It's already six p.m at nagbabadya na rin na bumuhos ang malakas na ulan.
Marami ang mga tao sa kahabaan ng Ayala Avenue ng mga oras na iyon. Lahat ay nag-mamadaling makauwi sa kani-kanilang mga tahanan pagkatapos ng mahabang araw sa trabaho at galaan. Sa mga iyon ay isa si Uela sa mga nakikipagsik-sikan at nag-aabang ng masasakyang bus na sa kamalasan ay di yata nauubusan ng pasahero.
Malayo pa ang uuwian niya.
Sa mga ganitong pagkakataon ay inaabot siya ng halos tatlong oras sa biyahe pa lamang pero heto siya at isang oras na ang lumilipas ay hindi pa rin nakakasakay ng bus. Sa tuwing may paparang bus sa kanyang harapan ay dinudumog iyon ng mga tao ngunit tanging paisa-isa lamang ang nakakasakay at kung minsan ay wala pa dahil sa sobrang kapunuan kaya parang hindi nauubusan ng tao ang pinag-aabangan niya.
She felt fatigue. After a long hour of working, she is now having another direful hour of waiting to get into a bus. Kung may dumadaan nga lang na diyep sa gawing iyon ay kanina pa sana siya sumakay pero sa kasawiang palad ay walang ruta ang mg diyipne sa bahaging iyon ng Ayala.
Bahagya niyang iniangat sa pagkaka-apak ang isang paa. Gosh, how she wishes na makauwi na siya. Hindi dahil sa nakikita niyang malapit nang pumatak ang ulan, kung hindi dahil sa natanggap niyang balita kanina lamang habang nasa opisina pa siya mula sa kanyang ina.
Tiningnan niya ang pambisig na relo. Her little prize for herself. A two toned seiko watch. Hindi iyon mamahalin pero iyon ang una niyang nabili para sa sarili niya nang magkatrabaho siya. Napangiti siya. In just a couple of hours ay makakauwi na siya at makikita na rin sa wakas ang taong pinakaaasam na masilayan ng kanyang mga mata.
Of almost half of her life na di niya ito nakita, she bet na malaki na ang nagbago dito.
She was just thirteen noong huli itong makita. Natatandaan niyang matangkad na ito noon pa pero sa ilan taong di sila nagkita ay malaki ang posibilidad na nadagdagan pa ang height nito.
She still remembers his face, his hair, eyes, and nose but what she still perfectly remembers was how his face delighted her with just his smiles.
The memory of those still remains na parang napagkit na sa isipan niya.
Paano niyang makakalimutan iyon samantalang sumisikdo ang puso niya sa tuwing naaalala ang mga pagkakataong yaon?
"Alexander!" Nahawakan niya ang tapat ng puso ng marinig iyon.
Dahan-dahan siyang pumihit para tingnan ang pinanggalingan ng boses at ang taong pinatutungkulan ng pagtawag na iyon. Noon siya parang nakahinga ng maluwag.
Nasa kabilang loading lane ang babaeng nakita niyang kumakaway sa isang kabataang lalaki na lumapit naman dito. Mga estudyante ang dalawa at parehong naka-nursing uniform.
She was relieved.
Ibinalik niya ang tingin sa mga paparating na bus pero hindi niya maitago ang ngiti sa labi. Hearing the name itself is suffocating her already, paano pa kaya kapag nagkita na sila?
Ipinilig niya ng mahina ang ulo. Nonsense.
Pumara ang isang airconditioned bus sa kanyang harapan. Puno pa din iyon at siguradong tatayo siya sa biyahe pero kung mag-hihintay siya ng maluwag ay siguradong namang gagabihin na siya ng uwi. Sa dami ng mga tao sa mga oras na iyon na lahat ay pawang nagsisipag-hintay ng masasakyan ay milagro na siguro kung may paparang kakaunti ang lamang pasahero sa kanilang harapan.
Umakyat siya sa bus ng maubos ang nagbabaan, tamang-tama din naman na pumapatak na ang mahinang ambon.
Katulad ng inaasahan ay nakatayo nga siya sa may gitnang bahagi. Dalawamg medyo may edad ng mga babae ang nasa magkabilaan niya. Mas maigi na iyon kaya mas naging komportable siya. Mabuti na nga lang din at malamig kaya kahit paano ay hindi naging ganoon kahirap para sa kanilang mga nakatayo ang tiisin ang biyahe kahit sa ganoong sitwasyon.
Nang umandar ang bus ay humawak siya ng maigi sa headrest ng upuan sa kanyang tapat. She was careful sa pagtayo niya dahil sa suot niyang palda. Nakakahiya kapag bigla siyang natumba.
Nakakailang minuto pa lamang ng andar ang bus na sinasakyan nang biglang lumakas ang ulan na kung naabutan siya ay siguradong mababasa siya kaagad. Ikinapa niya sa kanyang bag na gamit ang kaliwa niyang kamay upang apuhapin roon ang kanyang payong ngunit lumipas ang ilang sandali ay wala siyang mahawakan sa loob.
