Chapter 14

2435 Words
HALOS hindi pa man sila nakakadarating sa villa ng Samaniego farm ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.  “Thank God they found us. Kundi ay naabotan na tayo ng ulan sa gitna ng manggahan. Paano nalang ang kagandahan natin kung nagkataon...” wika ni Frankie habang nakatingin sa malakas na buhos ng ulan at mukhang may bagyo pa yata.  “Or worse, you could have been killed from the venom of that poisonous snake. Paano nalang kung hindi ko naisip na tumawag sa coffee shop eh hindi ko malalaman na nagpunta kayo rito?  Eh di baka hanggang ngayon ay nasa gitna parin kayo ng manggahan sa gitna ng malakas na ulan na ‘yan. And who know what more danger could have possibly happen to the both of you overnight? Ano ba naman kasi ang naiisip niyong dalawa at nagbeyahe kayo ng kayong dalawa lang? Sana manlang nagsama kayo ng driver na pwedeng makatulong sa inyo sa daan,” litanya ni Kevin Carlos na halatang hindi natutuwa sa ginawa nila.  Napahalukipkip sa Kristen sa inuupuan nitong rattan na sofa at hindi sumagot na animo nakaramdam ng takot dahil sa galit na nakikita sa mukha ng binata.  Si Frankie ay tumangos ang nguso. “Eh ang sisihin mo ay ang nagbigay sa pinsan ko ng address nitong farm. Eh alam naman niyang desperada ang pinsan ko na makahanap ng supplier,” litanya ni Frankie na kunwari ay hindi niya alam na si Kevin Carlos ang nagbigay kay Kristen ng address ng farm at gusto niya itong inisin.  Tinapunan siya ni Kevin Carlos ng masamang tingin. Habang si Noah ay iniabot naman sa kanila ang kinuhang mga tuwalya para magamit nilang pamunas sa nabasang mga katawan ng ulan. “What a stupid reasoning. Ibig mong sabihin kahit nasa dulo na ng mundo ang address na ibinigay sa inyo ay pupuntahan niyo parin?”  “Bakit hindi pa ba tayo nasa dulo ng mundo? Mukhang wala na nga yata tayo sa mapa ng Pilipinas eh...” nakaengos niyang bulong habang pinupunasan ang sarili ng tuwalya na inabot nito sa kanya.  “I think you have to stay the night here, Madrigal. Sobrang lakas ng ulan na may kasama pang hangin. I don’t think it’s possible to fly back to Manila now,” kausap ni Noah kay Kevin Carlos at hindi pinansin ang pagbulong-bulong ni Frankie. Tapos ay masinsinan na nag-usap ang dalawa.  Si Frankie ay tumabi sa pinsan na tahimik lang sa kinauupuan. “So, this devil-may-care casanova is not your boyfriend you said… But he’s acting like a concerned boyfriend. Sigurado ka bang hindi mo pa pinapakain ‘yan ng cookies mong may gayuma? Mukhang hulog na hulog na sa beauty mo eh,” panunudyo ni Frankie sa pinsan. Kanina habang pinagmamasdan niya kung paano mag-alala at itrato ni Kevin Carlos ang pinsan niya ay hindi niya maiwasang isipin na in love na ito kay Kristen. Sino bang gago ang susundan ka hanggang sa sulok ng Pilipinas kung hindi ka mahalaga sa kanya? Lalo na kung si Kevin Carlos iyon na kung s*x lang ang habol ay madali lang nitong makukuha dahil sa dami ng mga babaeng may gusto dito.   “Tumigil ka nga diyan at baka marinig ka,” pinandilatan siya ni Kristen ng mga mata.  “Eh bakit nagbablush ka diyan? Iba din ang beauty--- sinusundan kahit sa dulo pa ng mundo. Sana all may Kevin Carlos Madrigal… And in all fairness ha. Parang mas hot siya ngayon kaysa noong huli ko siyang nakita. Iba din talaga kapag busog sa supply ng puki---- I mean cookie mo.”  