panaginip nitong mga nakaraang araw. Sino ba naman kasi ang mag-aakakala na ang babaeng nakita niya sa club halos dalawang linggo na ang nakakaraan ay matatagpuan niyang pakalat-kalat sa farm niya?
“Eh ano bang pakialam mo? Eh sa gusto kong magpalda. Tsaka malay ko bang nasa dulo na pala ng mundo itong farm mo at masisiraan pa kami ng sasakyan,” nakaengos na sagot dito ni Frankie.
“Now are you coming or you’ll stay here?” masungit na tanong ni Noah.
“Eh kung maging gentleman ka kaya at tulungan mo akong makasampa diyan sa kabayo mo?” wika ni Frankie at inabot ang kamay kay Noah. Hindi man niya gustong umangkas dito ay wala siyang pagpipilian dahil ayaw naman niyang maiwan mag-isa sa gitna ng manggahan.
Inabot naman ni Noah ang kamay ni Frankie at walang kahirap-hirap na naisakay sa harapang bahagi nito na parang bulak lang sa gaan.
Dahil nga sa maiksi ang palda ni Frankie ay halos kita na ang maselang bahagi sa pagitan ng mga hita nito. Umangat kasi ang palda sa baywang niya dahil sa pagkakasampa sa kabayo at nakikita narin ang manipis niyang puting panty.
Yamot na napabuntong hininga si Noah ng makita ang ayos ng dalaga. Siguradong maeeskandalo ang mga barako niyang tauhan kapag nakita ito sa ganoong ayos. “Hold on a second,” wika niya at nag-anyong huhubarin ang suot nitong polo.
Nanlalaki naman ang mga mata ni Frankie ng makita ang ginagawa ni Noah. “Stop! Anong binabalak mong gawin sa akin? Mamanyakin mo ako sa ibawbaw ng kabayo?”
Lalong sumama naman ang mukha ni Noah. “Dream on. You need something to cover your front side. O mas gusto mong pagpyestahan ng mga barakong tauhan dito sa farm iyang harap mo?”
Napahiya naman si Frankie dahil sa pag-oover react nito kaya itinikom ang bibig.
Nang matapos hubarin ni Noah ang suot na polo ay agad nitong ibinalabal sa binti at harapan bahagi ni Frankie.
“T-Thank you,” kagat labing pasalamat ni Frankie.
Habang daan ay tahimik lang si Frankie. Kulang na ngalang ay pigilan niya ang paghinga. Paano ba naman ay parang nakukuryente siya sa tuwing nadidikit ang hubad na bahagi ng balikat niya sa hubad din at maskuladong katawan ni Noah. Ang lakas din ng kabog ng puso niya na parang kulang nalang ay kumawala sa dibdib niya.
“Did you bite your tongue?” nagtataka naman na tanong ni Noah at ikinapagtataka nito ang pananahimik ni Frankie habang daan.
“Y-You’re not going to let me full right?” pagdadahilan ni Frankie. Mas gusto niya kasing isipin nito na takot siyang mahulog kaysa ang malaman nito na apektado siya sa presensya nito at lalo na sa posisyon nilang dalawa ngayon sa ibabaw ng kabayo.
“Just hold on to me and you’ll be just fine,” saad ni Noah sa mas malambot nang tono. Ipinaikot pa nito ang kanang braso sa baywang ni Frankie habang bumibilis ang takbo nila at ang isang kamay naman ay nakahawak sa tali ng kabayo. Hindi niya maintindihan kung bakit parang gusto niyang maramdaman nito ang security sa mga bisig niya. May pinupukaw din itong damdamin na matagal nang natutulog sa kaibuturan ng puso niya na ayaw niyang bigyan ng pangalan. Hindi tuloy sinasadyang humigpit ang hawak niya sa tali ng kabayo at pinabilis ang takbo nito.
Mahigpit naman na kumapit si Frankie sa makisig na braso ni Noah sa takot na malaglag. Ayaw man niyang aminin ngunit parang nagugustohan niya ang pagkakakulong ng katawan niya sa mainit at hubad na dibdib ni Noah. Parang may kakaibang damdamin na hatid iyon sa kanya. Ramdam niya rin ang mainit na hininga nito sa may likod na bahagi ng tainga niya. Sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya ay bigla siyang naconcious kung ano ang amoy niya. Isa sa pinaka mamahaling perfume sa buong mundo ang gamit niyang pabango ngunit para siyang nakaramdam ng takot na baka hindi nito magustuhan ang naaamoy nito lalo na at pinagpawisan na siya noong sinubukan nila ni Kristen na magpalit ng gulong ng kotse kanina.