Hindi niya mahanap ang payong niya.
Napakunot siya ng noo at kinausap ang sarili. 'Bakit ngayon pa?' Alam niyang nasa bag niya lang iyon lagi at hindi niya iyon tinatanggal kahit sa gabi pagkarating niya sa bahay pero bakit sa partikular na araw na iyon ay wala ito?
Tumingin siya ulit sa labas. Mas lalo lang yatang pumapatak ang malakas na ulan.
Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba ang nega niya? Malayo pa naman ang bahay niya. Nasa Ayala pa din naman sila at maaaring wala namang ulan doon sa kanila banda. Pero kung mayroon man, siguro naman ay titila na iyon hanggang sa makarating siya sa kanila lalo at traffic naman.
Huminga siya ng malalim. Her anticipation to see him and the rain outside makes her bone chill.
Wala pa man din siyang jacket na dala.
Isa’t kalahating oras ang inabot bago siya nakaupo.
Nasa may EDSA-Quezon Avenue na sila noon at marami-rami na rin ang bumaba kaya lahat silang nakatayo ay nakaupo na rin sa wakas. Noon niya naisipang tawagan ang ina nang mapansin niyang malakas pa rin ang ulan sa labas na parang wala ng balak na tumila
"Ma, pwede po pasundo kay Dad? Dito na po ako sa Quezon Avenue. Umuulan pa din e." Bulong niya sa cellphone.
"Wala pa siya dito anak. Mas maigi kung aantayin mo nalang siya sa intersection. On the way na rin siguro yun. Tatawagan ko siya." Tukoy nito sa bababaan niya mamaya papasok sa Subdivision nila.
"Sige po, Ma. Salamat."
"Teka lang. May dala ka bang payong?"
"Wala 'Ma e. Di ko alam kung nasaan na yun."
"Naku Uela, nakalimutan mo na naman. Ang lakas pa naman ng ulan. You have your jacket with you?" Pag-aalala nito.
"Wala din po eh."
"O sige, kontakin ko ang Daddy mo. Tatawagan kita ulit. Pasok ka muna sa 7-eleven diyan sa bababaan mo at bumili ka ng mainit baka magkasakit ka."
"Okey lang ako. Sige po."
Isinilid niya ulit sa bag ang kanyang cellphone pagkatapos nilang mag-usap na mag-ina. Sa labas naman ay hindi pa rin nagbago ang lakas ng ulan na ngayon ay may kasama ng kulog at kidlat na minsan ay nagpapagulat sa kanilang mga pasahero ng bus na kinalululanan.
Humalukipkip siya dahil sa lamig na nararamdaman. Medyo manipis ang kulay asul niyang blouse bagaman at long sleeves iyon ngunit dahil lagpas tuhod na palda lang ang kanyang pambaba kaya ang labas ay mas malamig tuloy lalo ang pakiramdam niya maliban pa sa naka-full yata ang aircon ng bus kahit na malakas ang ulan sa labas.
Mga treinta minutos nalang at bababa na siya sa intersection pa-Novaliches.
The thought excites her though.
Pwede siyang maghintay ng masasakyang dyip papasok sa kanila iyon nga lang dahil sa lakas ng ulan ay siguradong madalang lamang iyon at kung mayroon man ay punuan na malamang ang mga iyon pagdaan sa kanya.
At wala siyang payong na magagamit sa paghihintay ng dyip.
Naibagsak niya ang dalawang kamay sa kanyang bag na nakapatong sa kanyang hita. Bakit ngayon pa siya minalas kung kailan nasa kanila si Alexander?
Sa isiping iyon ay nainis siya sa sarili dahil sa pag-iwan kung saan sa payong niya.
.....
Lagpas alas otso na ng marating nila ang intersection. Buhos pa rin ang ulan na may manaka-nakang kulog at kidlat na kasama.
Malapit lang sa convenience store ang tinigilan ng bus kaya naman nang makababa siya ay tinakbo niya nalang kaagad iyon bago pa siya tuluyang mabasa ng husto at pumasok sa loob.
Basa ang damit at palda niya at dama niya ang panunuot ng lamig sa kanyang buto ng maramdaman ang lamig ng aircon sa loob ng convenience store.
This must be one of her bad days.
Tinalunton niya ang kinaroroonan ng mga noodles at pumili roon.
Her mother is always right. Kailangan niya ngayon ng mainit na pagkain habang inaantay ang ama. Nang makakuha ng gusto ay dumiritso siya sa cashier para magbayad.
Isang tipid na ngiti ang ibinigay niya sa babae nang makita niyang tinalunton ng tingin nito ang basang sahig na pinanggalingan niya.
"Pasensya na ha. Nabasa ko ang sahig."
"Okey lang po Ma'am. Doon po kayo banda umupo." Turo nito sa isang bahagi ng mga upuan. "Hindi ho gaanong malamig doon."
"Sige. Salamat ha." Tumalikod siya at sinunod ang tinuro nito. Nang makaupo ay inilabas niya ang cellphone mula sa bag at noon niya lang nakita ang maraming missed calls mula sa ina.