Namumulang hinampas siya ni Kristen ng tuwalyang hawak nito. “Sira ulo! Manahimik ka nga diyan at baka marinig ka!”  Tumatawa naman na sinasalag ni Frankie ang pabirong paghampas sa kanya ni Kristen. Natigil lang sila ng lapitan sila ni Kevin Carlos.  “We have to spend the night here because of the weather,” anunsiyo nito.  Kibit balikat ang isinagot ni Frankie. Habang bagsak ang balikat na tumango si Kristen. “How about you? Is it okay for you to be here?”  “I have important appointments tomorrow but I will just call my secretary to reschedule it. I will not risk our lives to fly in this weather and I will not leave without you. Baka kung ano na naman ang maisipan niyong dalawa eh.”  “I’m sorry…” nakatungo na hingi ni Kristen ng paumanhin.  Malalim na buntong hininga lang ang itinugon ni Kevin Carlos at mukhang galit parin ito sa katigasan ng ulo ni Kristen.  “I think you guys should change,” wika ni Noah at tiningnan ang may edad nang katulong na nagdala ng maiinit na maiinom nila. “Manang pakisamahan mo sila sa guest rooms sa taas. Pahiramin mo na rin ng mga mga damit na pwede nilang pamalit sa basa nilang kasuotan.”  “Opo sir,” sagot naman ng katulong.  “Thank you, dude,” pasalamat ni Kevin Carlos at inalalayan si Kristen.  Anyong susunod si Frankie kayla Kevin Carlos at Kristen nang pigilan siya ni Noah. “You’re coming with me.”  “A-Ako? Bakit? Saan mo ako dadalhin? Anong binabalak mong gawin sa akin?” sunod-sunod niyang tanong dito at pinagcross pa ang mga braso niya sa sariling dibdib.  Nagsalubong naman ang kilay ni Noah. “Wala akong kahit na anong balak gawin sayo kaya itigil mo ‘yang pangangarap mo.” Tiningnan nito si Frankie mula ulo hanggang paa tapos pataas sabay iling. “And for your information, hindi ako interesado sa isang prinsesang matigas ang ulo. Para narin ako noon kumuha ng malaking bato at ipinokpok sa sarili kong ulo. In short hindi kita type, Princess,” Animo napangiwi pa ito ng muling banggitin ang salitang Princess.  Nag-init naman ang tainga ni Frankie sa mga sinabi sa kanya ni Noah lalo na ang pagtawag nito sa kanya ng Princess. Alam kasi niyang iba ang gusto nitong ipakahulugan nito sa salitang iyon.  “Well it’s a tie, Mister. Hindi rin ako mahilig sa isang ermitanyong mukhang sanggano noh. Isa pa masyado nang marami ang mga tagahanga ko… hindi na ako nagdadagdag ng isa pa.” “Whatever!” baliwalang turan ni Noah at naglakad na papunta sa kwarto na gagamitin ni Frankie. Ayaw niya itong patuluyan. Hindi nga niya maintinhihan kung bakit kinakausap niya ito.  “Gwapo nga masungit naman…” bubulong-bulong na wika ni Frankie habang nakasunod sa likod nito. “Arayyyy, ano ba!” hiyaw niya nang mapilipit ang ilong niya ng bumangga siya sa matigas na likod nito ng bigla itong humento sa paglalakad.  “Eh kung tumitingin ka kaya sa dinadaanan mo...”  “Paano naman akong titingin sa dinadaanan ko eh nakaharang iyang pader mong likod sa buong daanan…” sagot ni Frankie habang hinihilot-hilot ang nasaktang ilong.  “Ang sakit mo sa tainga. Lahat talaga ay may rason ka eh noh?”  “Natural eh sa may bibig ako eh.”  “Para kang bata. You’re so immature…” umiiling na turan ni Noah.  “Ikaw naman sa sobrang pagkamature ay mukhang kaedad mo na ang Daddy ko. Mukhang tito...”  Marahas siyang nilingon ni Noah at tiningnan ng masama ngunit balewala lang siyang nginitian ng hilaw ni Frankie.  