NAPATILI si Frankie sa gulat at takot lalo na ng mapagtanto na maaaring sa kwarto ng mga magulang nanggaling ang putok na narinig niya. Nanginginig ang mga kamay niya na itinaas niya ang panty at pajamang suot at mabilis na lumabas ng banyo at tinakbo ang kwarto ng mga magulang niya. “Mommy, Mommy, Mommy…” paulit-ulit niyang tawag sa ina habang binabayo ng kamao ang pinto ng kwarto nito. Nakalock kasi iyon at hindi siya makapasok. “Mommy, what’s happening? Please open this door!” Ang mga katulong na nagising din dahil sa putok ay agad na naglapitan kay Frankie. “Frankie, anong nangyari? Bakit may putok? Saan galing ang putok na iyon?” tanong ng pupungas-pungas pang yaya ni Frankie. Medyo may katandaan na ito dahil yaya pa ito ng Mommy niya na dinala nito nang mag-asawa at naging yaya