Habang inaantay na maluto ang noodles sa harapan niya ay binalikan niya naman ng tawag ang ina. Ilang ring muna ang narinig niya bago ito sumagot sa kabilang linya.
"Ma. Nandito ako sa 7-eleven ngayon. Nakausap niyo na ba si Dad?"
"Diyos ko. Ano ka bang bata ka? Nasaan ka kanina? Ilang missed calls na ako sayo a."
"Kakababa ko lang sa bus tapos tumakbo na ako papunta dito. Ma, naulanan na ako. Saan na si Daddy?"
"Oo nga pala. Anak, nasa opisina pa daw ang Dad mo ngayon. Mas maigi kung makakahanap ka ng taxi diyan. Matatagalan pa ang ama mo."
Iginala niya ang tingin sa labas. Walang taxi sa harapan ng convenience store. Kung magta-taxi siya ay kailangan niyang lumabas para pumara niyon. Ang masama lang ay mas lalo siyang mababasa sa ulan pero wala naman siyang choice.
"Sige po, Ma."
"Mag-iingat ka anak."
Ibinalik niya sa bag ang cellphone pagka-pindot ng end button. Ang diyahe namang kumain habang basa ang damit at ang ilan sa mga customer ay nakatingin pa sa kanya.
Binilisan niya ang pagkain. There is no use in delaying it. Kailangan niyang maka-uwi kaagad.
Nang matapos ay tumayo na siya at dumako ulit sa cashier. Nagtanong siya kung may paninda ang mga itong payong pero ani ng babae ay naubos na daw. Nagpasalamat siya dito at lumabas ng convenience store.
May tatlong lalaki sa labas na katulad niya ay naghihintay din siguro ng masasakyan kaya lumakad siya sa unahan ng tatlo.
Agad niyang pinara ang unang taxi na namataan niya, iyon nga lang ay may sakay na iyon at dahil mas lalong lumakas ang upan ay bumalik siya at sumilong sa gilid ng convenience store habang kipkip ang bag.
Mabuti na lang at kahit paano ay hindi napapasok ng tubig ang kanyang bag kaya secure ang mga gamit niya. Ilang minuto pa ang lumipas bago may dumaan ulit na taxi pero katulad ng nauna ay may sakay din ito.
Nilalamig na siya ng sobra. Paano kapag wala talaga siyang masakyan? Swerte kung lagnat lang ang abutin niya.
May natanaw siyang diyep na papalapit kaya kahit patuloy sa pagbuhos ang malakas na ulan ay nagmadali siyang pumunta sa gilid ng kalsada para magpapara ngunit bahagya lamang iyong nag-menor dahil sa kapunuan. Ang mga lalaking kasama niya sa labas ang nakasakay dahil sumabit ang mga ito.
She started to panicked nang makitang wala ng tao sa labas at ang nasa loob ng 7-eleven ay tatlo nalang.
Kinawayan niya ulit ang taxing paparating pero katulad ng dalawang nauna ay may sakay din ito.
Tiningnan niya ang relo. Alas nueve kinse na ng gabi at nasa kalsada pa rin siya. Walang kasama at nilalamig pa.
Naawa siya sa kanyang sarili sa kalagayang iyon pero kapag naiisip ang taong dadatnan sa bahay nila ay bigla siyang nabubuhayan ng loob.
Heto siya at nanginginig na sa sobrang pagkabasa ng ulan at walang masakyan sa gitna ng gabi pero si Xander ang laman ng isipan niya?
Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa rin kahit isang bakanteng taxi ang dumadaan sa kinaroroonan niya. Noo’y naghalo-halo na ang frustration, takot, pagod, at ang lamig na kanyang nararamdaman.
Uminit ang mga mata niya.
Ayaw niya sanang umiyak pero kahit anong pigil niya ay tumulo pa din ang kanyang mga luha. Humalo ang mga ito sa tulo ng ulan sa mukha niya.
Ilang taxi pa ang dumaan pero wala man lang nagtangkang pumara sa harapan niya. Nanghihina siyang naupo sa gilid ng kalsada.
Isang itim na kotse ang natanaw niyang papunta sa parking lot na kinaroroonan niya kaya naman ay tumayo siya at gumilid upang makapasok lamang ito.
Hindi pa man maayos ang pagkakaparada ng sasakyan ay bumukas na ang pinto sa driver side niyon at lumabas ang isang lalaking may dalang malaking payong. Hindi siya direktang nakatingin sa mga ito pero malinaw niyang nakikita ito sa gilid ng kanyang mata dahil lagpas lang sa kanya ng kaunti ang sasakyan.
Saglit itong sumilip at may sinabi sa loob saka gumilid papunta sa kanya.
"You need help." Narinig niyang sabi nito sa may likod niya.
It's not a question but a statement.
That voice.
Lumukso ang puso niya.
Unti-unti siyang luminga sa kanyang likod and there he is. Tall, serious, and handsome.
That face.