Matapos ang ilang sandali ay humento si Noah sa isang nakapinid na pinto at binuksan iyon. “You can use this room. Ang katabing kwarto ay ang kwarto na siyang ginagamit ko…” “Ano? Magkatabi tayo ng kwarto? Kunwari ka pang hindi mo ako type pero ang totoo ay may binabalak kang gawin sa akin noh?”  “Oo balak kong pilipilit iyang dila mo kapag natulili ang tainga ko sayo,” nakaismed na sagot ni Noah. “The other rooms are still under renovation and this is the only room you can use at the moment. The dinner will be serve at 7 kaya may oras ka pang maligo at magpahinga sandali. Set your alarm or else just starve dahil isa sa pinaka ayaw ko sa lahat ay ang pinaghihintay ang grasya,” pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito.   “Set your alarm or else just starve,” panggagaya ni Frankie dito. “Tsk. Ang yabang talaga ang sarap bayagan. Akala mo kung sinong hari,” turan ni Frankie habang sinusundan ng tingin ang malapad nitong likod.  --- MAGHAHATING gabi na kaya naman tahimik at madilim na ang buong villa. Sa labas ay malakas parin ang hangin at ulan na may kasama pang kulog at kidlat dala ng masamang panahon. Si Frankie ay pabaling baling sa kama at dinadalaw na naman ng isang masamang kahapon.  Mahigit sampung taon na ang nakakaraan. Malakas din ang hangin at ulan noon na may panaka-nakang pagkulog at pagkidlat. Labing limang taon lang siya noon at nasa 3rd year high school. Nakatihaya siyang nakahiga sa kama habang kausap sa cellphone ang matalik na kaibigang si Zoe. Pinag-uusapan nila ang cute na binatang nagligtas sa kanya sa muntikang pagkabundol ng isang sasakyan sa harap ng eskwelahan nila habang tumatawid sila.  Katatapos lang nilang maglunch sa isang kilalang fast food restaurant  hindi kalayuan sa pribadong eskwelahan na pinapasukan nila. Dahil sa abala si Frankie sa paglalaro sa cellphone niya ay hindi niya napansin na humento pala si Zoe sa may tabing daan dahi nagpula na ang stop light. Habang si Frankie ay tuloy-tuloy lang sa paglalakad patawid. Nagulat nalang siya ng may malakas na brasong kumabig sa kanya payakap at ang pagbagsak nila ng sabay ng lalaking kumabig sa kanya sa gilid ng kalsada ganoon din ang malakas na busina ng kotse na muntik nang makasagasa sa kanya at sobrang lakas na tili ni Zoe.  “Infairness ang cute nung guy noh?” kinikilig na wika ni Zoe sa kabilang linya.  “Diba? Sobrang cute niya at ang lakas pa ng s*x appeal.”  “Oh eh di crush mo na siya?” nanunudyo na tanong ni Zoe.  Kinikilig na tumango si Frankie na para bang nakikita iyon ng kausap. “Okay lang naman magkacrush, diba?”  “Oo naman noh. Crush lang naman ‘yon at hindi pa naman kayo mag-aasawa noh. Pero tayka nakuha mo ba ang name niya?” “Hindi nga eh,” puno ng panghihinayang na sagot ni Frankie. “Pero hindi bali. Bukas na bukas ay pupuntahan ko siya doon sa coffee shop sa may harap ng school natin. Tingin ko may part time job siya doon dahil parang nakita ko na siya doon dati.” “Ayyy. You mean he’s poor?” animo disappointed na tanong ni Zoe.  “Eh ano naman kung hindi siya mayaman... Ang sabi sa akin ni Mommy dati ay okay lang daw sa kanila kung sino man ang lalaking pipiliin ko mapangasawa someday. Basta daw mahal ko at mahal ako. Iyon daw ang mahalaga kasi ang pera ay pwede naman kitain kapag masipag ka sa buhay. Tsaka marami naman pera si Daddy na pagdating ng panahon ay mapupunta naman ‘yon lahat sa akin,” mahabang salaysay ni Frankie na sa kauna-unahang pagkakataon ay ngayon lang nakadama ng sobrang paghanga sa isang binata.  “Sabagay may point ka rin naman. Pero tingin ko lampas twenty na ‘yon eh. Hindi ba masyadong mataas ang agwat ng edad niyo?” muling tanong ni Zoe.  “Bakit matanda rin naman si Daddy kay Mommy ng ilang taon ah. Tsaka maganda daw kapag mas mature ang mapapangasawa mo para marunong nang maghandle ng relasyon.”  “Ano? Asawa agad-agad?” bulalas ni Zoe sa kabilang linya.  “Oo noh. Bakit ikaw ba kapag nagkaboyfriend ka ay gugustuhin mo lang siyang maging boyfriend at hindi maging asawa? Ako kasi gusto ko kung sino ang unang maging boyfriend ko ay siya na rin ang gusto kong mapangasawa at makasama hanggang sa pagtanda. Iyon ang pangarap namin ng pinsan kong si Tin.”  “Tsk ang boring naman. Hindi ka ba magsasawa niyon? Iisang lalaki lang ang makikita mo sa buong buhay mo sa gabi bago ka matulog at sa umaga paggising mo? Ako mas gusto kong mag explore. Kung sa outfit ay mas gusto kong mag mix and match. Iyon bang susubukan ko muna kung bagay ba kami at magkakasundo bago ako magsettle sa iisa lang,” pilyang paliwanag ni Zoe.  “Ay ako ayaw ko ng ganoon. Gusto ko ng pag-ibig na katulad ng sa parents ko. Iyong si daddy ang una at huling lalaki sa buhay ng mommy ko.”  “At sa tingin mo ay si Mr. Sungit na ang love of your life?” Mr. Sungit ang tawag ni Zoe sa lalaking nagligtas kay Frankie dahil matapos nitong mailigtas si Frankie sa muntikang kapahamakan ay sininghalan nito ang dalaga dahil daw tatanga-tanga at hindi tumitingin sa dinadaanan. Ilalagay pa daw nito sa kapahamakan hindi lang ang sariling buhay kundi ang buhay din ng iba dahil sa ginagawa nitong paglalaro sa cellphone habang nasa daan.   “Huwag mo naman siyang tawagin na Mr. Sungit. Kasalanan ko naman talaga dahil naglalaro ako ng cellphone sa daan,” pagtatangol ni Frankie sa lalaking nagligtas sa kanya.  “Ay wow. Tinamaan ka talaga sa kanya noh? Sige ikaw na… Ikaw na ang pinana ni kupido.”  Nasa ganoon silang pag-uusap ng ng marinig ni Frankie ang papalapit na mga yabag ng mommy niya. “Sige na, bye na. Si Mommy lagot ako kapag nalaman niyang gising pa ako ng ganitong oras. Kita nalang tayo bukas sa school,” paalam ni Frankie ay mabilis na pinindot ang end button. Mabilis din siyang umayos ng higa at nagkunwaring natutulog na.   Ilang sandali ay narinig naman niya ang pagbukas ng pinto sa kwarto niya at ang pagpasok ng Mommy niya. Tahimik itong lumapit sa kanya at inayon ang kumot niya sa katawan niya tapos ay hinalikan siya nito sa noo. “Always remember that mommy loves you so much,” mahinang bulong nito at naramdaman niya pa ang mahigpit na yakap nito sa kanya.  Si Frankie ay patuloy lang na nagkunwaring natutulog. Nasanay na kasi siya sa mommy niya na pinupuntahan siya nito sa kwarto niya sa gabi para maggoodnight kiss at ibubulong sa kanya na mahal na mahal siya nito.  Matapos ang ilang sandali ay lumabas narin ng kwarto ang mommy niya habang si Frankie ay tuluyan nang nakatulog.  Magmamadaling araw na ng magising siya at makaramdam ng tawag ng kalikasan kaya halos nakapikit pa ang mga mata niya habang iinot-inot na lumabas ng kwarto para pumunta ng banyo. Patapos na siyang umihi ng bigla nalang siyang nagulantang ng makarinig ng malakas na putok ng baril.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD